Kabanata 20

1548 Words
"Naaalala mo pa ba iyong sinabi ko? Kilalang-kilala kita, mula ulo hanggang talampakan mo. Mula sa ninuno mo hanggang sa kadulo-duluhan. Kilala kita Nicca Mae De Jesus. Aking kina-apo-apohan." Sabay ngiti niya sa akin. Kilala nga niya ako. "P-paano mo?" Nauutal akong sabi habang nakatingin sa kanya. "Gusto mo bang malaman kung bakit nandito ka?" Ngumisi siya sa akin at tumingin sa paligid. "Alam ko kung bakit nandito ka sa panahon ko," dugtong niya. "B-bakit?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Wala rin akong alam kung bakit ako nandito, kung bakit sa lahat ng mga kamag-anak namin ako ang dinala, bakit 'di si Rico na siyang ka-angkan din ni Rigo? Bakit kailangan ako lang kung p'wedeng parehas kami ni Rico? Ang daya ng tadhana. "Dahil sa akin," sabay tayo niya. Napamaang ako sa sinabi niya. Sa kanya? Pero, bakit si Rigo ang unang nakakakita sa akin? Ang gulo naman nito. Mas magulo pa 'to sa math, e. "Teka lang, binibining Dette, dahil sa'yo? Pero, bakit si Rigo lang ang nakakakita sa akin nang mga panahong napapanaginipan ko kayo. Nang mga panahong nahulog ako sa lambak at boom, kayo na lagi nasa panaginip ko!" Sabay tayo ko rin at tinitigan siya. P'wede na gawing nobela ang aking buhay. "Iyon ang 'di ko alam, basta ang alam ko ako ang dahilan kung bakit nandito ka." Napakamot ako sa aking ulo at tinignan siya, "Labo. Huling usap namin ni Rigo siya raw ang humiling. Ayaw pa nga sa akin ipabasa ang buong talaarawan niya. Ang buhay mo ay ang buhay ko, ang buhay niya ay ang buhay rin ni Rico. Kaya nandito ako para itama ang lahat dahil mamamatay tayong dalawa." Sabay tingin ko sa kanya. Walang takot na namutawi sa kanyang mukha. 'Di siya nababakas ng takot at pangamba sa mangyayari sa amin. Ngumiti siya, "Siya mismong nagsabi? Mukhang iba ang alam niya sa alam ko," tumingin siya sa akin. Mata kung mata, "mamamatay nga tayong dalawa pero pati siya o sila kasama. May mangyayari sa pag-uwi natin sa San Bartolome, naka-depende sayo kung mabubuhay tayong dalawa o lahat." Gulong-gulo na ako. "A-ano? Wala akong naintindihan? Iba ang alam niya?" Gulong-gulo na talaga ako. Gusto ko na lang tumahimik at manalangin. "Sakop tayo ng mga Amerikano ngayon, sa panahon mo may alam ka ba kung anong nangyari sa panahon na iyon?" History. Wala akong alam. Send help to Mia. "Anong mayro'n sa panahon na iyon?" Tumango-tango si Dette, "Kaya pala 'di pinabasa ni Rigo ang buong talaarawan niya. Baka matakot ka sa mangyayari." "Ano bang mangyayari?" Kinakabahan na ako. 'Wag na lang kaya ako sumama sa San Bartolome? Mas safe pa ako rito sa Maynila. "Ikaw na ang tumuklas, Nicca." Lumakad siya at umalis na. Pero, 'di pa ako tapos sa kanya. Wala pa sa kalahati ang nalalaman ko. "Teka! Paano mong nasabi na ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako? Kasi iyong utak ko sasabog na sobrang daming pasabog niyo." Lumingon siya sa paligid. "Doon tayo sa likod niyan," sabay turo sa fountain sa likod namin. Pumunta kami roon at umupo sa mga bermuda grass. Walang tao banda rito. "Sumabay ka sa agos, lahat ng ito'y nangyari na, Nicca, lahat ng mga nakita mo mga nakaraan at magiging kasalukuyan mo. Lahat ng mangyayari sa akin at kay Rigo, mangyayari sa inyo ni Rico. Maliban sa mga digmaan o giyera sa panahong ito." Huminto siya ng may dumaang dalawang kababaihan sa harap namin. Ngumiti kami sa mga ito. At, nang makaalis saka siya nagpatuloy. "Isa lang sasabihin ko sayo, 'wag kang maniniwala kay Rigo at sa mga sinabi niya sayo. Lahat ng iyon ay pawang kathang-isip na gawa niya." Tumayo na siya, "hanggang doon lang ang kaya kong ibigay para makatulong sayo." Bago pa siya makalayo, may binigkas siya ng mga katagang napataas ng balahibo ko. "Ang sinauna at ang hinaharap ay pagtatagpuin. Magkahiwalay na panahon ay pagbubukludin. Sa gayong, hinaharap ay pagtitibayin." Nasa malayo na siyang nang humarap siya sa akin, "Alam kong matagal mo ng alam ang aking sikretong iniingatan, at niyan ang gustong malaman ni Rigo. Mag-ingat ka, Nicca! Magkikita tayo sa loob tatlong linggo." At tuluyan na siyang umalis. Tumayo na rin ako at baka hinahanap na rin ako nila Faustino. Mamaya ko na poproblemahin at iintindihin ang mga sinabi ni Dette. Kumakalam na ang aking sikmura. Nang makabalik sa p'westo namin, nakita ko na sina Faustino at Andres na ngumunguya na. "Sa'n ka galing, binibini?" Sumisilip siya sa likod ko. "Umalis na si binibining Dette," kaswal na sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya, "sayang! Akin na lang 'to. Ito sa'yo binibini, kanina ka pa namin hinahanap, nauna na kami sa'yo, pasensya na binibini." "Ayos lang." "Nagagandahan ka ba kay binibining Dette, Faustino?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. Napahinto sa pagnguya si Faustino. Ngumiti siya at nilapag ang kanyang kinakain na kakanin. "Lahat ng mga kalalakihang nandito ay kilala si binibining Dette, binibini, sa San Bartolome o dito unibersidad na pinapasukan namin. Lahat nagkakagusto sa kanya pero lahat ng iyon ay puro tanaw lang. Magiging isang duwag ako kung sasabihin kong 'di ako nagagandahan sa kanya, ang kanyang mukha ay maamo at lahat ng kalalakihan ay nahuhumaling sa kanya," huminto siya at tumingin kay Andres. "Kaya pati si Rigo ay may gusto kay binibini, pero kung lagpas sa usapan ang tinutukoy mo, hindi, binibini. May nagpapatibok na ng aking puso." Masayang sabi niya at kinuha ulit ang kakaning nilapag niya kanina. Tumingin din ako kay Andres, winagayway niya agad ang kanyang mga kamay. "Wala rin akong gusto roon, binibini. Alam ko na iyang titig na iyan. Hindi pa dumako ang isipan ko diyan." "Seryoso kayo? O, baka dahil kay Rigo kaya sinasabi niyo ito?" Umiling ang dalawa, "matagal na naming alam na may pagtingin si Rigo kay binibining Dette. Kami ang pumipilit sa kanyang sabihin ang totoo pero takot at pangamba ang laging bukam-bibig niya. Baka raw 'di siya ito magustuhan. Sino lang ba siya sa bayang San Bartolome?" Ngumunguyang sabi ni Andres. "Paano kung parehas ang kanilang nararamdaman?" Tanong ko sa kanila. Nagkibit-balikat lamang sila sa akin. "Kung tunay ang iyong sinabi, matutuwa niyon, pero wala tayong patunay, binibini, baka umasa sa wala si Rigo. Kaibigan namin siyang tapat kaya ayaw namin siyang masaktan." Maswerte si Rigo at may mga kaibigan siyang nag-aalala sa kanya. "Hindi namin alam kung anong mangyayari sa susunod na araw, 'di namin alam kung bakit nandito ka. Pero, ang isa lang alam namin ni Andres, may kailangan ka marahil sa panahon namin. Kung ano man iyon, sana matagumpayan mo." Ngumiti ako sa kanilang dalawa, kung makakabalik ako sa panahon ko 'di ko sila makakalimutan. Para silang sila Zidane, tuksuhan man pero solid ang barkadahan ng mga iyon. "Tatlong linggo na lang pala, tapos na iyong pag-aaral sa kwarter na ito. Tama ba?" Tumango ang dalawa. Ang tatakaw nila. Silang dalawa lang halos nakaubos ng binili nilang kakanin. "Pupunta na tayo San Bartolome," sabay palakpak nilang dalawa. "Unang beses naming 'to may kasama na pupunta sa bayan. Matutuwa siguro ang mga nandoon." "Magkakakilala kayong lahat sa bayang iyon?" Tumango ang mga ito "Oo, binibini, maliit lamang ang aming bayan kaya lahat magkakakilala," ani ni Andres habang ngumunguya. "Masaya sa Setyembre, may mga bagong pinapatupad ang mayor." Sabay taas-baba ng kanyang kilay. "Saang probinsya ba ang San Bartolome?" Ngayon ko lang narinig ito. "Parte ang San Bartolome sa probinsya ng Mindoro pero dati ito ay sa Probinsya ng Balayan." Huh? Ano raw? May probinsya bang Balayan? "Magulo ba? Iyon kasi ang tinuro sa amin noong elementarya at hayskul." Ah. Okay. Tumango na lang ako kahit 'di ko gets. "Pero nasa isla ang San Bartolome, diba? Dapat probinsya na iyon?" Tanong ko sa kanila. Need ko ng cellphone with internet para malaman kung sa'n sa Pilipinas ang San Bartolome. Baka napuntahan ko na ito at 'di ko lang alam ang kasaysayan ng mga napupuntahan ko. "Ganoon ba dapat iyon, binibini? 'Di namin alam, e. Ngayon palang kami bumabangon at nagkakaroon ng kalayaan matapos tayong sakupin ng mga Espanyol mahigit tatlong daang taon." Paliwanag ni Faustino sa amin. "Pero, gusto niyo pa rin mag-aral sa Espanya?" "Oo, binibini, maganda ang pagtuturo roon lalo na sa abogasya. Halos lahat doon gusto mag-aral." "Doon din nag-aral si Dr. Jose Rizal, at ang mga ibang sikat na tao dito na lumaban para sa kalayaan natin." Singit ni Faustino. "Sina Antonio at Felipe, 'wag natin tawagin mukhang may pupuntahan." Sabay turo sa dalawang lalaking naglalakad papunta sa fountain na pinagalingan ko kanina. Mga abnormal. Hahaha "Tawagin niyo, baka nakalimutan nila ang tungkol sa pag-alis natin." "Antonio! Felipe!" Luminga-linga ang dalawa at parang hinahanap kung sa'n galing ang mga boses na tumatawag sa kanila. "Dito kami! Antonio! Felipe!" Sabay kaway ko sa kanila. "Kumusta, binibini!" Bati ng dalawa. "Bakit narito kayo? 'Di niyo kasama si Rigo?" Pagtatanong ni Felipe habang tinitignan kami isa't-isa. "Nasa inuupahan namin, may bagay na inaasikaso lamang." Siyang sagot ni Andres. "Iyong pag-alis natin baka makalimutan iyong magkapatid kaya tinawag namin kayo. Iyon lang p'wede na kayong umalis." Pagtataboy ni Andres sa kanila. Raulo. "Sige, binibining Nicca, may pupuntahan pa kami. Nakapagpaalam na kami kay Ina." Sabay alis ng dalawang magkapatid. "Sige, una na rin ako sa inyong dalawa, may kailangan pa akong alamin." Paalam ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD