Chapter 24 THIRD POV Book signing Event. Bakas ang tuwa sa mga mambabasang naghihintay para makita nila ang mga iniidolo nilang manunulat kabilang na dito si Skyleigh na ang pen name ay Claudi Klode na hango sa pangalan ng mga anak niyang kambal. "Kleng dumito na muna kayo ah, pwede mo namang igala ang kambal pagkatapos niyong kumain but make sure na wag mo silang iwawala sa paningin mo ok?" Ilang beses na itong binilin ni Sky sa yaya ng kambal. Hindi niya lang talaga maiwasang mag-aalala, pero mas lalong hindi naman pwede na isama niya ang kambal sa booksigning event. Kasalukuyang kumakain ang kambal sa jollibee na paborito nilang mag-iina. Iiwanan niya dito ang tatlo, ayaw kasing pumayag ng kambal na mag-stay sa hotel na tinutuluyan nila. "And you two wag lalayo kay Ate Kleng ah.