"You never get over the pain of loss; you just get immune to it." -DearAlex Chapter 25 "Yura, mauuna na kami ng mga bata sa hotel. Pakisabi na lang kay Ma'am Krys." "Wait lang Leigh, sino ba yung gwapo kanina 'yun na ba si Clo-" "No hindi siya 'yun. Basta, I'll tell you later hahanapin ko pa ang kambal." Binaba ko na ang tawag kay Yura kahit na may itatanong pa ang huli. Hindi ito ang oras para makipagkwentuhan ako. I-dinial ko ang number ni Kleng at inantay itong sumagot. Palinga-linga pa ako dahil baka sinundan ako ni Thunder pero mukhang hindi naman. I know he's my best friend at kung malaman niya naman ang tungkol sa kambal. Alam kong hindi niya ito sasabihin, gayunpaman ayokong sumugal. "H-hello Ate Leigh?" Napansin ko na iba ang boses ni Kleng kaya naman kinabahan ako. "Anon