Kabanata 14

1008 Words
Agad akong tumakbo at umuwi sa apartment ng marinig ko ang usapan nila. Sinarado ko ang pinto habang tumataktak ang pawis sa aking noo. Hinihingal akong napaupo sa kama habang nakahawak sa aking tuhod. Naguguluhan na ako sa nangyayari sa akin. Iyong ngiti ni Dette parang may alam s'ya sa akin. Palakad-lakad ako sa silid ko. Pero, paano s'ya magkakaalam kung once lang kami nag-usap. 'Di ko nga sinagot mga tanong n'ya sa akin. Pusanggala. Kailangan ko makausap si Rigo. Kailangan ko basahin ng buo ang Diary n'ya kung anong mangyayari sa susunod na araw. Para akong nililitson ngayon. Para akong sanggol na walang alam sa nangyayari sa akin. Nababaliw na ako. Oh, God, help me. Kinabukasan, pumunta agad ako sa School nila Rigo. Hindi talaga ako mapakali sa naging reaksyon ni Dette kagabi. Pakiramdam ko may alam talaga s'ya sa akin. Naghihintay ako sa ilalim ng puno ng mangga, nang makita ko sila Andres ay napatayo ako. "Nasa'n si Rigo?" Agad kong tanong sa kanila. Kumunot ang kanilang noo, "Hindi mo ba nakasalubong? Nauna s'ya umalis sa amin." Huh? Eh, kanina pa ako rito pero walang Rigo na lumalabas. "Bakit nauna s'ya? Kanina pa ako rito pero 'di ko s'ya nakita." Baling ko sa kanila. Hindi naman ako pumikit lalong 'di ako nakatulog. "Si Dette kasi nasa klinik, masama ang kanyang pakiramdam. Kaya pinuntahan n'ya. Alam mo naman sigurong matalik na magkaibigan ang pamilya nila." Hindi n'ya nasabi. So, matagal na palang magkaibigan ang mga pamilya namin. Tumango na lamang ako sa sinabi nila. "Sige binibining Nicca, mauuna na kami may isa pa kaming asignatura tungkol sa abogasya." Sabi ni Faustino. Tumango at ngumiti ako sa kanila. Lumakad na sila at lumakad na rin ako pasalungat sa kanilang dalawa. "Saka nga pala, binibini." Napahinto at napalingon ako dahil kay Andres, "Alam na namin ang tungkol sa'yo. Magkwentuhan tayo kapag mayro'n tayong sapat na oras." Sabi n'ya at sabay talikod sa akin. Ewan ko pero guminhawa ang pakiramdam ko. Ngumiti ako sa kanila kahit ngayo'y nakatalikod na sila sa akin. "Kapag may sapat na oras..." Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta. Hindi naman kasi sinabi sa akin nu'ng nars sa klinik kung sa'n pumunta sina Rigo at Dette. Basta sabi n'ya kanina pa raw umalis. Kaya wala akong nagawa kundi lumakad mag-isa. Nakayuko ako habang naglalakad at sinisipa-sipa ang maliit na bato, kung pumunta na lang kaya ako sa UST, sabi n'ya ngayon kami pupunta roon. Ano ba itsura ng UST sa panahon na 'to? Gusto kong puntahan. Pupuntahan ko iyon. Nagtanong ako sa mga nakakasalubong ko kung tama ba ang way ko papuntang UST. Ito ang unang unibersidad na tinayo sa Maynila. At, sa pagkakaalam ko, dito rin nag-aral ng medisina si Dr. Jose Rizal. Kaya gusto ko 'tong puntahan. Nasa Espanya Avenue na ako. Sakop talaga nito ang buong Espanya. Sobrang laki ng unibersidad. Pumasok ako. Pagkapasok ko palang namangha na agad ako. Ganitong-ganito iyong nababasa at nakikita ko sa google kung paano i-described ng mga Historian ang univ. Sobrang laki. Nalulula na ako. Dito na nga ako mag-aaral, pipilitin ko sila mommy. Linibot ko ang buong UST. Sobrang ganda. Ang kanilang uniporme ay medyo makaluma. Parang damit ng mga madre. Ganoon ang style ng uniform. Umupo ako sa isang bench at tinanaw ang kabuuan nito. Nakakaawa siguro mga estudyante nila. Pawisan na 'pag karating sa classroom. "Kilala ko na s'ya! Kilala ko kung sino s'ya!" May narinig akong nagtatalo. Napalingon ako sa paligid ko at may namataan akong dalawa tao na nag-uusap. Isang babae at lalaki. Hindi ko makita ang mga mukha nila medyo malayo sila sa p'westo ko. "Alam ko kung sa'n s'ya galing! Alam ko kung ano ang mayro'n kaming dalawa!" Ang lakas ng boses ni ateng, rinig hanggang dito. Kawawa naman s'ya siguro niloko s'ya ng lalaking 'yon. Napapailing na lang ako sa ganap nila. Hanggang dito ba naman may babaero? Mga walang puso. Mapanakit kayo ng damdamin naming mga babae. "Iisa lang kami diba? Sumagot ka naman!" Wow! Baka tinago nu'ng boy iyong anak nila? Mala-teleserye ang kanilang buhay. Lumipat ako sa kabilang bench kung sa'n mas malapit sa kanila. Sorry, chismosa lang. Naghihintay akong sumagot iyong lalaki pero wala s'yang ginagawa. Silent treatment ang ginagawa n'ya. "Bakit narito s'ya? Bakit napunta s'ya rito? Ano bang mayro'n? Sagutin mo naman ako!" Lakas talaga ng boses n'ya. Feeling ko bukas paos iyong babae. Sumilip ako sa likod ko pero 'di ko pa rin makita mukha nila. Ang layo naman kasi nila. May sinabi iyong babae pero mahina ito. "Palakasan naman ng kaonti." Tinakpan ko ang bibig ko. Shete, Nicca, bakit nagsalita ka. Tumingin ako sa harap ko. 'Wag kang lilingon. Baka tagain tayo n'yan. Ilang minuto nawala ang ingay sa likod ko. Baka umalis na sila? Sayang 'di ko natapos iyong pag-aaway nila. Dahan-dahan ang paglingon ko at laking gulat kong si Dette ang sumalubong sa akin. Teka! Paano s'ya nakarating dito? Napatayo ako sa gulat at nilibot ng tingin ang paligid. Kung nandito s'ya dapat kasama niya si Rigo. Pero, wala akong Rigo na nakikita. Baka magtanong na naman 'to. Takbuhan ko kaya? "B-binibining D-dette, anong ginagawa mo rito?" Nabubulol na tanong ko sa kanya sabay ngiti ng pilit. Humakbang s'ya papalapit sa akin. Wala man lang s'ya sasabihin? Nakatingin s'ya ng diretso sa mga mata ko. Isa... Dalawa... Tatlo... Takbo, Nicca! Tumakbo ako pero tumatakbo rin s'ya. Pusanggala, Nicca. Bakit ang bilis tumakbo ni Dette. Maaabutan na n'ya ako. Ayan na s'ya. Lumilingon-lingon ako sa likod ko. Malapit na s'ya sa akin. "Sandali!" Nang mahawakan n'ya ako. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak n'ya. "Kailangan natin mag-usap!" Tumaas ang kanyang boses. Galit na s'ya n'yan? "W-wala akong gusto kay Rigo! Wala talaga!" Paliwanag ko sabay piglas ulit. Bakit ang lakas n'ya? Parehas lang naman kaming babae. Hindi s'ya natinag sa akin at kinaladkad ako papunta sa hindi mataong lugar. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ng mabuti ang kamukha mo. Ang ninuno mo. Hinarap n'ya ako sa kanya. Magkamukha ba kami? Eh, mukha s'yang bumbayin sa paningin ko. "Kilala kita. Kilalang-kilala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD