Friendly
Pabalik balik lang naman ang ginagawa ko sa mga nagdaang araw. Bibisitahin ko paminsan-minsan ang college building at may mga araw ring ayaw kong masyadong magpupunta roon para mamiss ko rin naman si Trey.
Hindi lang rin naman ako ang pumupunta sa college building dahil kundi pati si Irah, that f*****g Buenaventura, ay pumupunta rin doon.
Hinayaan ko siya dahil para naman madistract niya si Kuya Toshi at malihis ang kakabantay sa akin doon.
Napapansin ko kasi pag naroon siya, natutuliro rin si Kuya. I don't know kung anong meron pero mas mabuti nang napapakinabangan ko rin ang greatest enemy ko. That annoying girl is always getting on my nerves when we were kids! At sa tuwing nakikita ko talaga ang pagmumukha niya, ang sarap niyang asarin o pikunin.
"Nandito ka ulit..." ani Hilary, ang recent girlfriend ni Trey nang tumambay muli ako sa gymnasium habang kumakain ng sandwich. I brought a lunchbox with me at nasa tabi ko lang ito para hindi ako magutom habang nanonood.
Hindi ako kumibo at sinundan ng tingin ang galaw ni Trey. Humalakhak siya at tuwang tuwa pagkatapos maka 3 point shot.
"Pwedeng tumabi?" Ngumiti siya sa akin.
Bago pa ako makasagot, umakyat na siya sa ikatlong baitang ng bleachers kung saan ako pumwesto at umupo sa aking tabi. Nasa pagitan naman naming dalawa iyong lunchbox kong may mga sandwich.
Nilingon niya saglit si Trey pero ibinalik rin naman sa akin. Kahit hindi ko siya lingunin ng buo, kapansin pansin agad ang kanyang dibdib na halos hindi na makahinga sa kanyang unipormeng sobrang fit ata.
Si Trey ba ang nagpalaki niyan?
"Aware ka naman sigurong kami ni Trey, right?" tanong niya.
Imbes sagutin siya ay pumalakpak muna ako dahil sa nagawang shoot ni Trey. Natutop niya ang bibig dahil hindi ko agad ito pinagtuunan ng atensyon.
"I understand you're crushing with my boyfriend and you're their family friend pero sana minsan, ilugar mo ang pagiging..."
Nilingon ko siya sa nakaangat kong kilay.
"Nagseselos ka ba sa akin?" tanong ko sa malinaw na boses.
Nagulat siya. Ang makinis at maputlang kulay ng kanyang mukha ay nabahiran ng pamumula. Kung maliit lang siguro ang kanyang buhok ay magiging kamukha niya na si Snow White. Oh... I think I mali ako sa part na iyon, sino nga iyong isa sa mga stepsister niya? But anyway...
"I am just saying this because you're cheering him so much and it's really annoying," maarte siyang natawa.
"Why are you complaining too much? Hindi nga ako nagrereklamo na kayo. Ni hindi ako nagseselos," sabi ko.
Natawa siya.
"Of course dahil wala namang kayo."
"Eh bakit? Saan ba patungo ang pagiging girlfriend mo? 'Di ba magiging ex ka rin someday?"
Unti-unting napawi ang ngisi sa kanyang kilay.
"I know you're a brat, Zera... But I really don't like it when someone is screaming my boyfriend's name," matigas niyang sabi at gumuguhit na ang inis sa mukha.
Kinagatan ko ang aking sandwich at matamang tumitig sa pagkalat ng inis sa kabuuan ng kanyang mukha.
"Yes you own him now but you don't own my voice. Hindi mo ako pwedeng pagbawalan kahit isigaw ko ang pangalan ni Trey dahil boses ko naman ang ginamit ko. And why are you so jealous? Are you afraid Trey might like me because you know I am more prettier than you?" Nginisihan ko siya.
Napasinghap siya at kapansin pansin kung paano niya kinuyom ang kanyang kamay.
"You're. Really. A. Brat," gigil niyang sabi, putol-putol ang pagkakabigkas.
"Duh." Umirap ako sa kanya.
Tumayo rin naman siya at wala nang ibang sinabi pa. Bumusangot ako at sinundan ito ng tingin. What's with this jealous b***h? Kahit girlfriend na parang ang desperada kung bakuran si Trey. Feel threatened?
Napapansin ko, sa tuwing magkakaroon ng bagong girlfriend si Trey, palaging ako nalang talaga ang pinag-iinitan nila. Is it wrong if I like him? Tapos iyong panay pa selos hindi rin naman nagtatagal bilang girlfriend niya.
Kaya noong nabalitaan ko kay Kuya Hiro na break na si Trey at Hilary I almost die from laughing hard. Nasa New Year na ata iyon nang mapansin kong panibagong girlfriend na naman ang kanyang kasama noong nagkasama muli ang aming mga pamilya.
Kuya even gave me a mocking smile when he saw Trey with his new girlfriend.
"Anong problema ni Kuya Trey? Eh mas maganda ka pa riyan eh!" ani Elle nang sinundan niya ng tingin ang nakadikit na babae kay Trey.
They're talking with my cousins, parang ipinapakilala niya ata at heto kami sa may veranda ng pool area, ayaw makisali roon.
Kung ibabase ko sa percent ang kanyang mukha, nasa 60 percent annoying iyon. She has a same vibe with Hilary, mga kapwa uhaw sa atensyon ni Trey dahil grabe makadikit.
"Trey is a frigging playboy," aniya at ininom ang hawak na juice.
Ilang babae kaya ang gusto niyang pagpraktisan bago tuluyang malaglag sa akin? I am not rushing anyway since I know I am still going to like him after all these years kaso hindi ako ganoon ka pasensyosa. Baka bukas gumawa na ako ng oplan 'how to lure the guy I like to like me back?'
Hindi ko muna iyon masyadong inisip since masaya rin ako sa papalapit na Graduation. At last I'm free to explore my college days with Trey! Kahit huling year niya narin next year sa college, I am still happy at hindi na ako mahihirapang silipin siya araw-araw.
And knowing gagraduate narin si Kuya Toshi at Kuya Grey ay makakagawa narin ako ng maayos na plano kung paano kami mapapalapit sa isa't isa sa taong iyon.
Kaya noong sumapit rin ang summer ay iyon ang pinagkaabalahan ko. Mainit ang pagtama ng araw sa aking balat habang suot ang aking two piece bikini pero masyadong natatangay sa malayong parte ang aking isipan.
"Do you want some juice, honey?" ani Mommy nang tinabihan na ako sa lounger.
Umahon ako sa pagkakasandal at tinanggap ang kanyang inilahad. She's still wearing her dress since Daddy is just around, nambabato agad ng matalim na tingin pag naghuhubad si Mommy.
Sinipsip ko ang straw habang nakatitig naman si Mommy sa akin.
"Are you still thinking with your crush?" Ngumisi siya, pinaparating na nababasa niya ako.
Ngumuso ako at tumango.
"Yes. 4th year college na si Trey this school year Mommy. Ibagsak niyo nalang kaya muna iyon para mas matagalan siyang grumaduate?" suhestyon ko na ikinatawa niya ng marahan.
"Crazy... I can do that pero mapapagalitan rin tayong dalawa ng Daddy mo dahil may sinisira tayong future."
Ipinatong ko ang hita sa isa ko pang hita at pinaikot ang tubig gamit ang straw para paglaruan iyong ice cubes sa loob.
"Hmm... Gusto ko talagang maging close kami kaso ang kj ng mga boys. Ayaw nila akong lumalapit kay Trey."
"Why don't you provoke Trey instead, Zera?"
Kumurap ako at nag-angat ng tingin kay Mommy.
"Huh?"
"Bakit ikaw ang maghahabol kung pwede namang siya ang maghabol sa'yo?" Ngumisi si Mommy sa akin.
Here we go again...
"How?"
Nilingon niya saglit si Daddy sa cottage. Naroon rin si Kuya Hiro, natutulog sa upuan at nakatakip pa ang braso sa mga mata.
Ibinalik ko ang Mommy ang atensyon nang magsimula siyang magsalita.
"Lure him to like you back. Think some way he'll like you kahit na hindi mo siya nilalapit lapitan. Iyong siya dapat ang mabaliw kakaisip sa'yo hanggang sa maging interesado siya."
Parang tinayuan ng Meralco ang aking isipan at lumiwanag na ang kabuuan noon. Napangisi ako pabalik kay Mommy.
"Oo nga 'no? Iyong walang magagawa sila Kuya Toshi kasi si Trey na ang lumalapit lapit sa akin. Iyong magkusa siyang manligaw."
"Yep..."
I giggled. "You're really smart, Mommy." Sinipsip ko muli ang straw habang umuulan na ng ediya sa aking utak.
I think hindi lang sa first day of school ako maeexcite kundi pati narin sa aking plano. Wala namang nabanggit si Mommy kung ano ang dapat ko talagang gagawin pero iyon na ang hahanapan ko ng paraan. Sa ngayon, nanamnamin ko nalang muna ang summer.
Lunes iyon nang nagpasya akong manood ng basketball nila Kuya sa Clubhouse dala dala ang isang bottled water. Kuya Grey and Kuya Toshi were starting to be busy dahil hindi na sila sumali sa araw na iyon. Ni isang Fortalejo ay wala rin at ang tanging naroon lamang ay ako tsaka si Elle.
Hindi pa nakakarating si Trey. I think sinusundo pa noon ang girlfriend niyang si Jiarra, isang half chinese at nag-aaral sa all girl's school, lalo na't tuwing naglalaro siya dinadala niya talaga ang babae niya.
Si Red pa lang ang nagdidribble, pinaglalaruan muna ang bola habang hinihintay nila si Trey habang pilit naman iyong inaagaw ni Caden sa kanya. Si Kuya ay nakaupo sa sahig at tinititigan ang kanyang cellphone habang sa kabilang dako ay naroon rin si Ken at Wayt na kapwa rin nakaupo sa sahig.
"Tangina ka. Tirik na tirik naman sana ang araw pero ibang tirik ang pinapanood mo," reklamo ni Wayt at tinapunan ng matalim na tingin si Ken.
Humagalpak ang aking pinsan habang hawak ang kanyang cellphone.
"Warm-up lang para ganado mamaya sa pagshoot ng bola."
Nailing si Wayt at halos ibalibag na ata si Ken sa kanyang tabi.
Dumating rin naman si Trey kasama sina Silas at Castel pero walang babae.
"Asaan ang girlfriend niya?" tanong ni Elle.
My hopes suddenly rose when I realize he's alone. I smirked inwardly. So... He's single again?
Nagsitayuan narin ang mga lalake nang dumating ito. Nakipag high five pa si Ken kay Silas.
"Where's the girlfriend? Wala ka atang binaong babae?" si Ken.
Sinundan ko ang munting galaw ni Trey nang ipinasok niya ang isa niyang kamay sa jersey short habang ang isa naman ay humawak sa batok habang ngumingisi sa mga boys, makahulugan lamang na umiling.
Humalakhak si Ken at nailing.
"Just find another one, Trey. There's a plenty of fish in the sea, you know..." Tinapik niya ang balikat nito.
Tumawa si Trey. "Gago ka talaga."
Ken is so bad influence! I really hate my cousins for being such a dickhead.
"Oh... Single na ulit..." bulong sa akin ni Elle.
Lumingon si Trey rito. Agad akong ngumiti sa kanya kaya ngumiti naman siya pabalik. Nilingon narin ako ni Kuya Hiro, nakaangat ang kilay at naiirita ata sa pangiti ngiti ko kaya bumusangot agad ako. Tss... He's really annoying most of the times.
Nagsimula silang maglaro. Tumatawa si Trey habang pinapasa ang bola kay Wayt na agad rin naman iyong d-in-ribble saka nag three point shot.
Trey is not really good at playing basketball pero palagi siyang nag-eenjoy tuwing naglalaro. Makikita mo siya sa court na kung hindi nakangisi ay tumatawa naman. Kaya siguro noon palang ay palagi ko na siyang tinitingnan dahil ang guwapo niya talaga.
Pagkatapos ng 1st Quarter ay kanya kanya rin naman silang pahinga. Tumayo ako at kinuha ang aking bottled water saka bumaba sa ikalawang baitang ng bench na aming inuupuan ni Elle.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Elle.
"I'm going to give this to Trey," sabi ko at iniangat ang bottled water nang hindi na ito nililingon.
Natahimik na ang aking pinsang babae. Naglakad naman ako ng deritso habang tinitingnan si Trey na naroon sa may dulo at nakikipagtawanan kina Silas kasama ang kambal.
Pero bago pa ako makarating roon ay humarang na bigla si Kuya na hindi ko man lang napansin eh nakaupo lang naman ito sa sahig kanina.
He fully covered my way at nagawa pang kunin sa aking kamay ang aking bottled water.
"Thanks, Damonisse. Bumabait ka ata ngayon?" Ngumisi siya habang binubuksan ang takip noon.
"That's not for you—"
"Painom rin, Hiro!" si Ken na nag half jog narin papunta rito.
Natutop ang aking bibig at napabusangot na lamang dahil kahit si Wayt ay tumatayo narin sa pagkakaupo sa sahig para makiinom ata sa aking dinalang tubig.
Kung alam ko lang na sila pala ang makikinabang ay hinaluan ko nalang iyan ng asin.
Sa aking inis ay sinuntok ko ang dibdib ni Kuya kaya medyo tumalsik ng kaonti ang tubig sa kanyang bibig saka ako nagmartsa pabalik sa bench.
Humagalpak ng tawa si Ken at sumipol pa. They're all annoying!
Hindi talaga ako nagkaroon ng chance na malapitan man lang si Trey sa araw na iyon dahil bukod sa kasama niya ang mga pinsan ko ay naroon pa ang Kuya kong isa rin sa sugo ng dyablo at grabe makapanira ng gabi!
But maybe, it's really not our time yet. Don't worry Trey, I have enough time this school year. I'll secretly lure you to like me back and I'm going to make sure magbabago talaga iyang tingin mo sa akin bilang bata.
"Todo make-up ah? Debut mo na?" ani Kuya sa first day of school ng Lunes na iyon.
Ganoon agad niya kagustong sirain ang aking araw kahit sobrang good mood ako.
Umirap ako.
"It's just a soft make-up, Kuya... You're so oa," maarte kong sabi.
Pinunasan ni Kuya ang aking pisngi ng kanyang panyo kaya sa aking inis ay sinapak ko agad ang kanyang braso.
"Stop it!"
"Tingnan mo oh... ang dumi ng mukha mo," aniya at ipinakita ang panyo niyang nadumihan dahil sa blush on na inilagay ko.
"Pakealamero ka talaga kahit kailan, Kuya!" Naiinis kong hinawi ang kanyang panyo at binuksan ang aking bag sa kandungan.
Kuya didn't stop there... Mas nagpatuloy siya kakapunas sa aking mukha hanggang feeling ko ay natanggal niya na lahat dahil kahit sa aking labi ay ipinunas niya rin iyon. Ang retouch ko ay useless lang dahil sa kanya.
"I hate you! Annoying!" Sinuntok ko na ang kanyang braso sa pagkakataong ito but he looks unbothered, di man lang nasasaktan.
"Malalaman ko rin naman kung nilapit-lapitan mo si Trey."
Yes of course... Kay Castel at Davin palang wala na akong kawala. Ang dalawang iyon ay sumbongero, and even Silas, isa rin sa barkada ni Trey ay close rin kay Ken na sobrang tsismoso rin na report agad kay Kuya.
See Zera the pretty? Kahit pa may plano ka, kung may sisira rin naman ay useless rin.
Naghilamos nalang muna ako at itinali ang buhok pagkapasok sa college building. Wala na akong oras na maglagay pa ng make-up all thanks to my Kuya.
Most of my subjects ay kaklase ko si Irah. She's very silent and her serious face is luring me to diss her most of the times. Magkatabi kaming dalawa sa bawat subject at tahimik talaga siyang babae. Her silence is annoying me.
"Ang guwapo noong mga 4th year 'no?" Naghagikhikan ang grupo ng mga babaeng nadaanan ko.
"Iyong kinabibilangan noong Montiel..."
"Oo, ang gugwapo ng mga kaibigan niya. Friendly looking iyong nagngangalang Silas."
"Halos friendly looking naman lahat maliban doon sa isa."
Umangat ang aking kilay. Trey is getting more fangirls!
"Siguro pag isa tayo sa naging girlfriend ng mga barkada ni Trey magiging close narin tayo sa buong samahan nila."
"Oo nga... Kahit maging friend man lang natin ang isa sa kanila para mapalapit sa kanilang lahat."
Napatigil ako roon dahil sa isang light bulb na lumabas sa aking isipan.
Oo nga 'no? Come to think of it, Zera... Kung may kaclose ka na barkada ni Trey na kaya kang tulungan ay mas mapapadali ang lahat para maghabol si Trey sa'yo. Someone who's not close with your cousins, someone you know you can trust...
Nagtungo ako sa next subject ko pero iyon ang laman ng isip ko. Mabilis kong nilista sa aking isipan ang mga close kay Trey na close rin sa aking pinsan.
Sa apat niyang kaibigan na sina Davin, Silas, Castel at Isaiah, dapat isa sa apat na iyon ang walang kaclose sa aking pinsan. Castel is already X since nagawa na nga akong isumbong noon kay Kuya Hiro last year. Davin is X too since he's close with Ken the tsismoso! Si Silas ay ganoon din... He's really close with Ken and they really get along well kaya useless rin.
So... Ang tanging kaibigan ni Trey na hindi close sa mga pinsan ko ay si... si Isaiah, the most snob of them all.
Oh seriously?! Of all peaple...
Pero nakakapagtaka nga. Bakit wala siyang kaclose sa mga pinsan ko? Never ko pa ngang nakita si Isaiah sa Clubhouse ng Subdivision namin. Is he an outcast? An introvert? May sariling mundo? Kasi kahit noong nasa gate 4 ako ay nakita ko siyang lumabas sa isang mumurahing kainan while Trey's friends were eating on a cafeteria that time. It's confusing.
"Gusto mo?" alok ko sa binili kong sandwich nang makatabi kong muli si Irah sa huling subject bago ang break time.
Tiningnan niya iyon at umangat ang kilay.
"Ang creepy kung ang bait mo."
Binawi ko ang aking kamay.
"Testing lang naman if ever kaya kitang lasunin ng ganoon kadali," sabi ko at matamis siyang nginitian.
Ngumiwi na lamang siya at ibinalik ang tingin sa librong nasa desk. Ngumuso naman ako ng palihim. Isn't she hungry?
"Kakasimula pa lang ng klase ah? Why are you reading too much? Di ka ba naaawa sa utak mo?"
Hindi siya kumibo at inilipat ang pahina. Binuksan ko naman ang sandwich at sinimulan iyong kagatin habang binabasa narin sa aking mga mata ang kanyang binabasa.
Nag-aadvance reading siya sa kursong kinuha niya... Wow. Ako kaya? Kailan ako magiging ganyan ka ganado sa pagbabasa? I'm interested with novels pero pag textbook ay sobra na akong nabobored basahin. Hindi ko na kaya ang isang page at para na akong maduduling pag masyado akong nagseryoso.
Pero sabagay, her Daddy is a lawyer. Baka namana niya ang katalinuhan niya roon. Sa akin kasi ganda lang ata ang ipinamana sa akin at sa utak ay hindi naman masyadong grabe.
Pagdating ng aking breaktime ay mag-isa nalang akong naglakad lakad since mamaya pa ata ang break time ni Elle. So... Saan ako pupunta? Nasaang room kaya ngayon si Trey?
Shut-up, Zera! Dapat no more stalking na! You need to use someone to do the stalking for you! Iyong tutulungan ako kay Trey nang hindi ako lumalapit para hindi naghihinala ang mga pinsan ko.
Hmm, kaibiganin ko kaya si Isaiah? Fit na fit na sana siya for my plans but he's such a snob! Hindi ko parin nakakalimutang sinagot niya lang ako ng 'so'. Tss.
But boys are easy to get lalo na pag magandang babae na ang may request. I should try... Baka may pagka friendly rin naman siguro iyon. Hindi lang talaga kami close kaya sobrang stranger niya talaga sa akin.
Nagbaka sakali akong lumabas ng Gate 4 para icheck kung naroon ba ng oras na iyon si Isaiah since it's already lunch narin. Nang malanghap ko na naman ang usok, ang bumungad na mga mumurahing kainan sa akin ay mabilis kong tinakpan ang aking ilong.
God, Zera! Ano... Papasok ka sa mga ganyang lugar?! What if may makuha akong virus?! What if macontaminate ako ng isang nakakahawang sakit?
Pero pumapasok nga si Isaiah edi baka hindi rin naman siguro marurumi sa lugar na iyon right?
Huminga ako ng malalim at naglakad na nga ng ilang hakbang para suyurin isa isa ang mga kainan doon. Ang una kong pinasukan ay kung saan ko siya nakitang lumabas.
Bumungad agad sa akin ang isang not so good looking canteen at may mga mesang nagkalat na inuukupa ng mga customer. Maingay pa ang palabas sa tv na tinitingala nila at ang tanging nagbibigay hangin sa loob ay dalawang electric fan.
"Hi, miss ganda! Kakain ka rito?" tanong sa akin ng not so poging lalake na mukhang tindero ata.
Hindi ako kumibo at iginala ang paningin habang may nakatakip na panyo sa aking ilong. And this place is really hot! I can't believe nakakaya ni Isaiah rito!
Iginala ko sa sulok ang aking tingin until may nakita akong mag-isang kumakain na nakatalikod at malapad ang balikat suot ang isang pamilyar na itim na tshirt.
Agad akong naglakad patungo roon. Kakaibiganin ko siya starting today! I need to be friendly to him!