Lumabas ako ng bahay, sumalubong sa akin ang mga makukulay na bandaritas na nakasabit.
Malapit na pala ang pista.
May mga nag-aayos ng bandaritas. Makukulay na papel na ginupit pa-triangle at nilagay sa isang makapal at matibay na nylon.
Lumiko ako ang sa kabilang street, kung sa'n nakatira si Rico.
Simula sa kanto ng street nila, tatlong bahay bago ang sa kanila.
Nasa tapat na ko, isang three-storey-house, kulay beige, at may malawak na bakuran.
Nag-doorbell ako, bumungad sa akin ang isa nilang kasambahay.
"Si Rico po nar'yan po ba?" Magalang na pagtatanong ko sa kanya.
Tumango ito, "Narito ho si Sir Rico. Bakit po?" Naknam. Loyal sa amo. Sir pa ang nais.
"May kailangan lang ako itanong ho sa kanya." Paliwanag ko sa kanya. Kung hindi ko lang kailangan si Rico hindi ako pupunta sa kanila.
"Tawagin ko lang po," tumalikod na s'ya at pupuntahan na sana ang amo n'ya ng marinig ko ang boses ni Rico.
"Manang, sino n'yan?" Pagtatanong nito sa kasambahay nila.
"Sir, gusto raw ho kayo kausapin." Turo niya sa akin at binuksan ang pinto. Tumango si Rico sa huli.
"Sige na manang, ako na bahala rito," aniya sa kanilang kasambahay.
Nang makaalis si ate, s'yang pasok ko kahit wala pa s'yang sinasabi.
"Bago n'yo?" Tanong ko agad dito. Halos lahat kasi ng kasambahay nila, kilala ako at kapag nakikita ako, pinapapasok agad ako nila ate.
"Oo, pasensya na... Ano nga pala pakay mo, Nicca?" Tanong nito ng maka-upo ako sa kanilang sala.
"Natanong mo na kina tita at tito about kay Rigo?" Walang antubili kong tanong.
Kailangan may makuha na 'kong sagot. Kailangan malaman ko, kung bakit nasa panaginip ko sila.
"Yup," sagot n'ya habang papalapit sa akin galing kusina.
Nilapag n'ya ang maiinom na kulay dilaw.
"Inom ka muna," kinuha ko ito ang sumipsip ng kaunti.
"Anong sabi nila? Kamag-anak n'yo raw ba?"
"Yes, relatives ni Mommy. Great Great grandfather raw namin."
Dilat na dilat ang mga mata ko na tumingin sa kanya. Sabi na nga ba.
"Sa kanya ka n'ya pinangalan dahil magkamukha kayo?"
"P-paano mo nalaman?" Nagtataka itong sabi.
"Iyong great great grandmother namin sa side ni Daddy, sa kanya hinango ang pangalan ko dahil kamukha ko raw s'ya." Buntong hininga ko rito.
"Same with me?" Tumango ako rito.
"At, alam mo ba kung ano kinamatay ng ninuno mo?" Pagtatanong n'ya rito. Baka kasi alam n'ya at naikwento sa kanya ni tito.
"Di alam nila mom. Tanging si lolo lang ang may alam."
Napakagat ako ng labi at inisip kung bakit ko sila napapanaginipan.
"Rico, napanaginipan mo na ba iyong Rigo, iyong ninuno mo?" Pagtatanong ko sa kanya. Gusto ko malaman kung napapanaginipan din ba niya iyon.
Matagal bago s'ya magsalita pero iling lang sinagot n'ya.
"Di pa, Nicca. 'Di ko nga s'ya kilala at 'di ko pa nakikita ang kanyang mukha. Nagulat na lang ako ng tanungin mo ko about doon. Kaya nasabi ko sayo na walang akong kilalang Rigo sa pamilya namin." Tumingin s'ya sa akin. Mata kung mata ang titigan naming dalawa.
"Bakit mo pala kilala 'yong Rigo na 'yon? Paano mo nalaman na may kamag-anak kaming Rigo?" Sunod-sunod ang naging tanong n'ya. Hindi ko alam kung maniniwala s'ya kung sasabihin kong, napapanaginipan ko ang kanyang ninuno.
Huminga ako nang malalim, "'Di ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko," tumayo ako at hinarap s'ya, "napapanaginipan ko ang ninuno mo at ang ninuno ko."
Kumunot ang kanyang noo at tinitigan ako.
"Teka, teka lang, Nicca." Tumayo ito at pumunta sa haligi ng pinto.
"A-anong sinasabi mo, Nicca?"ginulo n'ya ang kanyang buhok. "Nababaliw ka na ba? P-paano mangyayari 'yon?" Sabi nito habang nakapamewang sa harap ko.
Tinitigan ko ito, "Kung ayaw mong maniwala, 'di wag! Sinasagot ko lang naman ang tanong mo!"
Aalis na sana ako pero nahawakan n'ya ako sa kamay ko.
"Easy. 'Di ka naman mabiro. Pero, paanong nangyari 'yon?" Naguguluhang tanong n'ya.
Tinabig ko ang kanyang kamay. Nakakarami na s'ya sa paghawak, ah.
"Hindi ko alam! Basta isang araw, pagkagising ko sa pagkakacomatose, napapanaginipan ko na sila. Akala ko nga, flashback ng buhay ko 'yon. Pero, 'di, e. Hanggang mapanaginipan ko sila hanggang ngayon sila pa rin ang nasa panaginip ko." Natataranta kong sabi sa kanya.
"Tapos, 'yong Rigo, may binilin s'ya sa akin, mag-ingat daw tayo, lalo ka na." Turo ko sa kanya.
Bakas sa mukha n'ya na nalilito s'ya.
"B-bakit kailangan natin mag-ingat?"
Umiling ako sa kanya. Hindi ko rin alam kaya umiling na lang ako rito.
Lumabas ako ng bahay nila, hanggang dito may mga bandaritas na rin nakasabit.
I-iyong nasa panaginip ko, pista sa kanila. Sa linggo pista na rin sa amin. Ilang days na lang bago 'yon.
"Nicca, ito ba ang mukha ni Rigo?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
Lumapit ito sa akin at pinakita ang black and white na larawan.
Rigo.
"S'ya ba iyong Rigo?" Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at tumango ako.
"Kamukha ko nga." Bulalas niya habang nakatingin sa picture na inabot niya.
"Pista na pala sa linggo," out of nowhere na sabi ko rito.
Nakataas ang kanyang kanang kilay ng lumingon ako sa kanya, "Ano naman kung pista na sa linggo? Hindi ka naman dumadalo sa mga activities dito."
Ay! May pambawi. Harsh.
Paano isa s'ya sa mga SK Kagawad dito. Sa susunod na election, tatakbo na 'yan sa pagiging SK Chairman.
"Panget naman kasi ng mga activities n'yo. Katulad nung pahabaan ng hininga. Ano 'yon? Pang-birthday parlor games? Like duh!" Sagot ko rito.
Pinanlakihan n'ya ako ng mata. Tusukin ko 'yan, e. Kaya n'ya matatakot ako.
"Ano bang mayro'n sa pista at gulat na gulat kang sa linggo na 'to?" Galit na s'ya n'yan.
Pikon.
"Napanaginipan ko kahapon, pista na rin sa kanila. Sa linggo rin." Sabi ko rito habang tinitignan ang mga nagsasabit ng bandaritas.
"Pista sa kanila? Kanino?"
Hindi ko alam kung matalino ba 'tong si Rico, alam n'yang ninuno namin ang tinutukoy ko.
"Sa mundo nina Rigo at Dette, pista sa kanila, sa linggo rin." Ulit kong sabi. Naguguluhan s'yang tumingin sa akin.
"Kagabi, sila n'yong nasa panaginip ko at pista ang ganap sa kanila," sabay tingin sa mga taong nag-aayos at naglalatag ng bandaritas.
"P-paano mo sila napapanaginipan? Ang weird!"
Paulit-ulit na lang Rico?
Pinang-ikutan ko s'ya ng mata, "Malay ko nga diba? Basta after ng pagkaka-comatose ko, nasa panaginip ko na sila. Ewan ko ba sa kanila ba't sa akin nagpaparamdam, pwede naman sayo." Sabay tingin ko sa kanya.
Sinamaan n'ya ako ng tingin.
"Para naman 'di ako nababaliw ng ganito. 'Di rin ako namomoblema sa mga ganap, lalong-lalo na 'di sana kita kinakausap ngayon." Napapadyak na sabi ko habang kinakagat ko ang labi.
Hindi s'ya nagsalita.
Narinig ko na lamang ang kanyang buntong hininga at sabay sabing, "sabihin mo lang kung ano pa gusto mong malaman about doon sa Rigo, tutulungan kita. Sa ngayon, mauuna muna ako, may meeting kami para sa pista." Sabay pasok n'ya sa kanila at wala pang ilang minuto lumabas din s'ya, dala ang kanyang bisikleta.
Naiwan ako ritong nakatayo habang tinatanaw s'ya papalayo.
Wrong move, Nicca. Wrong move.