CHAPTER 4

1544 Words
Sky's POV Bakit ba kailangan kapag nagmahal ka papasok yung katagang "Kapag nagmahal ka sa ayaw at sa gusto mo masasaktan ka talaga". Akala ko naiintindihan ko na ang mga katagang iyan dahil sa dami ba naman ng binabasa kong libro tungkol sa loveat mga sinusulat ko hindi pwedeng hindi papasok ito sa eksena. Kumbaga package ang love at pain--- buy one take one na laging magkasama. Pero ngayon ko lubos naintindihan ang mga salitang iyan. Ang sakit pala kapag nasaktan ka nang dahil sa pag-ibig. Pero ang pinakamasakit ay ang masaktan ka ng taong mahal mo nang hindi niya alam. Paano niyang malalaman kung sasabihin mo pa nga lang ang nararamdaman mo, nakita mo nang may nagmamay-ari na sa puso niya. "Cloud, may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Napatigil ako sa pag-inom ng champagne na hawak-hawak ko dahil sa tinanong ni Papa Winter kanila Cloud na akala mo nasa date kung maglambingan. Bagama't hindi ako nakatingin sa mga ito at nakapako ang paningin ko sa champagne na hawak ko. Nakapokus pa rin ang atensyon ko sa mga ito. "Dad ano namang hindi ko sinasabi sa inyo?" Nagmamaang-maangan pa to si Cloud. Para namang bulag kaming nasa lamesa at 'di nakikita ang pagiging sobrang close nila ng katabi niya na kulang na lang magkapalit na sila ng mukha. Ganon sila kalapit sa isa't-isa. "Sigurado ka ba hijo, eh mukhang mali ata ang pakilala mo sa amin kay Charlotte?" "Katrabaho mo nga lang ba talaga siya o higit pa?" Sige lang i-hot seat niyo sila Mama at Papa at pag umamin na talaga sila sa tunay na relasyon nila. Ihanda niyo ang abuloy para sa akin dahil magbibigti na ko mamayang gabi. Fine, ako na ang dakilang eksaherada. Tumikhim pa muna si Cloud at nakita ko mula sa lamesa na kinuha niya ang kamay ni Charlotte at hinawakan tapos hinalikan at humarap sila sa amin. Nagsikip ang dibdib ko, at parang may sumasaksak dito nang marinig ko ang sumunod na lumabas sa bibig ni Cloud. "Yes, we're in a relationship and I love her." Narinig ko kung paano sila maging masaya para sa kanilang dalawa. Alam kong wala silang alam sa nararamdaman ko kay Cloud dahil wala naman akong pinagsabihan maliban kay Thunder pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis na masaya sila sa sinabi ni Cloud habang ako ay nakayuko at nagsisimulang lumandas ang mga luha sa pisngi ko. At kung hindi ako aalis sa kinauupuan ko malamang maririnig nila ang pag-iyak ko. Gusto kong tumayo pero parang may glue ang mga paa ko na nakadikit sa lupa. Hindi ako makakilos. Buti na lang nandito ang best friend ko. Naramdaman kong hinila niya ako at pinatayo. Doon lang tumahimik ang lahat. "Hey Thunder, what happened? Saan kayo pupunta?" "Sky umiiyak ka ba?" Oh my gahd! Nakita pa din nila ang pag-iyak ko. Damn this tears, may ikakasira pa ba ng gabi ko. Tumingin ako kay Thunder at seryoso siyang nakatingin sa kanila. Don't tell me sasabihin niya na kaya ako umiiyak dito ay dahil sa lihim kong pag-ibig sa kapatid niya. Tumingin ako kay Cloud, umaasang katulad nila TitaMoms ay nag-aalala rin siya. Pero... Nakita ko siya kausap niya pa rin si Charlotte at parang may sariling mundo sila. Mas lalo akong napaluha sa nakita ko. Kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Thunder. Inaaantay ang sasabihin niya. "Ihahatid ko na lang po siya sa bahay. Heto naman kasing si Sky dine-dysmenorrhea na, nahihiya pang magsalita ayan tuloy napaiyak na sa sobrang sakit." 'Sa dami ng dahilan yun pa talaga Thunder.' Pero it's better kaysa naman malaman nila na kaya ako umiiyak dahil brokenhearted ako. Humawak na ako sa puson ko at nagpanggap na masakit ito kahit ang puso ko talaga ang masakit. Puso. Puson. How ironic. "Ganun ba? You ask Yaya Meling to give her meds okay Thunder?" Lumapit pa sa akin si Mama Rain at hinalikan ako sa pisngi. Ganun din si TitaMoms at Papa na hinalikan ako sa noo. "Sige po mauna na kami." Tumalikod na si Thunder at hindi man lang nagpaalam kanila Cloud. Hinila niya na lang ako marahil ay nahalta niyang ayaw ko pa ring kumilos sa kiinatatayuan ko. In one last glance, tinignan ko ulit si Cloud but still nabigo ako. He doesn't even bother to look at me. My gosh mukha na siguro kong zombie sa itsura ko. Kalat na siguro ang eyeliner at mascara ko. This is the worst night of my life. Nasa gate na kami nang hubarin ni Thunder ang suit niya at itali ito sa bewang ko. Yumuko siya patalikod at sinenyas na sumakay ako sa likuran niya. At dahil pagod na rin ako sumampa ko sa likod niya. Naglakad siya papunta sa bahay naming mga limang minuto din ang lakarin. Sa may function hall kasi ng subdivision ginanap ang birthday niya. Tahimik pa din akong umiiyak habang nasa likod niya. Walang pakialam kahit mabasa ang damit niya. Ang sakit na kasi at pakiramdam ko pag hindi ako umiyak aatakehin ako sa puso. Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na parang may mga karayom na tumutusok sa puso mo tapos ang hirap huminga? Yung natatakot kang magsalita dahil pakiramdam mo mas lalo kang iiyak once you open your mouth? Iilan lang ang mga 'yan sa nararamdaman ko ngayon. "Sige lang Sky, keep on crying kung iyan lang ang makakapagpagaan ng loob mo." Narinig kong sabi ni Thunder. Dahil sa sinabi niya mas lalong napalakas ang pag-iyak ko. Binabagalan talaga ni Thunder ang paglakad at alam kong dahil ito sa akin. Simula bata palang kami palagi akong kinakarga nito sa likod sa tuwing umiiyak ako. He said it's his way to comfort me and true enough, everytime he do it nale-lessen yung bigat na nararamdaman ko. Unti-unti huminto ang pag-iyak ko. "Alam mo ba kung bakit kapag umiiyak ka pinapasan kita sa likod instead of hugging you?" "Why?" Halos hindi maintindihan ang boses kong sabi sa kanya. "It's because I don't want to see your face every time you cry." Hinampas ko siya nang mahina sa braso dahil sa sinabi niya. "Bakit? Dahil panget ako pag umiiyak ako ganun ba yun Thundz?" Binaba niya ako at 'di ko napansing nasa bahay na pala kami. Hinarap niya ako at pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya at ginulo niya ang buhok ko. Really guys bakit ang hilig niyong guluhin ang buhok naming mga babae? "Silly. It's not because you're ugly." Nakangiti niyang sabi sa akin. "E ano?" "It's because I don't wanna see your expression when you are hurt." "Why?" "Tss, puro ka tanong. Basta 'yon na yun." Naiinis niyang sabi sa akin. Sorry naman kung Pentium 1 ang utak ko. I pouted. "Pabitin ka naman e." "Pacute ka naman e." "Nakakaasar ka!" "Nakakaloka ka!" Oh my gahd napatawa ko nang malakas sa sinabi niya. Inipit niya pa talaga ang boses niya at nagbakla-baklaan sa harap ko. Sabay kaming tumawa nang malakas. Baliw na nga yata ako kanina kung maka-emote ako akala mo katapusan na ng mundo ko. "Thank you Thundz." Saad ko makaraang matapos kami sa pagtawa tapos niyakap ko siya. "Welcome Skyz." Ginantihan niya ako ng yakap. Ganito talaga kami kalambing sa isa't-isa kaya nga lagi kaming iniissue ng mga tao sa paligid namin. Pero kapatid lang talaga ang turingan namin sa isa't-isa. "Siguro kung wala ka sa tabi ko kanina malalaman nila ang feelings ko para kay Cloud. Thank you Thundz, hindi lang para sa ginawa mo kanina. Thank you for everything, hindi man successful ang love life ko, still may bestfriend ako na laging nasa tabi ko. Happy Birthday Thundz. Huwag kang magbabago hm?" Mahabang sabi ko sa kanya tapos hinila ko na siya papasok sa bahay. Kada birthday namin kasi nag-ssleepover kami sa bahay ng isa't-isa. Tradisyon na namin iyon. Parang bonding na din namin. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto din siya. Nagtataka ko siyang tinignan. Nakayuko siya nang magulat ako sa sinabi niya. "Hanggang bestfriend na lang ba? Hindi ba pwedeng humigit pa doon?" Kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Nagbibiro ka ba?" Katahimikan. Katahimikan. Katahimikan. "Oh my gosh Thundz ano bang pinagsasabi mo? Don't tell me katulad ka ng nababasa ko na guy na nafa-fall sa girl bestfriend niya. Alam mo naman yung consequences kapag na-fall ka sa bestf riend mo di ba? Papasok na si awkward moment tapos...." Hindi ko na maintindihan yung sinasabi ko sa kanya dahil ganito ko kapag kinakabahan, walang preno ang bibig. "Hahahahahahahahahaha!" Tumawa ito nang parang wala ng bukas na ikinasimangot ko dahil napagtanto kong pinagtripan lang ako ng best friend ko. Lumapit ako dito at mahina itong binatukan. "Puro ka talaga kalokohan. Huwag mo nang uulitin yun ah!" sigaw ko dito sabay takbo papasok sa loob ng bahay. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil nahihiya ako sa pinagsasabi ko. Pero napangiti din ako, alam ko naman kasi na inaaliw lang ako ni Thunder para makalimutan ko kahit sandali yung nangyari kanina. Binabawi ko na yung sinabi ko na this is the worst night ever. Thanks to my best friend Thunder. Thunder POV Pinagmasdan ko siya papasok ng bahay at napabulong na lang ako... "Jokes are half meant true Sky remember that." Malungkot akong ngumiti at hinabol ang babaeng mahal ko. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD