1

3183 Words
Annoying "Ano iyong naririnig ko na napapadalas daw ang punta mo sa college building?" ani Daddy sa hapag ng gabing iyon. Sinumbong ba ako ni Kuya Toshi? Oh don't conclude too much, Zera. Wala namang nabanggit na 'sinabi ni Toshi' at tanging nabanggit lang ay narinig. Maybe Daddy is just trying to get me through his words. "Kanino mo narinig, Dad?" tanong ko habang ginagalaw ang aking pagkain. My Kuya isn't around. He's probably playing basketball on the Clubhouse with Trey's friends and Kuya Toshi since nabanggit rin nila iyon kanina. Sinipat ako ng makahulugang tingin ni Mommy habang nagsasalin siya ng juice sa aking baso.  "I have my connections, Zera. Hindi mo alam na may pinapabantay ako sa'yo para matyagan ka?"  Oh that's a bluff! Baka nga ako pa ang bantayan sila.  "Jiro, Hiro is already a college student kaya hindi na nakakapagtaka kung magawi si Zera roon," ani Mommy na agad kong ikinatango.  "And Trey?" dagdag ni Daddy. "Pati ba naman ikaw Dad?" Nanliit ang aking mga mata.  My parents are aware I like him since sa tabil ng dila ng aking mga pinsan, sa Kuya kong palagi akong binabaliktad sa kanilang harapan ay mahirap na iyong itago. My secret has been expose so why not just go with the flow?  "You should prioritize your studies first, Zera. Kung si Trey ang mas pagtutuunan mo ng pansin, anong matututunan mo?" Sumubo si Mommy at tumango-tango pa sa sinabi ni Daddy. Sumubo narin ako habang nakatitig naman si Daddy sa akin.  "I know you're playful but don't play too much, Zera. Hayaan mo na iyong si Trey total malaki na iyon," dagdag niya.  Well obviously he's really older than me kaso humahanga lang naman ako ah? I just like him. Hindi naman ako sobrang nauuhaw sa pag-ibig na nanglilimos na ako ng pagmamahal sa kanya. Ang lahat ng nakapaligid sa akin ay masyado lang talagang paranoid at pakiramdam nila ay nalulunod na ako sa sarili kong nararamdaman kay Trey.  "Zera is wise, Jiro. You don't have to tell her about her studies since wala rin naman siyang bagsak," ani Mommy. Tumango naman agad ako. I agreed with Mom! "Nasa stage pa talaga siya ng pagtuklas sa nararamdaman niya. She's curious and it's normal for her to act that way..." ani Mommy na tinatapunan ako ng tingin paminsan-minsan.  Binasa lamang ni Daddy ang kanyang labi at nailing.  "She's not being wise, Scarlet Gail. She's being carefree," si Daddy.  "Well she can be both? Wise and carefree..." ani Mommy sa malambing na boses. Nagkasalubong nalang ang kilay ni Daddy kaya hinaplos ni Mommy ang kanyang panga. "Masyado kang hard... Zera is just 16. Hindi pa siya magboboyfriend," Mom chuckled. Ngumuso ako at napagtantong iyon ang kinakatakutan ni Daddy. Kinagat ko nalang ang aking labi para hindi ako matawa. "She's going to have a boyfriend anytime since she's chasing him," si Daddy. "Oh believe me she won't. Trey doesn't like her."  Agad akong napabusangot sa sinabi ni Mommy.  "He's going to like me soon, Mommy," pagtatanggol ko sa positibong boses. "Confident lang talaga siyang magkakaroon ng sila pero hindi naman ibig sabihin ay mangyayari na iyon, Jiro. Hayaan mo nalang si Zera na tumuklas sa mga bagay bagay." Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako o ano pero hinayaan ko nalang silang mag heart to heart talk.  Si Mommy ang maluwag pagdating sa akin kumpara kay Daddy na may pagka mahigpit talaga. He doesn't like the idea of having a boyfriend at an early age while Mom is cool with it since it's part of growing up. Daddy said, love should wait while Mommy said if you can handle it well then why not enter in a relationship?  Para silang gatas at kape na pag ihahalo mo ang dalawa ay mangingibabaw parin talaga ang kulay ng kape at lalamunin ang gatas. Kung kulay ang pagbabasehan ay ang kape talaga ang mangingibabaw pero kung titikman naman ang lasa ay ang gatas ang mas kakalat sa iyong bibig. May mga araw na si Daddy ang nasusunod pero may mga araw rin namang natatangay siya ni Mommy sa mga gusto nito. Kaya rin siguro nagagawa ko parin ang aking gusto at hindi natatakot na mapagalitan dahil alam kong naroon si Mommy para depensahan agad ako kay Daddy.  Hindi na ako nagtaka noong kinabukasan ay natagpuan ko muli ang sarili ko sa college building dala-dala ang aking bottled water.  Ang alam ko, tuwing Thursday ang P.E. nila Trey kaya madalas rin silang naglalaro ng basketball pagkatapos ng subject na iyon. And how did I know it? Syempre, simpleng stalk lang naman. Basta passionate ka talaga sa ginagawa mo, alam kong may mararating ka balang araw.  And how I wish, hindi ko makasalubong si Kuya— Oh nevermind... Hindi ko na nga lang iisipin dahil sa tuwing binabanggit ko rin naman ang mga pangalan nila, ay para silang mga kabuting bigla-bigla nalang nagsusulputan. Weird! Isinabit ko ang iilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga at dinukot ang salamin sa aking bulsa para makita ang aking labi kung makintab pa ba. The lipgloss I wore is still there, tila nang-aakit ang aking mga labing madikitan ng kung kaninong labi. I should pout more often if Trey is around.  Nagtungo na ako sa gymnasium. Pagdating ko roon ay narinig ko agad ang spike ng suot nilang mga sapatos na nagtutunugan na habang nangingibabaw ang boses ng mga lalake. Pumasok ako at bumungad rin naman ang mga pawisang college students na nagpapasahan ng bola. May mga babae namang nakaupo sa bleachers, kanya kanyang cheers at sigaw sa mga pangalan ng mga lalakeng kung sino-sino. "Isaiah!" "Isaiah!"  Sinisigaw rin naman ang pangalan ng iba but Isaiah's name is just too loud na iyon nalang ang nangingibabaw na pangalan. What's with him? Ang agad kong nakitang isa sa mga tumatakbo roon ay si Isaiah, lalo na't dahil siya lamang ang nakaitim na tshirt at itim na jersey short. His intense dark eyes move with his speed as he seriously dribbled the ball while running. "Isaiah!" sigaw ng mga kababaihan at halos mag-iyakan na ata. Okay? Puro Isaiah ang halos naririnig ko kaya nagsimula narin akong sumigaw. "Go Trey!" sigaw ko ng malakas kaya nagsilingunan lahat ng mga babaeng nakaupo sa bleachers.  Pumalakpak pa ako at pasimpleng hinanap ang imahe ni Trey roon kahit hindi naman siya ang may hawak ng bola. And there I found him smirking cooly habang hinahabol si Isaiah! Ang guwapo! "Balita ko patay na patay raw iyan kay Trey." "Kaya nga eh. Iba talaga pag galing ka sa makapangyarihang angkan. Inispoil ka masyado." "Isn't she aware that Trey is already taken?" Nilingon ko ang tatlong babaeng pinagtitsismisan ako. Inangatan ko agad ito ng mga kilay. "And so? Ang girlfriend ba ni Trey ang isinigaw ko?"  Nagulat sila sa aking pagsasalita kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin at kapwa pa nagsitayuan para siguro lumipat sa ibang bleachers. Binelatan ko sila at inirapan rin hanggang sa namalayan ko nalang ang pag gulong ng bola patungo sa akin.  Itinuon ko ang tingin sa harap at nakita ang pamilyar na mukha ni Isaiah na nagha-half jog na habang pawisan dala dala ang kanyang supladong mukha at sinundan ang bola.  Tumigil iyon sa aking paanan at bago pa mapunta sa aking likuran ay mabilis niya na iyong naabutan. Nalaglag ang aking tingin sa kanyang pagkakayuko. He smells like sweat and uh... anong perfume ba iyon? I think it's just his sweat?  Umahon rin naman siya at tumuwid rin sa pagkakatayo hawak-hawak ang bola habang malamig ang tingin sa akin.  "Hi!" I smiled at him cutely. Imbes na ngumiti pabalik, nagawa pang umiwas ng tingin at hindi man lang kumibo, tila isa akong pader rito na hindi niya napansin o narinig.  Sa aking inis ay sinamaan ko ng tingin ang kanyang likurang naghahalf-jog na ulit pabalik sa gitna ng court habang dinidribble ang bola. Matalo sana ang team mo! Napaka snob! Pasalamat siya pinapansin ko siya since he's one of my soon to be boyfriend's close friends. Malay mo siya pa ang kunin na best man ni Trey pero sa ugali niya h'wag nalang 'no! Buti pa sina Castel at Davin mga friendly unlike him.  Umupo ako sa bleachers at inilapag doon ang hawak kong bottled water. Nagsimula na ulit silang maglaro at sobra talagang charming ni Trey habang tumatawa sa gitna ng court. Nakipag-apiran pa siya kay Castel while Isaiah is very serious, ang makakapal at maiitim na kilay ay tila nagkakasalubong na.  "Go Trey!" sigaw ko at pumalakpak. Wala naman ang mga pinsan ko rito kaya makakapag fangirl ako ng buo. No one's gonna mock me for liking someone who doesn't like me.  Noong nagkaroon sila ng break ay inihanda ko agad ang aking bottled water but of course, binuksan ko iyon at ininom para sa aking sarili dahil alam ko namang hindi ko ito mabibigay kay Trey.  I watched him jog towards his girlfriend. Tumayo naman ito at nag girlfriend's duty sa kanya like punas ng pawis, bigay ng gatorade while smiling with each other.  His new girlfriend is not as pretty as I expected. Katulad ng mga naunang pinapatulan ni Trey, hindi talaga mga pang high standards katulad ng ganda ko at siksik sa laman lang talaga ang mga dibdib na dinaig pa ang isang de lata. Yes, ganoon sila ka average.  Opinyon ko lang naman iyon since I am always their bashers. Sige lang Trey, magpakasawa ka nalang muna sa paggigirlfriend para maging handa kana sa akin pag tayo na. I'm sure you're pressured since I am Zera. The one and only Zera Damonisse Delafuente.  May kung anong sinabi ang kanyang girlfriend sa kanya kaya lumingon rin naman si Trey rito. Mabilis akong ngumiti ng matamis at kumaway na ikinangiti rin naman ni Trey.  Lumingon rin ang kanyang girlfriend sa akin. Naunang mag-iwas ng tingin si Trey at naiwan nalang ang girlfriend niyang nakatitig sa akin kaya agad kong inirapan. Duh.  Nagsimula muli ang kanilang laro. Nawili naman ako sa kakapalakpak kahit na may ibang shoot si Trey na sablay. It's okay... Di ako natuturn-off. Magkamali ka lang nang magkamali! I am still going to cheer for you, anyway. After kong manood ng kanilang basketball ay umalis rin naman ako roon. Hindi naman ako ganoon ka gaga na hihintayin pa siyang lapitan ako eh alam ko namang bantay-sarado siya noong hito niyang girlfriend!  Panalo ang team ni Trey at ayun nga, talo ang team nila Isaiah. Buti nga! I want to laugh at him so hard and mock him for being a loser kaso magmumukha akong baliw pag nilapitan ko siya bigla para lang pagtawanan 'di ba? Ayokong maturn-off si Trey at isipin niyang inaaway ko ang kanyang mga kaibigan. Nagtungo muna ako sa cafeteria para palagyan ng panibagong tubig ang aking bottled water saka rin naman ako nagpasyang lumabas doon.  Nasa labasan palang ako ay nakasalubong ko na si Castel at Davin. Tumagilid ang aking ulo at sinilip kung sino pa ang nasa kanilang likuran at hindi nga naman ako nagkamali, naroon si Trey kasama ang kanyang girlfriend. Wala si Isaiah. "Sabay kana sa amin maglunch, Zera," ani Castel.  Umiling agad ako. "Busog pa ako eh. Kayo nalang."  "Nabusog kana kakapanood kay Trey?" ani Davin na nagawa pang humalakhak. Natatawa siyang siniko ni Castel para tigilan ang pangungutya sa akin lalo na't nakalapit narin ng tuluyan si Trey at ang girlfriend niyang todo higpit ang kapit sa braso na akala mo ay hihilain na sa kanya at aagawin. Ew.  "Mapapagalitan kana naman talaga pag nakita ka ng pinsan mo rito," ani Trey nang magkasalubong ang aming mga mata. Nagkibit ako. "I just want to watch you play basketball," sabi ko. Sumipol si Castel at malawak na ang ngisi. Si Davin naman ay tumawa pa. Trey just shook his head while smiling. "Babe... I'm hungry na," maarteng sabi ng girlfriend ni Trey kaya nalihis ang tingin sa akin.  "Ah... Gusto mong sumabay sa amin, Zera?" anyaya naman ni Trey. Umiling lamang ako katulad ng pagtanggi ko kay Castel. Papayag lang ako kung kami lang dalawa pero iyong may nang t-thirdwheel ay h'wag nalang. Marami pang araw. "Alis na ako, Trey," paalam ko sa mahinahong boses. Tumango naman si Trey at ngumiti saka ako naglakad. "Dapat nagku-kuya siya sa'yo," rinig kong reklamo ng kanyang girlfriend. Umangat ang aking kilay roon. Ba't ako magkukuya kung gusto ko na baby ko siya?  Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad at hindi nalang  hinintay ang sagot ni Trey. Palabas palang sana ako ng gate ay nakasalubong ko pa si Kuya Grey. Sa namimilog kong mga mata ay mabilis akong tumakbo at naisipang sa kabilang gate nalang dumaan.  I admit takot ako ng slight kay Kuya Grey. He's very grumpy! Baka kaladkarin talaga ako palabas noon and worst he'll order the guards na h'wag na akong papasukin.  May possibility rin naman akong mahuli nila Kuya pero sa ganitong oras ay may klase pa sila lalo na't mga first year college palang so nasa malabong mahuli ako ng mga iyon. Sa 4th gate ako dumaan, ang pinakalikod narin ng BTSU College building kung saan paglabas ko, ang iilang mumurahing kainan agad ang bumungad sa akin. Dapat pala doon nalang sa second gate para at least cafe man lang ang madadaanan ko hindi iyong ganito ka crowded at baka madumihan pa ako.  Kadalasan sa mga kumakain roon ay trabahante ng malalapit na Mall sa school. May usok pa na nagpapasira ng aking ilong kaya nauubo kong pinaypayan ang aking sarili.  I should avoid this gate! Wala bang nakaparadang taxi rito?  Iginala ko pa ang aking tingin hanggang sa may napansin akong pamilyar na lalakeng kakalabas lang roon sa isang kainan at may kinakagat pang toothpick habang nakapamulsa at dala-dala na naman ang seryosong ekspresyon. Naka itim na plain tshirt parin ito at itim na slacks habang ang puting uniporme ay nakasabit pa sa kanyang balikat.  Umubo akong muli nang grumabe lamang ang nalanghap kong usok. I should call him and ask for his help! "Isaiah!" sigaw ko habang maarteng pinapaypayan ang harapan maalis lamang ang usok.  Parang bingi si Isaiah na hindi man lang lumilingon, tila walang naririnig sa kanyang paligid at deri-deritso ang paglalakad habang nakapamulsa. Nagawa niya pang itapon iyong stick at hinaplos ang buhok niya na ginulo niya lamang. Masyado bang mahina ang aking boses? "Isaiah!" Halos mabutas na ang aking lungs sa pagsigaw ng sobrang lakas. Kahit ang iilang napapadaan ay napapalingon na sa akin.  "Isaiah!" sigaw kong muli at sa wakas ay lumingon na talaga! Oh thank God he finally noticed me! Ang kanyang paglalakad ay unti-unti nang bumabagal hanggang sa ilang sandali lamang ay nasa harapan ko na ito, nakapamulsa at nakaangat agad ang kilay bilang sagot sa aking pagtawag.  "Help me, Isaiah! Ang usok!" I crunched my nose at tinakpan ang aking ilong. "Arte. Hindi ito ang main gate," aniya at handa na sanang iwan ako dahil sa paghakbang. "W-Wait! Naliligaw ako! Ihatid mo ako sa paradahan ng taxi!" sabi ko. Tumigil siya sa paghakbang at nagtataka akong nilingon. Ngayon na medyo malapit kami sa isa't isa, mas malinaw kong natitigan ang kanyang mukha. His thick brows complements his thick lashes giving justice to his light brown eyes. He got those features that would envy all the girls out there who's wishing for a perfect brows and lashes. And his messy hair... hindi ko alam kung magulo ba talaga dahil maayos namang tingnan sa kanya. I just really hate the way his eyes stares intensely at me. Para akong may kasalanan sa kanya kahit wala naman. "Tricycle lang meron," sabi niya, halos walang pake at balak na naman sanang umabante para iwanan ako kaya sa aking inis ay humarang na talaga ako sa kanyang daan.  "You're rude, you know? I am Trey's future girlfriend kaya dapat ay maging magkaibigan tayo."  Mas lalo lamang nagkasalubong ang kilay ni Isaiah sa akin. He even tilted his head like he's really annoyed because of me.  "So?" sagot niya sa akin pabalik na ikinalaglag ng aking panga. D-Did he just... Namilog ang aking mga mata. Tinarayan niya ba ako?! Kinuha niya ang unipormeng nakasabit at nagawa pa iyong isuot sa aking harapan in a very manly way. "Hindi ka ba aware na malapit nang maging kami?" Wala sa akin ang buo niyang atensyon at naroon sa pagbobotones noong uniporme niya. Dinukot niya pa ang ID sa bulsa at isunuot muli iyon. Napatitig ako sa maugat niyang kamay. "Malapit nang maging friends?" Mas umangat lamang ang kanyang kilay, ang supladong mukha ay mas sumuplado pa. Laglag muli ang aking panga. Bago pa ako may masagot ulit ay umalis na siya ulit sa aking harapan. Hindi na ako nakagalaw at laglag panga lang itong sinundan ng tingin. In my entire life, no one answered me that way! Mas malala pa ata siya kay Wayt ah? He really said 'so?'. The nerve of that loser! Sa aking inis ay bumalik na lamang ako sa loob lalo na't hindi ko rin talaga kabisado ang pasikot sikot doon. Ayoko namang magtricycle? I don't want to try that thing!  Pero nakakapagtaka, ba't nandoon siya? Doon siya kumakain? Nagtitipid? Pero hindi ba siya naaalibadbaran na puro trabahante ang kasama niya?  Nakabalik rin naman ako ng matiwasay sa highschool building but sad to say I smell like s**t.  "Ba't amoy barbeque ka?" Humagalpak na ng tawa si Elle sa akin nang maamoy narin ako.  Umirap ako ng husto at gusto nalang umuwi para makaligo. I don't like my smell.  "Kumain ka ng barbeque?" tanong niya pang muli sa isa naming subject. "I havent eaten my lunch yet," sabi ko at iritadong kinuha ang aking perfume sa bag. "Huh? Eh ba't amoy barbeque ka?" "May nadaanan ako," sagot ko at inabalang ispray iyon sa aking katawan. "Huh? Saan banda? Wala namang nagbabarbeque malapit sa school ah?"  Hindi na ako umimik at ayaw ring banggitin sa kanya na napadpad ako sa 4th gate doon sa college dahil alam kong makakaabot agad iyon sa kambal at ang dalawa naman ay ikukwento kay Ken saka rin aabot kay Kuya. Ganoon sila ka productive pagdating sa tsismis.  Noong uwian na ay sinundo rin naman ako at sunod naman si Kuya. Minsan hindi siya nakakasabay kaya si Elle rin ang madalas kong kasama sa pag-uwi lalo na't sumasabay rin siya palagi sa akin.  "Sumama nalang kaya ako sa'yo bukas sa pinupuntahan mo tuwing lunch?" ani Elle. "I can't bring you. Masyado kang pagong kasama." "Huh? Eh saan ka ba pumupunta? Tumatakbo ka?" Hindi ko na siya nasagot nang huminto na ang SUV sa main gate kung saan nagsisilabasan ang mga college students. Binuksan ko ang bintana at hinanap agad ang imahe ni Kuya.  Ilang minutong nakalipas ay lumabas rin naman siya roon kasama si Castel na kausap niya at ngumingisi pa. Tinanguan niya lang ito saka siya bumaba ng tuluyan sa mga hagdan at nagtungo na sa pinaradahan ng SUV. Dumeritso sa front seat si Kuya, nakaw tingin pa sa akin sa itaas ng salamin.  "Anong ginagawa mo roon kanina sa gymnasium? Nahawa kana kay Chey?" aniya.  "Huh? Nasa highschool lang ako, 'di ba Elle." Tumango naman agad si Elle. "Yep! Sabay kami naglunch ni Zera." Tumaas ang kilay ni Hiro at nilingon na talaga ako rito sa backseat.  "Sinabi sa akin ni Castel, Damonisse. So you're a cheerleader now? Lakas mo palang makasigaw ah?" Nanunuya niyang sabi na ikinabusangot ko ng husto. Agad kong sinipa ang likod ng kanyang upuan. Si Elle naman ay umusog nang mapansin na ang pag-aaway namin.  "At least you're already good at it. Pag nabroken ka, pwede mo naring icheer ang sarili mo." Ngumisi si Kuya Hiro sa akin na sobra ko talagang ikinabwesit. Itinuon niya narin naman ang tingin sa harap habang ako naman itong inis na inis na. Bakit ba ang tabil rin ng dila ni Castel? Purket friends sila ni Kuya lahat nalang babanggitin niya? Argh. This is so annoying!  Pag ako nakagraduate sa pagiging Grade 12 ay malaya na talaga akong makakagala roon nang hindi nila sinisita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD