Kabanata 12

1086 Words
Siniko ko si Rigo, "Ang sama ng tingin sa akin ni Dette, para akong papatayin." Sabay ngiti ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. Nginuso ko sa kanya kung nasa'n si Dette. Hanggang ngayon nakatingin pa rin ito sa akin. "'Di n'ya yata tanggap pagkatalo n'ya," "Hindi naman siguro n'ya gagawin 'yon, binibini. Mabait ang pagkakakilala namin sa kanya." Sana nga. Pero, 'yang ganyang tingin, selos 'yan. Kinakain s'ya ng selos. Matapos ibigay ang isang tropeya at iilang bunga ng mangga bilang premyo sa akin, umalis agad ako sa harap. "Uwi na tayo, Rigo." Bulong ko sa kanya. 'Di talaga ako mapalagay. Mukhang mapapaaway ako nito, e. "Sige, binibini pero magpapaalam muna ako kay Mayor upang paggalang." Tumango ako rito, "bilisan mo," Sina Andres at Faustino ay nagtungo sa mga nag-oorganisa ng palaro at itatanong kung anong oras mag-uupisa ang kadang-kadang. Kaya ito ako nakatayo rito sa p'westo namin kanina habang nakatingin kay Rigo na ngayo'y kinakausap ang mayor. May naramdaman akong presensya ng tao, at nasa likod ko ito. "Sino ka?" Patay ka, Nicca. Humakbang ako paharap para once na suntukin o sampalin n'ya ako makakailag ako. Malakas at may kapangyarihan sila rito sa taong ito. Humarap ako sa kanya, kasama n'ya ang dalawang kaibigan n'ya, na silang nakikita ko kapag nananaginip ako, noong akala ko panaginip ang lahat. Morena pala talaga s'ya. Ang kanyang mga mata ay bilugan, makakapal ang kanyang kilay, kanyang labi ay kasing-kulay ng mansanas. May lahi ba kaming bumbay? Mukha s'yang bumbayin. Kumaway s'ya sa harap ko, nang s'yang pagpikit ko. "'Di ka naman pala bulag o bingi, ngayon ka lang namin nakita, sino ka at sa'ng bayan ka galing?" Rigo, Sa'n ka na ba? Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin s'ya p'westo nila Rigo pero nag-uusap pa rin sila. "Maynila," sabay yuko ko. "Kaano-ano mo si Rigo? At, parang malapit kayo sa isa't-isa." Bakit ang dami mong tanong? 'Di ba p'wedeng isang tanong lang? Wala naman tayo sa question and answer portion. "Kamag-aral. Kaklase." Simpleng sagot ko. "Bakit parang--" Naputol ang sasabihin ni Dette nang may sumabat sa usapan namin. "Binibining Nicca, halika na." Paglingon ko sa aking likuran, nakita ko si Rigo. "Paumanhin mga binibini, hihiramin ko na sana si Binibining Nicca sapagkat kami'y uuwi na." Save by the bell. Walang nagawa sila Dette, at tumango sila kay Rigo. Dumating din sina Andres at Faustino. "Mamaya pang alas-kuwatro ng hapon ang laban natin sa kadang-kadang," sabay tingin n'ya sa tatlong dilag na kasama namin. Sabay-sabay kaming lumakad at para makaalis na sa mga mata nilang mapanuri. Kinabahan talaga ako, akala ko mabibisto na ko. Don't worry my ninuno, 'di ko aagawin itong si Rigo sayo. Gusto ko lang talaga mabuhay at mabuhay ka ng matagal sa mundong ito. "Muntikan na ako nu'n, Rigo. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa mga tanong n'ya." Bungad ko sa kanya ng makarating kami sa silid ko pagkatapos naming kumain. Magkikita-kita kaming apat sa parke mamayang alas-tres kuwarenta ng hapon para sabay ng dumating sa venue ng kadang-kadang. "Pasensya na talaga, Nicca," "Sabi ko naman sa'yo, e. Iyong mata n'ya kanina nu'ng nanalo ako, mata n'yon ng mapanuri at selos." Tinakpan ko agad ang aking bibig at nanlalaki ang aking mga mata na tumingin sa kanya. "'Di mo narinig ang huling sinabi ko," sabay talikod sa kanya at tinignan ang mga damit na nakakalat sa kama. "Ano sinabi mo, binibini?" "H-huh?" Sabay kamot ko, "Wala naman akong sinabi, ah?" "Tungkol sa selos?" Nakakunot ang kanyang noo. "Selos? Ah, selos dahil natalo ko s'ya. Oo! Gano'n. Natalo ko kasi s'ya." Ang daldal mo kasi, Nicca! Pahamak talaga 'tong bibig ko kahit kailan. "Lalabas lang ako, binibini. Hindi maganda sa mga tao na magkasama tayo sa iisang silid." Tumango ako rito. Nang makalabas s'ya, humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata. Kumusta na kaya sina 'my at 'dy? Namimiss ko na sila. Ano kaya nararamdaman nila ngayon kung hanggang ngayo'y naka-comatose ako sa panahon ko? Tumingin ako sa kalendaryong nakasabit dito. Ika- 13 ng Hulyo taong 1900. Babalik na ulit kami sa Maynila bukas at 'di ko alam kung sa'n ako titira roon. Ilang buwan pa ba ako dapat manatili rito? Ano bang nagyari sa taong 1900 at para maging aware ako. Kainis. Tumayo ako at tumungo sa tukador kung sa'n nakalagay ang lumang talaarawan ni Rigo. Pagbukas, walang bakas na naroon ang talaarawan. Hinalughog ko ang tukador pero wala talaga roon. Tinago kaya ni Rigo? Pero, bakit? - "Kayang-kaya namin ang kadang-kadang, Binibini. Ipapanalo namin ito." Mayabang na sabi ni Andres habang papunta kami sa munisipyo kung sa'n gaganapin ang mga laro. "Kadang-kadang na lang ba?" Tanong ko rito. Umiling s'ya, "may agawang buko pa at may iilang palaro para sa mga bata," aniya. Tumango ako rito. Pagkarating namin, pinapwesto na sila agad ng coordinator. Apat na grupo ang maglalaro ng kadang-kadang. Paunahan ang mga ito. Tinignan ko ang mga ibang kasali, base sa kanilang itsura, may mga kaya rin sila rito sa bayang ito. Ang kanilang mga suot ang nagpapatunay. Nag-umpisa ang laro, halos magkakasabay lamang ang kanilang mga lakad. Pero, sa huli nanaig pa rin sila Rigo, konti lamang ang lamang nila. "Sabi ko sa'yo, binibini, mananalo kami. Kami kaya ang magaling pagdating sa kadang-kadang." Pagmamalaki ni Andres sa akin. May binigay sa kanilang tatlong mansanas na isa sa mga premyo sa laro. "Mamayang gabi may sayawan sa munisipyo," lumingon ako kay Faustino. "Sayawan?" Nagtatakang tanong ko rito. Tumango s'ya. "Mga dalagang kababaihan at kalalakihan ang kasali sa sayawan." Tumingin ako kay Rigo, "pupunta ka?" Umakbay si Andres, "Si Rigo pa, binibini? Hindi malamang!" Sabay tawa ng dalawa. "Wala akong hilig sa mga gano'n. Aksaya lamang sa oras at bukas luluwas na rin ako sa Maynila." Aniya at sabay nauna sa amin maglakad. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay kibit-balikat namin. KJ. Dumating ang gabi, maraming mga kababaihan akong nakita. Mga nakabihis na magagarbo at makukulay camisa at saya. Nakita ko si Dette at ang dalawa niyang kaibigan. Suot ni Dette ang binili n'yang camisa at saya na kulay rosas. Mukhang lahat sila'y pupunta sa munisipyo para sa sayawan na sinasabi nina Andres at Faustino. Pero, ito kami ni Rigo, nakakulong sa bahay nila dahil ayaw n'ya sa mga ganoong pagtitipon. Umalis ako sa bintana dahil maiinggit lamang ako kapag pinagpatuloy ko ang pagtingin sa kanila. Wala man lang social life itong si Rigo. Mukhang sina Faustino at Andres lamang ang kanyang kaibigan. Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata hanggang kusa ako nilamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD