*Rosallie's POV*
Napatigil ako sa pagsusulat ng tumunog ang bell. Hudyat iyon na tapos na ang third period at oras na ng lunch break.
"That's all for today class. See you next meeting." sabi ni Prof. Vasquez. Iniligpit nito ang mga gamit at pagkatapos ay lumabas na ng silid.
Mabilis naman na nagtayuan ang mga kaklase ko at lumabas na rin ng pinto para pumunta sa cafeteria.
Walang pagmamadali ko namang iniligpit ang mga gamit ko at ipinasok sa bag na dala ko.
"Sallie, tara. Kain na tayo" yaya ni Teresa. Nakatayo siya sa tabi ng mesa ko at hinihintay ako. Nakasukbit sa balikat niya ang bag nya.
Nasa unahang parte siya nakaupo samantalang sa hulian naman ako. Pero lagi nya akong pinupuntahan paglalabas na kami.
"Sige, tara." Sang-ayon ko. Tumayo na ko at binalingan ang iba ko pang kaibigan.
"Joie! Tin! Jeanine! Tara na." Tawag ko sa kanila. Nakaupo pa kasi ang mga ito at nagaayos ng gamit.
Nagmamadali naman nilang inayos ang mga dala nila at lumapit sa amin.
"Saan tayo kakain?"tanong ni Tin ng makalapit sa amin.
"Edi syempre ming, dun pa din sa dati", sagot ni Joie. "May mga baon naman tayo kaya di na natin kailangang pumila sa cafeteria".
"Oo nga." Pagsangayon ni Jeanine ng makalabas na kami ng classroom at naglakakad na sa hallway. "At saka naiilang parin ako kapag pinagtitinginan nila tayo eh". Sabi nya na ikinatahimik naming lahat.
Mayamaya ay napabuntong hininga ako. Halos tatlong buwan na mula nung Cruise namin pero di parin matapos tapos ang kalbaryo naming lima.
Kahit saan kasi kami magpunta ay may mga mata paring nakatingin sa amin. Ganun din ang mga bulung bulungan sa paligid.
"Di mo na dapat pinapansin yun. Pasasaan ba at magsasawa din sila." Sabi ni Teresa.
Napadako ang tingin ko sa binti niya. Makinis iyon. Walang bahid ng kahit anong sugat o peklat na natamo niya noon sa Cruise. Parang walang nangyaring aksidente sa kanya at di nanganib ang kanyang buhay.
Mula ng pumasok kami ulit sa school ay wala nang nagbanggit ni isa samin sa mga naganap ng gabing iyon. Parang lahat kami ayaw ng alalahan ang nangyari.
Kahit pa tanungin kami ng mga professors at principal namin ay nanatiling tikom ang mga bibig namin.
Wala rin naman kasing maniniwala kung ikwekwento pa namin ang pagkakaaksidente ni Teresa. Ni wala ngang kaming pruwebang ipapakita.
Lalo na kung ikwekwento ko pa ang mga nakita ko. Malamang ay dalhin ulit nila ako sa ospital para tingnan for any brain damage. Worst, baka sa mental hospital ang bagsak ko.
Nang tanungin naman namin ang mga professor namin kung paano nila kami nakita ay buong detalye naman nilang ikinuwento sa amin ang mga naganap ng gabing iyon.
Ayon sa kanila. Ng tumama ang malakas na kidlat sa barko at nagliyab ang bahaging tinamaan niyon ay pinapunta ng kapitan ang mga pasahero sa bandang unahan ng barko.
Napansin naman agad ng mga professors na nawawala kaming lima ng magroll call sila.
Sinubukan daw nila kaming ipahanap sa mga tauhan ng barko pero abala ang mga iyon sa pagapula ng apoy. Di lang kasi upper deck ang napinsala kundi pati ang mga silid sa ilalim niyon na malapit sa makina ng barko.
Inuna nilang inasikaso ang mga silid sa ibaba upang isalba ang makina. Mahirap na daw kasi pag tumigil iyon sa pag takbo. Malamang ay lulubog ang barko.
Kaya ang apat na lalaking professor namin ang naghanap sa amin. Pinuntahan daw nila isa isa ang mga cabin para hanapin kami, pero di nila kami nakita . Ng matira nalang ang upper deck sa di nila napupuntahan ay doon naman tumama ang dalawang magkasunod na malalaking alon na halos magpatagilid sa barko. Yun din ang alon na tumangay samin sa dagat.
Nang umayos uli ang galaw ng barko ay nagpasya daw silang puntahan na ang upper deck kahit mahigpit silang pinagbawalan ng kapitan. At doon nila kami nakita.
Sa upper deck.
Hindi sa dagat.
Nakahiga sa sahig.
At walang malay.
Dali dali naman daw nila kaming dinala sa clinic ng barko. Wala naman daw nakitang sugat o ano mang problema sa aming lahat.
Lahat kami. Kasama si Teresa.
Ng makalagpas kami sa bagyo ay agad naghanap ng malapit na madadaungan ang barko. Ng makadaong ito sa isang isla ay agad kaming ibinaba para dalhin sa ospital. Nanatili kaming walang malay kahit pa wala ring makitang problema ang mga doktor doon.
Napagpasyahan na iuwe kaming lima as soon as possible. Ginamit nila ang ibang barko dahil inaayos pa ang nasirang barko na orihinal naming sinasakyan.
Kaming lima ,kasama ng anim na professor namin ang naunang umuwe. Naiwan naman sa isla ang ibang estudyante at ilang professor para maghintay ng susunod na barko.
Ng makauwe kami at makarating sa daungan ay mabilis nila kaming dinala sa ospital. Nanatili parin kaming walang malay sa mga panahong yun. At umabot ng halos isang buwan kaming natutulog.
The five of us were in the state of coma. Kahit pa wala namang makitang problema sa amin. Our vitals were stable. And all of our laboratories were cleared.
Nagsisimula na nga ring panghinaan ng loob ang mga magulang namin ng isa isa naman kaming gumising.
Nagstay pa kami sa ospital ng isang linggo para masiguradong magaling na kami bago kami pinayagang umuwe.
At ng makapasok na kami sa school ay heto na nga ang nangyari. Lahat ng estudyante, kasama man sa cruise o hindi, ay pinagtitinginan kami at pinagbubulungan.
We become the hottest topic of our school, as well as the "freak" group of the entire campus .
Nung una lahat sila tinatanong kami kung ano ang nangyari. They all bombarded us with questions. They crowding us to the point of suffocation. And it takes a notice from the principal bago nila kami nilubayan.
Three months from that horrible night at medyo bumabalik na sa dati ang buhay eskwela namin. May pangilan ngilan na tumitingin parin samin kahit saan kami magpunta. At may pangilan ngilang nagbubulungan pag napapadaan kami. But we all ignored it. Actually, we learned to ignore it.
Iniwasan na din muna namin ang matataong lugar sa school. Specially the cafeteria. Kaya nagbabaon nalang kami ng pananghalian at kumakain sa tagong lugar sa hardin.
"Tama si Teresa. Wag nyo nalang pansinin. Magfocus nalang tayo sa pagaaral natin. Ang dami natin namiss na lessons and exams. Kailangan nating itake yun para di tayo napagiiwanan sa klase." Sabi ko.
Tahimik naman na nagtanguan silang apat.
Binagalan ko ang lakad ko at tiningnan ang loob ng bag ko. Hinahanap ko kasi ang notes ko na balak kong basahin pagkatapos ng lunch. Nakita ko naman iyon at saka muling tiningnan silang apat. Nauuna na sila sa akin ng ilang hakbang kaya binilisan ko ang lakad ko para makaabot sa kanila.
Sumabay naman sa akin si Teresa sa bandang likuran at umabreseta sa braso ko. Sa kanilang apat, siya talaga ang pinakanakakasundo ko.
Nakita ko naman si Tin na nasa gitna nilang tatlo at nakaabreseta din kay Jeanine at Joie.
Kung may maganda mang naidulot ang Cruise, yun ay ang lalong pagiging close namin sa isa't isa.
"Speaking of exams. May exam tayo ngayon sa Trigo. Magreview na rin tayo after nating kumain." Sabi ni Teresa.
Napahinto bigla sa paglalakad si Tin at mabilis na lumingon samin. At dahil nakaabreseta sya sa dalawa ay napahinto rin sila bigla at marahas na napaikot kay Tin.
"Aray!"
"Ano ba Tin?!"
Magkasabay na reklamo ng dalawa. Umayos ang mga ito ng tayo habang gulat na nakatingin samin si Tin.
"May exam sa Trigo? Kelan? Mamaya? Sigurado ka?" Magkakasunod na tanong pa niya.
"Oo. Mamaya." Sagot ni Teresa. Huminto din kami sa paglalakad dahil nakaharang silang tatlo sa daraanan namin.
Unti unting napangisi si Teresa. "Nakalimutan mo na no?" nanunuksong tanong nya.
"Tinanatanong pa ba yan? Siguradong nakalimutan nanaman nya yun." Nakangising pangagatong ko.
Nagsimula namang maglakad sila Joie at Jeanine kaya napilitan naring sumabay si Tin.
"Ha? Di nga? Wala naman syang sinabi last meeting natin eh." Sabi ni Tin.
"Oo, wala nga syang sinabi na exam last meeting. Pero para yun sa buong klase. Except for us. Make up exam natin mamaya sa kanya." Paliwanag ko pa.
"Hala ka Tin..... Di ka nagreview no? Ang sabi pa naman ni Sir, pag mababa ang score na nakuha natin dun ay pagrereportin nya tayo sa harap next week." Panunukso ni Teresa. Ang laki ng pagkakangisi nito. Halatang nageenjoy sa ginagawang panunukso kay Tin.
"Oo nga. Individual report ang gagawin. Kaya ikaw lang magisa" dagdag ko pa. Napatawa kami ng mahina ni Teresa sa isa't isa sa itsura ni Tin, halata kasing kinakabahan na ito.
Kami kasi lagi ni Teresa ang partner in crime. Lalo na kung sa pang-aasar at panunukso sa tatlo ang paguusapan. Marami din kaming pinagkakasunduan. At lagi kaming magkasabay at magkatabi. Parang twin sister ko na nga sya. Di rin nalalayo ang height namin. Pero may pagkasingkit ang mata ko habang bilugan naman ang sa kanya.
Si Tin naman, superclose kay Jeanine. Silang dalawa ang magkasangga. Pero sa oras na tinutukso na namin si Tin ay hinahayaan lang kami ni Jeanine. Alam kasi nyang damay sya pagtinulungan nya si Tin. Sobra pa naman kami ni Teresa pag nanukso.
Si Jeanine, singkit ang mga mata. Maliit din ang bilugang mukha niya. Mahaba ang buhok nya na halos umabot sa baywang. Siya din ang pinakatahimik sa grupo.
Si Tin naman, lampas balikat ang medyo magulong buhok, manageable pa naman, hindi super buhaghag. Bilugan din ang mata nito gaya ng kay Teresa. May pagkaartistic sya. Artistic ha. Hindi Autistic. Hehe mahilig kasi itong magdrawing. Lalo na ng chibi toons. Yun naman ang bagay na magkapareho kami.
Si Joie naman ang middle man ng grupo. O mas tamang sabihing middle woman. Hehe. Close din siya sa amin. May pagkaseryoso paminsan minsan. Pero mas malakas itong mangasar kesa saming apat. Kumbaga di na nito kailangan ng kakampi. Oras kasi na mapagdiskitahan ka nyang asarin eh automatic na kakampi ang natitira sa kanya. Ganun sya kalakas manghatak sa oras ng kalokohan. May lahi din syang chinese, at marunong siyang magsalita at magsulat ng lenguwahe ng mga ito. Lampas balikat din ang buhok nya na may natural curve sa dulo.
"Hala ka!" Usal ni Tin at bumitaw sa dalawa. Lumapit ito samin ni Teresa at umabreseta sa kabilang braso. "Uy.... sallie. Patingin ng notes mo" panlalambing nya bigla sakin. With matching beautiful eyes pa.
Pinigil ko ang tawa ko at pinilit paseryosohin ang mukha ko.
"Bakit notes ko ang titingnan mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Eh mas detailed ung notes mo eh" aniya ng nakalabi.
"Parehas lang tayo ng notes no! Kung ano ang nasa board yun din ang kinokopya ko. At saka di mo rin maiintindihan ang sulat ko. Yung kay Jeanine ang hiramin mo." Sabi ko at tinuro si Jeanine na nasa unahan namin.
Lumingon naman si Jeanine at tawa tawang inabot kay Tin ang notes nya.
"Eto Tin, Hiramin mo muna. Wag mo nga lang ipapaexplain sakin ang mga nakasulat dyan at pareho lang tayong magugiluhan."
Kinuha naman ni Tin ang notebook at nagtatakang tiningnan si Jeanine.
"Eh pano mo sasagutin yung exam mamaya kung di mo naman naiintindihan?" Nagdududang tanong pa ni Tin.
Jeanine shrugged her shoulders and turned to her. "Basta. Naiintindihan ko siya sa sarili kong paraan. Pero di ko siya kayang iexplain sayo. Feeling ko kasi, pagpinaliwanag ko yan sayo eh pareho lang tayong maguguluhan."
Parang batang napasimangot si Tin at tiningnan si Teresa.
"Oy sorry ka. Pusa ang gusto ko, hindi aso. Kaya walang epekto sakin yan" sabi ni Teresa at itinuro ang mukha ni Tin.
We all looked at her with a frown. Hindi ko din maintindihan ang sinabi nya. Ang layo naman ata ng pusa at aso sa Trigo. Lalo na sa mukha ni Tin. Hindi naman sya mukhang hayop ah.
"Yan" turo uli ni Teresa sa mukha ni Tin. "Yang puppy look mo! Di eeffect yan sakin. My Gosh Tin! Sa lahat pa ng hihingan mo ng tulong sa Trigo, Ako pa talaga! Seryoso ka? Gusto mong pareho tayong bumagsak?"
"Eh ayaw ako tulungan ng dalawa eh" maktol ni Tin. "Dali na!" Paglalambing pa nito.
"Ayun si Joie oh!" Turo ni Teresa kay Joie. Kanina pa ito tahimik na naglalakad.
Tinakbo ni Tin si Joie at umabreseta dito.
"Joie, patu---"
"Di pwede." Putol ni Joie sa sasabihin ni Tin.
"Sige na! Please......." pagmamakaawa ni Tin. Hinila hila pa nya ang braso ni Joie.
"Aishh! Wag mo nga ako guluhin!" Asik ni Joie kay Tin. "Mawawala lahat ng minemorize ko! Alis! Pag di ko naalala lahat ng formulang sinaulo ko, yari ka sakin!" Pinandilatan pa nya ng mata si Tin.
Bumanghalit naman kami ng tawa nila Teresa at Jeanine sa sinabi ni Joie.
Nanlulumo namang bumitiw si Tin at bagsak-balikat syang sumabay samin ulit ni Teresa.
Di ko na matiis ang itsura niya kaya ng makabawi ako sa kakatawa ay binalingan ko sya.
"Don't worry Tin. Tutulungan kita." I Whispered and nudged her with my elbow.
"Talaga?" Nabubuhayang tanong pa niya.
"Oo naman. Ang sabi ko lang naman ay di kita pahihiramin ng notes ko. Pero di ko sinabi na hindi kita tuturuan sa pagiintindi ng formula. Yun nga lang, kailangan mo pa din mag-isang imemorize ang mga formula dyan" sabi ko at nginuso ang notebook na hawak nya.
"Oo ba! Kaya yan! Basta iexplain mo lang sakin at magexample ka na din ng mga problems para mabilis kong matandaan" aniya.
"Oo na" I said with a smile.
"Uy, sama din kami dyan ha. Group study nalang tayo pagkatapos nating kumain." Suhesyon ni Teresa.
Nang makarating kami sa Garden ay agad naming sinimulang ang pagkain. Tahimik at mabilis naming inubos ang mga baon namin.
Pagkatapos nun ay nag group study na kami. Ako ang naging tagapagturo nila. Madali naman nilang nagamayan ang paggamit ng mga formula sa iba't ibang klase ng tanong kaya mabilis din kaming natapos.
May ten minutes pa ang natitira sa break namin ng mapagdesisyunan namin na mauna ng bumalik sa classroom at doon nalang magpapalipas ng oras.
Patayo na kami mula sa kinauupuan namin ng tumunog ang intercom ng school.
"Miss Tuazon, Miss Alcayde , Miss Castillo, Miss Mendez at Miss Borromeo, please come to my office at once." Tawag saming lima ng Principal.
Kunot noong nagtinginan kami.
Ng walang magsalita sa amin ay sunod sunod kaming tumayo at naglakad papunta sa office ng Principal.
Pagdating namin sa harap ng pinto ay kumatok ako ng tatlong ulit bago pumasok.
Sinalubong kami ng Secretary ng Principal sa loob at iginaya kami sa ikalawang silid sa kanan. Conference Room ang nakita kong sign sa itaas ng pinto. Kumatok din sya doon ng tatlong beses bago tinulak pabukas ang pinto. Pagkatapos ay iminuwestra nya kami papasok.
Ako ang unang pumasok dahil ako ang nasa bandang unahan ng grupo namin. Pagpasok ko ay nakita ko agad ang malaki at mahabang mesa sa gitna ng silid.
Nasa kabisera nun nakaupo ang Pricipal. At may anim na tao naman na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa. Dalawa roon ay babae, nakaupo sila sa gitna ng apat pa nilang kasamang lalaki.
Kapansin pansin din ang kulay ng suot nilang business attire. Tatlo kasi sa kanila na nakaupo malapit sa principal ay purong nakaputi, samantalang purong itim naman ang suot ng natitirang tatlo pa.
Parang angels and demons. Isip isip ko habang pinipigilang ngumiti.
Hindi sila nagtuturo sa school namin. Ngayon ko lang kasi sila nakita dito sa paaralan namin.
"Please have a seat, students." Napatingin ako sa Principal ng magsalita sya. Itinuro nya ang mga upuang nasa kanang bahagi ng mesa, paharap sa mga bisita.
Tahimik naman kaming sumunod sa utos niya. Pinili ko ang maupo sa ikatlong silya. Dalawang silya ang layo sa mula Pricipal at kaharap ang isa sa mga babaeng bisita.
Nakasuot siya ng puti. At may suot suot din siyang puting eyeglasses. Maganda sya. Maliit ang mukha na parang manika. Her blond hair was fixed on a tight bun.
She's looking at us. All of them actually. They were all looking at us, intently. And it looks like they were criticizing us, one by one. Judging us. For what?... I don't know. Their stares made us uncomfortable. Napapapihit narin kaming lima sa pagkakaupo namin.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko. And we were giving each other a questioning look.
What have we done? Tahimik na tanong namin sa isat isa.
Wala naman akong maalalang offense naming lima. Masunurin pa nga kami sa rules and regulations. At never pa kaming nagkopyahan sa exams. Well... sa major exams, oo. Pero sa quizzes, especially the surprise one, eh nagbibigayan kami ng sagot. Pero never naman kaming nahuli.
"This is Miss Mendez, Miss Alcayde, Miss Tuazon, Miss Borromeo and Miss Castillo. They are the students you requested to meet." Pakilala samin ng Principal.
Nanatili namang matiim kaming tinitingnan lang ng mga bisita.
Tiningnan ko rin sila isa isa. Halatang istrikto ang mga to. Military kaya sila?
Ng ibalik ko ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Nakita kong parang lalo silang kinabahan sa pananahimik ng mga kaharap namin.
Nagtaka pa ako ng may biglang maramdaman sa gawi naming lima. Parang.... Parang may hindi tama. Parang biglang kumapal at bumigat ng hanging bumabalot samin.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Baka kabado lang talaga ako. Kaya kung ano ano na ang naiimagine ko.
Ng pakawalan ko ang hanging pinipigil ko ay parang may pwersang lumabas sakin. Natigilan ako sa kinauupuan ko at napakunot ang noo.
Kasunod nun ang pagkawala ng mabigat na hanging bumabalot samin.
Hu? Ano yun?
Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. She's looking at me now with a slight frown on her forehead.
Bigla kong ibinaba ang tingin ko para maiwasan ang mga mata niya. At doon ko naman nakita ang badge na nasa lapel ng blazer nya. Lahat silang anim, meron nun.
It was a golden shield with two swords crossed behind it. Inside the shield, there's five circles with different colors surrounding a big letter G and A. And there were griffins on both sides of it. There's also a ribbon below the shield.
May nakusalat doon pero masyadong maliit kaya hindi ko makita.
I narrowed my eyes to get a better look when the woman infront of me speak.
"Good afternoon ladies. My name is Allison Hale." Pakilala niya sa sarili at ngumiti.
Nabawasan naman ng bahagya ang tensyon sa paligid. Naramdaman ko ring narelax ako ng kaunti sa ngiting ibinigay nya samin.
"We're all here as representatives of Guillier Academy. And we are pleased to tell you all, that you have been chosen to have a full scholarship on our academy" sabi niya na kinabigla at kinalito namin.
Huh? Ano daw? Scholarship?
Tiningnan ko sila Teresa. Lahat sila ay nagtataka ring nakatingin kay Miss Hale. At ng mapadako naman ang mga mata ko kay Principal Santos, nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya. Nanlalaki rin ang mata niyang nakatingin kay Ms. Hale.
"Are you certain? " tanong ni Principal Santos kay Ms. Hale.
"Yes. Lahat sila bibigyan ng full scholarship. And the Academy wants to transfer them as soon as possible." Sagot ni Ms. Hale.
Ibinuka ni Principal Santos ang bibig nya para magsalita ngunit sa huli ay itinikom nalang niya iyon. Pinakatitigan nyang mabuti sila Ms Hale. Pagkatalos ay binalingan kaming lima. Nakakunot ang noo nya. Mayamaya pa ay ipinikit niya ang mata at napailing.
Lalo akong naguluhan sa reaksyon nya. Bakit parang hindi sya masaya sa pagkakaroon namin ng scholarship?
And speaking of Scholarship.... Eh wala naman kaming inaaplayang scholarship ah. Kaya paano kami mabibigyan nun?
"Wait. I think you mistake us for someone?" Tanong ko kay Ms. Hale.
"No, we're not" sagot ng lalaking naka itim na business suit. Nakaupo ito katabi ng babaeng nakaitim din.
Blue ang kulay ng mga mata nya at blond ang buhok nya.
His eyes were intense as he stared at us.
"You are Joie Mendez, Teresa Alcayde, Rosallie Tuazon, Christine Borromeo and Jeanine Castillo. Do I get that right?" Tanong nya matapos kami ituro isa isa habang binabanggit ang mga pangalan namin.
"Y-yes" nagaalinlangan kong sagot. "But we never applied for any schoarship. And we're not that good on academics. So how come that we got your scholarship?"
"Our scholarship is not based on academic success," sagot ni Ms Hale. "but rather on abilities you possess."
Lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Abilities? Ano yun? as in Physical abilities?
Kung sa academics nga hindi kami makokonsider na top students, sa sports pa kaya? o sa kahit anong ginagamitan ng matinding physical strength?
Lahat kami puro balingkinitan ang katawan. Di rin kami katangkaran. Naglalaro lang sa 5'2 at 5'3 ang heights namin. Kaya wala talaga kaming panama sa mga atleta ng school namin.
At lalong walang wala ang stamina naming lima. Noon ngang naglaro kami ng basketball sa P.E class namin at kaming lima ang magkakampi, halos humiga na kami sa sahig ng court sa sobrang pagod kakahabol at kakaagaw ng bola. Wag pang sabihing wala pang sampung minuto ang tinatagal ng laban. Ganun kahina ang stamina namin.
"We really don't understand" mahina kong sabi at tumingin kay Principal Santos.
Mukhang naawa naman siya samin kaya sinubukan nyang magpaliwanag.
"It's really hard to explain, but this scholarship is valid. All schools all over the world are aware of Guillier's scholarship. They picked students that suit their Academy regardless of academic standing and perpormance of the student."
Itinaas nya ang kamay nya para pigilan ako sa balak kong pagsasalita.
"Don't ask me about their criteria on choosing students, because I don't know either. Eto ang unang beses na pumili sila mula sa eskwelahang ito." Sabi ni Principal Santos at sumandal sa upuan niya.
Namagitan samin ang katahimikan pagkatapos.
All the representatives were looking at us quietly.
Samantalang pilit naming lima inuunawa ang mga sinabi nila.
Ilang minuto ang lumipas bago ko binasag ang katahimikan. Sinalubong ko ang mapanuring tingin ni Ms. Hale. Sya lang kasi ang mukhang approachable sa kanila. Natatakot ako sa iba nyang kasama.
"I'm sorry. But I think Im going to refuse it." Pagpapasya ko.
"Me too. I refuse it" sabi ni Teresa.
Nagsunuran naman sa pagtanggi sila Joie, Tin at Jeanine.
Wala ni isa sa amin ang gustong tanggapin ang scholarship. Bukod kasi sa kailangan naming lumipat ng paaralan ay wala kaming kaalam alam sa sinasabi nilang Guillier Academy. Baka mamaya kung saang lupalop pa yun. Kahit pa sinabi ni Principal Santos na alam nyang nageexist talaga ang academy na yon, ay hindi parin ako palagay na lumipat ng ibang paaralan. Especially to somewhere I never heard of.
Tinitigan ako ng Miss Hale at nakita kong umangat ang gilid ng labi nya.
Abat! Pinagtatawanan ba niya ko? Anong nakakatawa sa sinabi ko?
Tiningnan ko din ang mga kasama niya, at gaya ni Ms. Hale ay nakangiti ang mga ito. They all looked amused. They looked at us with a knowing smile on their faces.
Binalingan ni Ms. Hale si Principal Santos. "Should I tell them? Or do you want to do it yourself?"
"Tell us what?" Tanong ni Teresa.
"Go ahead. Tell them." Sagot ni Principal Santos at hindi pinansin ang tanong ni Teresa.
Miss Hale turned to us. "You can't refuse. All of you can't decline the scholarship. It's against the law. Against the international law to be exact. Once you've been summon to attend the academy. You're bind to go and study there until you graduate. To do otherwise is breaking the law. The authorities will arrest you and put you on prison." Simpleng paliwanag nya na para lang nyang sinasabi sa amin ang lagay ng panahon.
"That's absurd! " sabi ni Joie sa malakas na tono. "We're minors. They don't put minors in prison".
Miss Hale turned to her. " I think we have different idea of prison Ms. Mendez." She said calmly. "What I have in mind is more special than the one you have in mind"
"Arrest us?" Mahinang tanong ni Jeanine. "On what charge?"
Matagal bago sumagot si Ms Hale. "Terrorism"
"What?!" Sabay sabay naming sabi.
Halos mapatayo na ko sa upuan sa sobrang pagkabigla.
"This is crazy!" Sabi ko at marahas kong hinagod ang buhok ko.
Napatulala naman sila Teresa kay Ms. Hale.
" No it's not Ms. Tuazon. And now that you know the consequence of refusing the scholarship., I assumed that you and your friends will be ready on two days to transfer at the academy. And dont worry about your family. They were notified about the situation as we speak. And don't bring much when you move at the academy. The academy will provide all the things you need."
"Move?" Wala sa loob na tanong ni Teresa.
"Yes Ms Alcayde. Move. You will live inside the Academy. We have dorms for all of you. And you're not allowed to go outside the academy until you graduate."
"Nagbibiro ka lang diba?" Tanong ni Teresa habang diretsong nakatingin kay Ms. Hale.
Nakita ko ring kinuyom nya ang mga kamay nyang nasa ilalim ng mesa habang naghihintay ng sagot galing kay Ms Hale.
Nakaramdam din ako ng kakaiba. Parang biglang umiinit ang paligid.
Nang tingnan ko ulit ang kamay ni Teresa ay nakita kong bahagyang nagliliwanag ang likod ng palad nya.
Nanlaki ang mata ko ng makitang lumilitaw ang simbolo sa kamay nya na nakita ko noon at nawawala din agad. Parang lulubog lilitaw ang tema.
Nakita ko ring umayos ng upo ang mga kasama ni Ms Hale. Naging seryoso ang mga ito at alertong nakatingin kay Teresa. Nakita ko rin ng labasan sila ng iba't ibang kulay na liwanag na kagaya ng sa mga kaibigan ko. Pero sa isang kisap mata ay naglaho din ang mga iyon. Pero ang pakiramdam ko na parang may bumabalot sa katawan nila ay hindi nawala.
Bumaling ako kay Ms Hale, only to find her staring straight at me.
Wala kay Teresa ang atensyon nya. Kundi nasa akin.
Kinabahan ako bigla. Para kasing nahuli nya kong may ginawang kasalanan. At sa pagkakatingin nya sakin, parang ang bigat ng kasalanang nagawa ko.
"No. All of you will live inside the academy until you graduate. And you will cease all the connection you have outside the academy. Including your friends, classmates and mostly... your family" sagot ni Ms Hale sa tanong ni Teresa ng di inaalis ang pagkakatitig sakin.
That's when the hell broke loose.
Ang palitaw litaw lang kanina na simbolo sa kamay ni Teresa ay tuluyan ng nagpakita. Nagsabog iyon ng matinding liwanag.
Alam kong nakita iyon nila Ms Hale at mga kasama nito. Hindi gaya dati na ako lang ang nakakakita.
Nagpatay sindi ang mga ilaw sa silid. Napatingala sila Principal Santos,Jeanine, Tin, at Joie sa kisame. Samantalang tutok kay Teresa ang mata naming pito.
"You need to calm down." Mahinahong sabi ni Ms Hale at nakakaunawang tiningnan si Teresa. "I know it's a shock. But It is what you need."
"Ang kailangan ko ay ang pamilya ko. Hindi ang taong basta nalang susulpot at s*******n kaming dadalhin sa lugar na di namin alam kung saan, at pagbabawalan pa kong makita ang pamilya ko." Teresa said with a glare. Bakas sa mukha niya ang matinding galit.
Sobra kasing malapit si Teresa sa pamilya nya. Sya ang panganay sa apat na magkakapatid. At sya rin ang nagaalaga sa mga ito pag wala ang mga magulang niya. Kaya ganun nalang kahirap sa kanya ang biglang mahiwalay sa mga ito.
Napatalon kaming lahat , maliban kay Teresa, sa kinauupuan namin ng sumabog ang flat screen sa harapan ng silid.
Nagmadali naman si Principal Santos na kunin ang fire extinguisher sa sulok at patakbong tinungo ang ngayon ay nagliliyab na TV.
Lalo akong kinabahan ng makita kong unti-unting lumalabas ang bolang apoy na nakita ko noon sa barko. Kasabay nun ay ang pagsabog ng air conditioner sa taas ng bintana.
Tumingin sakin si Ms Hale. "Kailangan mo siyang pakalmahin. Or else we need to do drastic move to stop her."
"Ha?" Nalilitong sabi ko.
Ng makita kong nagsimulang kumilos paikot ng mesa ang isa sa mga lalaking naka itim ay agad kong nilapitan si Teresa at hinawakan.
"Relax Teresa. Tigilan mo na to." Natatakot ko ng sabi. Nararamdaman ko na din ang mga namumuong luha sa mga mata ko.
"H-hindi ko kaya sallie." Nahihirapang sabi ni Teresa. Napapikit na sya at lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay nya. "H-hindi ko makontrol"
"Tumabi kayo!" Napalingon ako ng marinig ko ang malakas na sigaw. Nangaling iyon sa lalaking nakaitim na umikot sa mesa kanina. Hinaharangan kasi ito nila Tin para di makalapit samin.
"Di pwede! Anong gagawin nyo?!"
"Di nyo pwedeng saktan si Teresa!"
"Wag kayong lalapit!"
Matapang na sabi nila Joie, Tin at Jeanine. Nakita kong nagsimula na ring kumilos ang iba pang kasama ni Miss Hale para pumunta sa amin.
Mabilis ko ulit na binalingan si Teresa. Mukhang nahihirapan na talaga sya dahil hindi na rin pantay ang paghinga nya.
Anong gagawin ko? Natataranta kong tanong. Medyo natigilan pa ko ng may pumasok na idea sa isip ko.
Yung puting nilalang! Kailangan ko sya! Please magpakita ka sakin! kailangan kita. Parang awa mo na!
Mariin akong pumikit at sinubukang gawin ang ginawa ko sa barko. Hinanap ko sa kamalayan ko ang link na sinasabi niya. Alam kong sa oras na mahanap ko yun ay lalabas ulit ang puting nilalang.
Pero di gaya nung una, nahirapan akong hanapin yun ngayon. Palalim ako ng palalim pero wala pa din akong nakikitang pulso ng kapangyarihan.
Asan na yun? Bakit di ko makita?!
Nagpapanick na ko. Baka makalapit na samin sila Miss Hale. At paniguradong mapapahamak si Teresa.
Rosallie?
Halos mapaiyak ako sa sobrang relief ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.
Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari?
Kailangan ko ng tulong mo! Kailangan mo kong tulungan! Si Teresa! Tulungan mo si Teresa!
Hindi ko sya kayang tulungan. Ikaw lang ang makagagawa nun.
Sabihin mo kung paano. Pakiusap... dalhin mo ako sa link na sinabi mo noon.
Nasayo na ang link Rosallie. Wala na iyon dito. Tingnan mong mabuti ang sarili mo at hindi ang lugar na to.
Sinunod ko ang sabi nya. Unti unti akong bumalik hanggang maging aware ako sa paligid ko, pero nananatili ako sa likod ng kamalayan ko. Parang in between ng consciousness and subconsciousness ko.
I felt it first before I saw it. Tama nga ito. Bahagi ko na ang link. Nakita ko ang sarili kong life force. Kulay puti iyon. At nakakabit doon ang link na hinahanap ko.
Dumilat ako at nakita kong nagliliwanag ang noo ko. Nakita ko rin ang bolang puti na naglalaman ng nilalang sa loob na nakalutang sa gilid ko. Ganun parin ang itsura nito. Nakabilog ang katawan at bahagyang nakadilat.
Anong dapat kong gawin?
Touch her. Simpleng utos niya.
Hinawakan ko ang mga nakakuyom na kamay ni Teresa. And like before, I saw the threads of red light in her body.
Pero di gaya ng dati, sobrang laki ng bolang apoy na nasa puso nya. Halos sakupin na nito ang buong dibdib ni Teresa. Parang nagagalit na ilog naman ang mga pulang ugat na nakakabit doon.
Kung dati ay ibinigay mo ang kapangyarihan sa kanya, ngayon naman ay kailangan mo iyong kunin sa kanya. You need to pull it out of her body. But first.... find the source of her power and block it.
Tumalima ako sa kanya. Hinanap ko ang lugar na sa tingin ko ay nilalabasan ng kapangyarihan. Nakita ko naman iyon. Sa likod ng kanang palad ni Teresa. Kung nasan ang pulang simbolo.
Sinubukan kong isara iyon pero mahirap. Masyado na kasing malakas ang agos ng kapangyarihan.
Sallie?
Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Teresa sa loob ng isip ko.
Teresa! Buti nalang! Tulungan mo ko! Isara natin to.
Kanina ko pa sinusubukan. Pero ayaw.
Subukan ulit natin. Dalawa na tayo ngayon. Sabay nating isara. Okay?
Sige.
Pagbilang ko ng tatlo, ibigay mo na lahat ng lakas mo para isara to. Okay?
Okay.
One. Two. Three!
Ibinuhos ko ang lakas ko sa pagsara ng pinto ng kapangyarihan ni Teresa, habang naramdaman ko naman siyang sinasabayan ako. Maya maya pa ay unti-unti na naming nasara ang pinto.
Ng maisara yun ay may napansin akong butas sa gitna ng pinto. Maliit lang yun. At may agos ng kapangyarihan ng lumalabas doon at diretso sa life force ni Teresa.
You block the path of her power. Now, harness the excess power from her.
Sinunod ko ulit ang sabi ng puting nilalang.
Gaya ng ginawa ko sa barko, but in reverse, hinatak ko ang agos ng kapangyarihan galing kay Teresa papunta sakin.
Para ulit akong humahatak ng napakakapal na goma. Sobrang hirap hatakin nun. Ng mahatak ko yun sa napakalaking life force nya papunta sa kamay ko at dumikit sa threads of white light na nasa akin ay unti unti naghalo ang dalawang kulay. Hanggang sa maging purong puti naman ang pulang liwanag.
Naramdaman ko ring bumibigat ang dibdib ko.
No! Dont store it to your body! Push it back to the link!
Ginawa ko ang sinabi nya. Pero mas mahirap palang magtulak ng kapangyarihan kesa maghatak niyon mula sa link.
Di ko kaya! Ang hirap!
Then stop pulling! Ikakamatay mo ang sobrang kapangyarihan!
Dumilat ako at nakita kong masyado paring malaki ang life force ni Teresa. Nawalan narin sya ng malay sa kinauupuan nya.
Si Teresa? Will she be ok?
Hindi sumagot ang puting nilalang.
Will she be ok?! Tanong ko ulit.
Sa lagay ng life force nya ay malamang mamatay siya. Susunugin ng kapangyarihang nasa kanya ang internal organs nya.
Then I wont stop pulling. Mariin kong sabi.
Are you trying to kill yourself? Di makapaniwalang tanong nito.
No! Pero hindi ko sya pwedeng pabayaan.
May ilang sigundo rin itong tumahimik. Pero ng magsalita ulit ito ay may bahid na ng galit.
Stop. Pulling. Matigas nitong utos.
No.
Stop pulling, Rosallie!
No!
Then you leave me no choice.
Natigilan ako sa sinabi nya.
W-what do you mean?
My priority is you. ONLY. YOU. Hindi ko pwedeng hayaang mamatay ka. Ginawa na natin ang lahat para sa kanya. Now, it's enough.
Galit nitong sabi.
Naramdaman kong may nagsasara ng pinto ng kapangyarihan ko. At alam kong ang puting nilalang ang gumagawa nun! Unti unting nawawala ang kapangyarihan ko kasabay ng paghina ng paghatak ko sa sobrang life force ni Teresa.
No! Sigaw ko at sinubukan kong buksan uli ang pinto. Nagawa ko naman iyon at ginamit ko ang sandaling yun para hatakin ng malakas ang kapangyarihan ni Teresa.
Parang dam na nalipat sakin ang kapangyarihan niya. Naging normal din ang laki ng life force nya.
Napabitaw ako sa kanya at napaluhod sa sahig. Nasapo ko rin ang dibdib ko sa sobrang sakit. Para yung sasabog.
Pinalala mo lang ang lahat. Akusa ng puting nilalang.
Hindi kita hahayaang saktan sya. Nahihirapang sabi ko.
Kung ganun.... Hindi lang sya ang mapapahamak, kundi lahat ng narito sa paaralan nyo. Maliban sayo.
Naramdaman kong may parang binubuksan ito sa loob ko. Para iyong kahon na maraming lock. At nararamdaman kong isa isa nyang binubuksan ang kahon na yun.
Wag! Please wag mong gawin yan... Pakiusap ko. Alam kong pag nabuksan ang kahon ay sasabog ang kapangyarihan sa loob ko.
Hindi ako pinansin ng puting nilalang at binuksan ang natitira pang lock. Six, five.......
Four.......
Binuksan ko ang mga mata ko at doon ko nakita ang mga kaibigan kong hawak hawak ng mga tao ng Guillier Academy. Nagpupumiglas silang makakawala. Umiiyak sila na nakatingin samin ni Teresa. Lahat naman ng taga Academy ay gulat at di makapaniwalang nakatingin sa akin .Nakita ko ring may lalaking kumuha sa walang malay na katawan ni Teresa at nilayo sa akin.
Three.........
Nakita kong patakbong pinuntahan ng babaeng taga Guillier si Principal Santos na natulos sa kinatatayuan at takot na nakatingin sa akin. Nilundag nya ito at padapang bumagsak sila sa sahig.
Two.......
Unti unting tumindi ang liwanag na nagmumula sa katawan ko. Then all the Guillier's representative dropped to the floor and shield my friends using their bodies.
One ......
And then a burst of light explodes within me.
_____________________________