KINABUKASAN ay hindi pa rin tumawag kay Penelope si Ulysses. Nag-aalala man ay naghintay pa rin siya at nagbabakasakaling tatawag din ang nobyo. Ngunit makalipas ang tatlong araw ay hindi pa rin nagparamdam sa kanya si Ulysses. Ni hindi rin ito nag-text o nagpadala man lang sana ng mensahe sa messenger. Kaya wala siyang balita dito. Ito na ang pinakamatagal na panahon na hindi sila nagkausap na dalawa. Dahil sa pag-aalala ni Penelope ay napilitan siyang magsabi sa Mama niya ng pera para lang makapagpa-load siya. Bibigyan naman siya ng Mama niya. Pagkatapos magpa-load ay agad niyang tinawagan ang boyfriend. Ngunit nagri-ring lang cellphone nito. Wala namang sumasagot. Kaya nag-text na lang siya dito. Ngunit kahit ang text messages niya ay hindi rin sinasagot. Sinubukan niyang magpada