“KUMUSTA naman si Ulysses?” tanong ng Mama ni Penelope nang makauwi siya sa bahay nila. Nasa kusina sila ng oras na iyon at tinutulungan niya ang in ana maghanda ng tanghalian nila. “Maayos na po siya. Pero hindi pa nagigising mula noong dinala siya sa hospital kagabi,” sagot ni Penelope habang nagpipitpit ng bawang. “Ano daw ba ang nangyari sa kanya? Ang tagal niyang nawala tapos pagbalik niya ay diretso na siya sa hospital,” usisa ng Mama niya. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil ang atensiyon nito ay nasa hinihiwa nitong gulay. Natahimik bigla si Penelope. Hindi niya malaman kung paano sasagutin ang tanong ng kanyang Mama. Paano ba niya ipapliwanag dito ang nangyari sa boyfriend at kay Achilles? Anong iisipin ng Mama niya? Baka mamaya ay pagbawalan na siyang makipagkita kay Ulysse