“PAANO mo naman nasabi ang bagay na iyan, iha?” salubong ang kilay na tanong ng Mama ni Ulysses. “Naisip ko lang po iyon, tita. Kasi alam po ng kumuha kay Ulysses kung saan ang bahay ninyo. Ibig sabihin ay hindi lang si Ulysses ang kilala niya pati rin kayo. Paano niya nalaman ang bahay ninyo kung hindi niya kayo kilala?” paliwanag ni Penelope. Umiwas ng tingin ang ginang. “Hindi ko na naisip ang bagay na iyon. Basta ang tanging nasa isip ko nang makita ko ang nangyari kay Ulysses ay madala siya dito sa hospital.” Tumayo ito at nilapitan si Ulysses. “Nag-iisa lang siya na anak ko. At hindi ko kayang mawala siya sa akin. Noong mga panahong hinahanap namin siya, halos mabaliw ako sa pag-aalala sa kanya,” anito habang masuyong hinahagod ang buhok ng anak. Hindi man naramdaman ni Penelope