Shadow Realm

4044 Words
*Allison Hale's POV* Nakaupo ako sa loob ng Conference Room ng isang pribadong eskwelahan at naghihintay sa pagdating ng limang estudyanteng ipinahanap samin ng Headmaster. Kasama ko sina Christoffe, Adam, Cassie, Daemon, at Michael. Kaming anim ang naatasang suriin ang kakayahan ng limang estudyante. At sa oras na mapatunayan naming may kapangyarihan ang sinuman sa kanila ay kailangan namin silang isama pabalik ng Academy. Napatingin ako sa Principal na nakaupo sa kabisera ng mesa. Kinakabahan siya at natatakot sa aming anim. Ngunit walang emosyong makikita sa mukha nya. Ganun din sa ayos ng pagkakaupo nya. Paano ko nalaman? Dahil yun ang kakayanan ko. Ang makita ang Aura ng mga tao. Kayang kaya ko basahin ang ugali at emosyon ng kahit na sino gaano man nila itago iyon mula sa akin. May kinalaman yun sa kulay ng Aura na inilalabas nila. Nalalaman ko rin kung anong elemento ang nananaig sa bawat isa gamit iyon. Halimbawa nalang ni Principal Santos. Naglalabas sya ng kulay grey at orange na Aura. Tanda iyon ng takot at pagkabahala. Ngunit ang pinakaprominenteng kulay ay green. Nangangahulugan na Hangin ang elemento nya. Easy going, masayahin at mapaghanap ng karunungan ang mga katangiang tinataglay ng mga gaya nya. Ang mga katabi ko naman ay iba iba ng Aura. May asul, pula, berde, tsokolate at puti. Lahat kasi kami ay galing sa iba't ibang elemento. Lahat sila ay may kulay pilak na Aura. Tanda iyon ng pagkabagot. Hindi ko rin sila masisi, dahil sa sampung iskwelahan na pinuntahan namin para suriin ang mga estudyanteng napabilang sa listahan ng posibleng Elemental na gaya namin ay wala man lang ni isa ang pumasa. Eto ang huling eskwelahang susuriin namin bago kami bumalik ng Academy. Napalingon ako sa pinto ng makaramdaman ako ang malakas na pwersa. Napalingon din ang mga kasama ko. Lahat kami napatuwid ng upo at seryosong nakatingin sa pinto. Habang tumatagal ay palakas iyon ng palakas. Maya maya pa ay may kumatok dun ng tatlong ulit. Lahat ng mata naming pito na nasa loob ay tumutok doon. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng estudyante. The moment I saw her, I know instantly that she's one of us. An Aether user. Like me. Puti kasi ang Aura nya. At sa kanya nangagaling ang pwersang nararamdaman ko. Alam kong kahit di nakikita ng mga kasama ko ang Aura ng babae ay alam nilang isa syang elemental. Ang lakas kasi ng kapangyarihan nya. Ramdam na ramdam namin iyon. Ganun nalang din ang gulat at pagtataka ko ng pumasok pa ang natitirang apat. Lahat kasi sila ay Elemental din! Bawat isa ay nangaling sa iba't ibang elemento. Gaya ng nauna ay malakas din ang pwersang nanggagaling sa mga ito. Hindi lang pala sa unang estudyante nangaling ang pwersa. Kundi sa kanilang lima. Bihira ang pagkakataon na magsama sama ang mga Elemental sa iisang lugar. Lalo na ng mga untrained na gaya nila. They almost like a beacon of light. Hindi lang kasi normal na aura ang meron sila, napakaliwanag nun at napakalakas. Nakapagtatakang hindi sila nakita o naramdaman man lang ng mga Crows.... I shivered when I realized what may happen to this student kung nauna silang matagpuan ng mga Crows. "Please have a seat, students" narinig kong utos sa kanila ng Principal. Tumalima naman silang lahat. Naupo sa harap ko ang unang pumasok kanina. May pagkasingkit ang itim na mata nito. Sinusuring tiningnan ko sila isa isa. Namamangha pa rin ako sa lakas ng kapangyarihan meron sila. Alam kong ganun din ang ginagawa ng lima kong kasama. Nakita kong pumipihit sila sa kinauupuan nila at halatang hindi komportable sa mga tinging binibigay namin sa kanila. Bakit nga ba hindi namin kayo nagawang maramdaman noon? Sa lakas ng kapangyarihan nyo, dapat noon pa nalaman ng academy ang tungkol sa inyo.... Tanong ko sa isip. "This are Miss Mendez, Miss Alcayde, Miss Tuazon, Miss Castillo at Miss Borromeo. They are the one you requested to meet." Pakilala ng Principal sa mga ito. Nakita kong inilibot ni Miss Tuazon ang mata nya sa mga kaibigan niya. Mukhang nalilito sya at nababahala. Nakita ko siyang humugot ng malalim na hininga. Pagkatapos ay biglang nagbago ang Aura nya at naging kalmado sya. Pero ganun nalang din ang gulat ko ng makita ko ang ginawa nya ng pakawalan nya ng pinipigil na hininga kanina. Nasagot na rin nun ang tanong ko kanina sa sarili ko. Nakita kong naglabas siya ng liwanag at parang kumot na bumalot iyon sa kanilang lahat. Natakpan nun ang malakas na Aura nila. Kasabay nun ang pagkawala ng matinding pwersa na nanggagaling sa kanilang lima. Naging ordinaryo nalang ang mga Aura nila pagkatapos. Parang ordinaryo tao nalang sila sa harapan namin. Cloaking. Mukhang nagulat din ang mga kasama ko. Nagtataka sila sa biglaang pagkawala ng pwersang nararamdaman namin kanina. Kunot noong napatingin ako kay Miss Tuazon. Inangat naman niya ang tingin sa akin. Nagkatitigan kami hanggang bumaba ang tingin nya sa damit ko. Hindi. Sa badge na suot ko sya nakatingin. Halatang pinagaaralan nya ang desenyo niyon. "Good afternoon ladies. My name is Allison Hale." Pakilala ko sa sarili at ngumiti. Nakita kong naparelax sila ng ngumiti ako. "We're all here as representatives of Guillier Academy. And we are pleased to tell you all, that you have been chosen to have a full scholarship on our academy" sabi ko. Bumakas ang pagkalito sa mga mukha nila. Habang gulat na napatingin sakin ang Principal. Hindi kasi nya alam na taga Guillier kami. Ang alam lang nya ay pinadala kami dito ng gobyerno para tingnan ang naganap na aksidente tatlong buwan na ang nakakaraan. "Are you certain? " tanong ni Principal Santos sa akin. "Yes. Lahat sila bibigyan ng full scholarship. And the Academy wants to transfer them as soon as possible." Sagot ko. Ibinuka ni Principal Santos ang bibig nya para magsalita ngunit sa huli ay itinikom nalang niya iyon. Pinakatitigan nyang akong mabuti. Pagkatapos ay binalingan ang lima. Nakakunot ang noo nya. Mayamaya pa ay ipinikit niya ang mata at napailing. "Wait. I think you mistake us for someone?" Tanong ni Miss Tuazon sa akin. "No, we're not" sagot ni Daemon. "You are Joie Mendez, Teresa Alcayde, Rosallie Tuazon, Christine Borromeo and Jeanine Castillo. Do I get that right?" Tanong nya matapos ituro sila isa isa habang binabanggit ang mga pangalan nila. "Y-yes" nagaalinlangan sagot ni Miss Tuazon "But we never applied for any schoarship. And we're not that good on academics. So how come that we got your scholarship?" "Our scholarship is not based on academic success," sagot ko . "but rather on abilities you possess." "We really don't understand" mahina nyang sabi at tumingin kay Principal Santos. Mukhang naawa naman ang Principal sa kanila kaya sinubukan nitong magpaliwanag. "It's really hard to explain, but this scholarship is valid. All schools all over the world are aware of Guillier's scholarship. They picked students that suit their academy regardless of academic standing and perpormance of the student." Itinaas nito ang kamay para pigilan si Miss Tuazon na akmang magsasalita. "Don't ask me about their criteria on choosing students, because I don't know either. Eto ang unang beses na pumili sila mula sa eskwelahang ito." Sabi ni Principal Santos at sumandal sa upuan niya. Namagitan samin ang nakabibinging katahimikan pagkatapos. All the us were looking at them quietly. Ilang minuto ang lumipas bago binasag ni Miss Tuazon ang katahimikan. Sinalubong niya ang mapanuring tingin ko. Halatang natatakot din sya sa mga kasama ko. Smart kid. "I'm sorry. But I think Im going to refuse it." Pagpapasya nya. "Me too. I refuse it" sabi ni Miss Alcayde. Nagsunuran naman sa pagtanggi ang tatlo pa. Naaamused na ngumiti ako sa kanya. At alam kong ganun din ang mga kasama ko. Wala talaga silang alam na di nila pwedeng takasan ang tadhana ng mga tulad namin. Binalingan ko si Principal Santos. "Should I tell them? Or do you want to do it yourself?" "Tell us what?" Tanong ni Miss Alcayde. "Go ahead. Tell them." Sagot ni Principal Santosat hindi pinansin ang tanong ni Miss Alcayde. I turned towards them. "You can't refuse. All of you can't decline the scholarship. It's against the law. Against the international law to be exact. Once you've been summon to attend the academy. You're bind to go and study there until you graduate. To do otherwise is breaking the law. The authorities will arrest you and put you on prison." Simpleng paliwanag ko. "That's absurd! " sabi ni Miss Mendez sa malakas na tono. "We're minors. They don't put minors in prison". I turned to her. " I think we have different idea of prison Ms. Mendez." I said calmly. "What I have in mind is more special than the one you have in mind" "Arrest us?" Mahinang tanong ni Miss Castillo. "On what charge?" Matagal bago ako sumagot. "Terrorism" "What?!" Sabay sabay nilang sabi. Halos mapatayo din sila sa upuan sa sobrang pagkabigla. "This is crazy!" Sabi ni Miss Tuazon at marahas na hinagod ang buhok nya. Napatulala naman sa akin ang iba. " No it's not Ms. Tuazon. And now that you know the consequence of refusing the scholarship., I assumed that you and your friends will be ready on two days to transfer at the academy. And dont worry about your family. They were notified about the situation as we speak. And don't bring much things when you move at the academy. The academy will provide all the things you need." Sagot ko sa kanya. "Move?" Wala sa loob na tanong ni Miss Alcayde. "Yes Ms Alcayde. Move. You will live inside the Academy. We have dorms for all of you. And you're not allowed to go outside the academy until you graduate."sagot ko. "Nagbibiro ka lang diba?" Tanong pa nya habang diretsong nakatingin sa akin. Nakita ko ang pagsibol ng galit sa mga mata nya. Ganun din ang pagtingkad ng Aura nya. Uminit ang temperatura sa silid. Dahilan para tumingin sakin si Daemon. Hinihintay niya ang senyas ko para kumilos sya. Pasimpleng umiling naman ako at nanatiling nakatingin kay Miss Alcayde. Nakita ko ring nagaalalang tumitingin ang mga kaibigan nya sa kanya. Pero si Miss Tuazon ay nanlalaking mata na tumitingin sa kamay ni Mrs. Alcayde sa ilalim ng mesa. Napaayos ng upo ang mga kasama ko. Naging seryoso ang mga ito at alertong nakatingin kay Ms. Alcayde. Nakita ko rin ng labasan sila ng iba't ibang kulay na liwanag. They shielding themselves. Mabilis din nilang itinago yun through cloaking. Nakita kong nalilitong tumingin si Miss Tuazon sa mga kasama ko, bagay na ikinanuot ng noo ko. Nakita din nya? Pero...paano? Magkaparehas kami ng abilidad? Pero kahit na. Sa level nya dapat ay di pa nya iyon nakikita, kahit maramdaman man lang. Bumaling sya sa akin, only to find me staring straight at her. Nakita ko ang pagbalakas ng takot sa mukha nya. Alam nyang nakita ko ang nakikita nya. "No. All of you will live inside the academy until you graduate. And you will cease all the connection you have outside the academy. Including your friends, classmates and mostly... your family" sagot ko sa tanong ni Miss Alcayde ng di inaalis ang pagkakatitig kay Miss Tuazon. She really intrigued me. Wala pa itong Training. Pero ganun nalang kadali sa kanyang makita ang mga Aura. And then I felt it. A combust of power. Halos naging kulay pula na din ang silid sa lakas ng pulang Aura na nilalabas ni Miss Alcayde. Sa lakas niyon, kahit ang mga Elemental na hindi kabilang saming Aether User ay makikita na ang liwanag na nilalabas nya. Literal na kasi nyang nilalabas ang kapangyarihan nya. At wala pa siyang control doon. Nagpatay sindi ang mga ilaw sa silid. Napatingala sila Principal Santos, at ang tatlo nilang kaibigan sa kisame. Samantalang tutok kay Miss Alcayde ang mata naming pito. Kung ganun, si Miss Tuazon pa lang ang nakakakita ng pisikal na anyo ng kapangyarihan?. Hindi pa kaya yun ng tatlo. "You need to calm down." Mahinahong sabi ko at nakakaunawang tiningnan si Miss Alcayde . "I know it's a shock. But It is what you need." "Ang kailangan ko ay ang pamilya ko. Hindi ang taong basta nalang susulpot at s*******n kaming dadalhin sa lugar na hindi namin alam kung saan, at pagbabawalan pa kong makita ang pamilya ko." Miss Alcayde said with a glare. Bakas sa din mukha niya ang matinding galit. Napatalon kaming lahat, maliban kay Miss Alcayde, sa kinauupuan namin ng sumabog ang flat screen sa harapan ng silid. Nagmadali naman si Principal Santos na kunin ang fire extinguisher sa sulok at patakbong tinungo ang ngayon ay nagliliyab na TV. Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang pulang bola na unti unting lumalabas. Spirit! But.. how?! Hindi dapat ito lumalabas hanggat hindi pa dumadaan sa Chamber of trials! Hindi na to maganda. May lumabas na na Spirit kaya kailangan na namin itong pigilan! Tumingin ako kay Miss Tuazon. "Kailangan mo siyang pakalmahin. Or else we need to do drastic move to stop her." "Ha?" Nalilitong sabi niya. Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa ng makita kong palinaw ng palinaw ang Spirit. Ibinigay ko ang senyas kay Daemon para pigilan si Ms. Alcayde. Ng makita ni Miss Tuazon ang paggalaw ni Daemon ay agad nyang nilapitan ang kaibigan niya at hinawakan. "Relax Teresa. Tigilan mo na to." Narinig kong sabi nya. Nanginginig rin ang boses nya sa takot. At halos maluha luha narin sya. "H-hindi ko kaya sallie." Naahihirapang sabi ni Miss Alcayde. Napapikit na sya at lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay nya. "H-hindi ko makontrol" "Tumabi kayo!" Sigaw ni Daemon.Hinaharangan kasi ito ng mga kaibigan nila Miss Alcayde para di makalapit sa dalawa. "Di pwede! Anong gagawin nyo?!" "Di nyo pwedeng saktan si Teresa!" "Wag kayong lalapit!" Matapang nilang sabi. Tiningnan ko ang iba ko pang kasama at tinanguan. Agad silang kumilos para tulungan si Daemon. Biglang may lumabas na makakasilaw na puting liwanag. Napabaling ako sa dalawang magkaibigan. Kay Miss Tuazon nangagaling ang isang yun. May simbolo din akong nakita sa noo nya na ipinagtaka ko. Napahinto rin ang mga kasama ko. Lahat sila gulat na nakatingin kay Miss Tuazon. Ganun nalang din ang panlalaki ng mata namin ng lumabas ang puting bola sa tabi niya. Ang Element Spirit nya! Ano ba tong nangyayari? Dalawang spirit ang lumabas ng di dumadaan sa Chamber of Trials?! Sino ba ang limang to? Ng mapagmasdan ko ang malabong Spirit ball ni Miss Tuazon ay napasinghap ako sa pagkagulat. Nakadilat iyon! Bahagya lang na parang inaantok. Pero nakadilat pa din! Kaya pala nakikita na nya ang nakikita naming anim. Dahil gising na ang Element Spirit nya. Lalapitan ko na sana sya ng makita kong dumilat sya at nakatingin sa bandang dibdib ni Miss Alcayde. Napansin ko rin na pahina ng pahina ang pulang liwanang na nangagaling kay Miss Alcayde at Palakas naman ng palakas ang Puting liwanag ni Miss Tuazon. May posibilidad kayang hinihigop nya ang kapangyarihan ni Miss Alcayde? Posible ba yun? Wala pa ni isa sa history ng academy ang nakakagawa nun. Kahit ang Headmaster na tinuturing na pinakamalakas sa amin ay hindi kayang gawin iyon. Maya maya pa ay nakita kong nawalan ng malay si Miss Alcayde. Malakas parin ang liwanag na nangagaling sa kanya. Pero hindi nayon gaya ng dati. Ang Element Spirit nya ay nanatiling nakalutang sa gilid nya. Pero sa lagay nya ay siguradong hindi parin kakayanin ng katawan nya ang natirang kapangyarihan sa loob nya. Mamatay parin siya. Nakita kong naging aligaga at di mapakali ang Element Spirit ni Miss Tuazon. Mabilis siya nung pinaiikutan. May hindi tama. Naisaloob ko. Tama nga ako. Bigla kasi ang paglipat ng kapangyarihan kay Miss Tuazon. Napaluhod sya sa sahig at sapo sapo ang dibdib. Halatang nahihirapan na syang kontrolin ang labis na kapangyarihan. Nanigas ang buong katawan ko ng mapagtanto ko ang nangyayari. "She can't hold it! It's going to explode! Everyone, protect the other students!" Mabilis na kumilos ang mga kasama ko. Isa isa nilang hinawakan ang tatlong estudyanteng nagpapapalag na kumawala. Tinakbo naman ni Cassie si Principal Santos at nilundagan. "Rajin!" Tawag ko. Nagliwanag ang harap ko at lumabas doon ang isang white fox. Ang Element Spirit ko. Tawag mo ko Ally? Tanong nya. Babae ang boses nya. I need to open the gate to Shadow Realms. Help me! As you wish. Tinulungan nya kong ipunin ang kapangyarihan ko at buksan ang pintuan ng Shadow Realms. We need to transport them there. Hurry! May pagmamadaling sabi ko ng biglang tumindi ang liwanag kay Miss Tuazon. Huli na! Nanlalaking matang nakita kong dumapa ang mga kasama ko at pumaibabaw sa mga estudyante. They cast their shield to protect them. Rajin!!! Sigaw ko ng sumabog ang matinding liwanag. . . . Wala na kong makita. . . . Wala na akong marinig. . . . At di ko maramdaman ang presensya ng mga tao sa paligid ko. Am I dead? Nasagot ang tanong ko ng maramdaman kong lumapat ang katawan ko sa lupa. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Tumayo ako at tiningnan ang paligid ko. Parehong silid. Parehong upuan. parehong mesa. at parehong nasa sahig ang mga kasama ko. Ang tanging pagkakaiba lang ay walang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa silid, maliban sa liwanag na nangagaling sa labas ng bintana. May makapal din na hamog na bumabalot sa buong paligid. At parang inabanduna ang itsura ng silid. Shadow realm... "We made it" mahinang usal ko. Isa isang nagtayuan ang mga kasama ko. Pinapagpag pa ng ilan ang mga damit nila. Nanatili namang nakahiga ang limang estudyante at ang Principal sa sahig. Wala ni isa sa kanila ang kumilos. "They lost consciousness. " sabi ni Christoffe. Nanatili syang nakaupo sa tabi ni Miss Alcayde. Nakatukod ang mga kamay nya sa likuran. Halatang napagod sya sa pagpapalabas at pagpapanatili ng shield niya kanina. "Can someone tell me what the hell happened there?!" Inis na sabi ni Adam. Nakatayo sya at nakapamaywang. "Isn't it obvious? They lost control" simpleng sagot ni Christoffe. "I know that Christoffe. Ang tinatanong ko ay ang nangyari kanina sa dalawang yan!" Tanong ni Adam sabay turo kela Miss Alcayde at Miss Tuazon. Nagkibit balikat si Christoffe. "Their....... abilities?" Patanong niyang sagot. "What the heck! She transfer someone's power to herself!" "Nakita namin lahat." Walang ganang sagot ni Christoffe. "At kaya nilang palabasin ang mga Element Spirit nila kahit hindi pa yun gising." Dagdag ni Cassie. Nakatayo siya malapit sa walang malay na si Principal Santos I saw Daemon crouched beside Miss Tuazon. Nakalapit na pala ito ng tahiimik sa dalaga. He looked curiously at her face. Matagal nitong pinakatitigan ang mukha ng dalaga bago nagsalita. "They're special. " mahinang sabi nya maya maya. Nanatili din siyang nakatingin kay Ms Tuazon. "And dangerous" Adam added with a scowl. "We need to transfer them as soon as possible." Sabi ni Cassie. "I agree." Pagsangayon naman si Christoffe habang kunot noong nakatingin kay Daemon. Mabagal naman akong tumango. "Mabuti at nagawa mo kaming dalhin dito, Ally. Kung hindi ay malamang na kung ano na ang nangyari." Sabi ni Christoffe at tiningnan ako. Tumingin din silang apat sa akin. "I... I didn't " mahina kong usal. "I did'nt make it in time." niyakap ko ang sarili ko. Nagtatakang tiningnan nila ako. Lahat sila hindi kumukurap. May ilang minuto din na tahimik silang nakatitig lang sa akin. Pagkatapos ay dahan dahan silang nagtinginan sa isat isa. "Then.... who...?" Mahinang tanong ni Adam. Biglang may umilaw sa taas ng katawan ni Miss Tuazon. Gulat na napatalon patayo si Daemon. Lumabas mula doon ang Element Spirit ni Miss Tuazon. Nasa loob padin ito ng bola. Nakapaikot ang katawan at bahagyang nakamulat ang mata. Nagpaikot ikot lang ito sa katawan ng dalaga. Waring tinitingnan ang lagay ng vessel niya. Maya maya pa ay huminto ito at biglang nawala. Nagkatinginan kaming lima. Wala ni isa samin ang nagsalita. Ng di ko na matiis ay tinawag ko ang Spirit ko. Lumabas naman agad si Rajin sa tabi ko. "Tell me what happen."utos ko. Umupo sya gamit ang dalawang paa sa likuran at tumingala sa akin. He transported you all to this realm. "He?" Her Element Spirit. He use her power to open the gate and bring you all here. "B-bakit?" Because... he needs to do something to consume the excess power within her. "Kaya ba ganun nya kami kabilis na transfer ng sabay sabay? Dahil sa lakas ng kapangyarihang naipon sa loob ni Ms Tuazon." Oo. Ng makita nyang binuksan mo ang gate ng Realm ay naisip nyang gamitin yun para maalis ang sobrang kapangyarihan sa loob ng binabantayan nya. Mas power consuming nga naman yun kesa pasabugin ang lugar..... "What?!" Napapitlag ang mga kasama ko ng sumigaw ako. Hindi kasi nila naririnig ang ano mang sisnasabi ni Rajin. Ako lang ang nakakarinig sa kanya. Pasabugin. Yun ang balak nya bago mo buksan ang gate ng Shadow Realms. Sagot ni Raijin. "Bakit?" Dahil hindi nya papayagang mamatay ang vessel nya. Kaya isasakripisyo nya ang kahit sino, mabuhay lang ang dalagang yan. Nangilabot ako sa narinig ko. Napatingin ako kay Ms Tuazon. "Ganun ba sya kalakas?" Wala sa loob na tanong ko. Sinundan naman ng mga kasama ko ang tingin ko. Hindi lang sya. Kundi sila. "Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo akong napabaling sa kanya. Ang limang yan. At ang mga Element Spirit nila. Hindi palang nagigising ang iba. Pero malamang na kagaya sila ng nakita mo kanina. Ang nakita ko? Eh di pa nga masyadong gising yun eh. Pano pa pagtuluyan ng nagising? Hindi nya sinagot ang tanong ko. Nakaupo lang sya at nakatingin sakin. "Sabihin mo sakin ang lahat ng nalalaman mo sa mga Element Spirit nila." Utos ko. Naguguluhang nagpalipat lipat naman ang tingin ng mga kasama ko sa amin ni Rajin. Hindi pwede. "Bakit hindi?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ipinagbabawal sa lahat ng Spirit na sabihin ang may kinalaman sa kanila. "Bakit?" Paulit ulit nalang na tanong ko. Dahil bawal. "Ano bang parusa pag nilabag mo yun" Kamatayan. Simpleng sagot nya. Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Spirit ka. Di kayo namamatay." Namamatay? Hindi. Naglalaho? Oo. Seryoso sabi nya. Napaseryoso naman ako sa sinabi nya. "Bawal din bang ibigay ang impormasyon ng ibang Spirit?" Hindi. Yung sa kanilang lima lang. Napaisip ako sa sinabi nya. Parang kahit anong gawin ko ay hindi siya magsasalita tungkol sa limang Spirit ng mga dalagang ito. Kaya sumuko nalang din ako. Nang matapos kaming magusap ay sinabi ko sa mga kasama ko ang lahat ng napagusapan namin ng spirit ko. Nakakunot noong tiningnan nila ang mga wala paring malay na dalaga. Maya maya pa ay napagdesisyunan na naming bumalik sa totoong mundo. Sa pagkakataong ito. Si Michael ang magbubukas ng gate at magbabalik sa amin. Ng makabalik kami sa totoong mundo ay sumalubong samin ang magulong silid. Parang dinaanan ng bagyo ang loob nun. Sunog din ang flatscreen at aircon. Binuhat ng mga kasama ko ang mga walang malay na dalaga at dinala sa sasakyang nagaabang sa amin sa labas ng eskwelahan. Ginamit namin ang abilidad namin para di kami makatawag ng atensyon sa mga estudyante at professor ng school habang inilalabas ang lima. Naiwan naman si Michael para intaying magkamalay ang Principal at ayusin ang gulong nangyari kanina. Papasok na ko sa isa sa mga sasakyan ng tumatakbong humabol si Michael. "You need to get out of here fast! I received a call from the Academy. The Crows are on their way! They sense them." May pagmamadali nyang sabi. "Paano ka?" Nagaalala kong tanong sa kanya. "The reinforcement are on their way. Wag kang magalala. Pipigilan namin silang makasunod sa inyo. Now go!" Mabilis akong tumango at pumasok ng sasakyan. Mamaya pa ay mabilis na nagdrive ang limang sasakyan namin papalayo sa eskwelahan. Tiningnan ko sa rearview mirror ang natutulog na dalaga sa likod. I'm sorry kung hindi ka na makakapagpaalam sa pamilya mo. Pero kailangan ka na naming ilayo. Kung ano mang kapangyarihan meron ka at ang mga kasama mo, Siguradong hindi sila titigil para makuha ka. At yun ang hinding hindi namin papayagan. Binanlingan ko ang kasama ko sa driver seat. Elemental din syang gaya ko. "Bilisan natin. Kailangan nating makarating sa Guillier Academy as soon as possible." Tumango siya at binilisan pa ang takbo ng sasakyan. __________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD