Pusanggala.
Akala ko naman umalis na 'tong dalawang saltik.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso lamang ako. Bahala sila sa buhay nilang dalawa. Okay naman na ako.
Lumiko ako at pansin kong sumusunod sila sa akin. 'Di ba nila ako tatantanan? Ano sila si Mike Enriquez 'Hindi ko kayo tatantanan!'?
"Bakit ba natin s'ya sinusundan, Antonio?"
"Manahimik ka!"
"Mananahimik lang ba ako? Antonio, pagod na mga paa ko. Susundan ko pa si Apule!"
Sinong Apule?
"Wala ka naman mapapala roon sa Apule-ng 'yon! Ayaw nga sayo ng magulang, e."
Forbidden love.
"Mahal ako nu'n. Nagmamahalan kaming dalawa. Walang puputol sa pagmamahalan namin!"
Wow! Sana all minamahal! Sana all!
"Bahala ka, Felipe, basta sinabihan na kita sa Apule-ng 'yon!"
Kuya ba 'to ni Felipe. Kung makatutol. Wala kang jowa? Wala?!
Hindi ko sila pinansin at naglakad nang diretso. Malapit na ako sa apartment, nagugutom na ako.
Buti na lang talaga 'di ko pa nakakasalubong si Dette, kung hindi doble malas na ako ngayong araw.
May kumalabit sa akin at nilingon ko ang may sala.
"Sa'n ka nakatira?" Nakakunot akong tinignan s'ya at binalik ang tingin sa daan.
"Don't talk to strangers." sabi nila mommy.
"Masungit na dalaga..."
"Tara na kasi, Antonio, masungit naman pala ang isang 'yan."
"Sssshhhh..."
"Sa'n ka nakatira?" Ulit na tanong n'ya sa akin pero 'di ko pa rin s'ya pinansin. Mapapagod na magtanong n'yan at aalis lang din sila.
"Bingi yata s'ya, Antonio? Magsign language ka kaya?"
Mga siraulo! Hello! Nandito ako sa harap n'yo at naririnig ko mga pinagsasabi n'yo!
"Hindi ko alam kung pa'no magsign language,"
Uto-uto rin s'ya.
Hinarap ko na sila habang nakataas ang isang kilay ko.
"Ano ba kailangan n'yo sa akin mga Ginoo? Kung wala naman po, p'wede na kayo umalis, nakakaistorbo na kasi kayo."
Malapit na ako sa apartment at ayokong malaman nila kung sa'n ako nakatira baka espiya 'to ni Dette.
Malintikan na.
Lumapit sa akin iyong Antonio at ngumiti nang napakalaki.
"Subukan mo kayang ngumiti, binibini. Ganito oh," sabay ngiti uli n'ya.
Ewan ko pero napangiti ako sa gano'ng gesture n'ya.
"Ayan, binibini! Maganda ka naman pala kapag ngumingiti, e. Ngiti ka palagi."
"Oo nga," sabat ni Felipe.
"Okay na? P'wede na kayo umalis."
"Huling tanong muna, Anong pangalan mo, binibini?"
Tinaasan ko sila ng kilay, "bakit?"
"Para makausap ka uli namin, diba, Felipe?" Tumango naman iyong huli.
Para matapos na 'to, "Nicca. Mauuna na ako." Sabay talikod ko sa kanilang dalawa.
"Salamat, binibini!"
Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang kanilang usapan.
"Kapangalan n'ya rin?"
"Magkamukha na nga sila, magkapangalan pa? Tadhana?"
"Maraming may pangalang Nicca, 'di lang naman s'ya."
Huh? Si Dette ba tinutukoy nila?
"Tara na nga, Felipe! Papagalitan ka pa ni Ina."
Magkapatid sila?
"Lagooot! Ikaw kasi, e. Sasabihin ko ikaw may kasalanan.
Puro angal na ang naririnig hanggang 'di ko na sila marinig.
Sikat ba talaga rito si Dette? Halos lahat kilala s'ya.
Pumasok agad ako sa apartment at sinarado itong mabuti. Hindi makakapunta ngayon ang tatlo dahil may pagsusulit sila.
Kailangan kong maging safe hanggang magsama-sama uli kami.
---
Ika - 10 ng Agosto taong 1900.
Ilang linggo na ang nakakalipas ng makilala ko ang dalawang may saltik. Sina Antonio at Felipe.
Nang una naming pagkikita, nasundan pa ng ilang ulit hanggang nakagaanan ko na sila ng loob.
Hindi pa nagkikita sina Antonio at Rigo, minsan tinatanong ni Rigo kung sino ang mga nakakasama ko past few days, sinabi ko naman pero 'di nila kilala isa't-isa.
"Paumanhin, binibini, nahuli kami ng ilang minuto," pumukaw sa akin sila Andres na humihingal pa habang nakatayo sa harap ko.
"Kupad pagong kasi kumilos si Faustino," at sinamaan ng tingin ni Faustino si Andres.
Si Rigo naman ay umupo na sa tabi ko at pinupunasan ang kanyang butil na pawis sa noo.
"Pasensya na... Nandito na ba sila?" Tanong niya habang abala pa rin sa ginagawa.
"Wala pa rin. Matagal ba talaga kayo kumilos? Akala namin kaming mga babae ang mabagal kung kumilos mukhang nagbago na." Sinamaan ko sila ng tingin.
Nauna lang naman ako sa kanila. At, anong minuto sinasabi nito si Andres.
"At, Andres, anong minuto lang ang sinasabi mo? Halos tatlumpong minuto kayong huli at lalo na iyong dalawa," sabay baling sa dalawang tumatakbo papunta sa amin.
"Pasen---"
Pinutol ko ang sasabihin ni Felipe, "Pasensya? Anong oras na? Nauna pa ako sa inyong lahat, ako pa babae, ah!"
Nagkatinginan silang lima at sabay-sabay nagkamot ng kanilang mga ulo.
Hindi sila naka-imik. Subukan nilang magreklamo at sasabunan ko sila. Pasalamat sila at mabait pa ako sa lagay na ito, kung sila Angie 'to, nakarinig na sa akin ng masasakit na salita at hampas ang mga 'to.
Lumakad ako at tinignan sila, "Magpakilala muna kayo sa isa't-isa at puntahan niyo na lang ako sa isa boutique rito sa Escolta."
Iniwan ko silang lima roon habang ang kanilang mukha ay 'di mapinta. Hindi siguro nila alam kung sa'ng boutiques ako pupunta. Buti nga sila. Maghanap sila. Sila naman papagurin ko sa paghahanap sa akin.
Habang naglalakad sa kahabaan ng Escolta habang naghahanap ng boutiques para makabili ng hair clips, nang biglang may nagtatakbuhan sa gawing kaliwang parte nito.
'Anong mayro'n? May riot ba? May shooting? Sino bang sikat na artista sa panahon na 'to?'
Tumungo rin ako sa pinuntahan ng mga kalalakihan at kababaihan kanina.
'Bwisit!! Bakit kasi ang haba ng saya-ng 'to? Hirap bitbitin!'
Nagkukumpulan ang nadatnan ko, mga babaeng naghihiyawan at may iilang kalalakihan na umaawat. Umaawat?
"Pakiusap, pinigilan niyo sila?"
"Tulong! Tulungan niyo kami!"
Kilala ko ang boses na 'yon.
"Isa kang pakilamera!"
Pilit akong sumingit sa kumpulan ng mga tao.
"Makikiraan! Pasingit!"
'Ano ba 'yan, ang lalaking tao ng mga 'to!'
Nang makarating sa unahan, laking gulat ko ng makita ko silang tatlo, magulong buhok, kusot na mga saya at camisa at madungis ang kanilang mga mukha at katawan.
"Anong ginawa niyo?" Pagtatakang tanong sa kanila ng s'yang paglingon nila sa akin.