Kabanata 18

1079 Words
Isang linggo ang lumilipas. Ika-10 ng Agosto taong 1900. Linagyan ko ng ekis ang aking kalendaryo. Isang buwan na lang. Isang linggo na pero ang alitan ng dalawa ay tumitindi. Sina Antonio at Rigo. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa kanilang dalawa pero habang tumatagal ang dalawa lalong sila nagkakainitan. Hindi naman sila ganyan noong una nilang pagkikita. Tumayo ako sa harap nilang dalawa at tinitigan sila. "Ano bang mayro'n sa inyong dalawa?" Pagtatanong ko sa mga ito. Nandito kami sa garden ng paaralan nila, buti na lang parehas ang kanilang lunch break. "Wala, binibini." "Bakit naman kami magkakaroon ng alitan, binibini?" Sabay pa sumagot. Nakakaloka ang dalawang 'to. "Ayaw niyo magsabi?" Bumaling ako kay Antonio, "Antonio, anong mayro'n sa inyong dalawa? Ang hirap niyong intindihin!" Iniinis talaga ako ng dalawang 'to. "Wala akong problema sa kanya, binibini, isang araw ganyan na iyan. Masama tumingin sa akin." Sabay kibit-balikat ni Antonio. Bumaling ako kay Rigo, "Anong problema mo kay Antonio, Rigo? Noong una, ayos lang kayo, magkasundo pa nga kayong dalawa. Tapos, itong nakaraan, mukhang nagkaroon na ng digmaan sa pagitan niyong dalawa. Tinanong ko sila Faustino, ayaw sumagot." "Wala, binibini. Saka, sa'n mo nakuha ang bagay na iyon? Kami ni Antonio, magkaaway? May alitan?" Sabay tingin niya kay Antonio na ngayo'y chill lang sa p'westo niya. "Ako? Lolokohin niyong dalawa? Kitang-kita ko sa mga kilos niyo na may alitan kayo. 'Wag niyo nga ako baliktarin! Kayo na nga lang tinutulungan d'yan!" Galit na sabi ko sa kanila. "Bahala nga kayong dalawa diyan!" Sabay alis ko sa harapan nila. Halata namang magkaaway sila, tapos itatanggi pa nila. Nakakaloka. Ang tataas ng mga pride. Sarap kotongan ng dalawa. May naririnig akong yapak na sumusunod sa akin. "Bakit mo ko sinusundan?" Pagtataray ko sa sumusunod sa akin. "Binibini, hindi ko talaga alam kung bakit gano'n ang pakikitungo sa akin ni Rigo, kaya sinasabi kong wala kaming alitang dalawa." Huminto ako at hinarap siya, "Imposibleng wala kang ginawa o wala siyang ginawa sayo! Kasi kitang-kita sa mga mata niyo ang alitan. Antonio, sabihin mo na?" Pakikiusap ko sa isang ito. "Wala talaga ako alam, binibini. Sinundan kita kasi alam kong galit ka sa amin, at ayon ang ayaw ko, ang magalit ka sa akin." "Oo na, naniniwala na ako sa sinabi mo. Dapat kausapin mo siya kung bakit 'di kayo nag-uusap." Mahinahon na sabi ko rito. "Sige, kakausapin ko siya para sayo. Ngumiti ka na. Ganito oh," sabay lagay niya sa kanyang hintuturong daliri sa bibig niya. Ngumiti na rin ako sa kanya. Si Antonio niyong maaliwas ang itsura, pilyo noong unang kita ko sa kanya pero gano'n lang talaga ang ugali niya, sobrang bait ni Antonio. "Nakapunta ka na sa binondo?" Tumango ako rito. Nakapunta na ako roon, daming intsik. "Anong mayro'n sa binondo? Parehas lang ba ito sa Plaza San Lorenzo Ruiz?" Pagtatanong ko rito. "Hindi. Hindi kasi parke niyon, binibini, maganda lang ang tanawin doon, tanaw mo ang Maynila Bay tawag nila sa anyong tubig na iyon. Maganda roon kapag palubog na ang araw." "Mamaya na pala. Malayo ba roon?" Pagtatanong ko sa kanya. "Malapit lang binibini, nasa recto na tayo, ilang minuto lang nandoon na tayo." Sabay ngiti niya sa akin. "Gusto mo puntahan na natin para makapagmasyal pa tayo? Para makita mo ang binondo?" Tumango ako rito. Ano nga ba itsura ng binondo noon? Intsik town na nga ba ito simula sa panahon na ito? Naglakad na kami papunta, may mga kababaihan naglalakad din at mukhang papunta rin doon. Ang gaganda ng mga saya at camisa nila. Pagkarating namin, ang daming tao na ang nasa gilid ng tulay. Lahat yata sila'y gustong masilayan ang paglubog ng araw. Hinatak ako ni Antonio, nakipagsiksikan siya sa mga tao. "Dito, binibini, kitang-kita natin ang paglubog ng araw nasa gitna tayo." Ang kapal din ng mukha ng isang 'to. Nakipagsiksikan talaga para nasa gitna kami. Dumami ang mga tao habang paglubog ang araw. Sa tanang buhay ko, nasilayan ko ang magandang paglubog ng araw. Kitang-kita ang repleksyon nito sa Maynila Bay. Nang tuluyang lumubog ang araw at nagsimula ng dumilim ang kalangitan, unti-unting kumonti ang mga tao sa tulay. "Ang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kay gandang paglubog ng araw." Sabay tingin ko kay Antonio at ngumiti sa kanya. "Salamat," tumango lang siya sa sinabi ko. Nilibot namin ang Binondo at kumain rito. Nang lumalim ang gabi, doon na ako hinatid ni Antonio sa apartment na tinutuluyan ko. "Salamat, Antonio. Gawin mo iyong pinangako mo sa akin kanina. Kausapin mo si Rigo." Paalala ko sa kanya. Tumango ang huli, "Pangako, binibini. 'Di ko babaliin niyon." Hanggang makaalis na siya. --- Magkikita kami nina Andres at Faustino pero hanggang ngayon wala pa rin silang dalawa. Nandito na ako sa plaza habang nililibang ang sarili sa mga taong nagshoshow rito. Kahit kailan talaga, ang babagal kumilos nina Andres at Faustino. Daig pa babae. "Pasensya na, binibini, tinakasan pa namin si Rigo." Kakamot-kamot na sabi ni Andres. Kahit kailan talaga. Gasgas na niyang sagot. "Wala na bang bago?" Bagot na sabi ko sa kanila. "Mayro'n naman, binibini, tumakas kami. Hehehe." Sumasagot pa si Faustino. "Aray naman, binibini, sadista ka talaga." Sabay himas sa parteng binatukan ko. "Ang kukupad niyo talaga, kahit kailan talaga!" "Pasensya na, hindi na mauulit. Buti na lang alam naming galing ka sa ibang panahon..." bulong na sabi ni Andres. Bubulong-bulong pa, naririnig ko naman. Siraulo. "Anong mayro'n sa dalawa? Kay Antonio at Rigo?" Seryoso tanong ko sa kanila. Wala kasi akong nakuhang sagot sa dalawang iyon, e. Kumibit-balikat lang si Andres. "Hindi namin alam, hindi naman nagsasabi si Rigo." "Ikaw, Faustino?" Tahimik kasi ang isa at hindi nagsasalita. "Baka akala kalaban si Antonio..." Kumunot ang aking noo, "kalaban?" "Ah-eh? Ano?! Magkalaban yata sila sa paaralan ngayon? Paligsahan... Oo, paligsahan! Doon din kasi nag-aaral sina Felipe at Antonio, Binibining Nicca. Diba, Andres?" Sunod-sunod na tumango si Andres kay Faustino. "Sigurado ba kayong dalawa? Baka may malalim pang dahilan?" Umiling ang mga ito sa tanong ko. Hindi maganda kutob ko, e. Hindi lang dahil sa paligsahan. "Alam niyo na ang tungkol sa akin?" Paninigurado ko sa kanilang dalawa. Tumango ang mga ito. "Mas gusto namin malaman sayo, binibini." Tumayo kaming tatlo at naghanap ng p'westo na walang masyadong tao. Umupo kami rito sa malaking puno sa plaza-ng ito, napapaligiran kami ng mga puno at walang masyadong pumupunta rito sabi ng dalawang mokong. Umupo kami sa damuhan habang nakasilong sa malaking puno ng acacia. "Galing kasi ako sa makabagong panahon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD