Chapter 2
I was seven years old when I met the Monteciara's family. Neighbor sila ng tita ko na siyang umampon sa akin after my parents died from a car accident. Malaki ang naging partisipasyon nila sa aking paglaki,especially Thunder na siyang naging bestfriend ko. Normal lang naman siguro ang ma-trauma pagkatapos mawala ng sabay ang parents ko. But with the help of their family compose of Mama Rain, Papa Winter, with their children Thunder Hendrex, Cloud Rendrex and lastly my old maid tita nabalik yung dating Skyleigh na masayahin at palangiting bata. Matanda ng isang taon sa amin ni Thunder si Cloud. Ever since we were a child seryoso na siyang bata kabaliktaran ng playful attitude ni Thunder. But in spite of that, 'di ko pa din napigilan ang magustuhan siya. I can still remember the first time he smiled at and talked to me and maybe the reason why he became my first crush and eventually became my first love.
Flashback
Grade 3 19**
"Ah walang parents nyeh nyeh nyeh nyeh." Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak na lang dahil sa inaaway na naman ako ng mga kaklase ko. Kung alam ko lang na 'di papasok ang best friend kong si Thunder, sana umabsent na lang ako. Napahinto ako sa pag iyak ng may marinig akong sigaw.
"Hoy! ano yang ginagawa niyo? Gusto niyong isumbong ko kayo sa teacher niyo." Inangat ko ang ulo ko at nagulat ng makita ang nagsalita.
"Cloud?" Nagtakbuhan ang mga bata dahil sa sinabi niya. Yumuko siya at itinayo ako, binalot niya ng panyo ang tuhod kong nasugatan dahil sa tinulak ako ng mga kaklase ko. Kinakailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya. Grade 5 na si Cloud at matangkad siya katulad ng kapatid niya. Although isang taon lang ang tanda niya sa amin ni Thunder but still higher siya sa amin ng 2 years dahil sa naaccelerate siya. Naramdaman ko na lang na pinunasan niya ang mukha ko gamit ang bimpo ko na di ko namalayang kinuha niya sa bag ko.
"Sa susunod, kapag may umaway sa'yo, lumaban ka at 'wag kang basta umiyak dahil hindi sa lahat ng oras nandito kami ni Thunder para ipagtanggol ka Skyleigh." Pagkatapos niyang sabihin yun ay nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. Makaraan ay umalis na siya at iniwan akong tulala. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.
Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang bilis ng t***k ng puso ko. Eto na ba yung crush na sinasabi ni Thunder?
Present
Simula ng araw na yun sa tuwing nakikita ko siya palaging may kakaiba kong nararamdaman.
Bumibilis ang t***k ng puso ko at tila may kumikiliti sa loob ng tiyan ko, parang paru-paro. Ang simpleng crush ay nauwi sa pagkagusto hanggang sa hindi ko namalayang mahal ko na pala siya. I was 16 years old ng malaman ni Thunder na gusto ko ang kapatid niya dahil sa pinakialaman niya ang Diary ko na puro confessions about kay Cloud ang laman. 22 years old na kami ngayon at ang inakala kong gusto naging Love na. Lagi kong naiisip na magtapat sa kanya pero pinapangunahan ako ng kaba. Pero ngayong gabi inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para masabi na sa kanya ang nararamdaman ko.
It's now or never 'ika nga.
"Hey Sky, pumunta ka ba sa birthday ko para paglawayan ang kapatid ko?" Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang nagtatampong boses ni Thunder.
"Aww nagtatampo ang baby Thundz ko.Sorry na po, kuya mo kasi eh ang
gwapo." Natawa pa ako sa walang kakiyeme-kiyemeng lumabas na salita sa bibig ko.
"Hindi hamak naman na mas pogi ako sa kanya."
"E di ikaw na wala na kong sinabi." Hindi ko napigilang pisilin ang ilong niya at tumawa matapos makita siyang ngumuso. Napakacute talaga ng bestfriend ko. Siguro kung hindi ako na-fall kay Cloud sa kanya ko magkakagusto.
Who wouldn't be?
Dahil katulad ng kuya niya wala ding itulak kabigin si Thunder sa kagwapuhan.Parehas sila ng mata ni Cloud, matipuno din ang katawan nito at tila babae ang labi nitong mamula-mula.Mas matangos pa nga ang ilong nito kaysa sa akin. Kung sa katalinuhan naman, masasabing hindi din ito papahuli. He graduated as Summa c*m Laude in one of the most prestigious university in the Philippines just like Cloud. Madami nga siyang admirers ayon sa kanya. Nagulat ako ng sumeryoso ang mukha niya.Tinignan ko ang tinitignan niya at nakakita ko ng isang diyosa. Napakaganda nung babae, napakainosente ng mukha niya marahil yun ang dahilan kung bakit halos lahat ng tao sa party ay pinagmamasdan siya. Maging ang katabi kong si Thunder ay tinitignan siya. Binaling ko ang paningin ko kay Cloud.
At tama ba itong nakikita ko?
Tinitignan niya din yung babae na papalapit sa table namin. At hindi lang basta tinitignan, may mga ngiti rin sa mga labi niya na bihira ko lang makita. At ang mga mata niya--- kakaiba.
Sino siya? Bakit ganun na lang kung tumingin sa kanya si Cloud? Bakit ganito yung pakiramdam ko?Bakit tila may kumukurot sa puso ko?
TBC