Chapter 2

1743 Words
"Ano ba kayong dalawa riyan? Hindi ba kayo titigil? Aba, papaluin ko kayo!" saway ni Lola Ursula sa amin, kanina pa kami nakarating sa bahay, nakakain na rin kami ng hapunan. At ngayon nga ay nagkukulitan kami ni Armelle sa sala, pinaghahampas ako nito dahil palagi kong inaasar. Siguro ay naingayan si Lola sa amin kaya lumabas ng kuwarto. Iisa lang naman ang kuwarto sa maliit naming bahay, konti lang ang space na pagitan ng sala at kusina tapos nasa labas ang cr. "Si Orris kasi Lola nakakainis eh!" sumbong ni Armelle, para itong bata. "Tigil-tigilan mo na nga iyang si Armelle, apo! Matulog na kayo, maglatag na kayo riyan sa sala. Ikaw hija, saan ka matutulog? Dito na ba sa kuwarto ko?" Pinandilatan ko ng mga mata si Armelle, gusto ko kasing katabi siyang matulog dito sa sala baka kasi bumawi ito sa akin dahil palagi kong inaasar at doon na sa kuwarto ni Lola matulog. Nakahinga ako nang maluwang nang magsalita ito. "Dito na po sa sala Lola, ako na po ang kukuha ng panlatag sa kuwarto ninyo." Maagap na sabi nito, saka nagtungo na sa kuwarto ni Lola. Hindi na bago kay Lola ang relasyon namin ni Armelle, parang apo niya na rin ang turing dito. Four years na kaming magkasintahan at Palagi naman siyang nag e-stay rito sa bahay kapag free time niya kahit nandito ako o wala. She's 17 years old nang maging kami at ako naman ay 20 years old that time. At ngayon ay 21 years old na ito at ako naman ay 24, she's 2nd year college sa kursong Interior Design, scholar din ito sa school na pinapasukan ko, kahit pasaway ito ay hindi niya naman pinapabayaan ang pag-aaral. Interior Design ang kinuha nitong kurso nang malaman niyang Architecture naman ang sa akin, gusto niya kasi kapag nag-work na kami magkasama pa rin daw kami. Napangiti ako sa isiping ganoon ang iniisip nito. "Oh, matulog na kayo," sabi ni Lola nang makalabas na si Armelle sa kuwarto nito, pumasok na rin ito sa loob. Tinitingnan ko lang siya habang naglalatag ng higaan namin. I love her long black wavy hair at ang pang-supermodel nitong katawan, she's slim pero malaman ang hubog ng katawan nito, malaking bulas talaga kaya hindi ko kaagad nalaman na 17 years old pa siya nang maging kami. "I'm done! Matulog na tayo..." excited na saad ni Armelle sabay hila sa akin pahiga sa inilatag niyang foam. She's wearing my shirt and boxer short. Sabi pa nga ni Lola sa amin dati na ang mga kabataan daw ngayon ay moderno na kaya bahala na raw kami. Kaya nasanay na si Lola na palaging nandito si Armelle. Niyakap niya ako nang makahiga na kami, itinalukbong pa nito ang kumot sa aming katawan. "Wala akong regalo sa'yo, ang katawan ko na lang..." bulong nito sa akin na ikinatawa ko. She was 19 years old when I took her innocent, I am her first love and will be her last. She is my first, siya lang naman ang babaeng minahal ko bukod kay Lola at sa yumao kong ina, she is my first kiss, first hug, first girlfriend. First of everything, same as her. "Palagi namang katawan mo ang ini-re-regalo mo sa birthday ko." Natatawa kong saad dito, inirapan lang ako nito. "Gusto mo na bang e-claim ang gift mo?" Nakangising pang-aakit nito sa akin. Huminga ako nang malalim saka pumikit. It took me too much strength not to ravish her right now and then. Nagsimula nang mag-init ang katawan ko nang maramdaman kong pumaloob na ang kamay nito sa loob ng suot kong short. "Stop it, Ara baka hindi ako makapagpigil." Seryoso kong saway sa kanya sabay hawak sa kamay nito para pigilan ang paggapang pababa sa umbok ko. "Why? Tulog na naman si Lola." Pilya nitong sabi. Tumitig ito sa akin, puno nang pagmamahal at pagnanasa ang nakikita ko sa mga mata nito. "Don't give me that kind of look, Ara. I might take you now." Pagbabanta ko rito. "Then take me, I'm all yours." Pang-aakit nito, saka hinalikan ang leeg ko. It sent chills to my body. "Talagang seryoso ka sa pamimikot sa akin, ano?" I teased her, she just pouted her lips. Bumangon ako at may kinuhang isang blueprint sa gilid ng sofa. "May ipapakita ako sa'yo." Lumapit naman ito sa akin, nakasimangot pa rin. "Ano iyan?" Walang gana nitong tanong. Inilatag ko sa harapan niya ang blueprint na nagawa ko. "Ito ang magiging bahay natin in the near future." Masaya kong turan sa kanya, nakita ko pa ang pagsinghap niya. "It's beautiful." Papuri nito habang ang mga mata ay nakatitig lang sa blueprint na gawa ko. "At syempre ikaw ang magdi-design sa loob niyan, siguro naman interior designer ka na pag naitayo na natin ang sarili nating bahay." Nakangiti kong sabi ko. Hinila ko siya para umupo sa kandungan ko, it's a wrong move dahil mas lalong tumigas ang alaga ko ng maramdaman ang mainit na pang-upo ni Armelle. s**t! Siguro naramdaman din nito dahil sinadya nitong igalaw ang pang-upo at itinodo pa ang pagkiskis sa p*********i ko. "s**t, Ara! Will you please stop it? Mag-behave ka nga!" saway ko rito. Ngumisi lang ito saka muling ibinalik ang tingin sa blueprint. "Ang ganda talaga Orris, ang galing mo." Humahangang sabi nito. Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi. Nagtama ang mga mata namin. "I promise you, pagsisikapan ko na maitayo ang bahay na iyan. I love you." Masuyo kong sabi rito. She smiled at me sweetly, her eyes staring at me intently. "I really love your eyes." "You don't love it, you just love the color of it." Nakangisi nitong sagot sa akin. Yes, that was half true. I love the color of her eyes, nakakaakit. Inilapat ko ang labi sa kanya at siniil siya ng halik hanggang sa lumalim at naging mapusok ang pagpapalitan namin ng halik. "Hay naku! Mga batang ito! Ang iingay niyo hindi ako makatulog!" Ang matinis na boses ni Lola sa kuwarto ang nagpatigil sa amin. Lihim kaming natawa. Lumipas ang ilang araw, naghahanda na ako para sa midterm examination namin. Napakunot ang noo ko nang may madaanan ako sa hallway, papunta ako sa kabilang room para sa next subject ko. Napahinto pa ako nang marinig ang boses ni Armelle, kasama nito ang bestfriend na si Angela. May kaharap itong tatlong estudyanteng babae. "Hindi niyo ba alam na may girlfriend na siya? At ako iyon!" mataray na sabi ni Armell sa tatlo, napailing ako sa pagiging possessive nito at selosa. Okay lang naman sa akin pero minsan nasobrahan na ito dahil lahat ng mga estudyante ay halos takot sa kanya kapag lumalapit sa akin. "Pinabibigay lang naman iyan ni Marie eh kay Orris." Paliwanag nito kay Armelle. "Ano 'to? Love letter? Bwesit na babae iyon, ah! Hindi pa ba siya nagsawa sa kahahabol sa boyfriend ko?" asik ni Armelle saka pinunit ang love letter. Si Marie, kaklase ko iyon sa iilang subject ko. Palagi itong pinagseselosan ni Armelle dahil halata namang may gusto talaga sa akin. "Naku, best! Sugurin na natin ang bruhang iyon! Tara na!" Napapailing ako sa pagsulsol ni Angela rito kaya lumabas na lang ako sa pinagtataguan ko. "Tumigil na nga kayo." Saway ko sa mga ito. Kaagad namang tumakbo ang tatalong babae, nakahanap yata ng lusot para matakasan si Armelle. "Hoy! Mga walang—" pinigilan ko na si Armelle, hinawakan ko ito sa kamay at hinila na palabas ng campus. Hindi na sumunod si Angela, alam kasi nitong pagsasabihan ko lang si Armelle, natakot yata baka madamay pa. "Ara, tigil-tigilan mo na nga iyang mga pananakot mo." Na a-amused kong sabi rito. "Bakit ba? Masama bang harangan ko ang lahat ng mga nagkakagusto sa'yo? Bakit ba kasi hindi makaintindi, eh! May girlfriend ka na nga hinahabol ka pa rin. Ang dami ko namang karibal!" Nakasimangot nitong sabi kaya natawa ako. "Dapat magkasama talaga tayong mag-work, kapag breaktime magkasama rin tayo para mabantayan kita." Dagdag pa nito, napailing na lang ako sa pagiging possessive nito. "Hindi mo naman ako kailangang bantayan kasi faithful ako sa'yo, kahit madami pang babae riyan. Wala akong pakialam kasi tumitibok lang ang puso ko sa isang babae, at ikaw iyon." Hinalikan ko siya sa labi pero saglit lang, imbes na pagalitan ko ito ay natawa na lang ako sa ipinapakita nitong reaksyon. Kapag may kasama itong ibang lalaki, mga kaklase niya or kaibigan hindi naman ako nagseselos, alam ko kasi na ako lang ang lalaking mahal niya at hindi niya naman ako binibigyan nang dahilan para magselos. Isang beses lang talaga ako nagselos ng sobra at hindi na iyon naulit pa, si Armelle na rin mismo ang umiiwas para hindi ako magselos. "Hmp! Oo na, magba-bar pala kami ni Angela mamayang gabi, sa bar ni Alex," ani nito sa akin na ikinakunot ng noo ko. "First duty mo bukas sa Bluebells Cafe, hindi ba? Kaya bawal kang mag-night out mamaya." Seryoso kong sabi rito. Mali-late pa naman ako nang uwi mamaya kasi may project na kailangang tapusin. "Birthday kasi ni Angela, Orris. Sige na please my loves." Pakiusap nito sabay lambing sa akin. "Okay, bilinan ko na lang si Alex na huwag kang bigyan ng alak." I smirked at her, she just glared at me. "Ayusin mo nga itong buhok mo, ang gulo, eh.Tumalikod ka." Nakangiti kong utos. Nakasimangot naman itong tumalikod. Kinuha ko ang scrunchies sa bulsa ng sling bag ko, palagi talaga akong may baon na pantali para sa buhok nito. Masuyo kong hinaplos ang mahaba at wavy nitong buhok bago ko inilagay ang tali rito. Humarap ito sa akin, nakasimangot pa rin ito, ayaw kasi nitong tinatalian ang buhok. Ako naman gusto ko. Nakakadagdag kasi sa s*x appeal nito ang buhok nito kapag nakalugay kaya naiinis ako dahil madaling makaagaw pansin. And one more thing she has a beauty mark on the left of her upper lip, isang maliit na nunal na nagpadagdag sa appeal nito. She looked so simple, hindi ito mahilig sa dress, palagi itong naka-fitted jeans na may butas-butas pa, parang kinalmot ng pusa at ang shirt nito either crop top na kita ang pusod or loss t-shirt. "Much better, you look beautiful my princess." Nakangisi kong sabi sa kanya, inirapan niya lang ako at nakasimangot na yumakap sa akin. Minsan hindi ko alam kung galit ba talaga ito or hindi, kasi kabaliktaran sa pinapakita nitong kilos. Whatever! All I care is that... I love her so much. ~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD