Kabanata 9

1425 Words
Napabangon ako sa kinahihigaan kong malambot na kama. Kinusot ang mga mata sabay libot sa paligid. "Teka, nasa'n ako? P-patay na ba ako?" Kinapa-kapa ko ang katawan ko pero walang sugat at dugo akong nahawakan at nakita sa mga kamay ko. "Gising ka na pala, binibini. May dala akong maligamgam na tubig para iyong inumin," lumaki ang mga mata ko ng makita ko s'ya. Lumapit ito sa akin, dala ang isang basong tubig. Nakatingin ito sa gilid ko, nakita ko ang isang notebook na napaka-luma. Nilapag n'ya ang basong tubig sa lamesita, "nabasa mo na, binibini?" Sabay kuha n'ya sa lumang kwarderno. "A-ano bang mayro'n d'yan?" Naguguluhang tanong ko rito. Ang naalala ko lang ng lumabas s'ya sa pinto, itong pagkakita ko rito. Binasa ang laman tas hanggang doon lang alam ko. "Talaarawan," tumingin ito sa akin. "Talaarawan ko, binibini. Lahat ng nangyari rito ay nakasaad sa tunay na pangyayari. Pangyayari sa buhay ko." Umupo s'ya sa silya, "Nakita mo na ba ang hinaharap mo?" Naguguluhang tumingin ako rito. Hinaharap ko? Future? "Marahil, ika'y nalilito pa rin sa mga nangyayari sayo?" Tumango ako rito, "Pakiusap, linawan mo ko sa lahat ng nangyayari sa akin. Sa panaginip na ito at bakit ko kayo nakikita? Kasi mababaliw na ako!" Ngumiti s'ya sa akin, "Lahat ng iyong nakikita ay iyong hinaharap," "H-hinaharap ko?" Ginulo ko ang aking buhok at tumayo sa kama, "Hindi ko talaga ma-gets este maintindihan. Naguguluhan ako. Hinaharap? Future? Ano roon? Tapos, ito, itong panaginip na 'to? Para sa'n ba 'to?" "'Di ako panaginip, binibini. Alam mo naman sigurong ninuno ako ni Rico at ika'y ninuno mo si Dette?" Tumango ako rito. "ang buhay ni Dette at ang buhay mo ay iisa, ganoon din si Rico. Ang buhay ko at ang buhay n'ya ay iisa." "Teka, naguluhan ako! Iisa lang ang buhay namin?" "Tama, binibini. Ang lahat ng nakita mo ay iyong hinaharap." Nakita ko? Ano roon? 'Nimal, mukhang pupulutin ako sa mental nito ha. "Dahan-dahan lang, Ginoo. 'Di ko talaga maintindihan iyong sinasabi mo. Mukhang pupulutin na ako sa mental nito, e!" Nababaliw na yata ako. "Lahat ng nagyari sayo pagkatapos kang mahulog sa lambak, lahat ng iyon ay iyong hinaharap. Ang pakikipag-away mo, ang iyong proyekto at alitan mo kay Rico, lahat iyon ay gagawin mo palang." Pusanggala! Joke time ba 'to? "Binibiro mo ba ako?" Naiinis na ako! 'Di na ko natutuwa. "Saka, paano mo nalaman ang mga 'yon? Ang huling kong natatandaan, nasagasaan ako..." Sabay tingin ko rito. "Lahat ng iyon ay nasa talaarawan ko. Nakasulat ang mga iyon, iyon ang araw na 'di ko malilimutan. Lahat ng nakita mo ay iyong hinaharap." Tumayo ito at lumapit sa akin, "dapat mabago mo 'yon, Binibining Nicca. Lahat ng iyon ay mababago mo kung tutulungan mo 'ko sa panahon ko." "Teka, paano kita tutulungan? Kung lahat ng iyon nangyari na sa inyo?" "Mababago natin 'yon, 'di lang para sa amin, kung 'di sa inyo ni Rico." "R-rigo, ibig bang sabihin kapag 'di natin mabago, mamamatay ako?" Namutla ako sa sinabi ko. Ang huling kita ko ay nasagasaan ako. "Mababago natin s'ya, binibini. Magtiwala ka lang." Ngumiti s'ya sa akin. Sa mga ngiti n'ya, pursigido s'yang mababago namin 'yon. "P-paano kita tutulungan habang 'di nila ako nakikita?" Tutulungan ko s'ya. "Sabihin nating kamag-aral kita sa isang asignatura," Imposible, pero no choice ako kung 'di umayon sa plano n'ya. Nakaupo ako rito sa silya n'ya habang nakapanlumbaba, matapos n'yang ipaliwanag sa akin ang lahat, umalis s'ya dahil tinatawag s'ya ng mga kaibigan n'ya. Kaya ito ako, lugmok sa kwarto n'ya. 'Di ko pa rin maisip na nakita ko ang hinaharap ko, hinaharap nila Rigo. Parang palaisipan pa rin sa akin ang nangyayari sa buhay ko, joke time at higit sa lahat buhay ng isa ay buhay ko rin. Tumayo ako, "Ibigsabihin, may kontrabida rin dito? May Mitch the second?" Lumakad ako at huminto sa isang mahabang salamin, "Dapat malaman ko kung sino ang Mitch sa buhay nila, para mabantaan agad. Dahil sa kanya mamamatay ako este kami!" Pero, bago n'yan paano ako makakakuha ng damit na katulad ng kanila? Tinignan ko ang sarili sa lumang salamin, nakasuot ako ng long sleeves na kulay bughaw na may design na doraemon at ang pangbaba naman ay tokong na may design na sunflower. Ito iyong suot ko ng mahulog sa lambak. Bakit ko nga ba 'di naisip n'yon? Lumapit ako sa kabinet n'ya pero puro panlalaki ang nandito. Paano na 'to? Paano ako lalabas kung gano'ng nakikita na nila ako? Lumapit ulit ako sa lamesita n'ya at tinitigan ang talaarawan. Konti lang nabasa ko rito, mga mahahalaga lang ang mga 'yon, paano kung may nalaktawan ako na importante? Iyong pag-amin ni Dette kay Rigo? Lumaki ang mata ko ng maalala ang sinabi ko, "Pag-amin ni Dette kay Rigo? Ibig bang sabihin, may gusto rin ako kay Rico? Baka sa part na 'yon, magkaiba kami. Baka nga." Napalingon ako ng umingay ang doorknob ng pinto, may tao na papasok. Luminga-linga ako kung sa'n ako p'wede magtago, at nakita ang ilalim ng kama. No choice na 'to. "Rigo," narinig kong pumasok ang sino man 'yon. "Rigo, may bisita ka sa ibaba, nandito ka ba?" Weird ng tumatawag sa kanya, alam namang wala sumasagot, kaya walang tao rito. Narinig ko na lamang ang pagsarado na pinto. Buti na lang umalis na rin. "Ang alikabok naman, naglilinis ba 'tong si Rigo?" Sabay pagpag sa katawan ko. Kinuha ko uli ang talaarawan n'ya at binasa ito kung sa'n ako tumigil. Nawalan ng malay si Dette, maraming umusisa sa aming paligid at roon sa mamang tsuper kung sa'n nabangga n'ya si Dette ay agad n'ya binuhat at dinala sa kanyang sasakyang de kuba. Ako'y natatakot sa dugong nasa kamay ko, dugong galing sa kanya. Nasa binti ko s'ya naka-ulo, ang kanyang katawa'y puro sugat, kanyang camisa't pañuelo na kulay puti ay nagiging pula na. Nang makarating sa pagamutan ay agad s'ya sinugod. Naghintay ako sa labas, nagdadasal na 'di malubha ang kanyang kalagayan. Bumukas ang pinto kung sa'n s'ya nakalagak. "Maayos ka lang ba dito, binibini? Waring ika'y naiinip na." Napalingon ako sa pinto ng niluwa nito si Rigo. Ang kanyang suot na mahabang manggas ay puro pawis. Lumapit s'ya sa kanyang lamesita at nilapag ang balanggot. "Binabasa mo pala, binibini." Kinuha n'ya ang kanyang talaarawan at tinago sa kanyang maliit na baul. "Marahil 'di mo na dapat basahin ang mga nakasulat doon, baka ika'y mabigla. Mas mabuting sumunod ka na lamang sa agos." Umupo s'ya sa gilid ng kama. "Bukas ay pista na rito sa bayan. Maraming mga tao ang darating sa mga bahay-bahay para mamista at makikain. Maraming mga palaro rito sa pagmumuno ng iyong angkan na si Dette." Tumango ako rito. Alam ko 'yon dahil narinig ko ang usapan nila Dette. Tumingin ako sa kanya, kung sasabihin ko bang may gusto si Dette sa kanya, mababago ba ang takbo ng buhay namin? O, gugulo lang lalo? "Binibini, ayos ka lang?" Kinakaway n'ya ang kanyang mga kamay sa harap ko. Binibini. Bumalik ako sa sarili ko, "A-ayos lang ako," sabay ngiti ko rito, "P'wede mo naman akong tawaging Nicca, kinikilabutan ako kapag tinatawag mo kong binibini." Creepy. Tumawa s'ya at s'yang kinagwapo n'ya sa paningin ko. Iniling ko ang ulo ko, mali 'to! Ninuno na namin ang mga 'yan. "Muntik ko ng makalimutan," may kinuha s'yang bayong sa kanyang gilid at may nilabas, "narito pala ang mga nabili ko sa bayan, isang kamiseta, pañuelo, saya at tapis." Nalito ako sa mga pinakita n'ya sa akin. 'Di naproseso ng utak ko. "Pasensya na, binibini ay Nicca, ipapaliwanag ko sa'yo kung sa'n nararapat suoting mga 'to," tinaas n'ya isa-isa ang mga 'to, "Itong pañuelo ay para sa leeg at braso, ang camisa ay pinakabahagi ng katawan na tinatakpan ang pangtaas, ang saya ay pang-ibabang bahagi ng katawan at ang tapis ay pangpatong sa may saya." Kahit naguguluhan pa rin ako, tumango na lang ako rito. Kailangan ko na talagang i-focus sarili ko sa Philippines literature. Binigay n'ya ang bayong sa akin, "lalabas na lang muna ako para ika'y makabihis na," lumabas s'ya at ito ako nakatayo habang tinitignan ang mga binili n'ya. "'Wag ka ng mag-inarte, Nicca. Kailangan mo 'to para 'di ka magmukhang alien sa lugar nila." Kausap ko sa sarili ko at sinuot ang mga ito. Tinignan ko ang sarili ko sa pahabang salamin, "Okay, mukhang tao ka pa rin naman, Nicca. Sana nga lang nasunod ko kung sa'n talaga sila nakalagay." May kumatok sa labas, "Maaari na ba akong pumasok?" Napatampal ako sa noo ko, 'di ko nga pala 'to kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD