"Galing ako sa makabagong panahon... Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa panahon niyo. Kung bakit nandito ako at Paanong nagyari niyon?" Pagbubukas ko sa kanila.
Nakikinig lang sila sa akin. Na akala mo ako si Lola Bashang at sila ang mga bata na handang makinig sa maganda at nakakakilig na k'wento.
"Nagsimula ito ng mahulog ako sa lambak at nang magising napapanaginipan ko na kayo... Akala ko noong una panaginip lamang pero 'di nandito na ako sa mundo niyo, sa panahon niyo. Na walang kaalam-alam kung anong mayro'n bakit nandito ako. Hindi ko alam kung ano na nangyari sa katawan ko sa panahon ko? At, anong araw na ngayon doon." Suminghap ako at tumingin sa paligid.
"Malapit na ako grumaduate, 'di ko sure kung gagraduate nga ako." Dugtong ko sa kanila.
Tumingin sa akin si Faustino, "Baka may plano kaya nandito ka?"
"O, baka nga naman, may gagawin ka sa panahon namin?" Sabat ni Andres.
"Baka?" Tipid na sabi ko sa kanila.
"Ano bang mayro'n sa panahon niyo?" Tanong ko sa kanila.
Sabay lang silang nagkibit-balikat.
"Hindi namin alam, Binibining Nicca. Alam mo namang umulit ang panahon namin dahil sa'yo, kaya siguro may plano na ibahin mo ang ikot ng mga buhay namin?" Out of nowhere na sabi ni Faustino.
"P'wede rin, binibini, tama ang sinabi ni Faustino. Malay mo ikaw ang tagapagtanggol namin sa mga Espanyol." Gago. Ginawa pa akong si Hercules.
"Hindi kapani-paniwala. Teka nga, hindi ba kayo natakot sa akin? Nagulat, nawindang o naloka? Galing ako sa ibang panahon."
Kasi kung ako makakarinig na galing siya sa ibang panahon, baka laitin ko siyang loka-loka o baliw. Kaloka sila.
Umiling si Faustino, "noong una na sinabi sa amin ni Rigo na galing ka sa ibang panahon, 'di kami naniwala pero si Rigo iyon, bakit siya magsisinungaling sa amin?"
Grabe iyong sinabi niya, talagang naniniwala sila kay Rigo. Matalik talaga silang magkakaibigan.
"Maganda ba sa panahon niyo, binibini?" Usisang sabi ni Andres.
Maganda ba sa panahon namin?
Napaisip ako sa tanong ni Andres, "Maganda? Siguro, mayro'n naman. Kasi malaya na tayo sa mga mananakop ng ibang lahi at teknolohiya."
Lumaki ang dalawang mata nina Andres at Faustino, "teknolohiya?"
Tumango ako, "Selpon para makapag-usap kayo kahit nasa malayong lugar ka. Kompyuter, laptop, mga bagon ng tren, busses, at iba pang tungkol sa teknolohiya."
"Ang dami naman. Umasenso na ang Pilipinas sa panahon niyo."
Umasenso na nga, inabuso naman.
"Umasenso pero inabuso ng mga tao..."
Kumunot ang kanilang noo.
"Inabuso dahil kung ano-ano ang kanilang ginawa. Inabuso ang kalikasan, kalayaan, at karapatan."
"Malalim," tumango-tango na sabi ni Faustino.
"Lalong dumami ang mga krimen, nawala ang kanilang mga takot sa diyos at sa magulang o sa ibang taong nakakatanda, nawala ang respeto sa bansang sinilangan." Pagpapatuloy na sabi ko.
"Mas gusto ko na pala rito sa panahon natin, Faustino. Nakakatakot sa panahon nila." Sabay tawa ni Andres.
Nakakatakot nga naman talaga.
"Pero, may mabuti rin namang nangyari, nakaahon tayo, naging malaya ang ating bansa, lumaban tayo sa mga bansang nakapaligid sa atin, lalo umangat ang turismo sa panahon namin. At, kaya na natin makipagkumpentensya sa ibang bansa na mayayaman." Sabay taas-baba ng kilay ko.
"Dapat lang. Pinaglaban namin sa panahon namin ang Pilipinas."
"Dahil sa inyo, sa panahon niyo, nakawala tayo sa mga mapang-abusong mananakop."
"Laban Pilipinas! Iwagayway ang bandera natin!" Sabay tayo ni Andres at tumalon-talon.
Ab-normal.
"Mahiya ka nga, Andres! Nakatingin na mga tao sayo. Nakakahiya ka!" Pagalit na sabi ko sa kanya.
Nakakahiya naman kasi. Mga nakatingin na sa amin ang mga tao. Siraulo talaga.
"Dapat pala magpasalamat ka sa amin, nakilala mo kami. Magiging isa ka sa mga history nito, binibini."
History? History mo mukha mo!
"Teka, binibini, bakit magkamukha kayo ni binibining Dette?" Pagtatanong ni Faustino sa akin.
Paano ko ba sasabihin sa kanila?
"Magkamukha nga kayo," sabay tingin ni Andres sa babaeng nakatayo na 'di kalayuan sa amin.
Si Dette.
"Hindi ko alam? Magkamukha ba kaming dalawa? 'Di ko kasi makita, e." Deny ko sa kanila.
Mahirap na.
"Magkamukhang-magkamukha." Sabay na sabi nilang dalawa.
Lumingo si Dette sa amin, at siyang lapit niya. Takbo na kaya ako? Nandito naman sila Andres, e. Hindi niya ako sasaktan.
"Nandito pala kayo," mahinahon na sabi niya sa akin.
Tumayo ang dalawang lalaki at yumuko kay Dette.
"Upo ka, binibini,"
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Bakit naririto ka, binibini?" Pagbubukas sa usapan ni Andres.
"Napadaan lang ako," sabay tingin sa akin.
Delikado.
"Nagpapahangi, binibini? Nasa'n pala sila Marie?" Tanong ni Andres.
"Nasa paaralan, may tinatapos na proyekto."
Nagkwentuhan kami tungkol sa kanilang pag-aaral. Napapagod na mag-aral si Andres pero may pangarap daw siya kaya tiis-tiis muna.
"Si Felipe nakita ko kanina, may hinahabol na isang babae."
"Si Apule?" Pagtatanong ko sa kanya. Ayan iyong pangalan na narinig ko kay Felipe noong una ko silang nakita ni Antonio.
"Si Apule, iyong anak mayaman. Ang kanilang angkan ay may p'westo sa itaas sa siyudad na ito. Maraming nagkakagusto roon pero pihikan at pinipigilan ng mga magulang ni Apule ang mga kalalakihan. Gusto ng magulang niya na ikasal siya sa mga Heneral ng siyudad na ito." Mahabang sabi ni Faustino.
"Si Heneral Karlo," sabat ni Dette.
Nag-usap ulit sila tungkol sa kanilang bayan at ito ako nakikinig lamang.
"Malapit na ang bakasyon, makakauwi na uli tayo sa bayan."
"Gusto ko na uli magpahinga at mamuhay na walang iniisip na anong gawain."
Mga tamad.
Humaba ang kanilang usapan ng maisipan nila Andres na bumili ng makakain.
"Bibili muna kami ni Andres ng makakain, dito muna kayong dalawa." Sibat ng dalawa at lumayo sa amin ni Dette.
Dalawa na lang kami.
"Narinig ko sinabi mo, nagsinungaling ka sa dalawa. Magkaugnay tayo." Tumingin ako sa kanya.
"Naaalala mo pa ba iyong sinabi ko? Kilalang-kilala kita, mula ulo hanggang talampakan mo. Mula sa ninuno mo hanggang sa kadulo-duluhan. Kilala kita Nicca Mae De Jesus. Aking kina-apo-apohan." Sabay ngiti niya sa akin.
Kilala nga niya ako.