Chapter 33

1695 Words

“O, SAAN ang punta mo?” nagtatakang tanong ng Mama ni Penelope nang makita siya nitong bihis na bihis nang humarap sa hapag-kainan ng umagang iyon. “Bibisitahin ko lang po si Ulysses, Mama,” sagot niya nang makaupo na. Hindi na umimik ang Mama niya. Ngunit napansin niya na pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Kanina ay maaliwalas pa naman ang mukha nito. Pero napansin niyang bigla itong naging malungkot. “Kumain ka lang muna. Tatawagin ko lang ang kapatid mo,” sabi ng ina nang tumalikod ito. “Hep, nandito na po ako,” biglang bungad ng kapatid. “Good morning, Mama! Good morning, ate!” masayang bati nito nang umupo sa tabi niya. Nginitian niya ang kapatid. “Halika na, ‘Ma. Kain na po tayo,” tawag ni Ydelle nang mapansin nitong hindi pa rin humarap sa mesa ang ina nila. Lumapit nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD