Chapter 27 "Leigh ano ka ba naman? Pa- VIP ka masyado girl kanina ---ow," Napatigil sa pagsasalita si Yura ng mapansin niyang hindi ako nag-iisa. Napatingin ako kay Thunder na nakataas na ang kilay at halata ang inip sa mukha. Binalingan ko si Yura. "Yu, mauna ka na bumaba susunod na ako, pakisabi na lang sa kanila sorry-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumabat si Thunder. "No need paalisin mo na sila, ako na ang maghahatid sa pupuntahan mo." tatanggi pa sana ako ng nagpaalam na si Yura at mauuna na daw sila. Susundan ko sana siya ng may mga kamay na pumigil sa akin. "Thundz, wala ka bang pasok?" Nasabi ko na lang. "None, it's my day-off" "Really day-off? When it's Tuesday?" Nakataas-kilay kong tanong. "Wag ka ng humanap pa ng paraan para makaiwas sa mga tanong ko Skyleigh