Kabanata 17

963 Words
"Anong ginagawa niyo?" Pagtatakang tanong sa kanila ng s'yang paglingon nila sa akin. "Kaibigan mo ba ang mga ito?" Sabay turo ng isang babae sa kanila. Tatango ba ako? Kaibigan ko ba sila? Nakatingin sa akin ang tatlo at nagmamakaawa ang kanilang mga tingin. Gulp. "Ah-eh?" "Ano?" Tapang ni ate girl. Akala ko ba dalagang pilipina sila? "O-oo?" Tinakpan ko ang aking bibig. Bakit ako um-oo? Mapapahamak ako nito, e. Lumapit ang babae sa akin. Wala bang gagawin niyong mga nanonood sa amin? Titignan lamang nila kami? Akmang sasampalin na niya ako ng may kamay na pumigil dito. "Hindi magandang asal para sa isang babaeng katulad mo lalo na't walang kasalanan ang iyong gagantihan." Ang kanyang boses. Si Antonio. Lumingon ako sa kanya at isang ngiti lang binigay niya sa akin. "Kanina ka pa namin hinahanap, binibining Nicca. Naghiwa-hiwalay pa kami para mahanap ka. Ang bilis mong maglakad." Sabay ngisi niya sa akin. Lumapit ako sa kanya. Amasona iyong babae, e. Katakot. "Sila binibining Dette," sabay nguso sa p'westo ng tatlo. Ngumuso rin siya sa akin. Aba't siraulo. Binatukan ko siya at tinuro sila Binibining Dette gamit ang aking kanang hintuturo. "Sino sila?" Nagtanong pa siya, oh. "Maya ka na magtanong, tulungan mo na sila." Pinandilatan ko siya. "Tara na mga binibini, hanap pala kayo ng mga kaibigan ko." Tatayo na sana ang tatlo pero humarang dalawang babae, kasama yata ang mga ito. "Hindi maaari, Ginoo. May kasalanan pa sila sa amin." Kumunot ang aking mga noo. Sila, may mga kasalanan? Hindi naman p'wedeng nagnakaw ang mga ito? May mga kayà ang tatlong 'to. "Anong ho kasalanan nila?" Matapang na tanong ko sa kanila. "Ito, itong babae na 'to, inaakit ang aking kasintahan!" Sabay turo roon kay Marie na ngayo'y umiiyak. Kanina pa yata siya umiiyak base sa mata niyang pulang-pula na. "Dahil lamang sa lalaki, binibini, kaya sinasaktan niyo sila? Napatunayan mo bang inakit ang iyong kasintahan?" Wow! Si Antonio ba 'tong nagsasalita? Ibang-iba sa unang nakilala kong siraulo. Hindi umimik ang tatlong babae. "Kayo ho, nakikita niyo ng sinasaktan ang tatlong dalagang babae pero wala kayong ginawa? Pilipino ho ba talaga kayo?" Hindi rin umimik ang mga taong nanonood. May iilang umalis na at mukhang natamaan sa sinabi ni Antonio. P'wede siyang maging Abogado balang araw. "Tumayo na kayo d'yan, binibini." Isang baritonong boses ang bumalot sa amin. Nakakatakot si Antonio. Tumayo sila Binibining Dette, pinagpagan ang kanilang mga saya, inayos ang kanilang magulong buhok at lumapit sa amin. "Aalis na kami," Naiwang nakatulala ang tatlong babae siguro natakot kay Antonio. Nang makalayo kami sa pinangyarihan, doon lamang tumigil sa pag-iyak si Marie. "S-salamat, ginoo. Kung hindi kayo dumating namumula na siguro ang aming mga pisngi." "Sa kanya kayo magpasalamat," sabay turo sa akin ni Antonio. Napatingin ako kay Binibining Dette na nakatingin din sa akin. Kinakabahan na uli ako. "Kung hindi niya kayo nakita, panigurado niyon." Dugtong niya. Huminto kami sa isang tindahan ng mga damit. "Sabi namin, dito kami magkikita-kita uli kung sino sa amin ang makakahanap sayo." Tumango kami sa sinabi niya. Ang babagal talaga kumilos ng mga kumag. Ilang oras ang lumipas at nakita na naming tumatakbo ang apat na lalaki papunta sa p'westo namin. Oras. Tumagal sila ng isang oras. Grabe sila maghanap, ha. "Ang tagal niyo naman bumalik. Inikot niyo ba ang buong Escolta?" Tanong ko sa mga 'to. Tawa lang ang sinagot nila. Mga kumag talaga. "Mga binibini, ano hong ginagawa niyo rito? At, bakit namumula ang inyong mga mata, binibining Marie? At, ang inyong mga saya at camisa?" Pag-uusisa ni Faustino sa mga kasama namin. Walang sumasagot sa tatlo para silang mga walang narinig. "Nakita sila ni Binibining Nicca, may kaaway sa kabilang kalye. Dahil lamang sa lalaki." Umiiling-iling na sabi ni Antonio. "Seryoso? May gano'n palang mga babae? Pinaglalaban ang mga lalaki. Swerte nu'ng lalaki." Sabat naman ni Felipe. "Anong swerte roon? Ganoong mga lalaki, 'di pinaglalaban. Dapat doon hinihiwalayan agad. Mga manloloko." "Ay! Ganyan talaga kapag walang kasintahan." Aba't gagong Felipe 'to. "Siraulo." "Bumalik tayo sa pakay natin, lumalayo na tayo dahil sa mga kalokohan niyo. Dahil lamang sa lalaki, binibining Marie?" Paulit-ulit Rigo? Tumango ang huli, "inaakit ko raw ang kanyang kasintahan. Hindi ko naman kilala kung sino ang kanyang sinisinta." Bakas sa boses niya ang sinsero. Mukhang wala nga siyang alam. "Buti na lamang nakita kayo ni binibining Nicca." "Kaya nga nagpapasalamat kami sa kanya kung hindi dahil sa kanya marahil sinaktan na kami ng mga babae kanina habang pinapanood ng ibang tao." "Wala 'yon, buti na lang din sinundan ko kanina ang mga lalaki." Huminto kami sa Plaza ng San Lorenzo Ruiz, doon umupo at tumambay. Pinapanood ang mga batang naglalaro, mga magkasintahang nakatambay rin at mga taong nanonood ng mga palabas sa plaza. "Uuwi ba kayo sa atin sa Setyembre?" Pagbubukas sa usapan ni Dette. "Uuwi kami, kasama namin si binibining Nicca." Sabay tingin sa akin Andres. "Sa'n kayo uuwi? Magbabakasyon ba kayo?" "Sama ba kayo, Antonio? Magkakaibigan naman na rin tayo, e. Sama kayo ni Felipe!" Pang-aaya ni Faustino. "Masaya 'yan! Magpaalam tayo kay Ina, Antonio." Parang bata naman 'tong si Felipe. "Kailan ang alis natin?" Tanong ko sa kanila. Baka magulat ako bukas agad. Nakakaloka ang mga 'to magplano. "Tatlong linggo pa naman bago mag-Setyembre, kaya makakapaghanda pa tayo. Saba-sabay na tayo lumiwas sa bayan natin." "Mas marami, mas maganda at hindi nakakabagot ang byahe." Pagmamayabang ni Andres. -- Naglibot kami sa buong plaza, mga nanood ng palabas at nakipaglaro sa mga batang nandito. Walang nakapansin sa aming dalawa. Walang nakaalala sa amin. Sa araw na iyon, may nalaman ako sa mga nangyayari sa akin at sa amin. Nalaman ko kung bakit ako nandito at ano ang misyon ko. At, hindi nila alam sa susunod na tatlong linggo, may mangyayari sa amin. Hindi magandang pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD