"There are always going to be things you look back on and wish you did differently but those very choices made you exactly who you are today." ❤️ Armelle POV Naka-focus ang atensyon ko sa mga files na nakalatag sa table, inisa-isa kong sinuri ang mga files ng mga dati naming clients. Tinitingnan ko ang mga feedbacks nila tungkol sa kompanya. Napasandal ako sa kinauupuan kong swivel chair dahil biglang sumakit ang ulo ko, napapikit na lang ako at hinilot ang sentido. It's been 6 years pero hindi pa rin ako nakalimot, ang sugatan kong puso ay hindi pa rin naghilom. Anim na taon na ang nakalipas at masasabi kong malayo na rin ang narating ko, may napatunayan na sa larangan ng mga interior design firms. Kilala na rin ang Dream Decor, ang kompanyang itinayo ko 4 years ago. At ngayon nga