Food Market
Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpasalamat rin naman sila sa mga nanood pagkatapos ay bumaba rin at nauna pa talaga si Isaiah na umalis. Ilang sandali lamang ay nagbeep ang aking cellphone.
Mabilis ko iyong chineck. Ni hindi ko na namalayan ang nauna niyang text kanina.
Unknown:
Pumasok ka sa cafe.
Unknown:
Where are you?
Magtitipa na sana ako nang may kumalabit pa sa akin.
"Hi! Ikaw iyong bago 'di ba?" Ngumiti sa akin iyong nagpapasok kanina.
Tumango ako sa kanya at tiningnan iyong inilalahad niyang cellphone.
"Pwede ko bang makuha ang number mo para pag may ganitong event iuupdate nalang kita nang hindi ka mahirapan," aniya.
"Pwede rin siyang maging admin," iyong isa namang mala nerd.
Tumango iyong nagpapasok sa akin.
"Oo pwede kung gusto niya..."
Kinuha ko ang kanyang cellphone at itinipa ang aking number.
"Ikaw ang leader ng fans club noong banda?" tanong ko.
Tumango naman agad ito.
"Yes ako... Pero marami kaming sumusuporta. Sumusunod talaga kami kung saan sila kumakanta lalo na at madalas silang naiimbitahan o kaya may sinasalihan silang competition."
Tumango ako at hindi na gaanong nagbigay ng opinyon saka ibinagsak ang tingin sa cellphone kong may panibagong text.
Unknown:
Wala ka rito sa cafe.
Tumayo na ako.
"Aalis kana?"
"Yep..." tipid nalang akong ngumiti habang iwinawagayway na ng iba sa akin ang kanilang mga kamay for a goodbye.
"Ano palang name mo?" sigaw pa noong Joy.
Nilingon ko sila sa kalagitnaan ng aking paglalakad.
"Zera," sabi ko na ikinangiti nila sa akin at kumaway muli.
Natuyo na ako lalo na't kanina ay medyo basa pa naman sana ako. Wow... Hinayaan kong maulanan just because Isaiah is f*****g singing! Nababaliw na ba ako? Since when did I started acting so careless?
Nagtipa ako ng mensahe kay Isaiah.
Ako:
Nasa barricade ako banda.
Tuluyan akong lumabas doon. Ilang sandali lang ay nagreply ulit ito.
Unknown:
Punta ka sa backstage.
Lumingon ako sa dulo kung nasaan ang stage. Nagsimula akong humakbang papunta roon. May kung ano nang nangyayaring speech sa stage na hindi ko na masyadong pinagtuunan pa ng pansin.
Ilang sandali lamang ay may humila na sa akin hanggang sa nakita ko ang pamilyar na mukha ni Isaiah. Dinala niya ako sa mismong backstage at pinapasok doon kung nasaan rin nakatambay ang ilan pang mga kasali ata sa event pero doon kami nanatili sa parang maliit na room at may mga nakatambak na gamit.
Humarap siyang muli. Parang may sasabihin na sana siya akin nang bumaba agad ang kanyang tingin sa aking suot. Nanatiling nakaawang ang kanyang bibig at napatitig sa tshirt.
"Saan mo nakuha 'yan?" tanong niya.
"Ah... I bought this for a free seat since ayaw kong tumayo."
"Binili mo?"
"Yup. Nagbigay ako ng 1k." Ngumisi ako na ikinatalim agad ng kanyang tingin sa akin.
Bago pa siya may masabi muli ay may nagsisulputan na sa kanyang paligid. Nailing na lamang siya at umalis saka nagtungo sa isang dako.
"Uy sino itong nabingwit mong magandang fan, Isaiah?" tanong ng lalakeng guitarist ata nila.
"Ang ganda naman nito! Parang first time ko atang mapansin ang ganito ka gandang fan mo." Tumawa iyong isang lalake na siniko pa iyong katabi niya.
"Hindi yan isang fangirl. Isa 'yang scammer," ani Isaiah na may binubuksang bag sa isang upuan.
"Huh? Paanong scammer?" Nalilitong tanong noong may pagka mistiso.
"Silvestre's wife pa oh! Kasali ata ito roon sa isang fanbase natin na may parang binuong team!"
"Who's Silvestre, anyway?" tanong ko sa dalawa na unti-unting napawi ang mga ngiti.
"Ay scammer nga," dismayadong sabi noong guitarist.
"Hindi mo kilala si Silvestre?" Nagtataka namang tanong noong mistiso.
Umiling ako.
"I just bought this for a free chair," sabi ko na ikinahagalpak ng tawa nilang dalawa.
"Akala ko talaga fan na! Hindi pa pala markado ng Silvestre eh!"
"Nakakapagtaka rin kung may pinulot na fan si Isaiah purket maganda lang! Magpapa lechon talaga ako!"
Panay ang kanilang hagalpakan at nag-aapiran pa. Iritado akong tinapunan ng tingin ni Isaiah rito pero nag-iwas rin naman agad.
"So hindi mo rin kilala si Jace?" tanong noong guitarist na nagpapahid ng luha kakatawa.
Umiling ako. "Kasali sa banda niyo?"
Humagalpak muli silang dalawa at nag-apir. Why are they laughing so much? Sino ba si Silvestre? Is this their band? And who's Jace? Lider nila?
"Kilala mo si Isaiah?" tanong ng guitarist.
Tumango ako. "He's my schoolmate."
"Eh paanong kilala si Isaiah pero hindi mo kilala si Jace at Silvestre?" Iyong mistiso.
"Ewan ko. I'm not fond with strangers," sagot ko kaya sumulyap muli si Isaiah sa tingin niyang hindi ko na naman mapunto.
"Full name iyon ni Isaiah. Isaiah Jace Silvestre," iyong guitarist.
Silvestre? So ibig sabihin itong suot kong tshirt na may Silvestre's wife ay siya ang tinutukoy?
"Huhubarin mo ba 'yan o paninindigan mong asawa kita?" malamig na tanong ni Isaiah nang mapansin siguro ang aking realization sa tshirt.
Hindi agad ako nakasagot. The tshirt is really comfortable pero medyo nabasa rin kasi ito kanina and natuyo lang.
Sumipol ang dalawa niyang kasama lalo na't naglalakad na ito papunta sa akin at may dalang black na tshirt. He's probably going to change.
"Huhubarin ko nalang," sabi ko kaya pinagtutulak niya agad ang dibdib ng dalawa gamit ang isang kamay.
"Lumabas muna kayo."
"Dito nalang kami, Isaiah."
"Ano Lyle? Gusto mong masapak?" sarkastikong sabi ni Isaiah kaya natawa iyong mistiso.
"Gago ka talaga, Lyle." Hinila niya ang damit nito. "Tara. Puntahan natin si Anzai."
Sinundan ni Isaiah ng tingin ang dalawa at kalaunan ay ibinalik rin naman sa akin. Umangat ang dalawa niyang kilay at sinenyasan akong tumalikod.
"Maghuhubad ako. Talikod."
Humalukipkip ako.
"Bawal sa bata," dagdag niya pa na ikinatalim agad ng aking tingin sa kanya.
"How dare you! I've seen worst in p**n!" pagyayabang ko nalang kahit hindi naman totoo.
Hindi man lang nagulat si Isaiah o nagbago ang supladong eskpresyon. Nagkasalubong lamang ang kanyang kilay.
"p**n huh..." nanunuya niyang bigkas, ang mga mata ay parang nanghahamon ng away.
I nodded cockily.
"Yep. A topless man will never affect me. At all."
"Sige tumitig ka." Hinila niya ang damit sa likuran gamit ang isang kamay at hinubad iyon ng tuluyan.
His intense stares were mocking me as I watched how his muscles flex. Bumaba pa ang aking mga mayayabang na mga mata sa kanyang tiyan at nakita agad ang v-line sa may abdomen part niya.
He has a very well toned body proportion as I tried not to close my eyes just to tell him I'm not backing down.
Isaiah watched me carefully as I examined his body with my eyes. Sinikap kong hindi suminghap at ipakita ang katapangan.
Nang hindi na ako kumurap ay nagulat nalang ako dahil bigla niyang itinakip sa aking mukha ang kanyang itim na tshirt. Naamoy ko kaagad ang pabango niyang humalo narin ata sa kanyang pawis. But it still smells nice.
"m******s," sabi niya.
Marahas ko iyong hinila paalis sa aking mukha saka ko siya nakitang nakatalikod na sa akin at nagpapalit ng long sleeve na fit black shirt. Nilingon niya akong muli habang inaayos ang magulong buhok.
Tiningnan niya ang suot kong damit kaya napagtanto ko rin ang kanyang iniisip. Tumalikod ako para hubarin iyon kaso noong nasa may parteng dibdib na sana at malapit ko nang mahubad ay hinila niya iyong muli.
"H'wag mo nalang hubarin," aniya.
"Why? Do you like me as your wife?" Nanunuya ko siyang nginisihan nang nilingon ko ito.
"Ni hindi mo nga alam na ako ang sinusuot mo."
Tumawa ako nang maalalang binili ko lamang ito just for a free chair. At ngayon, pati iyong sa fanbase nila ay makakasangkutan ko pa ata.
"Don't worry... I'm loyal with Trey. And this is just a tshirt," sabi ko.
After staying at the backstage ay kumanta ulit sila roon. Hinintay ko nalang sila kasama pa ang ilang event organizer habang dinig na dinig ko ang malamig na boses ni Isaiah.
"Isa ka sa fansclub noong banda?" tanong bigla sa akin ng lalake na kasama ata sa mga organizer since he's wearing an ID.
Bago pa ako makapagsalita ay may sumagot na sa kanya.
"Mukhang girlfriend iyan noong vocalist." Tinawanan niya iyong lalake.
"Ah... Girlfriend pala siya," sabi niya nang nilingon niya ang lalake.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tiningnan ang aking cellphone. I receive a text from Kuya.
Kuya:
Uwi ka ng 8.
What is he saying?! Ang sabi ko kay Mommy hanggang 10 ako ah and she agreed! It's already 7:10.
Nagtipa ako.
Ako:
Mommy agreed I'm going home at 10.
Ilang sigundo lang ay nagreply agad si Kuya.
Kuya:
Where are you?
Ako:
Gumala!
Narinig ko ang pasasalamat ulit nila Isaiah sa mga naroroon kaya itinigil ko muna ang pagrereply habang pinanood sila isa-isa sa pagbaba at pumupunta na rito.
Lyle is laughing with that mistiso guy while both serious naman si Isaiah and the one who's also a guitarist. He's probably Anzai.
If Isaiah's looks screams dominance in his intense eyes, Anzai is more ruthless with his cold yet devilish stares. He lightly fix his hair at malamig na sumulyap sa akin.
"Yan 'yong sinasabi nila Lyle?" tanong niya kay Isaiah.
Nagkatinginan pa ang dalawa.
"Kuha muna ako ng maiinom!" si Lyle na may pinuntahan na kung saan.
Iyong mistisong nagngangalang Raziel, as I remembered awhile ago, ay sumulyap muli sa akin at tiningnan ang dalawa. Ngumisi bigla si Anzai kay Isaiah at marahang sinuntok ang dibdib nito.
"You don't bring girls."
Sumulyap si Isaiah sa akin pero saglit lang at dinilaan ang pang-ibabang labi.
"May kailangan sa'kin," tangi niyang sabi na ikinahalakhak ng marahan ni Anzai.
"Kailangan, huh? A tiger turning into a cat eh?" Tumagilid ang ulo ni Anzai para lang kutyain lalo si Isaiah.
Nailing si Isaiah at sinapak ang dibdib nito. Anzai touched his chest and smirk more saka muling sumulyap sa akin.
Okay? I am just here listening how they talk about me. Pero mas maganda na ang ganoon kaysa sa pag-uusap ng girls na pagtalikod mo diyan kana agad titirahin ng mga salita.
Bumalik naman si Lyle na may dalang mga... uh, something like big ice candies but there's a water on it. Ice water?
Binigyan niya isa isa ang kanyang mga kasama at huling naglakad sa akin pero bago pa makarating ay hinila na ni Isaiah ang likod ng tshirt nito.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Bibigyan ko lang iyong kasama mo, Isaiah. Baka nauuhaw," sabi ni Lyle at nagpupumilit kumawala.
"Bawal siya ng ganyan." Saka binitiwan ni Isaiah ang likod nito at dumukot sa kanyang bulsa. "Bilhan mo ng mineral water."
Nasamid agad si Raziel sa narinig while Anzai looks very curious at me, the way he glances when Isaiah said bawal iyon sa akin.
"Huh? Bakit? Anong meron sa ice water?" ani Lyle.
"H'wag kanang magtanong. Bilhan mo nalang," ani Isaiah at sinenyasan na itong umalis.
Nilingon naman ako ni Lyle at ipinakita sa akin ang isa pang ice water.
"Hindi ka umiinom ng ganito?"
Dahan dahan akong umiling at ngumiti ng tipid. I don't drink water on a cellophane! Baka masira ang tiyan ko. Tumango rin naman agad si Lyle at tumakbo na ulit palabas.
Natauhan rin itong si Raziel sa pagkakasamid at tiningnan agad si Isaiah sa namimilog na mga mata.
"Bago 'to ah! Kailan ka pa naging concern sa babae? Girlfriend mo ata 'yan eh!"
Ininom lang ni Isaiah iyong hawak na ice water at agad pa iyong naubos dahil sa pagpayat noong katawan. Para siyang bampira na mabilis iyong sinipsip.
"Baka magiging girlfriend palang?" si Anzai naman.
Itinapon ni Isaiah iyong cellophane sa gilid at sumulyap saglit sa akin. He just checked me in his dark intense eyes pero nang makontento ay nag-iwas din ng tingin.
Hindi siya tinantanan ni Raziel at mas lalo pa siyang pinapaamin if may something ba sa amin. Masyado silang nagugulantang kay Isaiah na may kasamang babae.
Hindi pala talaga siya mahilig sa girls? How come since he has a godlike visual? Ang rami rami niya pa palang fans at sabi pa ni Castel ay dinidedma niya lang rin talaga ang girls. I think he's focus with his studies more than anything...
Trey isn't like that. Bata palang ako, nakita ko na siyang papalit palit ng babae. He always bring his new girlfriend with him pero ilang weeks or month lang bago na ulit. I don't know why it doesn't even disgust me eh parehas lang naman sana iyon sa mga pinsan kong papalit palit rin ng babae na pinandidirian ko pero pagdating kay Trey ay wala akong pakialam kung papalit palit man siya ng babae.
Bakit kaya may mga lalake ring ayaw muna sa mga babae like Isaiah? I think magkakasundo sila ni Kuya Hiro since my brother isn't the playboy type, too. Hindi rin naman playboy si Red at Blue but they're really friendly with girls unlike Kuya who's such a snob.
Naisip ko tuloy kung ano rin ang rason ni Kuya ba't ayaw niya na lumalapit lapit ako kay Trey? Is it being overprotective or may iba pa?
Dumating naman si Lyle dala dala ang mineral water.
"Heto..." Inilahad niya iyon sa akin.
Sumulyap saglit dito si Isaiah na nagliligpit na ng gamit saka rin naman nag-iwas nang tinanggap ko na iyon.
"Thanks," tipid kong sabi at nag-iwas ng tingin since he's blushing.
I think they're already leaving since nagliligpit narin iyong iba niya pang kasama. Si Anzai naman ay may kinakausap na isa sa mga organizer at may tinanggap na sobre.
Are they all poor? Is this their way of living? Now I'm so curious...
"Ang laki mamigay talaga pag ganitong event eh! Ano... Kumain muna tayo bago umuwi?" si Lyle iyon habang naglalakad na kami paalis doon.
I silently walked beside Isaiah who's silent, too. Hawak ko ang aking cellphone since naiinis na ata si Kuya sa akin dahil hindi ako nagrereply.
Kuya:
I'll fetch you at 9.
Kuya:
If you're not yet okay with it then I'm going to track your location and drag you there.
Bumusangot ako ng husto habang nagtitipa.
"Manlilibre ako, ano?" si Lyle.
Tumawa si Raziel.
"Nandito lang si Zera masyado kana agad bumibibo. Sapakin mo nga Isaiah."
"Nagiging mabait lang ako eh first time rin na may kasamang babae si Isaiah. Parang sinisikatan na ng liwanag ang kaibigan nating nakatira sa dilim!"
Naghagalpakan silang dalawa maliban kay Anzai at Isaiah na tiningnan lang sila sa nang-iinsultong paraan.
Ako:
Fine, Kuya. I'll text you my location later.
Ibinulsa ko iyon at nilingon si Isaiah na nasa daan lang rin ang mga mata.
"Saan na kayo pupunta?"
"Kakain," sabi niya.
"Really? Pwedeng magsuggest?"
Napatingin agad si Lyle at iyong mistiso sa akin. Kahit si Isaiah ay nagkasalubong na ang kilay while Anzai just took a small glance at me with his eyes.
"Sige, Zera. Saan mo gustong kumain? Ililibre ka namin total malaki ang nakuha namin," ani Lyle.
"I know a five star Restaurant and they really serve delicious food. Lalo na iyong grilled beef nila..." sabi ko na unti-unting ikinapawi ng excitement ni Lyle.
Humagalpak naman iyong mistiso.
"Ano, Lyle? Five star Restaurant daw?"
Sumulyap si Anzai kay Isaiah. Si Isaiah naman itong mariin ang tingin sa akin at para akong pagagalitan.
"Isaiah, baka masira ang tiyan niyan pag dinala natin sa madalas nating kinakainan," ani Lyle na nagkamot pa ng batok habang tumatawa parin iyong mistiso.
"Uhm, actually I already tried eating on a fine Kalindary so I think..." Pinisil ko ang pang-ibaba kong labi.
Kunot noong nagkatinginan ang dalawa habang si Anzai ay deritso ang tingin sa akin.
"Anong kalindary?"
Kinagat ni Isaiah ang labi at nahaplos ang buhok, nag-iiwas ng tingin na nagpipigil lang ata matawa.
"Ano nga ulit 'yon, Isaiah?" Nilingon ko ito.
Tumikhim si Isaiah.
"Karinderya," sabi niya na ikinagulat ng dalawa at ilang sandali lamang ay naghagalpakan na.
"Saan nanggaling yung sosyal na Kalindary! Ang yaman pa pakinggan ah!" Tumatawang si Lyle.
Oh... Ka rin... darya.
"I mean sa karindarya," pagtatama ko kaya naghagalpakan ulit ang dalawa habang si Anzai ay ngumisi na ganoon din si Isaiah na agad pang lumabas ang dimple.
"Karinderya," ulit niya sa akin sa baritonong boses.
Nagkasalubong naman ang aking kilay. Mali ba ang binibigkas ko? Katunog naman ah?
Iyon ang pinagkatuwaan nila Lyle at Raziel, iyong mistiso. Panay nila akong pinapaulit sa pagbigkas at hahagalpak ulit ng tawa dahil may accent pa raw ang pagkakabigkas ko.
Nakarating rin naman kami sa parang isang kalye na puro mga stall ng pagkain ang naroroon. Maraming tao at makikita ko agad ang mga nagbabarbeque habang may iba pa na umuukupa na ng mesa at doon kumakain. It looks like a food bazaar with big stores.
"Kalindarya parin 'to? A big one?" pabulong kong tanong kay Isaiah.
"Hindi. Food market 'to," sabi niya, hindi nalang masyadong pinansin ang pagbigkas ko sa Kalindary.
Tumango tango ako at iginala ko ang aking mga mata sa paligid. May ibang parte na mausok dahil sa barbeques at may mga nakadisplay na mga pagkain.
"What's that?" Itinuro ko iyon kay Isaiah.
Nagtinginan sa akin ang iba.
"Is that the fish you used to eat on kalindary?" tanong ko.
"Nilutong galunggong yan," sabi niya.
"Huh? Gunggong?"
Kitang-kita ko kung paano nagpigil ng tawa ang mga bumibili. Hindi ko alam kung ako ba ang pinagtatawanan nila or what... Kahit iyong tindera ay natauhan ata sa paninitig kay Isaiah at napalingon narin sa akin.
"Galunggong," giit ni Isaisah sa matigas na boses.
"Ah... Gonggong." Tumango tango ako hanggang sa may narinig na talaga akong mahihinang tawa.
Mali ba? I pouted my lips as I tried to recall it from my mind.
"Galunggong," ulit ulit ni Isaiah nang sobrang lapit niya na para lagyan iyong cellophane ng pineapples ko ng ganoon.
"Golonggolong?" I asked him curiously while staring on his lips the way he says it.
Mas lumakas ang tawanan noong mga nakarinig. Isaiah talks fast! And I'm not familiar with it!
"Ang sweet naman ng boyfriend... Mukha pa namang maarte ang babae."
"Kutis palang halata nang mayaman eh..."
Why are they saying we look like couples? Hindi ko nalang pinansan lalo na't naiiling nalang si Isaiah habang ibinibigay iyong dalawang cellophane. Binigyan niya rin ako ng stick kagat kagat ang labi.
"H'wag mo nalang bigkasin," aniya.
Humagikhik ako sa kanyang reaksyon dahil parang nafufrustrate na siya sa pagtuturo sa akin. Natatandaan ko naman! It's called golong golong.
Nalihis rin naman ang aking atensyon sa isang stall na puro mga prutas ang tinitinda. Iyon nga lang, naka plastic cellophane sila but they really look clean to me.
"Safe naman 'di ba?" I asked him again while opening my bag.
Bago ko pa iyon nagawa ay pinigilan niya na ako.
"Ano bang kakainin mo? Ako na eh baka maglabas ka pa ng malaking pera at wala silang sukli," sabi niya.
Oh, right...
Itinuro ko sa kanya iyong stall ng mga prutas.
"I want those pineapple and mangoes," sabi ko.
Naglakad doon si Isaiah kaya sumunod agad ako. Sina Lyle ay nilingon kami saglit na naghahanap pa ng table kaya tinuro ko ang stall ng prutas na ikinatango nila.
Pumwesto ako sa kanyang likuran at sumilip silip lang doon since ang rami ring tao. Nagbigay ng 20 pesos si Isaiah sa tindera na nagulat pa ata sa imahe nito. She looks very stunned since titig na titig talaga siya habang hindi kumukurap, akala mo ay nakakita ng hollywood actor.
May mga babaeng napalingon sa amin na namimili rin. Tiningnan pa nila ang suot kong tshirt saka sila nagbulungan.
"Ang cute naman ng couple na 'to... Naka black ang boyfriend tapos naka white ang girlfriend at mukhang couple tshirt pa."
Hindi ko iyon pinansin at tiningnan iyong mga sauce for their fruits. What are these? It looks like a small shrimps with a vinegar on it to me. Meron ring iba ang istilo pero kulay pink na ewan parin.
"Is this the sauce?" Itinuro ko iyon. "Mga baby shrimps?"
"Masyado mong inaartehan eh bagoong ang tawag diyan."
"Oh okay, bugoong." I nodded cutely.
Nagpasya rin naman kaming umalis roon habang tinitingnan ko ang hawak kong cellophane with the sauce inside on it.
"Bakit hindi baby shrimps ang tawag dito?" tanong ko habang naglalakad na kami roon sa mga may barbeques kung nasaan sina Lyle.
Humagalpak na si Isaiah, tila naputol na ang taling kanina niya pa pinipigilan. Sinimangutan ko siya at gusto ko nalang tumigil sa panggagaya sa tuwing sinasabi ko iyon dahil mali.
"Ano ka ba, Amerikana?" nakangisi niyang tanong at lumalabas na ang dimple.
"It's hard since it's my first time on a public food market."
Nailing siya at binasa ang labi.
"Mga mayayaman talaga..."