TINOTOO nga ni Ulysses ang pangako nito kay Penelope na lagi itong tatawag sa kanya. Halos araw-araw ay tumatawag ito para kumustahin siya at balitaan sa mga nangyayari din dito. Sa mga araw na hindi ito makatawag sa kanya ay nagpapadala naman ito ng mensahe sa pamamagitan ng text at messenger. Kaya pakiramdam ni Penelope ay rin sila hindi halos nagkahiwalay. Parang magkasama pa rin sila araw-araw dahil sa dalas ng pag-uusap nila. Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi namalayan ni Penelope na natapos na ang kanilang bakasyon. Kinakailangan na naman nilang mag-enroll para sa darating na pasukan. “Ang hirap ng walang kasama, ano?” sabi ni Charlotte habang nakapila sila ni Penelope sa harap ng registrar’s office kumuha ng enrollment form. “Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni