'Di ako pinatulog dahil sa nangyari kahapon sa pagitan namin ni Rico.
Nakonsensya ako sa nasabi ko. 'Di naman 'yun ang punto ko, e. 'Di rin naman talaga kami gaano nagpapansinan at nag-uusap. Ano problema sa kanya?
"Tapos itong puso ko, grabe kung tumibok kahapon." Sabi ko habang nasa harap ng salamin sabay suntok ko ng mahina sa katawan ko, banda sa puso.
"Sumabay ka pa sa iisipin ko, Rico! Tinatraydor na ko ng sarili kong katawan! Bwisit!"
Lumabas ako ng cr, at bumungad sa akin si mommy.
Tsk! Narinig kaya n'ya? 'Wag naman sana!
"'my? Kanina ka pa po ba d'yan?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Ngumiti s'ya sa akin, "Mag-aayos din kayo ni Rico,
Naknang!
Hinabol ko agad si mommy, "'my! Mali iyang iniisip mo,"
Humarap sa akin si mommy, "mali nga ba, Nicca? Ang dalaga namin umiibig na."
Nagpatuloy s'yang bumaba at nakasalubong n'ya si daddy na may dalang dyaryo habang papunta sa kusina.
"Fin, ang unica hija natin, umiibig na! Dalaga na s'ya!"
Shete! Si mommy talaga!
Pagkababa ko, bumungad sa akin ang malalaki nilang ngiti.
"'dy, 'wag kang maniwala kay mommy. Wala akong gusto kay Rico." Sabi ko rito.
"Wala namang masama kung magkagusto ka kay Rico, mabait s'yang bata, masunurin, matalino at kakilala na namin s'ya at pamiya n'ya. Pumapayag na 'ko."
Lumaki ang mga mata ko at tinitigan silang dalawa. No way!
"Ahh! Wala naman talaga, 'dy! Never akong magkakagusto roon!" Sabay padyak ko.
"'Wag kang magsalita ng tapos, Nicca. Ikaw rin baka kainin mo rin n'yang mga sinasabi mo."
No way! Never ever in my life na maiinlove ako kay Rico! Cross my heart!
Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko, papasok na lang ako kaysa naman marinig ang pang-aasar nila sa akin.
Nakita nila ako na palabas ng bahay, "Nicca, 'di ka ba susunduin ni Rico?"
Mommy naman!
Tinignan ko lang sila pero sila naman tawa nang tawa.
Nasa gate na ako ng subdivision, nang makita ko si Rico, sakay ng bisikleta n'ya.
Tinignan ko lang s'ya hanggang nakalagpas na s'ya sa akin. Ni-isang sulyap, 'di n'ya ako tinapunan.
Napahawak ako sa puso ko.
"Ano ba 'tong nangyayari sa akin. Si Rico lang n'yan. 'Di n'yan si Donny Pangilinan para masaktan ka." Kausap ko sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.
Hinihingal na dumating ako sa classroom, walang traysikel na dumadaan at kung may dadaan man, puno ang mga ito.
Ano nga ba aasahan ko, friday ngayon. Rush hour sa umaga at sa gabi.
Umupo agad ako sa seat ko, at tinitignan ang mga kaklase kong natataranta. Mga naghahabol ng mga requirements. Bahala sila. Ang kukupad kasi.
Tinignan ako ni Mitch, secretary namin. Sinamaan ko nga ng tingin.
Lumapit ito sa akin, "parang 'di ka naggagahol ha?"
Parang may pinupunto ang isang 'to.
'Wag n'ya ako simulan ha. Kanina pa mainit ulo ko.
Ngumiti akong pagkatamis-tamis sa kanya, "Excuse me, Secretary Mitch, tapos na kasi kami. Kaya ito ako seating pretty."
"Ah!" Nagulat s'ya at parang may naalala. "Kasama mo pala sina Angie at Rhia, kaya siguro tapos ka na. Kapag nga naman matatalino ang mga kasama."
Abat may pinaparating talaga ang isang 'to. Lumingon ako sa iba at lahat sila nakatingin sa amin. Tamang-tama wala pa sina Angie at Rhia, walang pipigil sa akin.
"Oo naman, magagaling kaya iyong dalawang kaibigan ko. Kaya nga ito ako, pinapanood kayo kung paano kayo magahol sa Research. Saka, diba, secretary ka este teacher's pet kaya dapat---" hindi ko natapos sasabihin ko ng bigla akong sabunutan.
Hila-hila n'ya ang buhok ko, 'di ako makaganti medyo matangkad s'ya sa akin. Nakita ko ang paa at 'yun ang pinuntirya ko. Natumba s'ya at s'yang dagan ko sa kanya. Sinabunutan ko s'ya.
Pinigilan kami ng mga kaklase namin pero wala ni-isa sa amin ang nag-aalis ng kamay sa buhok ng isa.
"Tumahimik kayo!" Napabitaw sa amin ang mga kaklase namin ng may dumagundong na boses ang bumalot sa apat na sulok ng classroom na ito.
Pero, kami ni Mitch na 'to, di kami bumitiw sa buhok ng isa't isa.
"'Di ba kayo titigil? Para kayong mga bata!" Sermon sa amin ni Rico at pilit na inaalis ang mga kamay namin.
Nang maalis n'ya. Magulong buhok ang bumungad kay Mitch. Lintik lang ang walang ganti.
Mitch da btch.
Galit na galit s'ya tumingin sa akin. Same with me.
"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong nila Rhia na silang kadadating lang.
"Bakit magulo buhok mo, Nicca?" Tumingin din s'ya kay Mitch, "at sayo rin?" Turo n'ya rito.
"S-si Nicca kasi Rico, tinanong ko lang naman s'ya kung tapos na ba s'ya sa research pero agad n'ya kong sinabunutan." Maiyak-iyak n'yang sabi.
Best actress. Naknang!
Magsasalita sana ako para depensahan ang sarili ko pero itong magaling na Rico na 'to biglang sumabat.
"Magsorry ka, Nicca! Magsorry ka." Malamig na titig sa akin habang nakaturo kay Mitch.
"Teka ha! Bakit ako magsosorry? 'Di ko kasalanan, s'ya ang nauna kaya gumanti ako!"
"Gumanti ka?" Pinakita n'ya sa akin ang mga kalmot sa braso ni Mitch. Namumula ang mga 'to.
Lumapit ito sa akin at tinignan ang mga braso ko pero wala ni-isang kalmot ang mga 'to.
"Magsorry ka na."
"So, gano'n lang 'yon? Bumase ka sa mga kalmot? Wow! Ang galing, Rico! Kapag ako ang maraming kalmot, s'ya ang may kasalanan? 'Di ko kasalanan na 'di pala s'ya marunong makipag-away." Nanggagalaiti kong sabi sa kanya.
Pinapahinahon ako ng dalawa.
"A-ayun na nga, e, hindi ako marunong makipag-away kaya bakit ako mag-uumpisa ng gulo?"
Wow! May tumutulong luha na sa mga mata ng Mitch na 'to. Best actress talaga!
"'Di ko naman pala alam, magaling ka ring best actress, akala ko teacher's pet ka lang." Pang-aasar ko pa sa kanya.
Lalo s'yang nainis at nagalit sa akin.
"Nicca, I'm warning you, magsorry ka na!"
Tumitig lang ako kay Rico at ngumisi.
"Never." Winaksi ko ang mga kamay nila Rhia at umalis.
Bago ako makalabas sa pinto, isang malamig na boses ang narinig ko at wala akong duda kay Rico galing 'to.
"Hindi ka na talaga nagbago,"
--
"KUMAIN ka na? May binili kami para sayo, Nicca."
Inalis ko ang kanang braso ko na nakatakip sa mga mata ko at tinignan ang dalawang naka-upo na nakaharap sa akin.
Umupo ako at inabot ang pagkain na dala nila.
"Ilang oras na ang nakakalipas?"
Tumingin sa relo si Angie, "Girl, 3hrs ka ng tulog dito. Ala-una na ng hapon."
Ang haba pala ng pagkakatulog ko.
"Napasarap iyong idlip ko." Kinagatan ko ang dala nilang burger, "ano na nangyari sa maarteng Mitch na 'yon?"
"Dinala ni Rico sa clinic," sabi ni Rhia at tumabi sa akin. "Alam naman naming 'di mo magagawa 'yon, kahit matagal mo ng gustong saktan si Mitch dahil sa kaartehan." Sabay tawa nito.
"Teacher's pet plus best actress equals,"
"Mitch!" Malakas na sigaw nilang dalawa.
Kaibigan ko nga sila. Parehas kaming may ayaw kay Mitch.
"'Wag n'yo na isipin 'yon. Wala namang kwenta 'yon para isipin pa natin." Sabi ko sa mga 'to at kumain.
"Oo nga pala, girl! Ang ate mong si Mitch, ngiting-ngiti nung umalis ka akala mo naman naka-jackpot kay Rico." Maarteng sabi ni Angie sabay ikot pa ng mga mata n'ya.
"Paano kasi matagal na s'yang may gusto kay Rico," dagdag ni Rhia.
Biglang bumilis ang puso ko ng banggitin ang pangalang Rico. May problema na talaga itong puso ko, need ko ng magpacheck-up.
"Bagay sila. Parehas mga teacher's pet."
Naubos ko na ang pagkain na binigay ng dalawa.
"Uhm... Nicca, may itatanong sana ako," tinignan ko si Rhia.
"Bato mo na 'yang itatanong mo baka 'di ka pa makatulog." Sagot ko rito at nag-unat.
"May something ba kayo ni Rico? Kasi ngayon lang namin narinig na magsalita ng gano'n si Rico. Nakakatakot pala s'yang magalit." Sabay yakap nilang dalawa sa isa't isa.
Mga siraulo.
"Ewan ko roon. Aba'y malay ko sa feeling genius na 'yun." Kinuha ko ang aking bag. "'Wag niyo nga pansinin n'yong mga 'yon. Salot sila sa atin," linagpasan ko na sila, "Sige, mauna na ako. Bukas na tayo magkita kita."
Kumaway sila sa akin at gano'n din ang ginawa ko.
Nasa labas na ako ng gate, nang makasalubong ko silang dalawa.
Kapag nga naman minamalas.
Tumingin sila sa akin pero ako 'di sila pinansin. Bahala sila. Magsama sila. Parehas mga plastic.
Rush hour. Always. Nag-aabang pa rin ako ng traysikel papunta sa subdivision pero ni-isa walang dumadaan. Katabi ko pa 'tong si impaktong Rico.
Lumakad na ako, ayokong abutin dito ng gabi. Gusto ko ng umuwi at makalayo sa taong 'to.
"Ayos ka lang ba?" Lumingon ako ng may marinig na boses na galing sa likod ko.
Nang makita kong s'ya lang pala, naglakad na ulit ako.
"Nicca, ginampanan ko lang ang pagiging president ko sa classroom,"
Humarap na ako sa kanya, "So, gagampanan ko lang pagiging tao ko, ayaw kitang makausap." At, naglakad na ulit.
Patawid na sana ako ng may humila sa kamay ko, binaklas ko ito pero sa pagbaklas ko, isang humaharurot na sasakyan ang paparating sa akin at wala na kong takas.
Kamatayan.
Bumagsak ako sa matigas na semento, sabay pagbagsak ng mga tubig na galing sa langit.
Pinipilit ko pang idilat ang mga mata ko, sa huling kita ko 'di pala galing sa langit ang tubig na bumabagsak sa akin kung 'di galing sa isang tao.
Sa kanya.