*Rosallie's POV*
Inaatok na iminulat ko ang mga mata ko at pilit nilabanan ang kadilimang humihila sa akin sa malalim na pagtulog. Kinusot kusot ko din ang mga iyon at dahan dahang iminulat para magadjust sa liwanag.
Bumungad sakin ang bubong ng isang sasakyan at nararamdaman ko rin ang pagandar niyon.
Teka! Sasakyan? Anong....
Nawala ang antok ko at nanigas ang katawan ko ng marealize kong nakahiga ako sa backseat.
Maingat kong ibinaling ang ulo ko paharap sa driver seat. Iyon kasi ang nasa line of vision ko. Kaya nakikita ko ang nakaupo doon. Di gaya ng passenger seat na nasa harap ng ulo ko. Kaya di ko makita ang taong naroon.
Lalaki ang may hawak ng manibela. Nakasuot siya ng itim at pormal na damit. At hindi ko rin siya kilala!
Kidnaper?!! Nahintakutang sigaw ko sa isip.
Kinakaban at dahan dahan kong itinaas ang ulo ko para sumilip sa bintana. Baka pamilyar pa sakin kung nasan kami. Di pa siguro kami nakakalayo sa school namin at baka makahanap pa ko ng tyempo para makatakas.
Gaano na ba kami katagal bumabyahe?! At.... Ilang minuto na ba kong walang malay?!
"Gising ka na pala" sabi ng nasa passenger seat. Napatigil ako sa pag galaw, at maging ang paghininga ko ay natigil din.
Paano nya nalamang gising na ko? Di pa nga ako halos gumagalaw ah! Ulo ko palang ang iginagaw ko. At natatakpan ng upuan nya ang ulo ko. Kaya alam kong hindi nya ko nakitang kumilos. At ang boses nya.... pamilyar. Saan ko nga ba narinig yun?
Medyo lutang pa kasi ang utak ko. Kaya mabagal ang pagproseso ng isip ko. Ng maalala ko ang boses ay marahas akong bumangon at tumingin sa babaeng nasa passenger seat.
Oo. Babae. Walang iba kundi si Ms. Hale.
Nakatingin siya sa akin gamit ang rearview mirror.
Nakita ko ring saglit akong tinapunan ng tingin ng lalaki sa driver seat bago nya itinutok ulit sa daan ang mga mata nya at tahimik na nagmaneho.
Panong....?
Natigil ako sa pagiisip ng unti unting bumalik sa akin ang mga naganap kanina.....
Ang pag-aasaran naming lima sa hallway ng school.
Ang pagrereview namin sa exam.
Ang pagpunta namin sa Principal's Office.
Ang Scholarship.
Ang nangyari kay Teresa.
At ang...... ginawa ko......
Kasabay ng mga alaala ay ang unti unting pagsibol ng kaba sa dibdib ko. Halos tumigil din ang t***k ng pusok ko sa takot ng maalala ang huling ginawa ko.
Bumilis ang paghinga ko at sumikip ang dibdib ko.
"She's in shock" narinig kong sabi ng lalaki sa driver seat.
Pumihit paharap sakin si Ms. Hale.
"Calm down, Rosallie." Pagpapakalma niya sa akin. "Take a deep breath" marahang utos pa nya.
Naramdaman kong may bumalot sa katawan ko. At parang biglang kumapal ang hanging nakapaikot sa akin.
I glared at her. Alam kong sya ang may gawa nun. Ginagamitan nya ko ng kung anumang kapangyarihan meron sya.
Gosh! Nababaliw na talaga ko! Kapangyarihan? Seriously?!
Isip isip ko habang parang di makapaniwalang nakatingin naman siya sakin at umiling.
"I'm just trying to calm you. Relax" utos nya.
Ayaw ko mang sundin ang kahit anong sabihin nya ay wala naman akong magawa kundi gawin narin ang utos nya.
Nahihirapan na kasi talaga akong huminga. At nagdidilim na rin ang paningin ko dahil sa kakulangan ng hangin.
Huminga ako ng malalim gaya ng utos niya. At parang naabsorb sa loob ng katawan ko ang makapal na hanging nakabalot sa akin.
Nirelax nito ang mga muscle ko at inexpand ang baga ko.
Nakahinga ako ng maluwag at luminaw ang paningin ko.
Nahahapong sumandal ako sa backseat ng sasakyan at tiningnan pareho ang dalawang nasa harap ko.
"Interesting." Sabi ng lalaki sa driver seat.
"You have no idea" naiiling na bumaling si Ms Hale sa harapan ng sasakyan.
"And she's untrained?" Tanong pa ng lalaki.
Bumuntong hininga si Ms hale bago sumagot. "Yes."
Kunot noong tiningnan ako ng lalaki sa rearview mirror. His green eyes were curious as he considered me for a moment. Then he shifted his gaze on the road again.
"Where are we? Saan nyo ko dadalhin?" Tanong ko ng medyo lumakas lakas ang pakiramdam ko.
"We're in our way to Guillier Academy." Simpleng sagot ni Ms Hale.
"What?!" Sigaw ko at tiningnan siya sa rearview mirror. "You said that we still have two days to prepare before moving there."
Sinalubong niya ang tingin ko sa salamin.
"That is before you two lost control and almost killed everyone in your school." Sabi nya ng di ako hinihiwalayan ng tingin.
I fliched at her words. She's right. I almost killed everyone.
Ano ba kasi ang iniisip ko at inakala kong makakaya kong pigilin ang ganong kapangyarihan.
Pero anong gagawin ko? Pabayaan si Teresa? Hayaan syang mamatay?
Bamalong ang luha sa mga mata ko at mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya.
Pero bago pa ko makabaling sa iba ay nahagip ng mata ko ang paglambot ng mukha ni Ms. Hale.
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan. At pilit pinipigilan ang pagiyak ko.
"I'm sorry. " narinig kong paumanhin nya.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa bintana. Puro puno lang din ang nakita ko. Nasa bandang gubat ata kami eh.
Namagitan samin ang katahimikan.
"Pano ang parents ko? Mag-aalala sila sakin pag di ako umuwe." Sabi ko at tiningnan ulit sya.
Nag-aalala ako sa magiging reaksyon ng mga magulang ko sa pagkawala ko. Baka labis silang mag-alala sa akin at kung ano nalang ang mangyari sa kanila.
Hindi ko kakayanin pag may nangyari sa parents ko ng dahil sakin.
"We already called them. Alam na nila ang nangyari. At naipaliwanag na sa kanila ang sitwasyon mo." Sagot niya.
"And their reaction?" Pabulong kong tanong.
Narinig pa rin naman ni Ms Hale ang tanong ko at sinagot.
"Of course. They become hysterical at first. Specially your mother--- "
Oooookay....Very not reassuring to say.
Nanlamig ang katawan ko at nanigas ako sa pagkakaupo.
"-- You're their only child. Kaya ayaw nilang mapahiwalay ka sa kanila. But eventually naunawaan nila ang sitwasyon. Lalo na ang father mo. Nauna nyang naintindihan ang sitwasyon mo kesa sa mother mo." Pagpapatuloy nya.
Huminga ako ng malalim at sinubukang magrelax.
"Ang papa ko? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.
Ganun ba kadali kay papa na matanggap ang pagkawala ko?
Aish! Ano bang iniisip ko? Bakit? Ano bang gusto kong maging reaksyon nya? Ang magwala? Ang magdemand na ibalik ako?
Pero sana di sya ganun kabilis na sumuko sakin.
Bumagsak ang mga balikat ko sa panlulumo. Napayuko din ako.
"Your father...." huminto siya sa pagsasalita at nagbuntong hininga. "I'm sorry. Hindi ko pwedeng sabihin. But don't worry. Maiintindihan mo rin ang lahat pagdating natin sa Academy. For now... try to relax."
"Gaano na ko katagal nawalan ng malay?" Tanong ko at binalewala ang huling sinabi nya.
Ang pagkakatanda ko after lunch ng ipatawag kami sa Principal's Office. Pero sa nakikita kong posisyon ng araw at sa manipis na hamog sa labas ng bintana ay halatang umaga ngayon.
Hindi sumagot si Ms Hale kaya bumaling ako sa kanya. Saktong nakita kong nagpalitan sila ng makahulugang tingin ng lalaki sa driver seat.
Nagdududang tumingin ako sa kanya.
"Almost twenty hours" nagaalingang sagot nya.
"Twenty?!" Gulat kong sabi.
Ganun ba katagal pagnawalan ng malay ang isang tao? Halos isang araw? Hindi naman ah... maliban nalang kung......
Kinabahan ako sa naiisip ko.
"Nasaan ang mga kaibigan ko?" Mariing tanong ko. Dapat ay kanina ko pa sila tinanong. Pero sa dami ng prinoproseso ng utak ko ay nakalimutan ko ang tungkol sa kanila.
Nakaramdam ako ng matinding guilt.
"Relax. Nasa kasunod na sasakyan lang sila." Sagot ni Ms Hale.
Lumingon ako sa likod ng sasakyan. Sure enough, may apat na sasakyang nakasunod samin.
Apat...
Kung isasama ang sasakyan namin...
Lima lahat.
At lima din kaming magkakaibigan.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Ms Hale.
"Kailangan ba talagang paghiwa-hiwalayin kami?" Tanong ko.
"Oo. Nakita mo naman ang nangyari pag magkakasama kayo diba? We can't afford to have another incident like that." Sagot nya.
"At paano mo naman sila napapakalma hanggang ngayon?" Puno ng pagdududa kong tanong sa kanya.
She hesitated for a moment before answering me.
"We drugged you" simpleng sagot nya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Drugged us?!" Sigaw ko.
No wonder wala pang nangyayaring hindi maganda gaya nalang ng pagliyab ng isang sasakyan sa likod. Tulog pa kasi ang mga kasama ko. Pati si Teresa.
Pag nagising kasi sya ay siguradong magagalit sya sa biglaang pagpunta namin ng Academy. Lalo na at hindi nya nakita ang pamilya nya sa huling pagkakataon.
Hindi naman sa hindi na kami uuwe.... pero siguradong matatagalan pa bago ulit namin makita ang pamilya namin.
At sa oras na malaman yun ni Teresa pag nagising sya, siguradong magagalit sya at.....
I shivered.
Napansin naman iyon ni Ms Hale at nagsalita.
"I see that you understand the reason why we did that." Seryoso syang nakatingin sa akin." Your friend is unstable. All of you actually. Kaya kailangan namin kayong paghiwa-hiwalayin."
"Pero gising na ko. Kung hindi pa sila gising ngyon, siguradong magigising na sila ano mang oras mula ngyon." Sabi ko.
"Ikaw? Oo. Ang mga kasama mo? Hindi."
Naguluhan ako sa sinabi nya.
"Malamang na ikaw at sabihin na nating ganun din si Ms Castillo ang gising palang. Pero ang tatlo pa, ay mananatiling natutulog hanggat wala tayo sa Academy. Mukha namang hindi ka gagawa ng kahit anong g**o. Ganun din Ms Castillo. Kaya hahayaan nalang namin kayong gising. Malapit narin naman tayo. " Paliwanag pa nya.
"Bakit kaming dalawa lang ni Jeanine? " tanong ko "Mas malakas ba na pampatulog ang ginamit niyo sa tatlo?"
Biglang natawa ng marahan si Ms. Hale at pati narin ang Driver namin. They looked amused.
"Do you have an idea how many times we drugged you with the same d**g and the same dosage that we used to your friend, Rosallie? Tanong nya. Ito ang kaunaunahang pagbanggit nya sa pangalan ko.
Ano to? First name basis na kami? Close na agad? Eh kinidnap kaya nila ko?!
I scowled at them.
They smiled at me.
Then... nagsink in sa utak ko ang tanong nila.
Napahugot ako ng hininga.
Wait!
How many times daw? ibig bang sabihin di lang isang beses?
Ilan?!....Dalawa?....... Tatlo?
Holy ---!
"How many?" Mabilis na tanong ko.
"For the last twenty hours... I think.... we did it.... four times." Paputol putol at nakangiti nyang sabi habang tinitingnan ang reaksyon ko.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Narinig ko mamang tumawa ang driver namin.
"Nope. The last one... was the fifth. " natatawa nitong pagtatama kay Ms Hale.
Fifth? As in......
Five......
......times?
Holy crap! Are they trying to kill me?!!!
"Are you trying to kill me?!!!" I said out loud. At hindi makapaniwala ko silang tinitigan.
Ano to? Di lang kidnapper? Murderer na din? Abat! Balak pa ata akong patayin sa overdose!
"No we're not." Sagot ni Ms. Hale at pinigilang matawa. Tumikhim sya at pumihit paharap sakin.
"Let just say... that you and Miss Castillo are the least susceptible to any drugs. That is why we need to do it every now and then. You have the abilitiy to...." huminto sya sa pagsasalita at halatang ikinokonsider kung magpapatuloy o hindi. "...Purify." sa wakas ay sabi nya. Umayos sya ng pagkakaupo at tahimik na tumingin sa harapan.
Tumahimik din ang driver namin. At nabalot ulit kami ng katahimikan.
Lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Nahihilo na ko sa dami ng mga bagay na pilit kong iniintindi.
Pumikit ako at hinilot hilot ang sentido ko.
"Tell me Rosallie. Sino sa tingin mo sa mga kaibigan mo ang nakasakay sa bawat sasakyang nasa likuran natin?" Basag ni Miss Hale sa katahimikan.
Dumilat ako at kunot noong tiningnsn sya.
"Bakit?" Nagdududang tanong ko.
Balewalang nagkibit balikat lang sya at tiningnan ako sa rearview mirror.
Paminsan minsan ay tumitingin din sa akin ang driver mula sa salamin ng sasakyan.
They looked serious kaya kahit naguguluhan ako ay sinagot ko ang tanong nya.
Nilingon ko ang mga sasakyang nakabuntot samin. Nang dumaan kami sa pakurbang kalsada ay nakita ko ang kulay ng mga sasakyan. Halos wala na ang hamog sa labas kaya mas kita ko na sila.
Tatlo dun, kulay itim. At isa ang puti.
Wala bang ibang kulay na alam ang mga to?
Umayos ako ng upo at tiningnan ang rearview mirror. Nakatutok parin sakin ang mga mata Ms. Hale, at seryoso niyang hinihintay ang sagot ko. Halatang curious din ang driver.
Tutal wala naman akong kaidi-idea kung sino ang nasa anong sasakyan. Eh sinabi ko ang mga pangalang sunod sunod na lumabas sa isip ko.
"Teresa, Joie, Christine at Jeanine" sagot ko.
Naningkit ang mga mata ni Ms Hale. "Are you sure? O nanghula ka lang.?" Nakakunot noong tanong pa nya.
"I dont know." Walang ganang sagot ko at nagkibit balikat. "Siguro"
"Damn. " narinig kong usal ng driver. Iiling iling syang tumingin sa daan.
Nakita ko naman na napalunok si Ms. Hale bago itinuon ang pansin sa harapan.
Ooooookay ...
Weird.....
Ang weired nila. Period.
Magtatanong.... tapos pagsinagot ganun ang reaksyon?
Napabuntong hininga ako at sumandal sa backseat.
Bahala na nga ang mga ito. Matutulog nalang muna ako.
Medyo nanghihina pa ang katawan ko eh.
I need to regain my strenght. Para sa oras na makarating kami sa Guillier Academy ay may lakas akong harapin ang ano mang sasalubong sa amin.
I close my eyes. At hinayaan kong hatakin ulit ako ng antok.
----------------------------------------
*Allison Hale's POV*
Tumingin ulit ako sa Rearview mirror at tiningnan si Rosallie. Nakapikit na ang mga mata nya at nakasandal sa upuan. Mukhang malalim na ulit ang tulog nya.
Nahihiwagaan talaga ako sa kanya. Kanina lang, ng gamitan ko sya ng kapangyarihan ko para pakalmahin sya ay nagawa nyang maramdaman iyon. Bagay na hindi naman nya dapat nagagawa. Lalo na at untrained sya. Ang mga nasa level nga nila Christoffe at Daemon na alumni na ng Academy ay hindi magawang maramdaman ang kapangyarihan kong iyon. Kaya panong naramdaman nya yun?
Sino ba sya?
At ang simbolong nakita ko sa noo nya.... ngayon ko lang nakita yun. Wala ni sino man sa Academy ang may ganun.
"She's something" sabi ni Cam na nasa driver seat. Panaka naka ang tingin niya kay Rosallie sa rearview mirror. "Hindi ko alam kung paano nya nahulaan kung nasaang sasakyan ang mga kaibigan nya. Damn! Wala man lang mali sa pagkakasunod sunod ng pangalang ibinigay nya." Mahinang usal pa niya.
"I don't know. Pero kahit nung nasa dating school pa nya kami, nahalata ko na ang sobrang pagkakalapit nila sa isa't isa. Na para bang... May bond na sila." Bulong ko sa kanya. Mahirap na at baka gising pala si Rosallie. Hindi kasi nya pwedeng marinig ang pinaguusapan namin.
"Bond? Diba normal lang naman yun sa magkakaibigan?" Tanong ni Cam.
"Yes. Pero ang bond niya sa kanila ay parang kakaiba. Kung nakita mo lang kung paano siya kumilos pagkasama nya ang mga kaibigan nya. Maiintindihan mo ang sinasabi ko."
"Hmmm.... that bond... is it like the bond that Aether users used when we...?" Di nya itinuloy ang sinasabi nya. Alam ko na rin naman ang kung ano ang itatanong nya.
"Sa tingin ko...... Oo. Pero di pa ko sigurado."
Nanahimik naman siya at halatang malalim ang iniisip.
Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan. Para kong napagod sa pagiisip sa kung anong meron kay Rosallie.
At si Rajin.... sabi nya kagaya din ni Rosallie ang mga kaibigan nya. Pero hindi ko pa nakikita ang kapangyarihan ng tatlo, samantalang wala naman akong napansing kakaiba sa kapangyarihan ni Teresa. Maliban sa lakas ng kapangyarihan nya, hindi ko nakita na nilabasan sya ng simbolo na kagaya ng kay Rosallie.
Naalala ko bigla nung bago pa sya mawalan ng control. Nanlalaki ang mata ni Rosallie na nakatingin sa mga kamay ni Teresa sa ilalim ng mesa. Hindi ko nakita ang mga iyon kaya di ko alam kung ano ang ikinabigla ni Rosallie.
At ang mga Element Spirit nila... lumabas yun ng hindi sila dumadaan sa Chamber of Trials.
Kung ang nakita ko ang pagbabasihan, tulog pa ang mga yun. Kaya paanong nakakalabas na sila?
Ganun din kaya ang natitirang tatlo?
Sobrang daming katanungan ang bumabalot sa limang to. At ang tanging tao lang na pwedeng makasagot sa mga iyon ay ang Headmaster.
Hindi na ko makapaghintay na makabalik sa Academy. Sana lang, lahat ng tanong ko ay may kasagutan.
---------------------------------------
*Rosallie's POV*
Nagising ako ng may marahang yumugyog sa balikat ko. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Ms Hale na nakaharap sa akin mula sa passenger seat.
"We're here." Aniya at tumingin sa harapan ng sasakyan. "Baka gusto mong makita ang kabuuan ng Academy kaya ginising kita."
Kinusot kusot ko ang mga mata ko at inaantok akong tumingin sa labas ng bintana.
Puno. Puno. Puno... Yun lang ang nakikita ko. Niloloko ba nila ko? Eh parang gubat parin to eh! Babalingan ko na sana si Ms Hale ng biglang dumalang ang mga puno sa labas at tumambad sakin ang napakataas at napakahabang pader. Halos apat na palapag na gusali ang taas nun at gawa yun sa bato .
A fortress. Isip isip ko.
Tumingin ako sa magkabilang panig ng sasakyan. Pero parehong hindi ko nakita ang dulo ng pader.
Bakit ganyan? Hindi naman mukhang paaralan ang papasukan namin. Mas mukha pa nga itong kulangan!
Ng tumingin ako sa harap ay nakita kong unti unting bumukas ang malaking gate sa gitna. Gawa iyon sa makapal na bakal. Mga tatlong pulgada ata ang kapal nun. At kasing taas ng pader ang haba. Magkakasya din ang tatlong truck, kahit sabay sabay na pumasok. Ganun kalaki iyon.
Bumukas lang iyon ng bahagya para papasukin ang mga sasakyan namin. Napanganga pa ako sa pagkamangha habang pumapasok sa loob ng gate.
Pagkapasok ay bumungad parin sa amin ang gubat. Ang kalsadang dinaraanan namin ay simentado naman at ang matataas na puno ay nakaarko sa sa taas namin kaya halos natatakpan nito ang sikat ng araw na nagpapadilim sa daan.
"Ito ba ang Academy?" Mananantya kong tanong. Pilit kong inaabot ng tingin ang labas ng sasakyan. Pero puro puno lang talaga. Nasa sss forest ba kami?
"Tarangkahan pa lang ang nakita mo kanina. Aabutin pa ng ilang minuto bago mo makita ang City proper. Dun nakatayo ang mga tindahan, pasyalan, chapel, at kung ano ano pang karaniwan mong nakikita sa mga lungsod."
Marahas akong napatingin sa kanya. Halos mabali ang leeg ko sa bilis ng pagkakalingon ko.
"Talaga?" Sabi ko. Patalong dumukwang pa ko sa pagitan ng upuan nila ng Driver para tingnan ang harapan.
"Whoa!!!" Sigaw ng driver ng magulat sa ginawa ko. Medyo sumuray din ang sasakyan namin.
Muntik na kong sumubsob sa harapan ng madulas ang kamay ko at mawalan ako ng balanse. Mabuti nalang at nahawakan ako ni Ms Hale. Kung hindi....., putok ang nguso ko! At barag ang mukha ko! Ayayay!
"Wag kang basta basta susulpot dyan! " sigaw ng driver sakin ng umayos ang takbo ng sasakyan.
Napalabi naman ako. "Sorry po...."
"Are you ok?" Tanong ni Ms Hale. "May masakit ba sayo?"
Umiling ako sa kanya at bumalik sa backseat.
"Sa susunod wag ka----"napatigil sya sa pagsasalita at napatulala.
Mayamaya ay ikinurap kurap nya ang mga mata nya bago muling tumutok iyon sa akin.
Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya.
"What is it?" Tanong ng driver. Tuloy parin ito sa pagmamaneho.
"Nothing, Cam. Nag-alala lang sila Daemon ng makitang sumuray ang kotse natin." Sagot ni Ms Hale.
Mabagal na tumango naman ang Driver.
So.... Cam pala pangalan nya. First name? O last name?... Nice.. bagay sa kanya, gwapo eh.. kaso sinigawan ako. Hmmmppp! Minus pogi points. Sungit! Parang naexcite lang naman ako eh.
Natahimik kami sa sasakyan ng ilang minuto.
Matagal pa ba? Ang layo naman ng City Proper?!
Di nagtagal ay nagsalita si Ms Hale.
"There it is. The City Proper." Aniya at tinuro ang mga gusali di kalayuan.
Sa pagkakataong ito ay dahan dahan akong umalis sa pagkakaupo at dumukwang sa pagitan nila ni Mr Cam.
"Excuse me po. Makikitingin lang..." pasintabi ko pa.
Natawa naman ng bahagya si Ms. Hale habang nagsmirk naman si Mr. Cam. Mukhang hindi na sya badtrip sakin.
WOW!! Ang laki naman ng City Proper! Parang city na nga talaga ito.
Mula sa kinalalagyan namin ay maliliit pa lang ang mga building. Nasa mataas na parte kasi kami. At nasa baba ang buong City proper kaya kitang kita namin ang kabuuan nyon.
Ganun pa kami kalayo? Ang tagal naman! Naeexcite na kong makita ang nasa loob nun.
Nakaagaw ng pansin ko ang pinakamalaking gusali sa gitna ng City Proper. Hugis bilog iyon at halos tatlong palapag ang taas kung ang pagbabasihan ay ang taas ng mga gusaling nakapaikot dito. Wala ring bubong iyon. Bukas na bukas ang taas na parte ng gusali. Parang coliseum lang.
May concert din kayang ginagawa sa loob nun?
"Ms Hale, ano po yun?" Tanong ko at tinuro ang coliseum.
Sinundan nya ang tinuro ko at sumagot.
"The Arena"
Huh? Arena? Ano yun? Yun ba yung parang sa gladiator lang?
Ang weird naman ng pangalan.
Pero mukha nga syang arena ng medieval time. Hehe nung panahon nila hercules..
May natanawan din akong malapalasyong gusali sa hilagang parte ng City proper. Mukha itong maliit. Mas malayo kasi ito sa City Proper. Mga tatlongpung minuto pa siguro kung nakasasakyan ka. Natatakpan ng mga puno ang ibabang parte nun.
At ang ganda ng kulay. Ginto! Totoo kayang ginto yun? O kulay lang.
Sa magkabilang parte naman ng Golden Castle ay may nakatayong dalawang gusali. Malayo ito mula sa isat isa. At ang kulay.... alam nyo ba kung ano?
Itim at puti... gaya ng suot nila Ms.Hale at ang mga sasakyan namin.
Mukhang nahahati ang mga tao at bagay dito sa dalawang kulay na yun.
"Ms Hale, eh yung mga gusaling yun? " turo ko sa tatlong gusali sa hilaga.
"Ahh... that's the Academy. The Golden one is the Administrator's building. Nandun ang office ng Headmaster. Samantalang ang dalawa naman nayun ang Houses. Mas maeexplain yun sayo during your tour. "
"Hmmm... houses? Yun ba ang dorm namin?"
"Hindi. Ang dorm nyo ay nasa likod ng mga gusaling yun. Di sya kita kasi mas maliit yun."
"Kung ganun, ano yung houses?" Tanong ko pa.
"Ganito kasi yun... sa oras na pumasok ka sa Academy ay malalagay ka sa isa sa dalawang houses. Sila ang magtuturo sayo hanggng sa grumaduate ka. Hindi ka pwedeng pumunta sa kabilang house. i***********l yun. Maliban nalang kung may pahintulot ka ng Headmaster."
"Huh? Bakit? Iba ba ang tinuturo nila? Bakit kailangan pang paghiwalayin?"
"Mas maiintindihan mo yun pag nagsimula ka na sa Academy. Kaya isave mo nalang muna ang mga tanong mo sa magiging Professor mo. Dahil mahaba habang paliwanagan ang kailangan."
Tiningnan ko sila pareho ni Mr Cam. Pagkatapos ay ang dalawang Houses. Hindi kaya.....
"Ms Hale, kayo ba ni Mr Cam galing sa magkaibang House?"
Napangiti silang dalawa sa tanong ko.
"Isn't it obvious?" Nakangising tanong ni Mr. Cam.
Napalabi naman ako sa panonopla nya. Aba... nakakailan na sya ahhh.... di naman sya kinakausap ko. Kaasar!
Tumingin ako kay Ms. Hale. Iniintay ko pa din ang sagot nya kahit na.... sabi nga ni Mr Cam.... obvious naman...
"Yup. Magkaibang house kami." Sagot nalang ni Ms. Hale.
"Kung ganun..... may posibilidad na magkahiwahiwalay kaming lima?" Mahinang tanong ko. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Parang ayokong mahiwalay sa mga kaibigan ko. Sila nalang kasi ang meron ako dito sa loob ng Academy.
Mukhang nakita ni Ms Hale ang reaksyon ko kay humarap sya sa akin.
"Don't worry. Kahit naman magkahiwa-hiwalay ko, eh pwede paring makita mo sila. May mixed class naman ang dalawang Houses. At may araw na pwedeng makihalubilo ang bawat isa, nangaling ka man sa magkaibang House. Hindi naman ibig sabihin na pagnapunta kayo sa ibang House ay literal na magkalaban na kayo. Pinahahalagahan parin naman namin higit sa lahat ang pagkakaisa ng mga estudyante." Paliwanag nya.
Nanatili akong tahimik. Hindi parin kasi ako mapalagay na magkakahiwa-hiwalay kami. Ayoko! Natatakot akong manirahan dito ng hindi ko sila kasama.
Nakarating na kami sa City proper ng hindi ko namamalayan. Tama nga si Ms. Hale. Puno iyon ng ng ibat ibang shop. May arcade pa nga akong nakita. At sinehan! Astig! Parang nasa normal ka paring mundo. Maliban lang sa malaking Arena sa gitna. Mas malaki na ito ngayon. At tama nga ko na halos tatlong palapag ang taas niyon.
Hindi naman tumigil ang sasakyan namin. Tuloy lang ito sa pagtakbo papuntang Academy.
Ng makalagpas kami sa City Proper ay nanumbalik ang mga puno sa paligid namin. Pero mas kaunti nalang ito ngayon. Halatang inayos para sa ikagaganda ng tanawin. Nakaarko ang mga dahon at sanga nito sa maluwag na kalsadang dinadaanan namin. Parang nasa korea novela ang dating. Ang taray!
Unti unti namang lumaki ang tatlong gusali sa harap namin habang papalapit kami.
May nakita pa kong malaking lawa sa bandang kanluran ng Academy at isang malaking field naman sa silangan. Wow! Ang ganda talaga.....
Nang maakarating kami sa Academy ay namangha ako sa laki ng gintong palasyo. May malaking fountain din sa harap nun.
Ang dalawang gusali naman sa magkabilang gilid ng Administrator's Building ay mas malaki kesa kanina. Pero halatang may kalayuan parin ang mga ito. Aabutin din siguro ng kalahating kilometro ang layo nito pareho mula sa Administrator's building.
Umikot ang sasakyan namin sa malaking fountain papunta sa harapan ng palasyo. Magkakahilerang huminto ang mga iyon sa harap ng malaking pintuan. Double door iyon. At may ilang talampakan din ang taas.
"We're here. Let's go. Bumaba na tayo" sabi ni Ms Hale at nauna ng bumaba ng sasakyan.
Bumaba rin si Mr Cam. At umikot papunta sa kinatatayuan ni Ms Hale.
Bumaba na rin ako ng sasakyan at tumabi kay Ms. Hale. Tumingala ako para tingnan ang kabuuan ng kastilo. Grabe! Ang laki! Halos mabale na nga ang ulo ko sa kakatingala dito.
Bumaling ako sa kanan ng makitang lumabas mula sa ibang sasakyan ang mga kaibigan ko kasunod ng mga kasama ni Ms Hale. Lahat sila napatingala din sa laki ng palasyo. Namamangha din ang mga itsura nila.
Naglakad si Ms Hale sa harap namin at huminto sa gitna ng pinto.
Tumingin kaming lahat sa kanya.
"Students. Welcome to Guillier Academy. " sabi nya at ngumiti.
Pagkatapos ay unti unting bumukas ang malaking pinto ng Academy para sa amin.
_______________________