Kabanata 6

1480 Words
Sobrang pagod ng makauwi ako sa bahay. At binagsak ang katawan sa malambot na kutson. Nagkausap kami ni Rico kanina, pero 'di n'ya raw kilala si Rigo. Wala raw s'yang matandaan na may nagngangalang Rigo sa pamilya nila. Itatanong n'ya kay Tita kung may Rigo sa pamilya nila. Kaya ito ako nababaliw na naman sa pagkatao ng Rigo na 'yon. Sila na lang lagi ang nasa panaginip ko. Nakatingala ako sa kisame ng kwarto ko nang dapuan ako ng antok. "Uhm..." sabay palo sa binti ko. Ang dami naman yatang lamok sa kwarto ko. Tumagilid ako at sa pagbukas ng mata ko, bigla ako tumayo agad at nagtatatakbo. Ano ba naman 'to, nananaginip na naman ba ako? Isang baka lang naman ang katabi ko at nakatitig din ito sa akin. Nasa'n na naman ako? Dapat talaga masanay na ako kung sa'n-sa'n ako napapadpad. Naglakad ako palabas sa kakahuyan na 'to. May nakita akong arko, at nakalagay rito "Maligayang Pagdating sa Bayan ng San Bartolome," basa ko rito. San Bartolome? Sa bayan nung Dette? Lumakad ako papasok ng Bayan ng San Bartolome. Mga nagtataasang puno ang bumungad sa akin. May maliit na ilog ako nadaanan bago ko nakita ang mga bahay na nandito. Sa paglalakad ko, may nadaanan akong isang parke. Walang antubili akong pumasok dito. Mga nakakalat ang mga benches, mga masaganang puno at mga bata na naglalaro. May nakita akong nagkukumpulan mga kababaihan, sa paglapit ko, namukhaan ko sila. "Dette, usap-usapan sa bayan natin, narito na raw si Rigo." Sabi ng isang babae, s'ya si Marie. Si Rigo. "May mga nakakita na raw sa kanya na umuwi rito kasama sina Andres at Faustino." Dagdag pa ng isa nilang kasama. Sobrang sikat ba ni Rigo rito? At, sobra s'yang hinahangaan ng tatlong ito. "Marahil nagkukulong lamang s'ya sa kanilang tirahan. Alam naman nating gusto n'ya laging mag-isa." Sagot ni Dette sa dalawa. Hindi naka-imik ang dalawa. Lumakad ang tatlo palabas ng parke, s'yang pagsunod ko. May mga iilang tao na binabati sila at ang iba'y yumuyuko sa kanilang tatlo. Mukhang may kapangyarihan ang mga 'to rito sa bayan. Hindi ko napansin, tumigil sila sa isang malawak na lupa at sa dulo nito ay may nakatayong lumang bahay. Base sa instruktura at design ng bahay. May dalawang palapag ito, may terasa  sa harap ng bahay, may maliit na oasis sa bandang kanan, may malalagong bulaklak at malalaking puno na narito. Pumasok ang tatlo sa gate, s'ya pasok ko rin. Maaliwas ang kanilang bahay. "Dette, kami'y uuwi na, alam mo naman si ina, mahigit isang linggo lang tayo rito sa bayan." Paalam ni Maria - ang kakambal ni Marie. "Oh s'ya. Pakisabi na lang kay Tiya, dadalaw ako sa kanya bukas bago pumunta sa cathedral para pamunuan ang misa." Sabi ng dalagang si Dette. Umalis ang dalawa at s'ya'y pumunta sa kanyang silid. Nahiga s'ya sa kanyang kama,  tinanggal ang kanyang kwintas at nilapag sa lamiseta. Nilapitan ko s'ya, sa paglapit isang malumanay na paghinga ang sumalubong sa akin. Nabaling ang tingin ko sa lamiseta kung sa'n n'ya nilagay ang kanyang kwintas, kinuha ko ito at iniangat. Isang kwintas na may orasan pala ito. Binalik ko rin agad, at nilibot ang tingin sa buong silid n'ya. Ang kanyang kama na ang disensyo ay makaluma, may apat na haligi ito sa makabiling gilid at may bubong ito, sa harap ng kanyang kama, may isang malaking baul. Binuksan ko ito, bumalot sa akin ang alikabok. Matagal na siguro n'ya 'di 'to binubuksan. Sa pagbukas, puro mga scrap book - base sa labas nito, mga sulat, mga photo album. Kinuha ko ang isang scrap book, sobrang girly ng design, binasa ko ang isa sa mga sinulat n'ya rito. "Masungit na binibini pero lumalambot pagdating sayo." Yuck. Cheesy. Nilipat ko sa ibang pahina. "Ako'y may lihim na pagtingin sa'yo, ngunit akala mo'y lahat isang biro lamang..." Ano ba naman mga laman na 'to. Iniscan ko ang lahat ng pahina ng scrap book na 'to puro mga ka-cheesy-han. Mukhang inlove ang isang 'to ha. Kanino man kaya? K-kay Rigo kaya s'ya inlove? Kinuha ko naman ang isa sa mga sulat n'ya. In fairness, maganda ang penmanship n'ya. Ika-anim ng Marso San Bartolome Rigo; Ako'y matagal ng may lihim na pagtingin sa'yo pero laging ilag ka sa maraming tao. Isa man sa bayan natin, wala kang kinakausap o tinatapunan lamang ng tingin. Maliban sa mga kaibigan mong sina Faustino at Andres. Siguro sa pagiging masungit ko sa'yo, mag-iiba ang iyong trato pero 'di pa rin sapat para mapansin mo ako. Hanggang, naaksidente akong nahulog sa bangin nang dahil sinuway mo 'ko. Sinisi mo ng labis ang iyong sarili sa nangyari sa akin pero isa lang ang gusto kong sabihin sa'yo, 'di mo 'yon kasalanan. Paghanga ko sayo'y lalong lumalim pero iyong anino'y lalong naging mailap dito sa bayan at sa maynila. Balang araw, magkakaroon din ako ng lakas ng loob para ibigay 'tong mga sulat pero sa ngayon, ako'y iipunin muna ang mga ito. Nagmamahal, DETTE DE JESUS. Dette De Jesus? Ka-apeliydo ko s'ya. Base sa sulat n'ya, mukhang matagal na s'yang may lihim na pagtingin dito. Manhid ba iyong Rigo na 'yon? Para always naman n'yang pinaparamdam nitong Dette na'to, na may pagtingin s'ya sa lalaki. Binalik ko ang sulat at kinuha ang isa sa mga photo album n'ya. 'Di naman yata photo album 'to. Binuksan ko ang unang pahina. "Mga larawan na likha ni Dette De Jesus," basa ko sa unang pahina. Sa paglipat ko, bumungad sa akin ang anim na mga tao base sa kanyang drawing. Dalawang lalaki at apat na babae. Detalyado ang kanyang pagguhit, mga mata, bibig at hugis ng mukha. Sa anim na taong nasa drawing n'ya, namukhaan ko s'ya. Wala akong mapintas sa kanyang gawa, pulido ang kanyang pagkakadrawing. Nilipat ko sa kabila, at laking gulat sa aking nakita. Mukha ni Rigo ang bumungad sa akin. Sa kanyang kilay, mata at bibig. Isama mo pa ang kanyang tindig, alam mo na agad s'ya ito. Ilan beses ko na ba nakita si Rigo. Kaya 'di ako magkakamali na s'ya itong nasa drawing. Binuklat ko pa ang lahat ng pahina ng photo album na 'to, puro pagmumukha niya lang ang nakalagay. Binalik ko uli sa baul. Nang wala na akong magawa sa loob ng kanyang silid, lumabas ako sa kanyang kwarto, sa aking paglabas  nasa ibang silid naman ako. Tinignan ko ang paligid, dumako agad ang paningin ko sa isang malaking frame na nakasabit sa taas ng malaking kama. Isang lalaki ang nasa frame. Nilapitan ko ito, bumungad sa akin ang mukha ni Rigo. Tinitigan ko itong mabuti at habang tumatagal, nagiging kahawig n'ya si Rico. Mga mata nilang parehas bilugan, makakapal na kilay, ngiting umaabot hanggang mata at kanilang tindig ay parehas na parehas. Para s'yang si Rico. Napalingon ako ng marinig kong bumukas ang pinto, niluwa nito ay ang taong gumugulo sa isip ko. Ngumiti s'ya sa akin at sinarado ang pinto. "Kumusta, binibini?" Lumapit s'ya sa kanyang lamesa sa ilalim nito ay hinila n'ya ang upuang bilog. "Kumusta ang iyong panaginip? Sa iyong pagpunta rito sana may nakuha ka ng sagot sa lahat ng palaisipan na 'to," Napalunok ako dahil sa sinabi n'ya. "K-kamag-anak mo si Rico? Tama ako diba?" Nauutal na sabi ko rito. Ngumiti lang ang huli. Tumingin s'ya sa frame na nandito. "Kamukha ko ba?" Tumango ako sa kanya. Lumapit s'ya sa akin at may binulong, "Mag-iingat kayong dalawa," Bumilog ang dalawang mga mata ko. "B-bakit?"  Pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. "R-rigo, a-alam mo bang mahal ka ni---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng higupin ako ng katinuan ko. Napabangon ako, hinilamos ang mukha ko. Panaginip. Tumingin ako sa desk clock na nasa gilid ko, alas-sais na ng umaga. Kailangan kong makausap si Rico at si Daddy kung may kamag-anak ba kaming Dette De Jesus. Pagkababa ko, nadatnan ko sina Daddy at Mommy sa sala habang humihigop ng kanilang mga kape. Umupo ako sa tabi ni daddy habang nanonood ito ng news. "'dy, may itatanong sana ako sa'yo," lumingon s'ya sa akin, "About?" Huminga ako ng malalim, "About po kay Dette De Jesus," naibaba n'ya ang kanyang tasa at nilingon ako. "Kanino mo narinig ang pangalan n'yan?" Otoridad na sabi n'ya. Naguguluhan ako, may nasabi ba akong mali? Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy at pinapakalma ito. Huminga ito ng malalim, "Great great grandmother mo s'ya, Nicca. Bunso sa apat na magkakapatid ang lola Dette mo. Buong pangalan n'ya Nicadette De Jesus. Sa kanya namin hinango ang pangalan mo, dahil magkahawig kayo. Hanggang doon lang ang alam ko." "P-paano s'ya namatay, 'dy?" Bigla na lamang lumabas sa mga bibig ko. "Walang sinabi sa amin, sa mga unang kamag-anak. Basta alam namin, maagang binawian s'ya." Tumango ako rito. So, great great grandmother ko si Dette De Jesus? At, great great grandfather naman ni Rico iyong Rigo? T-teka, pupuntahan ko si Rico para ma-confirm ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD