Chapter 1

1670 Words
"He was the kind of man everyone would fall in love with, even if they didn't want to."– Nicholas Sparks ❤️ Orris POV Nandito ako ngayon sa bar ng matalik kong kaibigan para ipagdiwang ang kaarawan ko. And right now I am standing on the stage in front of everyone while I am holding a microphone. Pinilit ako ni Alex, my bestfriend na kumanta ialay ko raw para sa kanila, how ironic dahil ang kakantahin ko ngayon ay iaalay ko lang naman sa isang babaeng nakaupo ngayon sa bar area, nakangiti pa itong kumakaway sa akin. Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko Bakit kapag nandito ka sumasaya ang araw ko Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo. Simula ko sa linya ng kanta, naghiyawan naman ang lahat ng mga babaeng naroon, mostly mga college students lang naman ang nagtatambay sa Bar ng bestfriend niya, may banda kasing kumakanta every night. Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo Bakit kapag nandito ka nababaliw ako Nababaliw sa tuwa ang puso ko "Wooooh! Boyfriend ko iyan! Go BOYFRIEND!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Armelle, the woman of my dreams, the woman I want to spend the rest of my life with. Natigil ang tilian ng mga babaeng nag-uumpukan sa kabilang table nang marinig ang malakas na sigaw nito lalo na pinagdidiinan nito ang salitang boyfriend na mas lalong nakadagdag nang kilig sa puso ko. My eyes never left her, naka-focus lang ang mga mata ko sa kanya na tila ba ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. I smiled at her sweetly, nag-gesture pa siya nang isang flying kiss sa direksyon ko. Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako "Wooohhh! I love you to the moon and back my loves!" muling sigaw ni Armelle sa akin, ikinakaway pa nito ang dalawang kamay kaya napatawa ako at napailing. Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya. Ang lapad nang ngiti ni Armelle habang nakatitig sa akin, ang mga mata nito ay hindi rin humihiwalay sa akin. Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso Naalala ko noong una kong nakita si Armelle kaya ang kantang ito ay para talaga sa kanya. Sa isang sulyap niya lang ay nahulog na ang puso ko sa kanya. Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako Sa isang sulyap mo ayos na ako Sa isang sulyap mo napa-ibig ako Nag-bow pa ako sa lahat nang matapos akong kumanta, nagpalakpakan naman sila. Kaagad akong bumaba sa stage pagkatapos kong ibigay ang microphone sa vocalist ng banda. Mabilis akong nagtungo sa direksyon ni Armelle, hindi pa ako nakakalapit ay sinalubong na niya ako nang mainit na yakap, kaagad namang pumulupot ang braso ko sa maliit niyang beywang. "Happy birthday my loves, ang ganda talaga ng boses mo kaya mas lalo akong na i-in love, eh." Malambing na sabi ni Armelle sa akin saka binigyan ako nang halik sa labi, hindi pa ako nakaka-response humiwalay na ang mga labi nito sa akin kaya ngumibit ako. "Let's go, may inihanda kaming cake ni Alex saiyo." Excited na sabi nito sa akin saka hinila na ang kamay ko pero bago iyon muli ko siyang hinapit sa beywang at siniil ng halik. "Orris!" Pinandilatan niya ako ng mga mata nang pakawalan ko ang mga labi niya, ngumisi lang ako. "We're even now, let's go." Nakangisi kong sabi sabay hila sa kamay niya patungo sa bar area. "Ang selfish mo, sabi ko kantahan mo kaming lahat hindi para kay Mel lang." Palatak ni Alex sa akin nang makarating na kami sa mini bar, nandoon siya kasama ang bartender na nagse-serve nang drinks. "Syempre para sa babaeng mahal ko lang ang kantang iyon," sagot ko rito saka kinindatan si Armelle na nasa tabi ko, lumabi lang ito sa akin. "Heto na ang cake mo, happy birthday pare," bati ni Alex sa akin sabay lapag nang malaking cake sa harapan ko. I stared at her beautiful eyes that captivated me the first time I saw her. "You know already kung anong wish ko." She just rolled her eyes at me, saka sinapak ang braso ko. "Diyos ko, Orris! Palitan mo na ang wish mo!" asik naman nito sa akin. Isa lang naman ang wish ko palagi sa birthday ko. Iyon ay ang makasama si Armelle habang buhay. "Done!" masaya kong saad saka hinipan na ang kandila. "So, drinks?" ani ni Alex. "Yes! I want tequila!" mabilis na sagot ni Armelle kay Alex, ang lapad pa nang ngiti nito. "Okay, right away!" saad ni Alex. "No!" saway ko. Nagkibit balikat lang si Alex, saka iniwan muna kami siguro para kumuha nang maiinom. One thing kung bakit sumasakit ang ulo ko kay Armelle ay ang pagiging alcoholic nito at minsan ang pasaway pa nito. She's spontaneous, parang wala itong problema sa buhay. At higit sa lahat malakas ang tolerance nito sa alak kaya malakas ang loob na uminom. Kaya kapag nagba-bar kami palagi akong kasama nito para mapigilan ko siya kaagad kapag marami nang nainom. Samantalang ako napaka-opposite naming dalawa, umiinom naman ako kaso kapag may okasyon lang. "Ara, you can't drink!" sita ko sa kanya, ako lang ang tumatawag sa kanya na Ara kahit ang layo sa pangalan nito. "Isang shot lang naman, Orris." Ungot nito. "No! Hinihintay tayo ni Lola ngayon sa bahay." Napasinghap naman ito ng mabanggit ko si Lola. "Oo nga pala! Umuwi na tayo,Orris. Anong oras na ba?" Tiningnan pa nito ang relong suot. "Let's go." Mabilis kong saad. "Wait lang, ibalot ko muna ulit ang cake, dalhin na natin." Nakangising saad nito, husto namang lumapit si Alex sa amin. "Ako na ang magbabalot, just wait a minute." Nakangiting saad nito, pagbalik sa amin ay nakabalot na ang cake sa box. "Just give my regards to Lola." Pahabol ni Alex, tinanguan lang namin siya bago kami umalis. Magkahawak kamay kami ni Armelle na naglakad pauwi, walking distance lang naman ang bahay namin tatlong kanto ang madadaanan namin bago makarating sa maliit na eskinitang papasok sa amin. "Bakit ka nga pala umalis sa dati mong part time job? Okay na iyon, ah. Malapit lang sa school natin hindi ka mahihirapan sa biyahe," saad ko kay Armelle. "Konti na lang kasi ang units ko, sayang iyong time ko na hindi kita kasama kaya dito na ako sa malapit sa inyo humanap ng part time job. At saka natanggap na ako, magsisimula ako nextweek." Masayang turan nito sa akin, ngumiti na rin ako. "Saan ka ba magpa-part time job?" "Hmm, sa Bluebells Cafe. Ang ganda ng name, 'di ba?" Nakangisi nitong turan sa akin. "Ah, sa Bluebells Cafe, alam ko iyon isa kasi iyon sa sikat na Cafe dito sa Tagaytay." Napatango si Armelle, inakbayan ko na siya saka nagpatuloy na kaming naglakad. Simple lang ang relasyon namin pero masaya at kontento kami sa isa't isa. Ni minsan hindi ko naringgan na nagreklamo ito kapag sa tabi-tabi ko lang siya niyayayang makipag-date. Hindi ito nagrereklamo sa tuwing monthsary at anniversary namin kahit wala akong maibigay sa kanya ay okay lang. Kaya nagsisikap ako na makapagtapos ng college sa kursong Architecture, scholar ako sa De La Salle sa Dasmarinas Cavite. At ngayong semester na ito ay ga-graduate na ako. Gusto kong maibigay lahat nang luho ni Armelle kahit pa sabihing hindi naman siya maluho. Pero syempre kapag babae, marami ring gusto at gusto kong maibigay sa kanya iyon lahat. Marami akong pangarap para sa aming dalawa kaya nagsisikap ako dahil hindi naman ako galing sa marangyang pamilya. Ulila na ako sa mga magulang at tanging Lola ko na lang ang katuwang ko sa buhay. Nagpa-part time job rin ako as a private driver sa mayayamang pamilya, on call duty ako as a driver pero dapat naaayon din sa schedule ko kung may pasok ako o wala. "Anong iniisip mo?" untag sa akin ni Armelle, bahagya pa nitong pinisil ang palad ko. "Iniisip ko na pakasalan kita pagka-graduate ko." Bigla ko na lang nasabi sa kanya kung ano ang nilalaman ng puso ko. Napahinto naman ito sa paglalakad at hinarap ako, matamis siyang ngumiti sa akin. "Talaga? Pakakasalan mo na ako?" Kumikislap pa ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Napangisi naman ako. "Joke lang, naniwala ka naman. Siguro after 8 years pa," biro ko, alam ko kasing mapipikon ito. Sumimangot ito at akma akong hahampasin sa braso pero kaagad akong nakaiwas, tumatawa akong dumistansya sa kanya. "Nakakainis ka talaga! Eight years? Ang tagal pa! Humanda ka talaga sa akin dahil one of this days gagantihan talaga kita!" Napipikon nitong saad, mas lalo akong natawa sa sinabi nito at sa reaksyon ng mukha. "Go ahead, I'm waiting my loves." Pang-iinis ko pa rito saka nauna na akong naglakad, ang lapad nang ngiti ko. "Hintayin mo ako, Orris! Nakakainis ka!" sigaw ni Armelle pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, nag-flying kiss pa ako rito. "I love you!" sigaw ko sa kanya, medyo malayo na rin ako sa kanya. "I love you, too! Hintayin mo ako bwesit ka talaga!" ganting-sigaw nito saka nagtatakbo na para habulin ako. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD