“TITA, ano po ulit ang sinabi ninyo?” Narinig ni Penelope ang sinabi ng Mama ni Ulysses ngunit parang hindi lang talaga siya makapaniwala. Kaya gusto niyang ipaulit ito. “Si Ulysses, iha, isang linggo ng nawawala,” gumaralgal ang tinig na sabi ng nasa kabilang linya. Parang nabingi si Penelope sa narinig. Ano daw bang nangyari sa boyfriend niya? “Pa-paano nangyari iyon, Tita?” Halos hindi lumabas sa bibig niya ang salitang iyon. Ilang araw na siyang balisa. Ito ba ang dahilan ng kanyang pagkabalisa? Hindi kaagad sumagot ang kausap niya. Ngunit naririnig niya ang mahinang paghikbi nito. Hinayaan lang ito ni Penelope. Maging siya man ay gusto na rin niyang umiyak. Dangan nga lamang at nagpipigil siya. Hindi ito ang tamang oras para umiyak siya. Paano niya malalaman ang buong pangyaya