"Anong nangyari saiyo?" tanong kaagad sa akin ni Armelle nang dalawin niya ako sa kulungan.
Kasalukuyan kaming nasa visiting area. May dala siyang pagkain sa akin. Gusto ko siyang mayakap, mahalikan dahil nami-miss ko siya ng sobra. Sa loob ng isang buwan kong pamamalagi rito sa kulungan ay siya lang ang iniisip ko kung naka-kakain ba siya nang maayos, umiiyak ba siya o nalulungkot. Iniisip ko rin naman si Lola pero mas naiisip ko talaga si Armelle.
"Napaaway lang." Tipid kong sagot dito, ngumiti ako at ginagap ang mga kamay niya. Umiyak na naman ito.
"Mukha ka bang napaaway? Para ka namang binugbog, eh! Palagi na lang ganyan ang hitsura mo kapag binibisita kita rito. May pasa ka sa mukha at putok ang labi mo." Napahagulhol ito nang iyak, pinunasan ko naman ang mga luha niya. "Hindi ko na kaya, Orris... Hindi ko kayang nakikita kang ganyan, I'm sorry dahil sa akin nasira ang mga pangarap mo sa buhay. I ruined your life."
"Shhh, huwag kang magsalita ng ganyan, baby. Umuusad naman ang kaso ko, baka next month makalabas na ako." Nakangiti kong saad para kumalma ito.
Pero ang totoo talaga tagilid ako kung makakalabas pa ba ako rito sa kulungan. Sabi kasi ng taong naging close ko sa loob ng selda na hinaharang daw ng Vice-Governor, ang ama ng namatay na binatilyo, iyong apela ko sa kaso. At worst, binayaran pa nito ang judge at ang abogadong may hawak sa kaso ko.
"Ako sana ang nakakulong ngayon hindi ikaw, puwede pa naman nating maayos ang lahat, Orris. Please–"
Pinutol ko ang sinabi niya, hindi ko lubos maisip na ito ngayon ang nasa kalagayan ko ngayon. Parang pakiramdam ko ay mamamatay ako kapag nangyari iyon.
No way!
I will trade my life in hell ma-protektahan ko lang ang babaeng mahal ko.
"Don't talk about it, Ara. Please huwag ka nang umiyak, mas lalo akong nahihirapan. Mag-aral ka na lang nang mabuti tapos dalawin mo na lang palagi si Lola." Masuyo kong saad dito.
"Hindi ko alam kung makaka-pag-aral pa ako nang maayos." Humihikbing saad nito sa akin, hinaplos ko ang buhok niya.
"Basta mag-aral ka nang mabuti at hintayin mo ako. I promise, babalik ako tapos magpapakasal tayo." Naiiyak kong saad.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal rito sa kulungan. I really miss her, gusto ko na siyang yakapin pero bawal. Ipinagbabawal nila na magkaroon kami ng physical contact sa bisita katulad ng yakapan o halikan.
"Hihintayin kita, promise. Kahit tumanda na ako, hihintayin pa rin kita." Umiiyak na usal nito.
Shit! Gusto nang tumulo ng luha ko dahil na aawa ako sa hitsura niya ngayon, napaka-vulnerable nito ngayon. Kung bakit kasi bawal siyang magpiyansa, inapela na rin iyan ng abogado ko sa korte, tutulungan ako ni Alex na makapag-piyansa pero ibinasura ng korte dahil malakas ang Vice-Governor dito.
Damn it!
"Sige na, umuwi ka na baka gabihin ka rito. Ayaw kong gabi ka na umuuwi. Tandaan mo iyong mga bilin ko sayo ha, mag-aral ka nang mabuti at huwag ka nang mag-night out palagi. After mo sa work umuwi ka na kaaagad." Paalala ko rito na parang ina. Gusto nang kumawala ng luha ko.
"Hindi na ako tumuloy sa Bluebells Cafe, nawalan na ako nang ganang magtrabaho." Mahinang saad nito.
"Ara, naman... Kailangan mong mag-part time job. Paano na lang ang mga expenses mo? Bakit ngayon ka pa nawalan nang gana? Alam mong hindi kita masusuportahan ngayon dahil nandito ako sa kulunga. Please magtiis ka na lang muna, kapag nakalabas na ako kahit hindi ka na magtrabaho." Mahinahon kong saad sa kanya, tumango lamang siya. Pero hindi ko mabasa kung ano ang nilalaman ng isipan nito ngayon.
"I love you Orris, hindi ko alam kung dapat ba akong magpa-salamat sa ginawa mo, sa pag-aku mo sa kasalanan ko. I hate you for doing that!" Umiiyak na naman ito.
Damn it! Gusto ko siyang yakapin ngayon. I felt frustrated dahil wala akong magawa para man lang aluin siya.
"Stop crying, baby... Huwag kang magpasalamat sa akin saka na kapag nakalabas na ako." Ngumiti ako, gusto kong pagaanin ang pakiramdam niya.
"And I love you so much."
Bumalik na ako sa loob ng selda dahil tapos na ang visitation hours. s**t talaga! Hindi ako mamamatay sa bugbugan at patayang nagaganap dito sa loob kung hindi ay mamamatay ako sa sobrang pagka-miss ko kay Armelle.
"Ang ganda ng kasintahan mo, ah!" saad ni Lucas, kasamahan ko ito sa selda.
Si Lucas ang una kong naging close sa loob. Ito rin ang tumulong sa akin nang pagtulungan akong bugbugin ng mga preso rito, binyag daw ang tawag doon. f**k! Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang pagkamanhid sa ginawa nila.
At ngayon nga puno na naman ng pasa ang mukha ko, kahapon kasi napagtripan na naman nila akong bugbugin nang magsimula kaming kumain sa canteen.
Syempre lumaban ako pero ang dami nila kaya hindi ko kinaya. Buti na lang tinulungan ako ni Lucas pati ang iba nitong kasama.
Nginitian ko lang ito. May edad na ito pero malakas pa rin. Nakulong ito dahil nag-smuggling ng illegal na product. Limang taon na rin ito sa kulungan.
"Baka maghanap iyon ng iba," biro nito sa akin.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko lubos maisip na maghanap ito ng iba, baka mabaliw ako rito sa loob.
"Hihintayin niya po ako." Tipid kong sagot.
Kung bakit ba kasi patong-patong ang kasong isinampa sa akin kaya mas lalong lumala ang kaso ko.
"Huwag ka nang umasa, hindi ka na hihintayin no'n."
Hindi niya ito pinansin pero bakit may pakiramdam ako na magkakatotoo ang sinasabi nito? Pero isina-walang bahala ko na lang. Ayaw kong mag-isip ng negative, alam kong mahal na mahal ako ni Armelle. Hindi niya ako ipagpapalit sa iba. Nakikita ko at nararamdaman ang pagmamahal nito sa akin. Mas showy pa nga ito kaysa sa akin.
Pero lumipas ang isang buwan, dalawang buwan hanggang tatlong buwan. Hindi na ito nagpakita pa sa akin. Hinihintay ko pero walang Armelle ang bumibisita sa akin.
Bigla akong nag-alala, baka may nangyaring masama rito. s**t! Hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko mababaliw ako sa kaiisip kung kumusta na siya.
Kaya laking pasasalamat ko nang bisitahin ako ni Alex. Malungkot ito at para bang may gustong sabihin.
"Pare, okay lang ba si Armelle? Wala bang nangyari sa kanya? s**t! I'm worried." Kaagad kong tanong kay Alex, napansin ko pa ang paglunok nito at umiwas nang tingin sa akin.
"Alex, anong nangyari sa kanya?" tanong ko ulit, hindi na ako mapakali.
"She's fine." Nakahinga ako nang maluwang sa sagot nito.
"Thank goodness! Hindi na kasi siya bumibisita, busy ba siya?" muli kong tanong.
"Pare, bakit hindi mo na lang siya kalimutan?" ani ni Alex sa akin. Natigilan ako sa sinabi nito. Alam nito kung gaano ko kamahal si Armelle tapos sasabihin nito na kalimutan ko? s**t!
"What do you mean?" Halos hindi iyon lumabas sa lalamunan ko.
"Here." May iniabot itong isang newspaper sa akin, nanlaki ang mga mata ko sa nakita. No! Hindi magagawa ni Armelle sa akin ito!
Tinitigan ko pa nang mabuti ang litrato, nagba-bakasakali na kamukha lang ito ni Armelle. Damn it! Parang tinusok nang matulis na bagay ang puso ko dahil bali-baliktarin ko man, alam kong si Armelle talaga ang nasa larawan!
This is bullshit!
Nanginig ang buong kalamnan ko dahil sa galit, napunit ko pa ang newspaper. Napatiim bagang ako at gusto kong magwala dahil sa galit na nararamdaman.
Naghahalo na ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Pare..." usal ni Alex sa akin.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Nakalagay sa date na last month pa ito! Damn you, Alex!" singhal ko sa kaibigan.
Hindi ko maiwasan na hindi maiyak. Kung nalaman ko lang kaagad, hindi sana nakahanap na ako nang paraan para makatakas dito!
"I'm sorry, hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa'yo." Nahihirapang saad nito.
Isinubsob ko ang mukha sa mesa, ayaw kong umiyak sa harapan nito. Hindi ko napigilan ang luha ko. Ang sakit talaga!
"I have to go, Orris. Huwag kang mag-alala sa Lola mo, nasa pangangalaga ko siya. And about your case, naghahanap ulit ako ng ibang abogado na hahawak sa kaso mo, madaming kapit si Vice-Governor kaya nahihirapan ako." Paliwanag nito.
"Salamat." Tanging iyon lang ang nasabi ko saka tinalikuran ito. Hinanghina talaga ang katawan ko. Nawalan ako nang pag-asang makalabas sa kulungan.
Para saan pa?
Nawalan ako nang pag asang mabuhay, para kanino pa? Kung ang babaeng minahal ko nang sobra ay tinalikuran na ako.
Ang babaeng isinakripisyo ko ang lahat para hindi siya ang nasa sitwasyon ko ngayon ay iniwan ako.
Nadurog ang puso ko.
~•~