"It's sad when you meet someone who means the world to you, only to find out that it was never meant to be and you have no choice but to let go."
Napatitig ako sa linyang nasa libro ng binabasa ko. Paulit ulit kong binasa ito. Do I really have no choice but to let go my feelings for him?
"Yes, you need to let go Skyz. That's the first step for you to move on." Sinara ko ang librong binabasa ko at nilingon si Thunder. Nasa kwarto ko kami ngayon ni Thunder. Dito kami nagba-bonding, we talked random things, nag aasaran, nagkukulitan. Iyon ang way ng bonding namin. May tiwala naman sa amin ang parents niya at TitaMoms ko na wala kaming gagawing kalokohan. At sa sofa siya natutulog hindi sa kama ko.
Nagtataka kong tumingin sa kanya. Kailan pa naging mind reader si Thunder?
"Silly. You always said things aloud, I'm not a mind reader if that's what you're thinking." Tapos pinitik niya ang ilong ko.
"Hey, hands off." Pilit kong iniiwas ang mukha ko mula sa kamay niya. Balak niya pa sana akong kilitiin ng hawakan ko ang kamay niya.
"Kailan mo pa nalaman?" Nawala ang mapang-asar na ngiti sa mga labi nito. Tumikhim ito at kinuha ang librong binabasa ko.
"A-anong nalaman ko?" Pagmamaang-maangan pa nito habang binubuklat ang libro.
"Tungkol kay Cloud at kay Charlotte." Halos pabulong kong saad.
"A-ano bang sinasabi mo Sky? Of course kanina ko lang din nalaman." anitong ni hindi makatingin sa akin.
"You are lying."
Nakokonsensya itong tumingin sa akin.
"I'm your bestfriend and I know kung kailan ka nagsisinungaling. Looking at you now with your guilty expression, I can say that you are lying." Malungkot kong saad. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Galit ka ba?"
Pagak akong tumawa sa tanong nito.
"Galit? Bakit naman ako magagalit? It's not as if obligasyon mong i-update ako sa status ng kapatid mo."
"Still... sana sinabi ko sa 'yo para naman hindi ka na nabigla sa nalaman mo kanina. But believe me, hindi ko gustong ilihim sa 'yo ang tungkol kay Kuya at kay Charlotte." anito.
Pakiramdam ko para akong bata sa tono ng boses nito.
Tumawa ako. Umaasang maalis ang tensyon sa pagitan namin. "Thundz kumalma ka nga, ang tanong ko lang naman kung kailan. Hindi naman kita inaaway diyan."
"Two weeks ago ko lang nalaman. Dumaan kasi ako sa condo ni Kuya dahil may pinapadalang pagkain si Mama. Ayun nakita ko si Charlotte doon, then Kuya introduced her to me. Matagal na pala sila pero sikreto lang dahil nga sa ayaw nilang may makaalam ng relasyon nila. You know him, he's a private person and then there's the conflict na hawak ng company namin si Charlotte as an actress."
Tumango-tango ako sa sinabi nito. That words "matagal na sila" keeps on repeating on my mind. Matagal na sila at ako naman matagal na ding umaasa na mapansin ni Cloud.
"I'm so pathetic right?"
"Sky! Stop saying that, you're not pathetic nagkataon lang na--" Napatigil ito marahil hindi niya na alam kung ano pang sasabihin niya para mapagaan lang ang loob ko.
"Nagkataon lang that I've fallen inlove with someone who's already committed into someone else ganoon ba iyon Thundz?" Natahimik siya sa sinabi ko.
"Sky, hindi pathetic ang ma-in-love ka sa taong may mahal ng iba lalo pa't wala kang kaalam alam. In the first place, kung sinabi ko na agad sa 'yo nang mas maaga ang tungkol sa kanila e di sana mas maaga kang makakapagmove-on and I'm sorry if I didn't tell you. It's just that I can't find the right words to say it to you." Sumandal ako sa balikat niya matapos nitong magsalita.
"You don't have to apologize Thundz. Kasi kahit sinabi mo sa akin nang mas maaga wala pa din naman magbabago, sa tingin ko masasaktan pa rin ako. Buti nga nakita ko nang harap harapan e, kasi kung sinabi mo lang sa akin baka pilit ko pa ring papaniwalain ang sarili ko na baka may pag-asa pa ko kay Cloud. But seeing them together, na-realize ko na mahal talaga siya ni Cloud. Iyon lang naman ang mahalaga e ang makitang masaya si Cloud. Okay na 'ko dun."
"Maybe you're right, pero kung hindi ko lang kapatid yon, sasapakin ko siya. Wala siyang karapatang paiyakin ang bestfriend ko." Natawa ko sa sinabi niya kahit kailan talaga
napaka-protective niya sa akin.
"'Sus para namang intensyon niya ang saktan ako. Basta magmomove-on na ako, makakahanap din ako ng higit pa sa kapatid mo at pag nangyari iyon, malilimutan ko na din ang Kuya mo." Natatawa kong saad.
"That's the fighting spirit baby Skyz, makaka-move on ka din at ang first step sa pagmomove on ay..." Pinagalaw nito ang magkabila niyang kilay na siyang mas nakapagpatawa sa akin.
"Ano naman ang first step aber?" Tumayo siya at dumiretso sa refrigerator na nasa kwarto ko. Nagkatinginan kami at sabay ngumiti sabay sigaw ng...
"FOOD TRIP!"
Ewan ko kung anong konek ng Food Trip sa pagmomove on pero 'yaan na ang mahalaga makalimutan ko muna pansamantala ang pagiging brokenhearted ko. At magconcentrate sa bonding namin ng bestfriend ko.
****
TIME CHECK 11:30 PM
Hindi ko alam kung bakit kahit pagod na pagod ako at gusto nang matulog ng katawan ko pero yung diwa ko gising na gising pa din. Tumayo ako mula sa kama ko at dumiretso sa study table ko.
Kinuha ko ang kahon na kasing laki ng lagayan ng sapatos.
C.R.M.
Hinawakan ko ang mga letrang nakasulat sa harapan ng kahon.
Cloud Rendrex Monteciara that's what it means.
Isa-isa kong kinuha ang laman nito.
Ang diary ko na puro tungkol kay Cloud ang nakalagay.
Ang panyo na inilagay niya sa tuhod ko nung bata pa ako.
Maging ang natanggal na butones ng polo niya na pinulot ko nakatago dito.
Kulang na nga lang pati kutsara na ginagamit niya sa tuwing nagfa-family dinner kami kunin ko. Ganun ako ka-inlove kay Cloud na maliit mang bagay itatago ko basta siya ang may-ari. Kinuha ko ang kaisa-isang litrato naming dalawa. Ako tuwang tuwa sa picture pero siya ni ngumiti hindi niya ginawa. Kung di pa siya pinilit ni Mama Rain na tumabi sa akin at magpakuha ng litrato hindi pa siya magpapa-picture kasama ako. Matagal ko na siyang kakilala pero nanatili na lang kami sa ganon.
Kakilala.
Ni hindi kami naging magkaibigan. He never noticed me. I am nothing for him. I gathered all of his pictures na pasimple kong dinukot sa photo album ng mga Monteciara. One picture captured my eyes.
In the picture he was smiling brightly. I wonder kung sino ang dahilan ng pagngiti niya sa litrato. Sana ako na lang 'yun pero asa naman ako. Bumuntong-hininga ako at ipinasok lahat ng gamit sa loob ng kahon pagkatapos ay kinuha ko ang plastic at binalot ito. Tonight, sisimulan ko ng ibaon sa limot lahat ng nararamdaman ko sa kanya. At hindi yun mangyayari kung hindi ko itatapon ang mga bagay na magpapaalala lang ng nararamdaman ko para sa kanya.
Sinilip ko kung mahimbing ng natutulog si Thunder at nang makita ko ang malalim niyang paghinga indikasyon na tulog na talaga siya. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto.
Kinuha ko ang maliit na pala sa likod-bahay na ginagamit namin ni Thunder noong mga bata pa kami. Ang tagal na din nang huli ko tong ginawa. Ang pumunta sa park at magbaon ng kung anong gamit sa ilalim ng puno. Lumabas ako ng bahay at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Hindi naman ako natatakot na may mangyaring masama sa akin dahil secured ang subdivision namin.
Habang naglalakad ako hindi ko naman maiwasang isipin ang mga naganap kanina. Kailan ko nga ba nalaman na mahal ko siya at gaano ako kasigurado na mahal ko talaga siya gayung ang batayan ko lang naman ay ang mga isinusulat ko at nababasa. Pero ang malakas na kabog ng puso ko at ang ang sayang nararamdaman ko tuwing nakakausap o nakikita ko siya. Yun ang ilan sa mga pinanghawakan ko, samahan pa na tuwinang pipikit at mag-iimagine ako ng future ko, kasama si Cloud doon.
***
NANG makarating ako sa park hinanap ko ang puno na tambayan namin ni Thunder. Saglit lang nakita ko na ito. Umupo ako at humukay sa lupa buti na lang pinreserved ang park na ito kaya hindi nila ginawang espalto ang parte ng puno na ito. Kasabay nang paglagay ko sa box na naglalaman ng alaala ko kay Cloud. Humiling ako na sana mabaon na rin sa limot ang pag-ibig ko para sa kanya.
Nakaramdam na ako ng antok kaya nagdesisyon ako na umuwi na. Napalingon naman ako sa kalsada nang biglang nakarinig ako ng makina ng pagtigil ng dalawang sasakyan.
Nagtago ako sa gilid ng puno nang makita ko kung sino ang bumaba sa isang sasakyan na humarang sa isa pang kotse.
"Cloud..." Bulong ko.
He was desperately knocking the driver seat of the other car.
"Come on Charlotte open this damn door, let's talk please. Don't do this to me." Gusto ko siyang lapitan at awatin sa ginagawa niya. He's begging! For God's sake, I never saw him like that.
What is happening?
Lumipas ang isang minuto nang lumabas si Charlotte. Mabuti na lang at nasa madilim akong parte kaya hindi nila ko makikita, and I doubt kung mapapansin nga ba nila ako.
"Stop this Cloud. Alin ba sa salitang gusto kong mapag-isa ang hindi mo maintindihan?!"
"What's the problem Babe? May nagawa ba ako? Tell me! We were okay a while ago and then there's that f*****g phone call and suddenly you're acting like this. Tell me sino ba ang tumawag sa 'yo?"
"Sinabi ko na ngang it's nothing! Just a simple phone call from my director. Yun lang and then you keeps on blabbering that there's something wrong! That's why I'm pissed off!"
Patuloy akong nakikinig sa usapan nila at hindi ko maiwasang mainis kay Charlotte. Paano niyang nagagawang pagsalitaan nang ganyan si Cloud.
"Then give me your phone!"
"You're ridiculous Cloud. I can't believe you're acting like this!"
"Acting like what?" Tapos pinuntahan niya ang kotse ng babae at lumabas siyang bitbit na ang cellphone ni Charlotte.
"You are acting like a child! Cloud give me back my phone!" Pilit niyang inaagaw ang cellphone niya kay Cloud. Nagulat na lang ako nang ibato ito ni Cloud sa lupa. Malakas ang pagkakabato niya dahil nagkawasak-wasak ang cellphone. Sumigaw si Charlotte, makaraan ay inangat nito ang kamay at sinampal si Cloud.
"He's calling you huh?"
Ni hindi man lang natinag si Cloud sa pagsampal sa kanya ni Charlotte.
Sinong He?
"Answer me damn it!"
"Y-yes."
"Why?"
"He's offering me a contract." Umiiyak si Charlotte pero hindi ko magawang maawa sa kanya gayong nakikita ko kung gaano nasasaktan si Cloud.
Sino kaya ang pinagaawayan nila?
"Huh? Contract?!"
"Ano pa bang iniisip mong dahilan kung bakit siya tumawag?"
"Then tell me are you gonna accept his contract?"
"I-I'm considering it."
"You're kidding right? You won't leave our company just for him?!"
"You have to understand that I need to leave your company!"
"Why do you need to?"
Wala na akong maintindihan sa pinaguusapan nila pero nakikinig pa rin ako. I can't explain what I am feeling right now. Dapat ba kong matuwa na nag-aaway sila at base sa nakikita ko maaaring maghiwalay sila.
"I'm doing this for us!"
"Paanong para sa atin Charlotte?!"
"Dahil kung lilipat ako ng company mas madaling maipapaalam sa lahat na may relasyon tayo. Akala mo ba madali para sa akin ang makarelasyon ka sa loob ng dalawang taon at hindi ko masabi sa harap ng marami na si Cloud ang boyfriend ko at hindi lang siya basta boss ko."
Two years na sila. Ganun katagal?
"Then let's have a press conference. Ipaalam natin sa kanila na tayo na, so that it's no need for you to sign a contract with that asshole!"
"Kung sana ganun kadali, ginawa na natin noon pa. Pero hindi ako handa na husgahan nila ako na kaya lang ako nakarating sa kinatatayuan ko ay dahil sa 'yo." Napaluha ako sa sinabi ni Charlotte at hindi ko alam kung bakit. Ganun ba talaga kalalim ang relasyon nila?
"Babe hindi naman sila ang mahalaga. What is important ay yung tayo. Please don't do this." Hinawakan niya pa ang mukha ni Charlotte habang sinasabi ito.
He loves her so much and damn, it hurts me so much.
"Come on Cloud isipin mo naman ako oh, please hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Lilipat lang ako ng company, we can still see each other just like before."
"Kahit saang company huwag lang sa company ng ex mo!"
And now I finally know kung bakit ayaw ni Cloud lumipat si Charlotte.
"Don't you trust me?"
"I trust you but not your ex!"
"He's just my past. Wala nang iba pa! You know that I love you."
"Still-"
Magsasalita pa sana siya nang halikan siya ni Charlotte. Why do I have to witness their kissing scene?
They're kissing torridly at parang may pumipiga sa puso ko. Pumikit ako at nagpasyang aalis na ako. Bahala na kung makita nila ako. Hahakbang pa lang ako nang muli silang mag-usap.
"Let's talk some other time babe. You're tired and so do I." Tumalikod na si Charlotte nang may dinukot sa bulsa si Cloud at lumuhod ito gamit ang isang tuhod.
Tell me it's just a dream. Please God wake me up.
Kinurot ko ang sarili ko at nasaktan ako so it means it's not a dream. Napaluha ako nang marinig ang tanong ni Cloud.
"Will you marry me?"
Nagpasya na akong umalis nang marinig ko sinabi ng lalaking mahal ko. Hindi ko na kaya pang marinig ang isasagot ni Charlotte. Pero muli akong napatigil sa sinagot ng babae.
"I'm sorry I can't babe." Hindi lang si Cloud ang napatulala maging ako sa sinabi ni Charlotte.
She is so unbelievable. Cloud is offering marriage. Marriage means a lifetime commitment and she turned him down. I just can't believe it.
Umiiyak na tumalikod si Charlotte at iniwan ang kaawa-awang si Cloud.
"Kung aalis ka it only means one thing ..We're done."
Masama mang pakinggan pero pinanalangin ko na umalis siya at iwanan niya si Cloud.
"I'm sorry I love you but it's not enough to marry you. I'm not yet ready. Goodbye Cloud."
And as I saw her walking to her car.
I suddenly regret what I've wished for, ang umalis siya at iwanan si Cloud. Nagkamali ako, hindi din ako magiging masaya kung maghiwalay sila. Dahil sa nakikita kong sakit sa mukha ni Cloud gusto kong habulin si Charlotte at makiusap na balikan niya si Cloud. Tanga na kung tanga pero mas gugustuhin ko pang makita siyang masaya kapiling ng mahal niya at masaktan ako. Kaysa makita ang mukha niyang masasalamin ang sobrang sakit.
Nanatili siyang nakaluhod doon. Nakataas pa din ang kamay hawak-hawak ang singsing na siyang ibibigay niya kay Charlotte. Nakikisabay pa ata ang panahon sa nararamdaman namin ngayon.
Unti unting pumatak ang ulan hanggang sa lumakas ito. Tumakbo ko papalapit sa kanya. Napansin kong nagulat siya nang makita ako. Ganun pa din ang posisyon niya. Kung may makakakita sa amin iisipin na inaalok niya ako ng kasal.
"Anong ginagawa mo dito? K-kanina ka pa ba?" Malakas ang ulan pero dinig na dinig ko pa rin ang boses nito.
Kahit na umuulan alam ko umiiyak siya. And it pains me, big time.
"Kanina pa ako dito."
"So narinig mo ang lahat. Nakita mo kung gaano ko kadesperado!" Ibinato niya ang singsing at galit na tinignan ako.
"Please Cloud, alam ko nasasaktan ka ngayon pero tumayo ka na at umuwi magkakasakit ka sa ginagawa mo!" Malakas kong sigaw sa kanya. Pilit ko siyang itinatayo pero tinulak niya ako. Hindi ko alam kung alin ang masakit, ang kamay ko na naramdaman kong nasugatan dahil doon sa basag na cellphone na ibinato niya kanina o ang puso ko dahil sa itinaboy niya ako.
"Alam mo? Ano bang alam mo? Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng nasasaktan ka dahil yung taong mahal mo iniwan ka? Na kahit na mahal na mahal mo siya nagawa ka pa rin niyang ipagtabuyan sa buhay niya? Tell me anong alam ng isang katulad mo! Na umiikot lang ang buhay sa mga librong hindi naman totoo!"
Tumayo ako 'di alintana ang sakit sa kamay ko. Umiiyak ko siyang hinarap at sumigaw ako.
"Alam na alam ko ang sinasabi mo Cloud. Paanong hindi ko malalaman gayong nandito sa harap ko yung taong mahal ko, na walang ginawa kung hindi itulak ako palayo dahil sa sinaktan siya ng babaeng mahal niya. At least ikaw mahal ka ng mahal mo! Eh ako ilang taon na akong lihim na nagmamahal sa'yo. At nung nagkalakas ako ng loob para magtapat sa'yo. Nakita kita kasama ang girlfriend mo. Ngayon, itatanong ko? Sa tingin mo, gaano ko nasaktan dahil sa lintik na pagmamahal ko sa 'yo?"
Nagulat siya sa sinabi ko at mas lalo siyang nagulat nang niyakap ko siya. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya nang tangkain niyang kumalas sa akin. Umiiyak akong nagsalita.
"Please Cloud, ako na lang huwag na siya. Hindi kita sasaktan katulad ng ginawa niya. Mamahalin kita ng lubos pa sa kayang ibigay niya. Kahit ano gagawin ko para sa'yo. Please ako na lang .. akin ka na lang."
Desperada na kung desperada ang mahalaga masabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
SOMEONE'S POV
"Kuhanan mo maigi ng litrato siguraduhin mong ang makakakita nito iisiping magkarelasyon silang dalawa nung babae." Napangisi ako sa sinabi ko.
"Areglado boss."
Sa wakas nakahanap na rin ako ng alas laban sa gag*ng si Monteciara. Humanda ka. Sisiguraduhin kong magugulo ang buhay mo.
TBC