3

2910 Words
Desperate "Hi Isaiah," bati ko na ikinagulat niya pa ata dahil sa biglaang paggalaw ng kanyang balikat. Using his annoying face, he glance at me.  Inukupa ko naman agad ang harap na upuan since it's a table with two seats. Kunot noong bumagsak ang tingin ko sa kanyang kinakain na hindi masyadong pamilyar sa akin kung ano. What are these? "Ba't ka nandito?" matigas niyang tanong na ikinaahon ng aking tingin.  Magkasalubong na naman ang kanyang kilay at tila galit na naman ang mga mata niya sa akin. I tilted my head when I saw his sweaty neck. Dumudungaw pa roon ang kanyang collarbone. "Ba't ka rito kumakain? I mean... Look at the place..." Iginala ko ang tingin at ngumiwi. "May cafeteria naman sa loob ah?" Binitiwan niya ang hawak na kubyertos at uminom sa basong kulay green. Kahit ang mga plates na gamit rito ay puro plastic. I even scratched my arm dahil parang may dumapong kung ano.  "Ang layo ng sagot mo sa tanong ko," suplado niyang sabi.  Oh... "Uhm..." Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa pagkain niya.  Naghintay naman si Isaiah sa aking sagot, tahimik na nakamasid sa bahagyang nakaawang na mamula mulang labi at masyado na namang intense ang paninitig.  "I want you to help me with Trey," deritsahan kong sabi. I can't understand his expression. Walang pinagbago roon, tila naiirita parin sa aking presensya rito.  Humilig ako sa mesa para mas mapalapit sa kanya. Mas mataman ko siyang tinitigan at ngayon ko lang napansin na bago na pala ang haircut niya kumpara last year. It's quite messy pero clean cut na ang kanyang buhok and it really suits him well.  "I want you to lure him to like me," dagdag ko pa.  Isaiah licked his lips at humalukipkip, nakaangat na ang kilay. "Anong nakain mo at sinasali mo ako sa mga kalokohan mo?"  "Well, you two are close and—" "Ba't sa akin ka humihingi ng tulong? Tingin mo ba may panahon ako sa pambata mong puppy love?" Nalaglag ang aking panga. "Anong puppy love! You're too much!" Sinimangutan ko siya.  He tilted his head and look at me in a mocking way. "Desperada."  Medyo nagloosen ang aking balikat doon and seems like Isaiah is not even bothered with what he said since it's really true.  "Yes, I'm obviously desperate kaya nga I need your help 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.  Nailing siya at hinaplos ang buhok. May kung ano siyang sinabi na hindi ko na narinig saka siya tumayo, handa nang umalis habang may dinudukot sa kanyang bulsa. Agad rin akong tumayo at dinukot muli ang panyo para takpan ang aking ilong saka ako bumuntot sa kanya.  Tumigil siya sa cashier at nagbayad doon ng kanyang kinainan. Todo pa pacute ang babaeng tindera na hindi niya man lang tiningnan ang mga mata at umalis rin siya.  "Isaiah!" Naiinis kong tawag at sumunod. Hindi siya umimik at nagpatuloy sa paglalakad habang nakapamulsang muli.  Imbes na patungo sa gate ay nagulat ako nang naglalakad na siya sa ibang direksyon. "Where are you going?" tanong ko at humabol sa kanya.  Nilingon niya ako. "Uuwi. Sasama ka?" He smirked at me, revealing his dimple on the right side. Oh, may pa dimple pa pala ang godlike visual na lalakeng ito?  Natutula ako saglit at hindi agad nakasagot man lang kaya napawi ang kanyang ngisi saka bumuga ng hininga sa ere, parang nairita na sa aking pagsunod.  "I told you to help me. Pumayag kana," makulit kong sabi.  Hindi siya umimik sa bagay na iyon hanggang sa huminto kami sa paradahan ng mga tricycle. Agad siyang pumasok doon sa huling tricycle na puno. "Isaiah!" Naiinis kong tawag pero tila wala na namang naririnig at nagawa pang magbayad sa driver. "Kawawa naman ang girlfriend niya... Nag-away ba sila?" "Iba na talaga ngayon. Kadalasan babae na ang naghahabol at lalake na ang nang-iiwan."  "Baka nabuntis na at ayaw panindigan ng lalake dahil hindi pa handa kaya tinatakbuhan na?" Tinaliman ko ng tingin iyong dalawang babae sa harapan na pinagt-tsismisan ako. What are they thinking? Isaiah isn't my type! I'm already taken with Trey! Nagsimula namang umandar ang tricycle kaya mas nagkasalubong ang aking kilay sa inis.  He's so mean... And such a snob!  Hindi siya tumingin sa akin habang pinanood ko ang pag-alis ng tricycle. Nanatili ako sa aking kinatatayuan, nakakuyom ang mga kamao at nakabusangot iyong sinundan.  Bwesit talaga. Hindi ko talaga maaasahan si Isaiah. Dinaig niya pa si Wayt sa sobrang sama ng ugali at mas nakakairita pa siya kaysa kay Kuya!  Pero bago matapos ang ritwal ko sa kanya ay kumalma ang aking ekspresyon nang biglang tumigil sa kalagitnaan ang tricycle na nakakalayo na sa akin. Lumabas doon si Isaiah, buhaghag ang buhok na akala mo ay sinabunutan niya at nagsimula nang maglakad patungo sa akin.  Ang aking inis ay parang nilipad sa hangin at hindi ko napigilang mapangisi. Nag-iwas siya ng tingin at naglakad pabalik sa akin.  Tumawa ako nang huminto na siya sa aking harapan at sobra pa siyang nairita sa bagay na iyon. "May konsensya ka naman pala." "Sama ka?" malamig niyang tanong. Kumurap naman ako. "Saan?" "Uuwi nga," aniya. Dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa at chineck ang oras. 2 hours ang breaktime ko so I really have more time for a chit chat.  Tumango ako. Binasa niya naman ang labi at sinenyasan akong pumasok sa panibagong nakaparadang tricycle. Namilog agad ang aking mga mata at umatras. "No frigging way! Magtataxi nalang ak—" "Arte mo." Hinila niya ang aking pulso at  pinapasok na roon sa harapan.  Sumunod rin naman si Isaiah at tumabi sa akin, inuukupa ang malaking espasyo sa aking tabi with his parted legs. He's too big to ride this thing! "Is this safe?" bulong ko sa kanya. "Hindi ikaw ang nagmamaneho kaya safe," aniya.  Sinamaan ko agad siya ng tingin. "I think it's not." Ngumiwi ako at nilingon ang driver na nginitian pa ako.  "Safe ito, hija. Mag-iingat ako sa pagmamaneho eh ang ganda ganda ng nakasakay sa tricycle ko." Dahan-dahan kong nilingon si Isaiah na matalim agad ang tingin sa driver. "Usog," aniya at hinila pa ang aking braso hanggang sa nadikit ako lalo sa kanya, malayo na sa tabi ng driver. Hindi na lamang ako kumibo at sinilip pa ang labas ng tricycle, parang isang ignoranteng bata na tinitingnan ang labas. Noong napuno na rin ang likod ay nagsimula na iyong umandar in a very loud way. Sa aking pagkagulat ay napahawak pa ako sa hita ni Isaiah. "Manyak," bintang niya sa akin at kinuha paalis ang aking kamay roon.  "Ang arte mo." Umirap ako sa kanya at nilingon ang pagmamaneho ng driver. So this is the feeling of riding a tricycle huh? Medyo okay lang naman kaso mainit lang talaga and the noise of it is too annoying.  Inilipat ko ang tingin kay Isaiah na nasa labas ang mga mata. Pinaglalaruan ng hangin ang kanyang buhok at kalmado lamang ang ekspresyon habang tinititigan ang kalsada.  Ngayon ko lang narealize na bukod sa mumurahing canteen ay sa isang tricycle lang rin siya sumasakay. Is he poor? Pero masyadong mahal ang tuition sa BTSU. How come nakapag-aral siya roon? Or baka kuripot siya? Nagtitipid lang? Iyan pa talaga ang pinoproblema ko kaysa problemahin kung ba't ako biglang sumama sa kanya eh hindi ko nga ito masyadong kilala.  But there's really something about him na parang magaan sa pakiramdam. Siya iyong tipong kukunin talaga ang iyong atensyon at magtataka ka ng husto sa kanya dahil masyado rin siyang misteryoso.  And I guess hindi niya naman siguro ako sasaktan 'di ba? Knowing my family background I'm sure he's aware of it. Huminto rin naman ang tricycle. Nagbayad siya ng 20 pesos bill at naunang lumabas. Sumunod naman agad ako at iginala ang tingin kung nasaan na kami.  "Nasaan tayo?" tanong ko. "Philippine area parin," sagot niya at naglakad ulit.  I should stop from asking him such thing dahil napatunayan kong hindi naman siya matinong sumagot. Mabilis naman akong sumunod. Why does he likes leaving me behind?! Nagmumukha akong aso na sunod nang sunod!  Pumasok kami sa parang isang eskinita. Hindi iyon subdivision at may mga bata pang nagtatakbuhan. Dito siya nakatira? "Oh Isaiah! Sino 'yan?" tanong ng kung sinong matandang babae. "Schoolmate po," magalang niyang sagot.  "Oh, first time kong makita kang may kasamang babae. Girlfriend mo ba?" Umiling agad si Isaiah kaya tinawanan siya noong matanda. Nagpaalam lamang siyang mauna na saka rin bumalik sa suplado mode ang mukha.  "Hi Kuya Isaiah!" bati ng mga batang babae. "Hi Lena," bati pabalik ni Isaiah. "Kuya sino 'yang kasama niyo?"  Nilingon naman ako ni Isaiah sa nakaangat na kilay. "Ang ganda niya po Kuya Isaiah!" dagdag pa noong bata. "H'wag kayong masyadong magtakbuhan baka madapa kayo," tanging sabi ni Isaiah na ikinatango agad ng mga bata. Pumasok kami sa isang gate at umakyat sa isang hagdan patungo sa isang pinto. May dinukot siyang susi saka iyon binuksan at nauna ring pumasok.  Sumilip naman ako sa loob. So his living in a small apartment? Medyo malapit nga lang naman sa school at 10 minutes lamang ang byahe kaya siguro naisipan niyang dito nalang pero may mas mga convenient pa namang condo ah? Or nagtitipid parin? Napatingin siya sa akin kaya tiningnan ko rin siya pabalik. "Papasok ako ha..." sabi ko. Nag-iwas siya ng tingin. May hinila siyang upuan at sinenyasan akong doon umupo. Iginala ko naman ang aking mga mata sa loob habang may pinagkakaabalahan siya sa drawer.  May isang kama, isang mesa na maliit, isang upuan at wala man lang ref or tv pero may lutuan at maliit na lalagyan ng gamit sa kusina. Hindi rin kalakihan ang space kaya sakto lang ang mga gamit na nasa loob pero masyado iyong maliit para sa akin and I think mas malaki pa nga ang Cr namin eh. "Sino ang kasama mo rito?" tanong ko at dumapo ang mga mata sa kama niyang maayos ang pagkakaarrange ng unan at kumot. "Ako lang," sagot niya. "How about your parents?"  Hindi siya kumibo sa bagay na iyon at yumuko pa habang may hinahalungkat. Sa aking kuryusidad ay naglakad ako patungo sa kanya at tumayo roon sa kanyang likod. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likuran saka sinilip ang kanyang ginagawa. "What are you looking?" Iritado niya akong nilingon. "Umupo ka nalang doon," aniya at may pinagpagan pa na gamit. I crunched my nose when I felt some dust. Agad akong umatras at nabahing. Nilingon ako ni Isaiah kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm allergic with dirt." "Pake ko?" tangi niyang sabi at ibinalik ang atensyon sa paghahanap doon. I think iyan ang inuwi niya kaya imbes sa maliit na upuan ako umupo ay doon ako umupo sa malambot na kama. In all fairness, his place smells nice and manly. Kahit 1/4 lang ang kalakihan nito sa aking kuwarto ay okay parin naman but it's really small. "Magcondo ka nalang kaya? Sina Silas at Castel nga naka condo naman para may kasama ka." Tumayo siya at nahanap ang isang lumang textbook. I think it's a 3rd year textbook of BTSU. Pero 'di ba ay 4th year na siya? Hindi niya pinansin ang aking sinabi at doon naman nanghalungkat sa panibagong drawer na binuksan. Kumuha siyang muli ng panibagong black tshirt at isang puting uniporme ng school saka hinila ang laylayan ng suot habang nakatalikod. I saw half of his back. I even tilted my head for a clearer view pero bago pa iyon mahubad ng tuluyan ni Isaiah ay nilingon niya na ako, magkasalubong ang kilay at naudlot ang paghuhubad. Kumurap ako at ibinalik sa posisyon ang aking ulo. I smiled sexily. "Hot..." "Pikit," utos niya, iritang irita na naman.  Tumawa ako. "Nahihiya ka sa'kin?" Umangat ang kanyang kilay at hinarap ako ng buo. He look at me in a challenging way and pulled his tshirt on his back swiftly. Bago ko pa makita ang kanyang topless na katawan ay mabilis na akong pumikit. "Sino ngayon ang nahihiya?" nanunuya niyang sabi na ikinabusangot ko.  He's really something! Siya iyong pag hinamon mo ay mas titriplihin pa ang expectation mo.  Pagdilat ko ay nagbobotones na siya ng puting uniporme. Tumayo narin ako sa kama at mas gusto pang sa labas nalang kaysa sa loob. Doon ako pumwesto sa may pinto. "So... Are you going to help me?" I asked hopefully. "If you're going to help me, I'm going to help you with your crush, too!" dagdag ko pa.  "Hindi mo nga matulungan ang sarili mong lovelife tapos iyong sa iba pa?" Umahon ang kanyang tingin sa akin. "Such a scammer." Ngumuso ako habang pinapanood siyang kunin na ang kanyang textbook, mukhang handa nang umalis.  "Eh syempre mahigpit ang mga pinsan ko," sabi ko at nauna nang lumabas. Lumabas narin ito. Pinapanood ko siyang ilock na ang pinto. "I'm good at advicing so I can help you..."  "Di ko 'yan kailangan." "May girlfriend kana?" tanong ko. Nauna siyang bumaba. Sumunod naman agad ako.  "Wala." "Oh... So you're single! Nakailang girlfriend kana kung ganoon?" tanong ko at tiningnan ang railings para sana humawak doon but it's too rusty kaya naging mabagal ang aking paghakbang. Nauna si Isaiah sa ibaba. Tiningala niya ako at nalaglag pa ang tingin sa palda kong maiksi.  "Nakailang girlfriend kana?" tanong kong muli nang sa wakas ay makababa ako. Ibinulsa ni Isaiah ang mga kamay at umiling. Nalaglag naman ang panga ko.  "Seriously?! Eh you seemed like a fuckboy nga eh!"  Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, iritado niya ulit akong tinitigan. Ang kanyang matalim na mga mata ay para nang tumatagos sa aking katawan.  "I mean, you're Trey's friend and most of his friends, including him, are expert with girls. Imposibleng pati ikaw ay hindi?" "Wala akong mga panahon sa ganyan." Humagalpak naman ako ng tawa. "Liar! Ang sabihin mo torpe ka! Oh my gosh, kaya ka siguro suplado sa mga babae dahil torpe ka 'no?!" Itinuro ko ang kanyang mukha.  Nagsimula ulit siyang maglakad kaya sumunod ako habang tumatawa.  "You really need my help, Isaiah! I'll help you with your problem with girls and you'll help me with Trey! I'm sure may gusto ka eh... Imposibleng wala. You're just torpe!" Hindi na umimik si Isaiah sa bagay na iyon. Nagtricycle ulit kami at hindi niya na talaga ako iniimikan kahit anong pamimilit ko sa kanya na pumayag nalang. Tumahimik nalang ako pero ilang sigundo rin ay nalaglag ang aking tingin sa dala dala niyang textbook. "Oo nga pala... Since 4th year na si Trey so ibig sabihin 4th year kana rin 'di ba?" Nilingon niya ako kaya itinuro ko ang textbook. "Eh ba't iyong old na book ang dala mo? May mga binebenta namang new books sa school. Nagtitipid ka ba?"  "Ano bang tingin mo? Lahat ng tao ay kasingyaman niyo? Na afford ang mamahaling libro?" matabang niyang tanong na ikinakurap ko. "BTSU is an expensive private school and doon ka nag-aaral so..." "Scholar ako," sagot niya at nag-iwas ng tingin. Namilog naman ang aking mga mata. Oh... Scholar... Pero 'di ba ay may babayaran parin naman? "Still... I don't think—" "Full scholar," dagdag niya sa mas malinaw na boses.  Natutop ang aking bibig. Ibig sabihin ganoon siya ka talino para makakuha ng full scholar sa BSTU? Ang alam ko hindi basta basta nag ooffer ng scholar ang school namin unless kung may potential ka talaga. So, he's super smart? "You're super smart? A nerd? Mga torpe pa naman talaga ang mga nerd. Kunwari suplado..." Ngumisi ako.  Isaiah just licked his lowerlip annoyingly at ayaw na akong lingunin.  "Kung mang-iinsulto ka lang rin naman, h'wag kana lang lumapit-lapit sa akin." Napawi ang aking ngisi. Hindi ko naman siya iniinsulto! I am just joking! Nerd naman talaga ang tingin ko sa mga nasobrahan sa talino.  Dumaan kaming muli sa 4th gate nang makarating na sa school. Kahit ilang minuto palang kaming nagkasama ay feeling ko close na kami, pwede na siya ang gamitin ko para mapansin ako ni Trey romantically. "Let's talk again tomorrow, Isaiah," sabi ko ngunit hindi niya na ako nilingon pa at deri-deritso na ang lakad palayo sa akin. I just frowned. Such a snob! Dumeritso nalang ako sa cafeteria nang kumalam ang aking sikmura at napagtantong hindi pa pala ako kumakain.  Pagkauwi ko ng bahay ay tinanong ko agad si Mommy tungkol sa mga scholars.  "Huh? What for, Zera?" tanong ni Mommy habang may tinitingnang documents sa kanyang study table. Humilig ako sa mesa habang pinapanood ang may kulay nude niyang kuko na lumalandas sa mga papel. "I have this friend who's a scholar in BTSU so nacurious ako kung ba't sila nagiging scholar." "Simply because they can't afford the tuition," ani Mommy. Base on what I saw from Isaiah... para ngang hindi siya nanggaling sa isang mayamang pamilya.  "Eh 'di ba pili lang ang nabibigyan ng full scholar, Mommy?"  Tumango siya. "Yup. Mga Valedictorian lang noong highschool ang nabibigyan ng full scholar at hirap sa buhay ang binibigyan ng ganoon ang school. Your friend must ne very smart huh?" ani Mommy at nasa dokumento parin ang mga mata. So, Valedictorian si Isaiah noong highschool? Wow...  "Anyway... Kumusta ang first day?" Tinapunan na ako ng tingin ni Mommy sa pagkakataong ito. "Okay lang. I got tired a bit." I got tired following Isaiah! And I also experience riding on a tricycle for the first time! Medyo nakakatakot pero noong second time na ay hindi na gaano. Gusto ko man iyong ikwento kay Mommy ay baka bigla ring sumulpot si Kuya Hiro at macurious sa aking pinaggagawa. I'm sure makikialam na naman iyan kaya I'll just keep it with myself nalang muna.  "And your crush?" Nagkibit ako. "I forgot to check him kanina. I got carried away with other things..." Tumango naman si Mommy. "Don't take it seriously, Zera. Baka darating ang araw mabaliw kana lang bigla riyan. It's really complicated so it's really better if you just focus with your studies, first. Don't be so desperate with love." Narinig ko bigla ang boses ni Isaiah sa aking isipan. Tinawag niya rin akong desperada. Hindi ko nga alam kung pumayag ba iyon lalo na't halata namang naiirita siya sa akin. Hindi ako umimik at tumango nalang lalo na't may plano narin naman ako. Ayaw ko ring magback-out eh. I know it's a desperate move to use his friend just to lure Trey to like me romantically pero kung sobra na ay titigil rin naman agad ako. But for now, I'll just try... If it works then mabuti, pero kung hindi ay hindi ko rin naman talaga ipipilit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD