HINDI malaman ni Penelope kung paano sasagutin ang tanong ng mga pulis. Dapat pa ba niyang sabihin ang totoo? Dapat ba niyang ikuwento ang nangyari noon? Ilang sandaling nag-isip siya. “Nag-away po sila pero hindi naman nagkasakitan. Ilang linggo din na hindi sila nag-usap. Kaya lang nagkaayos din sila. Wala ng naging problema pagkatapos nito.” Naisip niyang sabihin na lang ang totoo para hindi na magduda ang mga pulis. “Ikaw ba ang dahilan ng kanilang pag-aaway?” muling tanong ng pulis. Napatango na lang siya. Wala namang dahilan para hindi pa siya umamin. “Noong panahong nagtapat sa iyo ng kanyang pag-ibig ang sinasabi mong kaibigan, hindi ba niya alam na boyfriend mo na si Mr. Serna?” usisa ng kausap niya. “Hindi naman po ganoon ang nangyari. Noong nagtapat po si Achilles sa akin