Kabanata 13

981 Words
Ika-25 ng Hulyo taong 1900 Ilang araw na ang nakakalipas, ng makasalubong ko si Dette kasama ang dalawa n'yang kaibigan. Kinompronta nila ako. Nalaman nilang 'di ako kaklase ni Rigo at lalong 'di ako nag-aaral sa eskwelahang pinapasukan nila. I'm doomed. Hinila ako ni Dette sa isa sa mga puno na narito at hinarap sa kanya habang nakataas ang kanang kilay n'ya. "Sino ka ba talaga? Bakit ka narito? At, bakit nagsinungaling si Rigo dahil lamang sa'yo?" Sunod-sunod ang naging tanong n'ya sa akin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kinakabahan at natatakot in the same time. Para akong bibitayin dahil sa mga tanong, para akong isang kamalian sa kanya at gusto n'ya ako ipabaril sa Fort Santiago. "Sagutin mo ang mga tanong ko!" Sabay sigaw n'ya ng makitang 'di ako kumibo sa mga tinatanong n'ya. Napalunok ako at tinignan s'ya ng mabuti. Nakakatakot para n'ya ako kakainin ng buhay. "Ahm..." Paano ko ba uumpisahan? Hindi ko naman p'wedeng sabihing 'Galing ako sa future. Ninuno kita. Humiling si Rigo para sayo, para mabuhay tayong dalawa." Edi, sinabihan talaga ako nitong baliw. Takas sa mental. "Ano kasi," habang kinakalikot ko ang mga daliri bigla na lang ako may narinig na tumawag sa akin. "Binibining Nicca!" Sabay kaming lumingon ni Dette, nakita namin si Rigo na tumatakbo papalapit sa amin. "Thank, God!" Usal ko sa sarili ko. Doon natapos ang komprontahan namin ni Dette. Pagkalapit sa akin ni Rigo, s'yang alis niya. - "Iniisip mo pa rin ba ang sagutan n'yo ni Binibining Dette, binibini?" Nagulat akong tumingin kay Rigo. Akala ko kasi nakaalis na s'ya. May pagsusulit sila bukas. Tumango ako sa kanya. Paano kung magkita uli kami? Itanong n'ya uli sa akin iyong mga tanong na 'yon? Wala na kong takas nu'n. Paano ko pa s'ya lulusutan. "'Wag mo ng isipin n'yon, binibini." Ngumiti s'ya sa akin. Para n'ya akong sinisigurado na 'di na magtatanong sa akin si Dette. "Aalis na pala ako, may pagsusulit pa kinabukasan." Pagkasabi n'ya, s'ya ring pag-alis n'ya. Naiwan akong mag-isa rito sa k'warto at iniisip ko kung paano ko 'to lulusutan. "Waaaaah! Mommy and Daddy, help me please! Matapang naman ako pero nasa ibang panahon ako, malay ko ba kung bitayin o barilin ako sa likod kapag may ginawa akong mali rito." Paikot-ikot ako sa silid na nirentahan namin, para itong boarding house. Kakaloka. "Lalabas ako!" Nagbihis at nagpalit ako ng maayos na camisa at saya. Perstaym kong lalabas ng ako lang. 'Di ko alam kung makakabalik ako ng buhay sa apartment. Gabi na pero ang dami pa ring tao sa mga kalsada. Parang may night market. Tinandaan ko ang aking nilalakaran, mga kalye at pangalan ng mga ito. Palakad-lakad lang ako ng may makita akong underpass, sa paligid nito ay mga nagtataasang gusali at halata rito na luma na ang mga iyon. "Recto avenue..." Basa ko sa karatulang nakasabit. Nanlaki ang mga mata ko. "Ito iyong Recto!" Biglang sigaw ko, napatakip ako ng bibig ko nang makitang nakatingin sa akin ang mga tao at iniisip na baliw ako. Yumuko ako at sabay takbo. Nakakahiya ka naman, Nicca! Lumakad ako at nakikita ko ang lumang Isetann Recto, ang liit naman nito. May naririnig akong tumatawag sa pangalan ko pero 'di ko pinansin. Wala nga akong kakilala rito tapos may tumatawag sa pangalan ko. Ano 'yon? Joke time? May humawak sa magkabilang braso ko, s'yang pagtigil ko. May holdaper na ba sa panahon na 'to? 'Di naman ako mukhang mayaman para holdap-in. Luma na nga 'tong camisa at saya ko, e. "W-wala akong pera..." Nauutal at natatakot na sabi ko. Biglang naman s'yang tumawa. "Kumain ka na ba? Ikaw, mawawalan ng pera?" Pinaharap n'ya ako sa kanya. Nakakunot ang aking noo ng tignan ko s'ya. Sino 'to? "Bakit ka ganyan makatingin, binibini Dette. Ako 'to, si Frances." Yari! Napagkamalan ako. "F-frances?" "Pinsan mo. Nauntog ba n'yang ulo mo at nakalimutan mo ako?" Malay ko ba! 'Di ko naman talaga s'ya kilala. "Uhm... Nagkakamali ka yata. Nicca ang aking pangalan." Namilog ang kanyang mga mata at nagbukas-sara ang kanyang bibig. "Pasensya na, akala ko ikaw si Dette. K-kamukha mo s'ya!" Gulp. Patay. Hindi na ako nagsalita at tumakbo na lamang palayo sa babaeng 'yon. Nababaliw na ako sa nangyayari sa akin. Pumasok ako sa isa sa mga nagtatanghal na narito. "Pasok mga kababayan, magtatanghal ang mga magagaling na aktor na nagmula pa sa bansang amerika, na pinamagatang Romeo and Juliet." Nakatayo ako rito habang tanaw ang magiging stage nila. Maraming tao ang gusto manood. May bata at matanda na masayang naghihintay sa palabas. 'Di ba nila alam, na tanga si Romeo at Juliet. Nagpalamon sila sa pag-ibig at sa sasabihin ng mga pamilya nila. Hindi na lamang nila pakinggan ang gustong sabihin ng sarili nila. Ito ring mga parents nila, nakisali sa love story ng dalawa. Forbidden love. Tss. "Kung mahal mo, ipaglaban mo." Kahit makisali pa ang buong angkan n'yo para awatin ang pagmamahal n'yong dalawa. Nagsimula ang pagtatanghal. Mga kinikilig sila pero mamaya luluha ang mga ito. Pakikiligin muna kayo ta's mamaya iiyak kayo. Nang matapos ang pagtatanghal, mga mugto ang kanilang mga mata. Sinasabi ko na, e. 'Di rin kayo makakamove-on d'yan sa k'wento na 'yan. Lumabas na ako. Sa'n pa kaya p'wede manood? Buti pa rito, libre ang mga pagtatanghal. Sa panahon ko, aabutin sa libo ang bayad. Lumiko ako sa isang eskinita, dito pa rin sa Recto. Nang may marinig akong nag-uusap. "Pinsan, maniwala ka, kamukhang-kamukha mo iyong babae kanina. Akala ko nga ikaw, kaya nilapitan at kinausap kita." Nagkikinig lang ako sa usapan nila. "Ano raw pangalan n'ya?" Parang kilala ko ang boses nito, ah! "Nicca... Oo, Nicca nga ang sabi n'ya!" Sumilip ako sa pinagtataguan ko. Holy s**t! Si Dette at iyong Frances kanina. "Hindi lang pala ako... Natupad yata ang aking hiling." "Ano sabi mo?" Umiling ang huli. At, sumilay sa kanyang ang ngiti sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD