Natulala
May mga araw na hindi tugma ang break time ko kay Isaiah at mukhang MWF lang ang break time kung saan nagkakatulad kami at nahuhuli ko siya roon sa madalas niyang kinakainan.
Tuwing sumusulpot ako roon para kumbinsihin siya ay naiirita agad siya sa akin at tatapunan na ako ng matalim na tingin. He's intimidating but I don't want to be intimidated so mas nilalakasan ko nalang ang loob ko.
Tuesday iyon nang makasalubong ko sila Trey habang papunta kami ni Elle sa library for some books rin may ireresearch kami na part sa aming Economics na subject.
"Crush mo oh..." ani Elle at hinawakan pa ang aking pulso.
Naging mabagal agad ang aking paglalakad nang makita ko ang guwapong hitsura ni Trey habang nakauniporme, sa gilid ay kasama niya si Castel na kahagalpakan niya at sa kabilang gilid niya ay naroon rin si Isaiah na parang may ibang iniisip habang seryosong seryoso.
"Hi Elle. Hi Zera," si Castel agad ang bumati sa akin kaya huminto narin si Trey.
I smiled cutely na kahit si Isaiah ay nagawa pa akong tingnan. He just glanced at me curiously pero walang gumuguhit na ekspresyon sa mukha.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Trey sa kalmadong boses.
"Uh, sa library. I need to do some research since I'm busy with my studies..." sabi ko sa malambing na boses na ikinaangat agad ng kilay ni Isaiah.
Tumango si Trey at ginulo ng marahan ang aking buhok.
"Tama na 'yan, Zera. You should focus on your studies..."
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti saka ko siya tinanguan. Noong nagpaalam na sila ay pinakawalan ko agad ang isang mahabang hininga at kinagat ang aking labi.
H-He touched my hair...
"Oh my gosh, sino iyong isa pang kasama ni Trey? He's not familiar to me. Bagong friend ni Trey?" tanong ni Elle sa namimilog na mga mata.
"Si Isaiah?" tanong ko.
"Kilala mo 'yon? Yung suplado?"
Tumango naman ako at hinaplos ang buhok kong ginulo ni Trey. I'm torn between taking a bath or just preserve his touch.
"Ba't hindi ko siya napapansin sa Clubhouse? Hindi ko siya nakikita tuwing nagbabasketball sila every Sunday!"
Nagkibit ako. "Ewan ko. Hindi siguro siya sumasama."
Binalikan niya ang dinaanan ng tatlo at ibinalik sa akin ang mga mata.
"Ang guwapo 'no? I mean, gwapo naman si Castel at Trey pero iba iyong Isaiah!"
Hindi ko siya masyadong sinagot at kinagat ang aking labi nang maalala ko ang paghaplos ni Trey sa aking buhok. Dapat hindi ko kalimutan ang araw na ito.
Habang papunta kami ni Elle sa library ay iyon ang laman ng isip ko at siya naman itong may dinadaldal saakin na hindi ko gaanong pinagtutuunan ng pansin. Okyupado ang aking isipan. I am happy dahil wala pa ring girlfriend si Trey which means, pag pumayag si Isaiah sa aking gusto baka this year ay magka lovelife na ako with Trey.
I sound so desperate but if Trey will just clarify things at sabihin sa akin na magtapos muna ako bago kami pumasok sa seryosong relasyon ay willing naman ako. Ang akin lang naman ay magustuhan niya rin ako. Gusto kong makita niya ako bilang babae hindi iyong bilang pinsan ng kanyang malalapit na close friends.
Friday. Nagbaka sakali ulit akong naroon si Isaiah sa kinakainan niya at hindi naman ako nabigo. Naroon siya, mag-isang kumakain at mukhang kakasimula lamang.
"Ang ganda talaga ng batang ito..."
"Mukhang sa BTSU ata nag-aaral. Halatang yayamanin."
"Basta mga estudyante riyan sa BTSU ay mga mayayaman talaga."
Hindi ko na nilingon ang mga empleyado sa kabilang mesa at tiningnan ang kinakain ni Isaiah na hindi ko na naman alam kung anong pangalan. Naka black tshirt parin ito, hindi nakauniporme at kinakamay pa iyong ulam niya.
"Mamimilit kana naman?" tanong niya nang ibinuka ko ang aking bibig.
Humilig ako sa mesa at umiling. I want to gain his trust so at least maging friends nalang muna kami.
"What's this?" Itinuro ko iyong not so familiar food.
"Talong," sagot niya.
Kumurap ako at mas tinitigan iyon.
"It doesn't look like an eggplant to me. Bakit black? Did they over fry it to look like this? And it's circle..."
"Ignorante." Nailing siya at kumuha ng kaonti roon saka niya isinawsaw.
Pinanood ko siyang kumain at wala naman sa kanyang ekspresyon na masama ang lasa noon. Naging mabagal naman ang kanyang pagmuya at parang may naisip.
"Kumain kana?" tanong niya.
Umiling ako. "Maybe later sa cafeteria—"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tumayo na si Isaiah at nagtungo ulit doon sa harap kung saan nakahelera ang kanilang mga ulam. Seryoso niyang pinagbubuksan ang mga takip doon at nilingon ako saglit pero nag-iwas rin ng tingin.
Ilang sandali lamang ay bumalik na siyang may dalang dalawang plato. Inilapag niya sa aking harapan ang isang rice at isang ulam na hindi kagaya sa kanya. I think it's a Chicken Curry.
"Hindi ako sanay kumain sa ganito," sabi ko kaso ngumiwi lamang siya.
"Ang arte mo. Hindi mo 'yan ikakamatay," sabi niya at bumalik sa kanyang upuan.
Tiningnan ko iyong muli at ibinalik ang mga mata kay Isaiah na kumakain na ulit. Kahit ilang beses na akong pabalik-balik dito ay hindi talaga ako kumakain since mas comfortable rin ako kung sa cafeteria or something like Restaurant nalang.
"Uhm, thanks..." bulong ko sa maliit na boses at sinimulang sirain iyong shape ng kanin.
Kumuha ako ng maliit lamang at nagawa ko pa iyong amuyin muna bago ko tuluyang isinubo. Tiningnan naman ako ng mataman ni Isaiah habang magabal siyang ngumunguya.
"It actually taste like... chicken curry," sabi ko.
"Hindi ba 'yan mukhang chicken curry sa paningin mo?" Tiningnan niya iyong ulam ko.
"Hindi ako sanay sa mga canteen 'no." Umirap ako sa kanya.
"Karinderya hindi canteen," giit niya.
"Ah... Kalendary pala." Tumango-tango ako na ikinatalim ng tingin niya.
"Karinderya hindi Kalendary."
"Kalendarya," ulit ko naman.
"Karinderya," sabi niya, ginigiit iyong matigas na parte.
"Ka... lin! derya," malakas kong bigkas kaya nagsitinginan ang mga kumakain sa akin.
"Jusko talaga itong mga mayayaman," may kung sino ang nagsabi noon.
Nailing na lamang siya at sumubo. Sumubo narin ako ng kaonti habang kinakabisado sa aking isipan ang tinuro ni Isaiah. Kalindary!
Dumating naman iyong babaeng tindera at may dala nang isang pitsel at dalawang baso.
Inilapag niya iyon sa harapan at sumulyap kay Isaiah.
"Heto na po, Sir..." malambing niyang sabi na ikinatango lamang ni Isaiah, ni hindi na nag-abalang tingnan ito at deri-deritso na sa paglalagay ng tubig sa kanyang baso.
Umalis rin naman iyong babae at panay pa ang sulyap sa kanya saka ako nilingon. Pasimple kong isinabit ang ilang hibla ng buhok sa aking tainga na ikinainis niya.
Ginaya ko rin ang ginawa ni Isaiah. Kinuha ko iyong baso pero bago ko pa mahawakan ang pitsel ay agad niya na iyong inilayo sa akin.
"Don't annoy me," sabi ko at inabot iyon kaso inilayo niya.
"Kukunan kita ng sa'yo," sabi niya at tumayo na kaya hindi ko nalang ginalaw ang pitsel at pinanood siyang bumalik doon sa harap.
May kung ano siyang binili at bumalik rin naman sa aming mesa at inilagay sa tabi ng aking plato iyong mineral water na binili niya.
"Baka di ka sanay sa tubig sa gripo lalo na't ang arte mo pa naman," aniya habang nag-iiwas ng tingin at inaasikaso ulit ang kanyang pagkain.
Mabait rin naman pala 'to. I think masyado lang talaga siyang intimidating tingnan because of his snobbish awra but he really knows how to be nice in his own way.
Nakakakalahating oras palang ako roon ay halos maligo na ang leeg ko sa pawis. Sobrang init ng aking pakiramdam at pinapaypayan ko na ang aking sarili dahil kahit ang puti kong blouse ay nababasa narin. I have no choice but to ponytail my hair.
"Baka gusto mong bilhan narin kita ng aircon?" sarkastikong sabi niya na ikinasimangot ko.
"I told you hindi ako sanay sa ganitong mga lugar."
Bumaba saglit ang kanyang tingin sa aking leeg pero mabilis rin iyong nalaglag sa kanyang plato at inubos ang natitirang pagkain doon.
Doon lamang humupa ang aking pamamawis nang lumabas rin kaming dalawa roon. Uminom ako sa binili niyang tubig at hinayaan ang hangin na patuyuin ang pawis sa aking leeg.
"So, payag kana?" pangungulit kong muli nang pumasok na kami pabalik sa school.
Nahilamos ni Isaiah ang mukha at parang nabubwesit na naman sa akin. I smiled cutely at him.
"Sino bang crush mo? I can help you with her... Tell me para give and take tayong dalawa. We can use each other kung ayaw mong ako lang ang may kailangan sa'yo."
Nakatingin siya sa ibang bahagi with his parted lips. Tumitig naman ako sa maitim niyang buhok at halos takpan na ang kanyang makapal at perpektong hugis ng kilay pero isang pasada lamang ng kanyang palad ay bumungad muli ang kanyang noo.
Binasa niya iyon at nameywang na. Ibinalik niya muli sa akin ang kanyang mga mata.
"Ano bang gagawin ko?" sabi niya at tila suko na dahil sa aking pamimilit.
Lumawak agad ang aking ngisi.
"Payag kana?"
Tumango siya kahit iritado ang mukha. Sumilay ang nanunuyang ngisi sa aking labi. Umangat ang kilay niya roon pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako.
"May klase na ako. Sa ibang araw nalang natin ito pag-usapan."
"When? Tomorrow? It's friday..."
"Marami akong gagawin bukas at wala ako roon sa 4th gate," aniya.
"Uh... So Sunday? We can meet since walang pasok..."
Nagkasalubong ang kanyang kilay.
"May trabaho ako," sabi niya na ikinakurap ko.
"You're already working?" tanong ko sa hindi makapaniwalang boses.
Tumango siya.
"What time ba sa sunday ang work mo? Maybe I can visit you for awhile..."
Isaiah sighed at may dinukot sa kanyang bulsa. Inilahad niya sa akin ang kanyang Android phone.
"Save your number, then. I'll just text you."
Kinuha ko iyon at itinipa habang seryoso naman niya akong pinapanood sa bawat galaw ko. Ibinalik ko ulit sa kanya pagkatapos kong isave iyon ng Zerathepretty saka niya deri-deritsong ibinulsa.
"Pumunta kana rin sa subjects mo," sabi niya kaya tumango ako.
"See you, Isaiah," sabi ko nang tinalikuran niya na ako.
Totoo nga iyong sinabi niyang busy siya sa Sabado dahil hindi ko man lang siya namataan sa araw na iyon except for Castel.
"Nasaan si Trey?" tanong ko nang makita ko siyang mag-isa lang. Mukhang papunta na ito sa next subject niya.
"Nasa room niya na siguro..." sagot ni Castel na ikinatango ko.
"How about Davin and Silas?"
"Nasa kabilang room. May chix na pinopormahan." Ngumisi si Castel ng makahulugan kaya nailing nalang ako.
"And how about... Isaiah?"
Natawa agad si Castel nang binanggit ko ang kanyang pangalan.
"H'wag mo nang balakin na kaibiganin iyon, Zera. Hari iyon pagdating sa pandededma sa mga babae," aniya sa natatawang boses.
"He really doesn't look like friendly to me."
Tumango naman si Castel.
"Himala nalang kung tiningnan ka noon sa mga mata. Girls irritates him. Ganoon talaga siguro pag masyadong matatalino," pabiro siyang tumawa.
Weird... Napakaintense nga noon kung makatitig. And we already made eye contact multiple times so I guess we're really friends now.
Noong sumapit ang linggo ay nasagot rin ang tanong ko noong manood ulit ako ng basketball nila Trey sa Clubhouse. Kaya pala hindi nila madalas kasama si Isaiah sa mga ganitong araw dahil busy ito at may trabaho na.
He's not just super smart but he's also hardworking, too. Masyado lang talagang suplado at iyon nga, ayun kay Castel ay hari talaga ng pandededma. Naalala ko pa iyong ilang beses ko siyang tinawag noong Grade 12 ako at hindi niya man lang ako nilingon. I think sinadya niya talaga iyon para dedmahin ako lalo na iyong nag hi ako sa kanya.
Girls irritates him huh? No wonder he's always irritated when I'm around. Kaya rin siguro pumayag na siya para matigil ako sa kakapilit.
4pm pa lang ay naligo na agad ako since I know 6pm magsisimula ang work niya. Hanggang ilang oras ba iyon matatapos? And what kind of work does he has? Baka naman sa office? Pero hindi pa siya graduate so maybe may part time job siya sa mga fast food?
5pm noong mareceive ko ang unknown text at isang lokasyon sa isang Park. I think this is Isaiah. Grabe naman. Tamad ba siyang magtext?
I wore a haltered black top and white high waist paired with black boots. Hinayaan kong lumugay ang buhok kong medium length at umalis rin naman ng 5:30.
Kagabi palang ay nagpaalam na agad ako kay Mommy and luckily pinayagan naman ako basta kasama lang ang driver para may maghatid sa akin at meron agad magsundo. Goodthing Kuya isn't around so walang masyadong tanong!
Eksaktong 6pm na noong dumating ako. Suot ang aking sling bag ay lumabas ako sa pinagbuksang pinto ng driver at iginala ang tingin.
Ba't may mga barricade at masyadong crowded? May nakikita pa akong mga kaedad ko lang rin na may dala-dalang something like banners and such tapos may iba namang pumapasok doon sa mismong gitna kung saan may mga upuan.
Maybe I'll just wait Isaiah inside the barricade since may mga upuan naman doon. Ayoko rin namang tumayo rito since wala rin akong ediya.
May napansin akong mga babaeng nakasuot ng puting Tshirt na may nakalagay na Silvestre's wife at nakakapasok agad sila roon sa loob. The stage is even set at mukhang may magpeperform.
Weird... Baka maling park ako? But anyway... I need a seat!
Papasok na sana ako roon nang hinarang ako ng kung sinong babae.
"Hep hep... Mga fans lang ang pwede sa loob. VIP ito," mataray niyang sabi at tiningnan ang aking kabuuan.
Fan?
"I am also a fan," pagsisinungaling ko nalang.
"Anong fan? Eh nasaan ang tshirt mo? Sinungaling ka." Tinaasan niya ako ng kilay.
The nerve with this ugly b***h?
Calm down, Zera. I think marami sila since they're all wearing the same white tshirt kaya baka madumog pa ako nila.
Dumukot nalang ako ng 1k sa aking sling bag at ibinigay.
"How much is the tshirt? Is this enough?"
Nagningning agad ang kanyang mga mata at lumambot ang ekspresyon. Mabilis niyang binuksan ang harang para papasukin ako.
"Joy! May isa pang fan oh! Bigyan mo nga ito ng tshirt at paupuin mo sa pinaka first row ha! Bigating fan iyan kaya alagaan mo ng mabuti," aniya sa babaeng lumalapit na sa akin.
"Hi! Bagong fan ka ba?" tanong noong Joy na binibigyan na ako ng tshirt.
Tumango na lamang ako since I don't really want to talk too much at baka mabuko pa ako. I just need a seat dahil ayoko namang tumayo lang doon while waiting for Isaiah.
Isinuot ko iyong tshirt na hanggang hita ko saka niya ako kinaladkad sa pinakaharap.
Halos napupuno na iyong loob at meron ring tumatayo lamang roon sa labas ng barricade para manood ng kung ano.
"Bagong recruit?" tanong ng naka eyeglass na para pang nerd na babae kay Joy nang umupo ako.
"Oo eh... Sabi ni Stella bigatin daw?"
"Ah... Halata naman oh... Yayamanin," aniya.
Hindi na ako sumali sa usapan at inilabas ang aking phone para itext si Isaiah.
"Naks naka iPhone..."
"Mayaman nga 'di ba."
What's with this people? Nagfocus nalang ako sa pagtitipa.
Ako:
Nasa park na ako. Where's your workplace?
Ibinalik ko na iyon sa slingbag lalo na't nagsisimula naring umingay dahil sa MC sa harap.
"Thank you sa pagpunta sa aming event at bago magsimula ang program, alam kong lahat ng fans ay excited para sa naimbitahang performer ngayong gabi. Are you all excited?!"
Nagsigawan agad lahat ng mga babae maliban sa akin na umismid pa habang nakahalukipkip lamang sa aking upuan. Hindi nga sasakit ang paa ko kakatayo sa labas pero sasakit naman ang tainga ko. Oh good grief!
"H'wag na natin itong patagalin pa! Let's start the show!"
Tilian ulit at hiyawan ang bumalot sa kabuuang paligid habang umaalis na iyong babae na MC sa harap at may panibagong umaakyat na mga lalake.
Nagsimula pang umambon kaya tiningala ko ang langit at agad na nairita habang sobrang lakas na ng hiyawan. Hindi pa nga umuulan, nagsisimula nang umulan ng laway sa paligid ko dahil sa kakasigaw nilang lahat.
Pumikit ako at tinakpan ang aking tainga. Ayan, fan ka pala ha... Now deal with the noise!
May nangibabaw na isang tugtog. It's like an old song na kinakanta ng mga banda noon kaya dumilat ako dahil sa kyuryusidad.
"What's that song?" tanong ko sa katabi na para nang zombie sa pangingisay.
"Kung ayaw mo h'wag mo by Rivermaya! Total bagong fan ka pa naman ng banda nila, iyan ang lagi nilang kinakanta talaga pag naiimbitahan sila sa mga events para kumanta," sagot ni Joy pero tutok na tutok sa stage.
Oh banda pala... At nasali pa talaga ako sa ganito.
May apat na mga lalake sa stage. Dalawa na nakatayo habang may gitara, isa sa drum at ang isa ay ang kanilang vocalist na hawak ang stand ng mic at gumagalaw ang ulo, tila sinasabayan ang beat.
"Hari ng dedmahan ng teleponong apat na magdamag nang di umiimik..." kanta ng kung sinong pamilyar na boses na ikinalaki ng aking mga mata nang titigan ko na ang pinanggagalingan ng boses.
Ang vocalist na nakasimpleng plain black tshirt, tattered jeans at black boots ay tila lasing ang mga mata habang kumakanta ng seryoso na akala mo ay wala nang pakialam sa paligid kung makaasta ay walang iba kundi si Isaiah!
Mas lalong nagtilian ang mga fans nang magpatuloy siya sa pagkanta at nagawa pang pumikit, tila dalang dala sa kanta at sobrang lamig pa ng kanyang boses.
"Kung di ka tatawagan, may pag-asa kayang maisip mo ako't biglang mamiss..." Dumilat si Isaiah, tila lasing ang mga matang namumungay at hinawi ang buhok at binasa ang mamula mulang labi.
Mas naging intense ang drum at paggigitara kasabay ng nakakadalang kanta niya na nagpaingay lalo sa buong paligid.
"Hindi kita mapipilit kung ayaw mo... H'wag mo akong isipin, bahala na..." seryoso niyang pagkanta sa namumungay niya paring mga mata habang nagsisimula nang umulan, tila kahit ang langit ay hindi na nakayanan ang bigat at nahulog agad dahil sa kanyang boses.
"Hindi kita mapipigil kung balak mo, ako'y iwanang nag-iisa..."
Kinuha ni Isaiah ang mic sa stand at inindak pa ang kanyang mga paa, walang sinasalubong na tingin habang nagpapaubaya lamang sa tono. He started doing some small headbang while licking the side of his lips in a very seductive way.
What. The. f**k?
Everyone's screaming. Tulala nalang ako at naninindig ang balahibo hindi alam kung dahil ba iyon sa lamig na gawa ng ulan na parang dumaan lang o sa lamig ng boses ni Isaiah.
I didn't know he knows how to sing in a very charming yet alluring way even when he's not smiling! At sobrang galing niya dahil maaapektuhan ka agad sa kanyang boses at gusto mo ring makisabay sa pagkanta o sumigaw sigaw nalang.
Maski ako, namalayan ko nalang na tulala na pala ako habang pinapanood si Isaiah roon. Para akong nasindak ng isang multo at sa sobrang lamig, natulala nalang.