PAGKABABA ni Penelope ay nagmamadali siyang naglakad patungo sa hospital. Pagdating sa reception ay tinanong niya kung nasaan ang elevator. Nang malaman niya kung nasaan ito ay agad siyang tumungo roon. Inabutan niya ang ilang tao na naghihintay sa labas ng elevator. Lumapit siya dito. Maya-maya pa ay bumukas ang elevator at iniluwa ang ilang tao na nasa loob nito. Pagkalabas nilang lahat ay nag-uunahan ang mga kasama niya na pumasok. Siya na ang huling pumasok sa loob. Pagdating sa third floor ay siya rin ang unang lumabas. Paglabas niya ay nilinga muna niya ang hallway. Sinundan niya ang karatula na nagsasabi kung nasaan ang mga kuwarto sa palapag na iyon. Nang makita niya ang kuwartong hinahanap ay kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit ang seradura. Pagbukas ng pinto ay na