Guillier Academy

4348 Words
*Rosallie's POV* Kinakabang nilibot ko ng tingin ang paligid ko. Nasa isang silid kami sa pinakataas na bahagi ng Golden Castle, este Administrator's building pala. Sabi ni Ms Allison ang buong palapag na ito ay para lamang daw sa Headmaster. Iniwan pa nila kami dito kanina para hintayin ito. Ito na daw ang kakausap at magpapaliwanag sa amin ng mga bagay bagay. At hihintayin nalang daw nila na ipatawag ulit sila ng Headmaster sa oras na matapos na niya kaming kausapin. Ang buong palapag ay may tatlong silid. Ang silid kung nasaan kami ay ang nasa gitna. Hindi ko na nagawang itanong kay Ms Hale kung ano ang dalawa pang silid kanina dahil umalis sila agad ng makapasok kami. Hanggang ngayon ay napapanganga pa rin ako sa itsura ng kwarto. Sobrang marangya kasi ang loob. Nasasapinan ng makapal na carpet ang buong sahig. At puno ng magagandang larawan ng ibat ibang tanawin ang mga dingding. May mga figurines na halatang mamahalin at antique. May makintab at malaking mahogany table din sa hilagang bahagi. At isang malaking watawat kung saan nakalarawan ang desenyo na nasa mga badges nila Ms Hale sa likod ng mesa. Isang ginintuang kalasag na may dalawang espadang magkacross sa likod. Limang bilog na may ibat ibang kulay. Puti, Pula, Asul, Dilaw at Berde. At sa gitna nun ay may dalawang letra. Ang G at A. May kakaibang nilalang din sa magkabilang gilid niyon. Kung hindi ako nagkakamali sa hula ko ay Griffins ang tawag dun. At ang dating hindi ko makitang nakasulat sa loob ng laso sa ilalim nito ay kitang kita ko na ngayon. GUILLIER ACADEMY ang nakasulat doon. Mas nakakaintimidate ito ngayon dahil sa laki nito. At para bang ang lakas ng prisensyang inilalabas ng mismong watawat. "Ano nang gagawin natin?"tanong ni Joie na nakapagpalingon sa akin mula sa pagiistima sa watawat. Nakaupo siya sa pinakamalapit na silya sa kaliwa ng mesa ng Headmaster. Katabi niya si Tin. Nakaupo naman ako sa upuang paharap sa kanya. Sa gawing kanan ng mesa. Katabi ko si Teresa at si Jeanine. "Oo nga. Wala man lang ba tayong gagawin?" Tanong ni Teresa. Halatang kanina pa ito nagpipigil ng galit. "Wala naman na tayong magagawa eh, andito na tayo. At saka... nakausap naman daw nila ang pamilya natin. Sana lang totoo yun..." malungkot na sagot ni Jeanine. "Wala naman silang dahilan para magsinungaling diba?. At saka hindi naman nila tayo sinaktan" Wika ni Tin. "Anong wala! Should I remind you? They drugged us! At dinala nila tayo dito against our will!" Asik ni Teresa at nakita ko ng ikuyom niya ang mga kamay niya. "Teresa." Mariing tawag ko sa kanya at hinawakan ang braso niya. Tumingin naman siya sa akin. "Tama na... Alam mong wala silang choice. Nakita mo ang nangyari. Kung hindi dahil sa kanila ay baka kung ano na ang nangyari sa atin at sa buong school." Bahagya nawala ang galit sa mukha nya at napalitan iyon ng guilt. Pumikit sya ng mariin at napabuga ng hangin. Nang idilat nya muli ang mga mata nya ay medyo kalmado na sya. Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko at nagsalita. "Hindi na natin maisasawalang bahala ang nangyayari sa atin ngayon , hindi gaya ng pagsasawalang kibo natin sa nangyari sa Cruise. Alam kong alam nyo na may kakaibang nangyari noon. Ayaw nyo lang tanggapin. Nanahimik kayo, kaya nanahimik din ako. Pero iba na ngayon. Kailangan natin ang tulong nila para makontrol ang kakaibang nangyayari sa atin. Dahil hindi naman pwede na sa tuwing magagalit ka Teresa ay magliliyab ang paligid mo. At kayong tatlo?" Tiningnan ko isa isa sila Joie,Tin at Jeanine. "Anong pwedeng mangyari sa oras na magalit kayo? Magkakabuhawi? Lilindol? o babagyo ng napakalas? Kailangan nating matutunang kontrolin ang mga yun, kung hindi.... hindi lang buhay natin ang pwedeng mawala, kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa atin. Lalong lalo na ang pamilya natin." Napayuko si Jeanine, nagiwas naman ng tingin sila Teresa at Tin, habang si Joie naman ay nasapo ang ulo niya ng dalawang kamay. Lahat sila halatang takot at kinakabahan. Nakita ko ring nangingislap ang mga mata nila dahil sa namumuong luha. Nanlulumo din akong sumandal sa upuan ko. Ang dating tahimik at simpleng pamumuhay naming lima ay nagulo na ng sobra sobra. At wala na kong makitang paraan para maibalik ang lahat sa dati. Nagulat nalang kaming lima ng may malakas na tumikhim sa gawi ng pinto. Halos sabay sabay pa kaming bumaling doon. Isang lalaki. Matangkad , matipuno ang pangangatawan at mukhang kagalang galang sa suot nyang silver na business suit. Sa tansya ko ay naglalaro sa trenta at kwarenta ang edad nito. Kulay silver ang mga mata niya at itim na itim ang buhok niya. Sinuyod nya kami ng tingin gamit ang mapanuring mga mata niya. Habang nanatili din siya sa pagkakahalukipkip niya sa gilid ng pinto. "Ms Tuazon is right. Your unstable right now. So you need our help to control those powers. We're not your enemy here, but yor ally. Let us help you ,guide you and train you to be a true elemental." Anito sa baritong boses. Nanatili lang kaming tahimik at naghintay na magpatuloy siya. Umalis naman siya sa pagkakasandal sa gilid ng pinto at naglakad papunta sa likod ng mahogany table. Naupo siya sa swivel chair at hinarap kami. Habang nakasunod lang ang mga mata naming lima sa bawat kilos niya at matiyagang naghintay. Ang presensya niya at ng watawat sa likod niya ang tila nakapagpasikip sa dating maluwag na silid. Sobrang nakakaintimidate siya pagkatabi ang simbolo ng Academy. "Good morning, Ladies. Welcome to the Academy. My name is Cross Benedict. The Headmaster of Guillier Academy." Pakilala niya sa sarili. Tinanguan lang namin sya bilang paggalang. Pero nanatili parin kaming tahimik. Walang gustong magsalita sa aming lima. Maging ako ay walang nasabi sa sobrang kaba. Ngumiti sya at tiningnan kami isa isa. "Relax. I know you have a lot of questions in mind. Feel free to ask them and I'll try to answer it all as I can." He said and gave us an encouraging smile. Medyo nawala ang kaba ko sa ngiti nya. Kaya nakuha kong makapagsalita. "Sir? Ang sabi nyo Elemental kami. Paano po nangyari yun? Ano pong ibig sabihin nun?" Tanong ko at matiim siyang tinitigan. Mukhang eager din ang mga kaibigan ko na malaman ang sagot dahil halos walang kakurap kurap ang mga mata nila sa pagkakatitig sa Headmaster. "Ahhh...... Ang totoo ,lahat ng tao ay masasabing nating elemental. Because each and everyone of us were born with a link. That link will serves as a connection to each element, and connects the power from it to our own life force. Kaya tinawag ding Source of life ang mga elemento. Dahil sa kanila nangagaling ang buhay ng isang tao. The link is also responsible why each individual has affinity towards a certain element. Ang kaso, sa ordinaryong tao, ang pinto na kung saan nagdudugtong ang life force nila at aktwal na kapangyarihan ng mga elemento ay permanenteng nakasarado. At ang maliit na butas mula sa siwang ng pinto ang syang natatanging lagusan ng kapangyarihan. Sapat lang ang lumalabas duon para manatiling buhay ang life force nila. Pero ang pinto ng mga katulad natin ay malayang nabubuksan para daluyan ng mas malakas na kapangyarihan. Kaya inadapt natin ang pangalang Elemental dahil literal nating nagagamit ang kapangyarihan ng mga elemento." Namagitan ang katahimikan sa amin ng ilang minuto. Inaabsorb kasi namin ang sinabi ng Headmaster. Kung ganun.. yun ang pinto ng kapangyarihan na nakita ko sa loob ko at ni Teresa. At ang butas na nakita ko ng masara ko ang pinto ng kapangyarihan ni Teresa ay ang siwang na nagpapanatili ng life force nya. "Pare pareho po ba ang laki ng pinto ng kapangyarihan ng bawat tao?" Tanong ko pa. "Hindi. Magkakaiba iyon. Kaya magkakaiba rin ang lakas ng bawat Elemental. The more massive your door of power is, the more powerful you are. " "Lahat po ba sa academy may kapangyarihang gaya ng sa amin?" tanong naman ni Joie. Bahagyang kumunot ang noo ni Headmaster. Halatang pinagiisipan nya kung paano mas maiipapaliwanag sa amin ang sagot. "I don't think so. Gaya nga ng sabi ko. Iba iba ang laki ng pinto ng kapangyarihan ng bawat isa. Kaya iba iba rin ang lakas nila. May pagkakataong malaki lang ng bahagya ang pinto ng kapangyarihan ng isang elemental kesa sa normal na tao, sapat lang iyon para maenhance ang abilidad nya, o magtaglay sya ng kakayahang may kinalaman sa elemento nya. SPECIAL ABILITIES ang tawag dun. At may pagkakataon naman na sapat ang laki ng pinto ng kapangyarihan para magtaglay ka ng Special Ability at magawa mo ring makontrol ang mismong Elemento. Iilan lang ang nakakagawa nun." "Iilan lang ang nakakakontrol sa mga Elemento?" Takang tanong ko. Tumutok sa akin ang mga abuhing mata nya ." Oo. Iilan lang. Ang iba sapat lang para paihipin ang hangin sa direksyong nais nya, pagalawin ang bato sa kinalalagyan nya o ang magpalabas ng apot sa mga palad nya. May pangilan ngilan na di hamak na mas malakas pa ang nagagawa. Pero mas kailangan nila ng tulong para makontrol ang ganung klase ng kapangyarihan." "Kung ganun matutulungan nyo kaming matutunan yun ? Ang pagkontrol sa kapangyarihan namin?" Tanong ni Teresa. "Oo, matututunan nyo dito ang control na kailangan nyo, kasama ng paghasa sa Special Abilities nyo at paggamit ng element force nyo---" "Element force?" Tanong ni Tin na nakapagpahinto kay Headmaster. "Sorry po..." biglang paumanhin nya sa pagsabat nya. "It's ok, Miss Borromeo. And yes, Element force. Hindi man lahat tayo ay may kakayanang kontrolin ang pisikal na elementong nakapalibot satin, ay kaya naman nating gumamit lahat ng Element force. We're just going to use the link and harness a great deal of power from it, then project it outside your body and use it as a weapon." Lahat kami naamazed sa sinabi nya. Ang dami pala naming magagawa sa kapangyarihan namin. Magkahalong excitement at takot tuloy ang nararamdaman ko. At ang dami palang dapat matutunan para masabing ganap na ang control namin sa kapangyarihan namin. Kaya mukhang matatagalan nga talaga kami dito sa Academy. "And of course... aside controling your powers and abilities, kailangan nyo rin matutunan ang paggamit ng Spirit Weapon nyo." Pagpapatuloy ni Headmaster. "Spirit Weapon?" Tanong ko. Weapon? As in sandata? Armas? "Yes... Spirit weapon. Bawat isang Elemental ay may tinatawag na Element Spirit. Tinatawag din silang Spirit Guide dahil sila ang tutulong sayo sa pagaccess at pagcontrol ng power element nyo. May kakayahan din silang maging isang uri ng sandatang babagay sayo. Spirit Weapon ang tawag dun. Pagpinagsama kayo at ang Spirit weapon nyo ay mas malakas na Element Force ang malalabas ninyo." "Whoa...." usal ni Tin. Napanganga naman kaming apat. Element Spirit.... yun kaya yung mga nilalang sa loob ng bolang nakikita ko pag ginagamit ng kahit sino sa amin ang kapangyarihan namin? Hmmm.... Malamang....... "Pero wala naman kaming nakikitang ganun? Meron ba?" Tanong ni Teresa sa aming apat. Nagiwas ako ng tingin sa kanila at tiningnan ang Headmaster. Pero laking gulat ko ng diretso syang nakatingin sa akin. Para ding nanunukat ang mga mata nya sa pagkakatitig sa akin. "Wala nga ba?" Tanong nya sa amin. Ngunit parang mas direkta ang tanong nya sa akin. Hindi nya kasi ako hiniwalay ng tingin habang tinatanong nya kami. A shiver run to my body. Kung ganun.... ako palang talaga ang nakakakita nun saming lima. Bakit kaya? Hindi ako sumagot sa tanong ni Headmaster at tahimik lang din ang mga kaibigan ko. Maya maya ay inalis niya ang tingin niya sa akin at marahang umiling. Mukha rin syang disappointed sa pananahimik ko. Bakit? Anong gusto nyang gawin ko? Ang sabihin ang totoo at magmukhang kakaiba sa mga kaibigan ko? Kakaiba na nga kaming lima sa normal na tao, pati ba naman sa kanila maiiba pa ko? Eh saan na ko lulugar nun? "Hindi nyo pa talaga dapat nakikita ang Element Spirit nyo. Dadaan muna kayo sa isang espesyal na pagsusulit para magising sila at makita nyo. Pero hindi ko na muna sasabihin ang tungkol sa pagsusulit na yon. Ang mga Professor nyo ang magsasabi at magpapaliwanag nun sa inyo sa oras na magsimula na kayo dito sa Academy." Paliwanag ni Headmaster. Nagtanguan naman kaming lima. "Now. Sasabihin ko naman sa inyo ang ilang patungkol sa Academy. Gaya ng nakita nyo ng papunta kayo dito. Ang City Proper ay nasa timog na bahagi ng Academy. Tuwing weekends lang kayo pwedeng pumunta dun. Pinagbabawal ang pagpunta dun ng weekdays maliban kung may clearance kayo galing sa mga Professors nyo. Ang kastilo namang ito ang Administrator building. Nandito ang opisina ng mga Head of Classes at Head of Houses. Sa kanila ang mga silid sa fifth floor. Ganun din, of course, ang opisina ko na nasa sixth floor. Pero ang mga silid sa first, second and third ay nagsisilbing classroom para sa lessons ng mixed classes. At nasa fourth floor ang great library, at laboratories para sa lahat ng estudyante." Mixed classes... yun ang sinabi kanina ni Ms Hale. "And the two buildings on both sides of the Academy are The Houses. The white one is The House of Lumiere, and the black one is The House of Nacht....." Palakas ng palakas ang kabang nararamdaman ko. Pasasaan ba at pagnatapos sya sa pagpapaliwanag ay sasabihin na nya sa amin ang magiging kapalaran namin sa Academy. "......Your dorms are behind your Houses. Hahayaan ko na ang Head of House nyo para magpaliwanag sa rules and regulations na dapat nyong sundin. Now, for the two type of classes. The one is based on your element. And the one is based on your weapon. Again hahayaan ko na ang mga Head nun para magpaliwanag sa inyo. Dahil masyadong nakakalito kung ipapaliwanag ko yun ngayon." Tama nga si Head Master. Nag i-information overload na ang utak ko sa dami kong nalaman ngayong araw. Parang hindi ko na kaya.... Elementals, Element Force, Element Spirit, Spirit Weapon, The two Houses.. The type of Classes, the element based and weapon based.... ayayay..... sakit sa ulo.... "... I think you already have an idea which element class you belong." Sabi ni Headmaster at isa isa kaming tiningnan. "Ms Miller, you're in Air class. Ms Borromeo, in Earth class, Ms Castillo, in Water class, Ms. Alcayde, in Fire class. At Ms Tuazon, you're in Aether class." "A-ather?" Ano yun? Diba four lang ang elements? "Aether is the fifth element. It represent the void. The space. And for some people it represent the spirits. The Soul." Ahhh.... ganun pala.. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Kung ganun nga... wala ni isa samin ang may kaparehong elemento. Lahat kami magkakaiba. "And now... for your Houses." My heart skipped a beat. Then my heartrate accelerated. Alam ko kung saan na patungo ang sinasabi nya. Napalingon kaming lahat sa pinto ng may kumatok. Bumukas iyon at pumasok ang dalawang lalaking may suot ng Puti at Itim na damit katulad ng sa Headmaster. Matatangkad din ang mga ito . Matitipuno ang katawan at mukhang kagalang galang. Pero mas bata ang mga ito ng ilang taon kesa sa Headmaster. Nakaintimidate din ang dating nila. Naglakad sila at tumayo ilang hakbang mula kay Jeanine at hinarap si Headmaster. "Headmaster" sabi nila at bahagyang yumuko. Tumango si Headmaster at umayos ng tayo ang dalawa. "Ladies, This are Matt Daniels, Head of the House of Lumiere and Jason Pierce, Head of the House of Nacht. Sila ang magiging Head of House nyo." Pakilala ni Headmaster sa dalawa. Si Mr Daniels ang naka puti. May blue eyes sya at blond hair. Samantalang si Mr. Pierce ang naka itim. May black eyes siya at dark hair din. "Gentleman, if you please......" iminuwestra kami ni Headmaster gamit ang kamay nya. The two man surveyed us from head to toe. Palipat lipat ang tingin nila sa aming lima. Halos mapigil ko rin ang hininga ko sa sobrang kaba. Maya maya ay natapos na ang panunuri nila sa amin. Pagkatapos ay tumingin sila kay Headmaster at nagsalita. "Ms Tuazon, Ms Alcayde and Ms Borromeo belong to my House." sabi ni Mr. Daniels. "The rest is mine" simpleng sabi naman ni Mr. Pierce na nakapagpapikit sa akin. Para akong maiiyak. Nagkatotoo nga ang kinakatakot ko. Maghihiwa-hiwalay kami. "Teka! Paghihiwalayin nyo kami?" Gulat na sabi ni Teresa. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong matalim ang pagkakatingin nya kay Headmaster. Ang iba naman ay halos namumutla. Sa takot... sa kaba.... o pareho. "Yes Ms Alcayde. Dahil yun ang dapat. Magtiwala ka. Mas makakatulong ang House ninyo sa pagkakaroon nyo ng absolute control sa kapangyarihan nyo." Mahinahong paliwanag ni Headmaster. "P-pero...... " para na ring maiiyak si Teresa. Bahagya ring nanginginig ang mga labi nya. "Ayoko!" Sigaw niya maya maya kasabay ng pagiiba ng temperatura sa silid. Mukhang nagsusumula na naman sya. Hahawakan ko na sana siya ng makaramdam ako ng kung anong pwersa mula kay Mr. Daniels. Halos mapasinghap rin ko ng maramdaman kong bumalot iyon sa katawan ni Teresa. Bigla akong nakaramdam ng takot para sa kanya. "Relax, Ms Alcayde." Mahina ngunit mariing utos ni Mr Daniels. Naramdaman kong unti unting sumisikip ang bumabalot kay Teresa. At para bang pumapasok iyon sa kanya. Nataranta ko. Baka i-suffocate nun si Teresa! Hindi ko pa naman alam ang kapangyarihan ni Mr. Daniels. Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Basta ang alam ko, gusto kong alisin ang bumabalot na yun kay Teresa at protektahan sya. Naramdaman kong may lumabas sa katawan kong invisible force at itinulak nun ang kung ano mang bumabalot sa kanya. Gulat na napabaling sa akin si Mr Daniels. Mukhang nabigla siya sa ginawa ko. Napatingin din sila Mr Pierce at si Headmaster sa akin. Bahagyang nakakunot ang mga noo nila at naging alerto ang mga katawan nila. Sinubukan kong balutin din ng invinsible force na nangagaling sakin ang tatlo ko pang kaibigan. Hirap man pero nagawa ko naman silang protektahan lahat. Mahirap na. Baka sila naman ang gawan nila ng kung ano. "I'm not trying to harm her. Or any of them. I'm just trying to calm her." Paliwanag ni Mr Daniels at kalmadong sinalubong ang tingin ko. Nagpapalit palit naman ang nagtatakang tingin ng mga kaibigan ko sa amin. Naningkit ang mga mata ko ng maramdaman ko pa rin ang kapangyarihan nya sa labas ng parang shield na ginawa ko. Medyo sumisikip na din ang dibdib ko at parang unti unting bumibigat ang pakiramdam ko. "B-back off" sabi ko. Medyo gumaralgal na rin ang boses ko. Parang nahihirapan na kasi ako sa pagpapanatili ng bumabalot sa amin. Unti unti kong nararamdamang lumiliit iyon at bumabalik sa katawan ko. Sandali nya kong pinakatitigan at nakita ko ng sumilip ang pagaalala sa mga mata niya. "Okay." Sabi nya at itinaas pa ang mga kamay na animo sumusuko. Naramdaman ko ang pagkawala ng kapangyarihan nya. Pero naghintay pa ko ng ilang segundo bago binawi ang kapangyarihan ko pabalik sa katawan ko. Para yung goma na biglang bumalik sa normal. At halos nanghihina at hinihingal na napasandal ako sa upuan ko. Bumaling naman sakin si Teresa at nag-alala sa itsura ko. "Rosallie? Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya at matalim na tiningnan si Mr. Daniels. "Anong ginawa mo sa kanya?" Nakita ko ring galit na tumingin ang mga kaibigan ko sa tatlong lalaki sa loob ng silid. "Wala syang ginawa sakin Teresa. Huminahon ka." Hinihingal na sabi ko. "Pero... tingnan mo ang nangyari sayo! Imposibleng walang dahilan dyan. Sa kanya ka lang naman nakatingin kanina! Kaya siguradong may kinalaman sya!" Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. "Ayos lang ako. Wag kang magalala. Na...napagod lang ako." Sabi ko at pilit akong ngumiti. Nagdududa at nagaalala parin syang nakatingin sakin. "Are you hurt Rosallie?" Tanong ni Headmaster. Seryosong nakatingin sya sakin. He looked at me disapprovingly. "No sir. Im sorry..." paumanhin ko. Parang may ginawa nanaman kasi akong mali. "For the sake of the four of you, I'll tell you what happen a while ago." Seryong binalingan ni Headmaster ang mga kaibigan ko. Halatang di nya talaga nagustuhan ang ginawa ko. Lalo tuloy akong nanlumo. "Nang magalit ka Ms Alcayde ay nakita naming tatlo na nagsisimula ka nanamang mawalan ng kontrol sa kapangyarihan mo. Uunti unti iyong lumalabas sa katawan mo. Kaya sinubukan ni Mr. Daniels na pakalmahin ka gamit ang kapangyarihan nya. At naramdaman yun ni Ms Tuazon. At dahil untrained kayo at walang kaalam alam kung paano ididistinguish whether good or bad ang kapangyarihan nasa harap ninyo, ay sinubukan nyang protektahan kayo. To the point na hindi na kayanin ng katawan nya ang maling paggamit ng kapangyarihan nya. And you.." binalingan nya ko. Nagaakusa ang tingin niya sa akin. "Do you want to die? Alam mong nahihirapan na ang katawan mo. Pero hindi mo parin pinigil ang kapangyarihan mo. Anong mangyayari kung hindi inalis ni Mr Daniels ang kapangyarihan nya? Ipagpapatuloy mo ang paggamit ng kapangyarihan mo? Hanggang kelan? Hanggang sa sumuko ang puso mo at tumigil yon sa pagtibok? " Napasinghap ang mga kaibigan ko sa sinabi ng Headmaster. Nanlalaki ang mata nila ng tumingin sa akin. "You need to strengthen your body to hold your power. And you need to control your power to stop it from destroying your body. It's the way of nature. You need to synchronized your body to the flow of your power. At yun ang kailangan nyong matutunan. Kaya kung kailangan maghiwahiwalay kayo para magawa ang mga sinabi ko, then so be it. I don't need your tantrums. Grow up. Wala na kayo sa ordinaryong mundo.Here, you need to do everything to survive. At kung uunahin nyo ang tantrums nyo... then two to three months from now... your body will die, dahil hindi na nun magagawang sumabay sa paglakas ng kapangyarihang meron kayo." After that, He took a deep breath and leaned back on his chair. Ramdam naming lahat ang galit nya. The tension inside the room thickened. May ilang minuto din namagitan ang katahimikan sa silid. Walang sino man samin ang gustong bumasag nun. Maya maya ay nagsalita ulit ang Headmaster. "Do you all understand what I'm saying? " he asked coldly. Yari! Kabago bago namin.. ginalit na agad namin ang Headmaster.... patay..... "Yes sir" sabay sabay naming sabi. Bagsak ang mga balikat namin. "Then are you going to accept your Houses?" "Yes sir" sagot ulit namin. "Good. Mr. Daniels, Mr Pierce, kayo na bahala sa kanila. Ipaliwanag nyo sa kanila ng mabuti ang rules and regulations ng Academy. May tanong pa ba kayo?" Umiling kaming lima. "Then, off you go. Silang dalawa na ang bahala sa inyo. And Matt... ipatingin mo muna si Rosallie kay Allison. Make sure she's fine before touring her at the Academy." "Yes Headmaster. "Sagot ni Mr.Daniels. Tahimik lang kami. Hindi rin namin tinitingnan ang Headmaster sa mata. Nakakatakot kasi sya magalit. "This way ladies." Sabi ni Mr. Daniels at iminuwestra ang pinto. Tumayo kami at isa isang tinungo ang pinto. Halatang gustong gusto na namin umalis ng silid. Ang bibilis kasi ng lakad namin. Ako ang nasa hulihan naming lima. Nasa likod ko naman sila Mr. Daniels at Mr. Pierce. Ng makalabas na ang mga kasama ko ay biglang akong huminto sa harap ng pinto. Napahinto rin bigla sila Mr Daniel at Mr Pierce sa likod ko. Lumingon ako sa kanila. Nakaharang kasi sila sa harap ko kaya di ko makita ang Headmaster. Nakataas ang kilay nila ng tumingin sila sa akin. "Headmaster?" Nananantyang tawag ko. Humakbang sa magkabilang gilid sila Mr Daniels at Mr Pierce. Binigyan nila ako ng space para makita ang Headmaster na nakupo pa din sa swivel chair nya. "Yes Rosallie?"malamig pa rin ang boses nya. Wala namang emosyon ang mukha nya. "Ang sabi mo po, natural na may link ang bawat tao pagkasilang palang. Tama po ba?" "Oo." He answered with a slight frown. Nagtatakang tiningan din ako ng dalawang Head of House. "Posible.... posible po bang isilang ka na walang link sa element? I mean... parang putol ang link mo?" Nag-aalangan na tanong ko. He considered me for a moment. His slight frown earlier become prominent as he looked at me. "No... it's impossible. As I told you earlier, It's your source of life. Kaya pag putol ang link mo ay nangangahulugang putol din ang koneksyon mo sa source of life. Your life force will extinguished and you have nothing to refresh it. Wala kang pagkukuhanan ng enerhiyang bubuhay sayo." Ganun? Eh bakit...... Naalala ko ang unang beses na gamitin ko ang kapangyarihang meron ako. Ang unang beses na narinig ko ang nilalang sa loob ko. Na malamang ay ang Element Spirit ko. Pinahanap pa nya sa loob ko ang link. At putol yun! Ako pa mismo ang umabot dun para malink sa life force ko ang link na yun. Kaya bakit sinasabi nilang impossible yun? Hindi daw kami mabubuhay pagputol yun? Eh buhay naman ako for sixteen years ng hindi yun nakakabit sa akin ah..... three months palang ng ilink ko yun sa sarili ko. Kaya kung imposibleng mabuhay ng wala yun? Anong tawag sakin? Buhay na patay? O patay na buhay? Hala ka! Zombie!..... di naman siguro. At ang mga kaibigan ko? Ganun din kaya ang link nila? "Headmaster...." "Yes?" "Nageexist din po ba ang mga zombie?" Inosenteng tanong ko. Aba... eh kung ang sinasabi nya ang totoo, eh di parang ganun nga ako! Napaubo ang dalawang Head of House sa tabi ko. Halatang pinipigil nila ang matawa sa tinanong ko. Hmmp! Hindi kaya ako nagpapatawa! Seryosong usapan to! Aissshhhhhh! Nawala naman ang pagkakakunot ng noo ni Headmaster. Pero nanatiling walang emosyon ang mukha nya. "No, Rosallie. Walang zombie. At bago mo pa maisipang itanong, ganun din ang vampire, werewolf, mermaids,elf at kung ano ano pang nilalang na nababasa mo sa mundo mo dati." Naman! Akala ba nya nagbibiro lang ako? Bahala na nga! Basta! Ang alam ko buhay ako. Mula ng isilang ako hanggang ngayon, putol man o hindi ang link ko. Tumango tango ako at yumuko sa gawi nya bilang pamamaalam. Tumango naman si Headmaster kaya humarap na ko muli sa pinto at naglakad na palabas ng silid. ___________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD