Ang utak, madaling turuan ng paniniwalaan Pero ang puso, mahirap diktahan ng mararamdaman -MarceloSantos(PSHR) Chapter 26 "I don't want to eat!" rinig na rinig ang boses ni Claudi sa hotel room na tinutuluyan namin, lumabas mula sa kwarto si Kleng na iiling-iling. Nagmamaktol si Claudi dahil gusto niyang bumalik sa mall at alamin kung sino ang nanalo sa sinalihan niya. Binalingan ko si Klode. "Klode, you eat here huh? Kakausapin ko lang si Claudi." Tumango naman ito, sinabihan ko si Kleng na ako na ang pupunta kay Claudi at kumain na siya. "Baby.." Malambing kong tawag sa anak ko pero nanatili itong nakatalikod sa akin. "Baby, bumili ako ng jollibee tapos alam mo may toys ding kasama doon. Gusto mo bang ubusan ka ng kakambal mo?" Pang-uuto ko pa. "I-i d-don't want to eat jollibee,