Chapter 1
"Ladies and gentlemen, I would like to introduce Skyleigh—best friend of my son Thunder."
Nakangiti akong tumayo kahit na nga ba kinakabahan ako at lumapit sa stage kung nasaan si Mama Rain na siyang ina ng best friend kong si Thunder. Nasanay na akong Mama Rain ang tawag sa kanya ganoon na din kay Papa Winter, ama naman ni Thunder. Bumeso ako sa kanya at inabot ang mikropono. Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba kaya huminga muna ako nang malalim bago ko hinarap ang mga taong nakatingin sa akin. Parang bulang naglaho ang kaba ko nang makita si Thunder na todo ang ngiti habang nakatingin sa akin.
"Good evening everyone... especially to my best friend Thundz. I am really lucky to be a part of your life Thundz. I'll always be here for you... happy happy birthday Thundz. This performance is dedicated for you. " Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa piano. Pumalakpak sila at nagsilbi itong cue sa una kong tipa sa piano. Pumikit ako at sinimulang umawit.
(Play I will be here- Steven Chapman)
Napahinga ko nang malalim nang matapos ang ginawa ko. Hindi ko talaga hilig mag-perform sa harap ng maraming tao. Tumingin ako sa lamesang kinauupuan nila Thunder at ng mga magulang nito kasama ang TitaMoms. Pawang mga nakangiti ang mga ito kaya naman napangiti na rin ako. Kaliwa't kanang papuri ang narinig ko habang naglalakad ako pabalik sa lamesang inookupa namin. Malapit na ako nang mapahinto ako sa paglalakad nang makita ang kapapasok lang sa pintuan ng bulwagan. And there I saw him, looking so dashingly handsome in his suit. Cloud Rendrex Monteciara ang kapatid ng best friend ko at ang lalaking lihim kong minamahal. It's been a while since I last saw him. Kahit almost everyday akong nasa bahay nila bihira ko siyang makita dahil na rin siguro sa busy siya sa pagma-manage ng entertainment company nila. At the age of 25, isa na siyang CEO ng company nila. Hindi naman nakakapagtaka dahil masasabi kong napakatalino niya. Genius kung tawagin ng karamihan.
Wala pa ding pagbabago ang lalaki. Seryoso pa rin ang hitsura nito at panaka-nakang ngumingiti sa mga bumabati dito. Napaka-guwapo pa rin nito lalo na ngayon, hindi ko maialis ang paningin ko sa maamo nitong mukha. Singkit ang mga mata ng lalaki na namana nito at ni Thunder kay Mama Rain. Halata ring naaalagaan nito ang matipuno nitong katawan. Matangos ang ilong nito at para bang nang-aakit ang mga labi nito na mamula-mula—
"Done checking him out?" Napapitlag ako sa gulat nang may bumulong sa tenga ko at nabalik ako sa kasalukuyan.
Pagbaling ko ay nabungaran ko si Thunder Hendrex na malawak ang ngising nakatingin sa akin. Mang-aasar na naman ito tiyak, malaki na sila't may mga kanya-kanya nang pinagkakaabalahan pero hilig pa rin nitong asarin ako at gulatin. Kung ang kuya niya ang nagma-manage ng entertainment business nila. Siya naman ang may hawak ng Monteciara Hotel. Isa ang Monteciara sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Habang ako naman ay isang manunulat ng mga nobela. Bata pa lang ako ay hilig ko ng magsulat ng mga istorya kaya kahit na Business Administration ang tinapos kong kurso. Pinursue ko pa rin ang career ko bilang isang writer na nagbunga naman dahil isa na akong ganap na manunulat. Bagama't sinasabi sa akin ni Thunder na corny daw ang mga isinusulat ko, hindi ko ito dinidibdib dahil alam ko naman suportado ako nito sa lahat ng ginagawa ko o sa pangarap ko. Sa katunayan ay naikuwento sa akin ni Mama Rain na kumpleto ni Thunder ang lahat ng mga nobelang natapos ko at kinokolekta ito.
"Thundz ano ba?!" Sa inis ko hinampas ko siya. At ang loko tinawanan lang ako. Alam na alam niya talaga kung paano ko asarin.
"You know what, pulang-pula ang mukha mo." Tawang tawa pa siya habang nagsasalita. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal na siyang pinaglalamayan. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. At tama nga ang loko, namumula ang mga pisngi ko. Napahinto lang kami sa pagkukulitan nang may tumikhim sa harap namin. OA mang pakinggan pero nang tinignan ko si Cloud pakiramdam ko huminto ang lahat ng nasa paligid namin at wala kong naririnig kung hindi ang malakas na t***k ng puso ko.
Dug.Dug.Dug.Dug
Napabalik ako muli sa kasalukuyan ng may mga kamay na kumaway sa mukha ko.
"Earth to Sky, Kuya is talking to you."
Mas lalo atang namula ang mga pisngi ko sa kahihiyan.
"What did you say again Cloud?" nauutal kong tanong dito.
"I said kung kumusta ka na?"
"Ah yeah, I'm fine." Napapatungo kong sabi sa kanya. Minsan ko na nga lang siyang makausap pinagana ko pa ang katangahan ko.
"It's good to hear that. Anyway, I'll just greet Mom and Dad mauna na ko sa inyo.Happy Birthday ulit, Bro." Bago siya umalis ay ngumiti pa siya.
Ngumiti siya kaya naman parang nasisiraan akong napangiti. Bihira lang ngumiti si Cloud kaya naman pakiramdam ko buo na ang gabi ko dahil sa pagngiti nito. Ibang-iba kasi ito kay Thunder na palangiti at masayahin. Seryoso ito at bihira ko lang kakitaan ng emosyon. Taliwas sa ikinukwento sa akin ni Mama Rain at Thunder na ugali ng lalaki. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa tagal kong kakilala si Cloud, hindi kami naging malapit sa isa't-isa.
"Really Sky? Ganyan ka na ba kapatay kay Kuya para masabing buo na ang gabi mo dahil lang sa ngumiti siya?" Napatingin ako kay Thundz nang marinig ang sinabi niya. Baliw talaga ako para masabi nang malakas ang nasa isip ko. Hindi na lang ako nagkomento pa at dumiretso sa buffet table dahil tinablan na ako ng gutom.
"Just don't love him too much Sky, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung makita kitang masaktan dahil sa kanya."
Napatigil ako sa sinabi ni Thunder. Tinignan ko siya, iniisip na baka nagbibiro na naman siya katulad nang palagi nitong ginagawa. Pero, ang nakita ko ay ibang-iba sa Thunder na kilala ko mula ng mga bata pa kami. Bihira ko lang itong makita, ang seryosong best friend ko. We've known each other since we were a kid. I was 16 years old nang nalaman niya na gusto ko ang kapatid niya. Since then pang aasar lang ang ginagawa niya sa akin. He never said anything serious about my like or should I say love for his brother. Ngayon lang at kinabahan ako dahil pakiramdam ko may alam siyang hindi niya sinasabi sa akin.
Napatigil ako sa pagiisip nang maramdaman kong ginulo niya ang buhok ko.
Sumimangot ako nang guluhin nito ang buhok ko pero agad ding naglaho ito ng tumawa na siya. "Mukhang gutom ka na siguro baby Skyz. Come, let's grab some food. Don't mind what I said, gutom lang din ako." So I chose to ignore what he said. Sa isip-isip ko baka tinamaan lang ng kasaltikan ang best friend ko.
Pero sa gabi ding ito naintindihan ko ang mga katagang sinabi ni Thunder. Because tonight I experienced my first heartache.
"Kapag nagmahal ka ng sobra asahan mong masasaktan ka nang higit sa inaakala mong sakit na pwede mong maranasan dahil sa minahal mo siya."
TBC