"Let's party! Party!"
Ang malakas na boses ni Armelle ang una kong narinig pagkapasok ko sa bar ni Alex, napapailing ako. Baka napadami na naman ang nainom nito.
Kaagad akong nagtungo sa bar area, nandoon si Alex, nagsi-serve ng drinks. Samantalang sina Armelle naman at Angela ay nasa gitna, sumasayaw kasama ang mga ibang babae, kaklase yata nila.
"Hey, dude!" untag ni Alex sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Drinks?" Offer nito sa akin.
Tumanggi naman ako, ayaw kong uminom baka malasing ako at hindi ko mabantayan si Armelle.
"No, thanks. Naka-ilang shots ba si Ara?" tanong ko rito, ngumisi lang ito kaya nilakihan ko ito ng mga mata. "I sent you a private message–na huwag mong bigyan nang bigyan ng alak si Ara."
"Hi, boyfriend..." Si Armelle, nakalapit na pala ito sa akin, paglingon ko ay naglanding na ang labi nito sa labi ko. Nalasahan ko pa ang alak na nagmula sa bibig nito.
"Let's go home," bulong ko rito nang maghiwalay ang labi namin, hinapit ko siya sa beywang at kinintalan ng halik ang gilid ng leeg nito.
"Magpapaalam lang ako kay Angela." Mabilis itong lumapit kay Angel na nagsasayaw sa gitna ng.
"Can I borrow your car, Alex?" tanong ko sa kaibigan, ngumisi lang ito at iniabot ang susi sa akin.
"Thanks."
"You're welcome man."
Kaagad na kaming lumabas sa bar, alas nuebe ng gabi pa lang ang daming tao sa bar kaya niyaya ko nang umuwi si Armelle, saka gusto ko na ring e-claim ang birthday gift nito para sa akin.
"Oh, gagamitin natin ang kotse ni Alex? Hindi tayo maglalakad?" Nagtatakang tanong ni Armelle nang makarating na kami sa kotse ni Alex.
"Yes, hindi tayo maglalakad. Pupunta tayo sa apartment mo. I will claim my birthday gift." Kinindatan ko pa ito, nagri-rent lang ito nang maliit na apartment malapit sa school.
I don't know about her family dahil sabi niya sa akin ulila na siya. Hindi na rin ako nag-usisa pa tungkol sa pamilya nito.
"I love that." Napakagat labi ito, saka kinuha ang susi sa kamay ko kaya napakunot ang noo ko.
"I will drive." Masayang turan nito. Nauna na itong pumasok sa driver seat.
"Are you sure marunong kang mag-drive?" tanong ko sa hindi makapaniwalang boses.
"Yes, let me show you. Sakay na." Mayabang na turan nito.
Nagkibit-balikat na lang ako at sumakay na rin sa front seat area kung saan katabi ko si Armelle. Kinakabahan ako pero pinanatag ko ang sarili.
Nawala lang ang kaba ko nang malaman kong marunong naman pala talaga itong mag-drive ng sasakyan, ngayon ko lang nalaman.
"Paano ka natutong mag-drive?" Curious kong tanong dito.
"Uhm, when I was 14 years old, tinuruan lang ako." Tipid na sagot nito sa akin, napatango na lang ako.
Nahihimigan ko kasi sa boses nito na ayaw nitong pag-usapan ang nakaraan niya. Napatingin ako kay Armelle, para itong natulala, hindi ko alam kung may iniisip ba ito na problema o ano dahil sa lutang nitong hitsura ngayon
Damn it! Nakainom pala ito tapos hinayaan kong mag-drive. s**t talaga!
"Oh, s**t!" palatak ko nang biglang nag-preno si Armelle.
Buti na lang kaagad ko siyang nayapos kaya hindi sumubsob ang mukha nito sa manibela, sumasakit ang balikat ko dahil iyon ang tumama, napalakas yata ang impact.
"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Nasa madilim na bahagi pa naman kami ng daan. Nakatulala pa ito at naramdaman ko ang panginginig ng katawan nito.
"O-Orris..." sambit nito sa nanginginig na boses.
"Yes, baby? Are you okay?" Tiningnan ko ang mukha nito at sinuri ang buong katawan baka may sugat.
"Orris, naka-bangga ako." Mahinang sabi nito sa akin.
Natigilan naman ako, hindi ko napansin iyon dahil nakatingin ako sa mukha niya habang nagda-drive ito.
"What?" usal ko sa paos na boses.
"Orris, may nabangga ako! s**t!" Kaagad itong lumabas sa kotse, sinundan ko naman siya. And there we saw a man–No!Binatilyo yata ito, I think 16 years old or 17.
"Oh, f**k!" napamura ako dahil naliligo ito sa sariling dugo, duguan ang ulo nito at parang wala ng buhay.
Napatingin ako kay Armelle nakatutop ang dalawang kamay nito sa bibig, she's crying. Ang ayaw ko sa lahat ay ang nakikita siyang umiiyak.
"Oh, my God! I didn't know na tumawid siya! I didn't know na may kanto pala–my God!" bulalas nito sa nanginginig na boses. Niyakap ko ito para kumalma.
"Calm down, dalhin na natin siya sa malapit na ospital." Marahan itong tumango.
Mabilis naming dinala ang binatilyo sa ospital. Nasa ER pa ito at nag-aagaw buhay.
Nanginginig pa rin si Armelle dahil sa nangyari, dinala ko siya sa labas ng ospital kung saan may 7/11 sa hindi kalayuan. Nagtungo kami roon at binilhan ko siya ng bottled water.
Ako naman ay bumili ng tatlong can na beer, sunod-sunod kong ininom iyon. Shocked namang nakatingin si Armelle sa akin. Kinakabahan talaga ako, what if hindi maka survive ang binatilyong iyon?
Damn it!
"Orris..." usal nito. Gumaralgal na naman ang boses nito. Niyakap ko siya ulit.
"It's okay, it was an accident, Armelle. Hindi mo kasalanan ang lahat. Aksidente lang ang nangyari. Come on, bumalik na tayo baka okay na ang binatilyong iyon." Masuyong saad ko sa kanya, tumango naman ito.
"I'm sorry hindi na talaga na revived ang pulso niya." Sabi ng doctor sa amin.
Biglang napaupo si Armelle sa gilid ng upuan, hindi nito matanggap na siya ang dahilan kung bakit namatay ang binatilyong iyon. Maski ako hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.
"Na identify na rin namin ang identity ng binatilyo, he was the only son of the Vice-Governor in Baguio City, nagbakasyon lang sila rito. Don't worry paparating na rin ang mga magulang nito. I already talked to them that it was an accident..." saad ng doctor, halata ang boses na nakikisimpatya ito sa amin.
Ilang minuto lang ang dumaan ay may narinig na kaming komosyon, papalapit sa amin. Mas lalo akong kinabahan. It was an accident, hindi naman namin sinasadya. Palagi kong saad sa sarili ko.
"Where's my son?!" Hysterical na tanong ng babaeng bagong dating, umiiyak ito.
Nasa 40's na siguro ito pati ang kasama nitong lalaki, tingin ko ay ito ang ama ng binatilyo, mas lalo akong natakot dahil sa nakakatakot na aura nito.
"Who killed my son?!" muling usal ng babae, ang mga mata nito ay mariing nakatitig sa doctor.
"Mrs. Santillan, it was an accident–" panimula ng doctor.
"Yes! It was an accident with a reckless driver! Sino?" Nagwala na ito.
Nakita ko ang pagtayo ni Armelle sa kinauupuan. Inunahan ko na ito bago pa ito makapagsalita.
"I'm sorry Ma'am, hindi ko po nakita–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko.
"How dare you! You killed my only son? Hindi mo ba alam na hindi na ako magkaka-anak pa! Ipinagkait mo sa kanya ang buhay na meron siya ngayon! I will kill you! " Pinagsasampal at pinaghahampas na ako nito, inawat ito ng asawa niya, matatalim ang tinging ipinukol nito sa akin.
"Lourdes, calm down! I already call the police to file a case." Mariing sabi ng asawa nito.
"Yes! You will rot in jail! Sisiguraduhin ko iyon! Paano mo masasabing aksidente ang lahat kung na aamoy ko ang alak diyan sa katawan mo? How dare you!" muling asik ng babae.
Napansin kong bumuka ang bibig ni Armelle para magsalita pero umiling ako, senyales na ayaw kong magsalita siya, she's crying.
Narinig ko rin ang malakas na hagulhol ng ina ng binatilyo habang papasok na ang mga ito sa ER kasama ang doctor. Naiintindihan ko ang nararamdaman ng mag-asawa. Masakit talaga mawalan ng anak lalo na nag-iisang anak.
"Orris, why?" paos ang boses na usal ni Armelle sa akin. Ngumiti lang ako.
"Ayusin mo ang sarili mo, papunta na rito si Alex, tinawagan ko siya kanina. Sumama ka na sa kanya. Don't worry, I got you baby... Ako na ang bahala." Nakangiti kong saad dito, nakita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata nito.
"No! No please... Ayaw ko! Ako naman talaga ang may kasalanan–" pinutol ko ang sasabihin niya nang siilin ko siya ng halik.
"Don't talk about it." Seryoso kong sabi rito ng maghiwalay ang labi namin.
"Sumama ka na kay Alex pauwi," saad ko.
Ayaw kong makita niya ako na kinakaladkad ng mga pulis. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong kahihinatnan ko sa kulungan but one thing I'm sure handa kong isakripisyo ang lahat para sa babaeng minamahal ko.
"I love you," turan ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.
~•~