CHAPTER 6

1384 Words
SKY's POV "You love me? How can you be so sure about you're feelings for me when aside from my name, my family. You don't know anything about me. Don't make me laugh, I don't need your pity. Save it for someone else." Marahas nitong inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at tinalikuran ako. "Maybe you're right, I don't know anything about you. I just knew you as Cloud Rendrex, brother of my best friend. Anak nang itinuturing kong magulang. Kababatang kasabay lumaki pero hindi kailanman naging close sa akin. Pero alam ko na ayaw mo sa carrots, takot ka sa mga malilit na insekto. Hindi mo hilig magpa-picture. Handa mong gawin ang lahat para sa pamilya mo at pati na rin para sa taong mahal mo. Iilan lang 'yon sa mga alam ko tungkol sa 'yo. Siguro nga hindi 'yon sapat para masabi ko na mahal kita. Pero bakit ang sakit-sakit ng puso ko ngayon nang makita kitang nagmamakaawa sa kanya—" "—Enough!" sigaw nito pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. "Bakit sa tuwing nakikita kita ang lakas ng t***k ng puso ko? Bakit sa tuwing ngumingiti ka pakiramdam ko buo na ang araw ko? Bakit kahit paulit-ulit kong sabihin sa isip at maging sa puso ko na kalimutan na ang lintik na pakiramdam na 'to hindi ko pa rin magawa. Now tell me, sa tingin mo hindi pa rin 'to pagmamahal? Sa tingin mo ba awa lang 'to? No! Kasi bago ko pa makita ang nangyari kanina, mahal na kita!" "Fine! I believed you! Then are you willing to do anything for me?" saad nito pagharap sa akin kasabay nito ang paghinto ng ulan. Tumango ako. "Kahit ano gagawin ko para sa 'yo." "Then... come with me." Lumapit ito sa akin at hinila niya ako papasok sa kotse. Nakabibinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Pasimple ko siyang tinignan at hindi ko mabasa kung ano ngayon ang iniisip niya. Blangko lang ang ekspresyon niya. Walang makikitang kahit anong emosyon. Namula ko nang maalala ang mga sinabi ko kanina. Ngayon ko naramdaman ang hiya sa mga binitawan kong mga salita. Nayakap ko ang sarili ko nang makaramdam ako ng lamig. Kumusta naman sa suot suot kong pantulog hindi ba? "Ouch!" Napaaray ako nang maramdaman ko ang kirot sa kamay ko. Doon ko naalala na may sugat pala ako dulot ng pagtulak kanina sa akin ni Cloud. Nagtataka ko siyang tinignan ng ihimpil niya ang sasakyan sa tapat ng isang drugstore. "Stay here." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Makalipas lang ang ilang sandali narinig ko ang pagbukas ng pinto sa driver's seat. "Give me your right hand," Hindi nakatinging saad niya sa akin. Nag-aalinlangan pa ako ng i-abot ko sa kanya ang kamay ko. Kumabog ang puso ko nang hawakan niya ang may sugat kong kamay. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. 'My gosh Sky, umayos ka nga kinikilig ka sa simpleng paghawak niya lang sa 'yo.' Epal ng isang parte ng utak ko. Paano akong hindi kikiligin kung heto ang first time na hinawakan niya ang kamay ko. And I can't help but feel a tingling sensation. Napatigil lang ako sa kalandian ko nang buhusan niya ng alcohol ang kamay ko. Hindi ko napigilan ang mapasigaw. Napahawak siya sa tenga niya dahil sa pagtili ko. "Will you shut up?!" Napapitlag ako nang sumigaw siya. "Sorry, sino ba kasing nagsabi sa'yo na buhusan ang sugat ko ng alcohol. Ang hapdi kaya!" Umiiyak kong sabi sa kanya. Mababaw lang ang luha ko pero kung ikaw ang nasa posisyon ko at binuhusan ang kamay mong may sariwang sugat ng alcohol. Tignan ko na lang kung hindi ka mapaiyak. "Tss. Stop crying para kang bata! Binuhusan ko ng alcohol dahil baka maimpeksyon pa ang sugat mo." Pagkatapos niyang magsalita ay hinipan niya ang kamay ko. Napahinto ako sa pag-iyak dahil sa ginawa niya. Para kong tangang nakangiti habang ginagamot niya ang sugat ko. Parang kanina lang ay todo ang pag-eemote ko, ngayon naman ay para na akong nababaliw kung ngumiti at kiligin sa bawat ginagawa nito. Binalutan niya ng benda ang kamay ko matapos niyang malinis ito. "Here use it." Pag-abot niya sa akin ng jacket niya. Ito pala yung inabot niya sa passengers seat kanina. "Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi niya na ako sinagot at muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Sinuot ko ang jacket at pasimpleng inamoy ito. Napakabango at halatang si Cloud ang gumagamit nito dahil sa perfume na naamoy ko. I wonder kung napagamit niya na din ito kay Charlotte. Malungkot akong napangiti ng dahil sa naisip ko. Lumipas ang ilang minuto at hindi ko na napigilang tanungin siya. "Saan ba tayo pupunta Cloud?" Inantay ko siyang sumagot pero nanatili siyang tahimik. Mukhang malalim ang iniisip niya. Malamang si Charlotte na naman ito. Katabi ko nga siya physically pero ang puso at isip niya nasa iba. Hindi na lang ako nagsalita at ibinaling ko na lang ang pansin sa labas. "Sinabi mo kanina na kahit ano handa mong ibigay sa akin, tama ba ako?" Lumingon ako sa kanya at nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang ngisi sa mukha niya. Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa tumigil na ang sasakyan niya sa harap ng... Monteciara Hotel? Hotel. Hotel. Hotel. Nasa hotel nila kami anong gagawin namin dito? 'Nagtatanga-tangahan ka na naman Skyleigh, ano sa tingin mo ang gagawin niyo sa hotel magjajack-enpoy? Pinairal mo na naman ang 'katalinuhan' mo kasi lakas ng loob mong magsabing lahat ibibigay mo. O ayan ibigay mo na ang virginity mo.' Piping-usal ng naninising bahagi ng isip ko. Napaurong ako sa gilid ng pintuan nang maramdaman kong unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko na pakiramdam ko sasabog ito. "Bababa ka ba o bubuhatin pa kita Skyleigh?" Sarkastiko siyang tumawa at iniwan akong tulala sa kotse. Nagmamadali akong sumunod sa kanya. Di ko na alintana ang mga nagtatakang tingin ng mga empleyado at mga customer sa akin dahil sa nakapantulog lang ako at basang basa ng ulan mabuti na nga lang at suot suot ko ang jacket ni Cloud kung hindi makikita nila ang pantulog ko. Hindi ko natiis nang walang lingunan na nagpatuloy sa paglalakad si Cloud kaya hinawakan ko siya sa kamay at hinarap sa akin. "What?" Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin tapos tinignan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya kaya parang napapasong bumitaw ako at umayos ng tayo. "What's the meaning of this Cloud?" Walang kangiti-ngiti kong saad. "Stop pretending to be naive Skyleigh. You're a writer right? Then you should know what can happen if a guy bring a girl to a hotel." Napalunok ako sa sagot niya. Of course I know kung anong posibleng mangyari kapag pumunta sa hotel ang lalaki at babae. Pero wala namang kami! Heto ba ang sagot niya sa confession ko sa kanya kanina? Ang dalhin ako sa hotel? Hindi ko maiwasang mapaluha. Pakiramdam ko napakababa kong babae para ituring niya ako ng ganito. "We're gaining attention Skyleigh, so stop crying. Remember, hindi kita pinilit na sumama sa akin. I'll call Thunder and ask him to fetch you up so stop acting as if I'm a bad guy here." Napakagat ako sa labi sa sinabi niya .Tama siya hindi niya ako pinilit. Kusa akong sumama, ako itong umeepal pero ang lakas ng loob kong mag-inarte sa harap niya. "I told you, you don't love me." Anito na para bang sinasabi sa akin na hindi ko kayang gawin ang lahat para dito. Sa sinabi niya nakabuo ako ng desisyon. Sasama 'ko sa kanya wala akong pakialam kung nakakababa ang gagawin ko. I don't care kung pagkatapos nito iwanan niya ako. Ang mahalaga maparamdam kong hindi siya nag-iisa, na nandito ako para sa kanya at higit sa lahat hindi ako katulad ni Charlotte na binigay niya na ang lahat iniwan pa din siya. Pinahid ko ang luha ko at ngumiti ako sa kanya. "Don't call Thunder. Sasama ko sa 'yo." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa receptionist na mukhang kanina pa kami inaantay na dalawa at pinagpapantasyahan si Cloud. Pasensya ka Girl, kahit anong pagpapaganda ang gawin mo diyan. Ngayong gabi akin si Cloud. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD