CHAPTER 3

1002 Words
Edited Chapter 3 Patuloy ko pa ring pinagmamasdan si Cloud, ang sabi nila kapag tinitigan mo ang isang tao mararamdaman niya ito, kaya ang resulta lilingunin ka din nito. Pero bakit si Cloud nanatili pa ring nakapako ang kanyang mga mata sa babaeng ilang hakbang na lang ay nasa lamesang inookupa namin? Hindi ko na kaya ang makita ang ekspresyon ng mukha ni Cloud kaya ibinaling ko na lang ito sa babaeng parang bumaba mula sa langit. Sa tanang buhay ko, never akong nainsecure dahil hindi man ako mahilig mag-ayos, marami ang nagsasabi na maganda ko. But looking at this woman, I can't help but to feel insecure all of a sudden. At alam kong hindi dahil sa kagandahan niya kung hindi dahil sa tingin na iginagawad sa kanya ni Cloud. "Happy Birthday Thunder, pasensya na kung nahuli ako ng dating may shooting pa kasi ako e." Anito makaraang halikan sa pisngi si Thundz. "It's okay Charlotte, at least dumating ka pa din." Nararamdaman ko na hindi komportable si Thunder sa presensiya ng babae. Pero bakit? At Charlotte? Kilala ko halos ang mga kaibigan ni Thunder but never did he mention this woman's name. What's the reason Thunder, may dapat ba akong malaman? Nahalata ata ni Thunder ang mga iniisip ko dahil pinakilala niya ako sa bisitang kadarating lamang. "Hey Charlotte, I would like you to meet my best friend, Skyleigh." Ngumiti sa akin si Charlotte at kahit naguguluhan pa din ako kung sino siya nagawa ko pa ring suklian ang ngiti niya. "Hi, ikaw pala si Skyleigh lagi kitang naririnig kanila Cloud at Thunder." Confirm. Kilala niya nga din si Cloud. Keep calm Sky, baka kaibigan lang naman siya ni Cloud. "Oh really ano namang sinasabi nitong bestfriend ko?" Natatawa ko pang aniya. Great act Sky... "Tss. Huwag mo ng itanong Sky, kung ayaw mo mapahiya sa kanila." Kinurot ko siya dahil sa kalokohan niyang sinabi. In return,pinisil niya naman ang pisngi ko. "Hey you two, tigilan niyo na nga 'yang paglalambingan niyo." "Mommy! hindi po kami naglalambingan!" / "Mama! hindi po kami naglalambingan!" Sabay pa naming sabi ni Thunder. Nagkatinginan kami at sabay ding tumawa. Narinig din namin ang tawanan ng mga magulang ni Thunder maging si TitaMoms. "Good evening po sa inyo." Mahinhing bati ni Charlotte makaraang tumahimik ang nasa lamesa at nakaupo na siya sa tabi ni Cloud. Kitang-kita ko kung paano niya hinalikan si Cloud sa pisngi. 'Kalma lang Sky diba nga ganyan ka din kay Thunder baka close lang sila.' "Oh my Gosh Charlotte, you look lovely in person." Napatingin ako kay TitaMoms dahil sa sinabi niya. "You know her TitaMoms?" Tanong ko kay Tita. And I don't know why they look at me as if I asked something funny. "Okay, what's with the look guys?" "Don't tell me you don't watch television?" Oh my gosh!Kinausap ako ni Cloud. Napapahiyang lumingon ako sa kanya at umiling. "Wow, I can't believe it meron pa palang taong hindi nanonood ng TV." Natatawa niyang sabi. Tumawa si Cloud, dapat ba kong matuwa na natawa siya o mahiya dahil sa sinabi niya? "Hey Cloud ibahin mo si Sky. She doesn't like watching television, she just likes reading books. What a nerdy best friend I have here." Siniko ko si Thunder dahil sa binuko niya ang lifestyle ko. Ngayon alam na ni Cloud kung gaano ko kaboring na babae.Pagkatapos talaga ng party na 'to ibabaon ko sa lupa 'tong katabi ko. I swear, he really knows how to embarrass me. At sa harap pa ni Cloud?! Oh God, kill him now. "Ikaw talaga Thunder inaasar mo na naman si Sky. Anyway hija, Charlotte is one of our famous actress in MEC." Pagtukoy ni Mama Rain sa Monteciara Entertainment Company na pinamamahalaan ni Cloud. So that's explains kung bakit siya kilala ng mga Monteciara. Kaya ba close sila ni Cloud dahil artista siya at si Cloud ay ang nagma-manage sa kanya? "Well, I suggest na manood ka na ng TV Sky, para naman mapanood mo kung gaano kagaling umarte tong si Charlotte." Nakangiting saad sa akin ni Cloud. Everytime Cloud smiles at me napapasaya niya ako. Pero ngayon hindi ako sumaya sa ngiting ibinigay niya sa akin. Marahil dahil alam ko na kung bakit siya ngumiti at yun ay dahil nabanggit niya si Charlotte kung gaano ito kagaling. Nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-proud kay Charlotte. Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya kahit gusto ko siyang tanungin kung... "Mahal mo ba siya?" "Girlfriend mo ba siya?" Pero sino ba ako? Hindi nga masasabing magkaibigan kami bagama't sabay kaming lumaki. Naramdaman ko ang pagpisil sa kaliwa kong kamay na 'di ko namalayang hawak na pala ni Thunder. I looked at him and I saw his worried face. Nginitian ko na lang siya. Ngiting nagsasabing okay lang ako kahit parang may pumipiga sa puso ko. Pilit kong pinaniwala na okay lang ako. Wala na kong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Dahil ang tanging nakikita ko lang ay ang paglalambingan ni Cloud at Charlotte. And as I saw Cloud looking at Charlotte. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung mahal niya ba ang huli. Dahil kanina pa lang alam ko na ng makita ko kung paano niya tignan si Charlotte ng dumating ito. Nagbulag bulagan lang ako, nagpakatanga at pinaniwalang wala lang ang tingin na yun kahit alam ko sa sarili ko na si Charlotte, ang babaeng mahal ng lalaking minahal at patuloy na minamahal ko for the past years of my life. Akala ko, masakit na yung hindi ka mahal ng mahal mo,mas masakit pala yung makita siya na masaya kasama ang babaeng mahal niya...Unfortunately it's not me that he loved, I am a such fool imagining that maybe he loves me and he's just too shy to admit it just like me. Nakalimutan ko na malaki ang pagkakaiba ng realidad sa mga librong nababasa ko at isinusulat ko .Dahil sa kwentong ito hindi ako ang bida, isa lang akong ekstra na nangangarap na mahalin ng lalaking bida. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD