Kabanata 15

1152 Words
"Kilala kita. Kilalang-kilala..." Nagulat ako sa sinabi n'ya. Kilala n'ya ako? Nagpaimbestiga ba s'ya? Tinignan ko s'ya ng nagtataka. Paano n'ya ko makikilala, e, third time pa lang namin magkita. Baliw siguro 'tong ninuno namin. "Hindi ka rin naniniwala?" Rin? Naguguluhan na ako sa kanya. Baka pinaprank lang ako nito para umamin ako. Naku, Nicca, 'wag kang magsasalita baka patibong lang ang mga sinasabi n'ya. "Anong naniniwala? Nananaginip ka ba, Binibini?" Tinatagan ko ang loob ko para 'di ako mautal sa harap n'ya. Nakakatakot talaga ang kanyang presensya. Ngumisi s'ya sa akin, "Hindi ako nagkakamali sa aking hinala..." May dinugtong pa s'ya pero pabulong n'ya itong sinabi. "Mauuna na ako sa'yo, binibini. Dumidilim na kasi," sabay tingin sa langit. Para makaiwas na rin sa kanya. Nasa'n ba mga kaibigan nito, hindi na lang dalhin kung nasa'n sila. Tinalikuran ko na s'ya, pero ang huling sinabi n'ya, 'yon ang nakapagtigil sa akin. May alam talaga s'ya. Lumingon ako sa kanya, isang makahulugang ngiti lang ang sinukli n'ya sa akin. -- Hindi ako dumiretso sa apartment ko, pinuntahan ko sila Rigo, sumalubong sa akin si Faustino na may suot ng eyeglasses. "Gabi na, binibini, anong pakay mo sa amin?" Sabay kusot ng kanyang mata. Grabe naman silang mag-aral. Pinapasok niya ako at pinaupo sa isang upuang gawa sa kahoy. "Pasensya, binibini, wala kaming malambot na upuan. Puntahan ko lang si Rigo sa silid n'ya. Alam naman naming s'ya ang pakay mo." Pumasok s'ya sa isang pinto. Nilibot ko ang tingin sa mala-mini-sala nila. Puno ng mga makakapal na libro ang narito. Gulp. Grabe naman pala sa panahon nila. Sa panahon ko, nakahain na sa kanila ang sagot dahil sa internet, tinatamad pa rin kaming mag-aral pero sila mano-mano, hanap kung hanap. Wow. Lumabas si Faustino kasunod n'ya si Rigo na may salamin din sa mata. Tumitig s'ya sa akin. "Sa loob na lang muna kami ni Andres. Usap lang kayo rito." Sabay kaming tumango sa sinabi n'ya. "Napadaan ka, binibini, pasensya na kung 'di tayo nakapunta sa UST, may ginawa lang akong importante, gusto mo bukas?" Sabay hinga n'ya ng malalim. "Kinausap ako ni Dette, may alam na s'ya sa akin." Kumunot ang kanyang noo at sabay tayo n'ya. "Iwasan mo s'ya, binibini, kahit anong gawin n'ya, iwasan mo s'ya!" Puno ng banta ang kanyang boses. "P-pero, paano?" Napapakagat na ako ng labi rito sa sobrang pagkakataranta. "Takbuhan mo s'ya, iwasan mo, kahit ano, binibini. Baka kasi magkaroon ng gulo kapag nalaman n'ya, baka mabago lalo ang ikot." Natatakot na ako. Seryoso na ako. Paano kung mamatay kaming dalawa kapag nalaman n'ya. Baka iyon pa maging consequences nu'n, once na malaman n'ya. "S-sige, kahit ano basta maiwasan ko lang s'ya." Pagkatapos ng usapan namin, hinatid n'ya ako sa apartment at doon nagmukmok na naman. Mataas na ang sikat ng araw ng bumango ako sa higaan. First time ko uli na ganitong oras bumangon, last time 'yong hindi pa ako nahuhulog sa lambak. Pumupungay ako ng bumangon. Anong oras na ba ako nakatulog dahil sa kakaisip kung paano ko iiwasan ni Dette. Feeling ko ang kapal na ng eyebags ko. Nakakastress. 'Wag kaya ako lumabas ng apartment para 'di ko s'ya masalubong? Napatango ako sa naisip ko. Very good, Nicca, buti na lang matalino ako p'wera roon sa teacher's pet naming si Mitch. Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam ito. Pumunta ako sa kusina at tinignan ang imbakan kung may pagkain pa ako pero gumuho ang mundo ko ng wala akong makita. Ubos na ang mga pagkain ko. Kahit man lang biscuit. Kakasabi ko lang kanina na hindi ako lalabas at magkukulong lang ako rito sa apartment pero tutol yata ang langit sa desisyon ko. Very wrong. No choice ako kung hindi lumabas at bumili ng makakain. Nagbihis ako ng panibagong camisa at saya na kulay luntian. Green kung green. Makakalikasan ako ngayon. Pagbukas ko ng pinto, luminga-linga pa ako sa kaliwa at kanan ko kung may tao ba sa labas. Nang makita kong wala namang kahina-hinala lumabas na ako. Mabilis ang naging lakad ko at mala-ninja kung kumilos ako. Iba na ang sigurado, nakalusot lang talaga ako kahapon at hindi ako nabulol at nautal sa harap n'ya. "Binibini, sariwa pa po itong tilapia, kakahuli lamang..." "Talong ba hanap mo? O, baka naman ampalaya?" Huh? Hindi nga ako kumakain nu'n! "Binibini, Ginoo, itlog maalat para sa pusong pinagkait..." Anong connect? "Tabo kayo d'yan!" Pati ba naman tabo?! Lumibot ako sa palengke para maghanap ng de lata, ito lang kasi ang p'wede kong kainin at mga prito food. Sa isang sulok, may mga nagtitinda ng mga de lata, daming tao jusmiyo marimar! Sinisilip ko kung ano-ano ang mga de latang mabibili rito pero 'di ko makita. Ang tatangkad ng mga nasa harap ko. Hustisya sa maliit! "Baki kasi ayaw pa nilang umalis, tapos naman na siguro silang bumili! Kainis!" "Hindi sila aalis kasi bagsak presyo ang mga paninda ngayon dito..." Napalingon ako sa likuran ko ng may marinig akong boses. Tumingin ako sa kanya. Isang lalaki. Matangkad, Medyo maputi ang kanyang balat, medyo bilugan ang kanyang mga mata at ang kanyang pangangatawan ay tama lamang sa kanya. Kumurap ako sa kanya at kumunot ang aking noo. Ngumisi s'ya sa akin at kumindat pa ako loko! 'Pag nga naman minamalas ka. Hindi ko s'ya pinansin. Abala ako sa pagsisiksik sa katawan ko sa mga tao. "Pasingitin niyo ang magandang dilag," Lumingon ang mga tao sa lalaking nagsalita. "Pasingitin niyo." Ulit niya sa mga iyon. "Ang daya mo naman, Antonio, hindi pa kami tapos mamili!" Angal ng isang lalaki. Tingin ko sa isang 'to, kaedad lang namin. "Manahimik ka, Felipe! Pasingitin mo, kawawa naman, ang liit-liit na nga, e." Aba! Bwisit na isang 'to! Walang nagawa iyong lalaking tinawag na Felipe nu'ng mayabang na Antonio. "Ano ba naman n'yan! Palakasan na lang palagi!" Bumubulong na sabi nu'ng Felipe. Mukhang 'di naman bulong, ang lakas rinig hanggang mars. Ngumiti s'ya sa akin, "Binibini, ito na, oh!" Sabay lahad n'ya sa kanyang p'westo kanina. Pagpunta ko roon, s'yang lapit naman n'ya kay Antonio na kakamot-kamot sa ulo. "Sino ba iyon, Antonio? Hindi pa kaya ako tapos mamili, mayayari ako nito kay Ina." Sinamaan lang s'ya ng tingin ng huli. Hindi ko na sila pinansin at kumuha na lamang ng de lata, makita kong okay na para sa akin ang mga iyon, nagbayad na ako. Umalis ako at paglingon ko ang dami pa ring tao. Mura talaga ang mga bilihin dito. Three pesos isang de lata, sa panahon namin 35 pesos to 55 pesos niyon. Lumingon ako sa paligid, wala na iyong dalawang baliw at epal. Buti naman. "Buti na lang wala na iyong may saltik na lalaki at iyong kasama n'yang daig pa babae sa puputak-putak ng bibig..." Lumakad na ako at palabas na sa area-ng iyon. "Hindi pa kami umalis, Binibini." Sabay sulpot n'ya sa harap ko habang nagtataas-baba ang kanyang dalawang kilay kasunod n'ya 'yong Felipe. Pusanggala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD