"Nasaan ka Irog,
At dagling naparam ang iyong pag-ibig?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?"
May naririnig akong kumakanta. Ang lamig ng kanyang boses. Sinundan ko ang tinig n'ya.
Napadpad ako sa isang burol na may nakatayong puno ng mangga. At, may nakita akong isang lalaking naka-upo na may hawak na gitara.
Pinagmasdan ko s'ya kung sa'n ako nakatayo ngayon. Kapwang nakapikit ang mga mata n'ya.
"Tandaan mo irog,
Irog ko'y tandaan
Ang lahat sa Buhay ko
ay hindi maglalaho''t
Magsisilbing bakas
'Tang Pagsuyo,
Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?"
Ramdam ko ang kanyang pagkanta. Parang may gusto s'yang ipadama sa isang taong kanyang iniibig.
Napapikit ako sa lamig ng kanyang boses, dinadamdam ang bawat mga katagang lumalabas sa kanyang bibig.
Biglang tumigil ang kanyang pagtugtog, boses na sinlamig, biglang nawala. Dinilat ko ang aking mga mata, wala na s'ya sa kanyang kinauupuan kanina.
Luminga-linga ako sa paligid pero 'di ko s'ya makita. Pumunta ako sa p'westo n'ya kanina kung sa'n s'ya naka-upo.
"Magandang umaga para sa isang magandang dilag,"
Nanlaki ang mga mata ko, 'di ako makalingon. Nasa likod ko nanggagaling ang boses na 'yon.
"Ano ang maaari kong maitulong sa'yo, binibini?"
Ang boses n'yang singlamig kung kumanta, naging isang malumanay.
Dahan-dahan akong lumakad palayo sa kanya. Pero, isang hakbang pa ang ginawa ko, may tumigil na mga kamay sa aking braso.
napalunok ako.
"Sa'n ang iyong tungo, binibini? 'Di r'yan ang daan tungo sa labasan."
'nimal.
Pinaharap n'ya ako sa kanya. Laking gulat ko. S'ya si Rigo.
"I-ikaw? N-nakikita mo 'ko?" Turo ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko.
Pati s'ya nagulat din. Binalik n'ya ang kanyang emosyon.
Ngumiti s'ya sa akin. Ngiting parang matagal na n'ya ako kakilala.
Tumango s'ya.
"P-paano mo 'ko nakikita? Isa lamang itong panaginip. Nasa panaginip lamang kita!" Sabi ko rito. Nababaliw na yata ako.
Palakad-lakad na ako sa harapan n'ya habang kinakagat ang kanang hintuturo kong daliri.
"Malalaman mo rin 'yon. Kung bakit kita nakikita at bakit kita nakakausap. Higit sa lahat kung bakit mo ito napapanaginipan."
Huh? Anong sabi n'ya. Hindi agad na-proseso ng utak ko.
Magtatanong sana uli ako. May bigyang dumating.
"Rigo, kanina ka pa hinahanap ni Tiya," tinignan ng lalaki ang puno ng mangga. "Sabi na nga ba'y narito ka." Umiiling na sabi n'yan
Ngumiti lamang si Rigo.
"Mauna ka na, Andres. Ako'y may kukunin lamang. Sabihin mo kay Ina, ako'y sandali lamang." Sabay tingin sa akin ni Rigo.
Umalis ang huli.
Umakyat si Rigo sa puno ng mangga at maya lamang bumaba rin ito.
May dala s'yang tatlong hilaw na mangga. Nasa sanga pa ang mga ito.
Lumapit s'ya sa akin at agad na nilagay sa mga kamay ko ang mga mangga.
Kinuha n'ya ang kanyang gitara at ngumiti sa akin.
"Sa susunod na magkikita tayo, malalaman mo na lahat ang tungkol sa akin at kung bakit mo 'to napapanaginipan."
Lumakad na s'ya. At, ang huli n'yang sinabi ang nagpatanong sa sarili ko.
"Ingatan mo si Rico, Nicca."
Kilala n'ya ako at si Rico.
Hahabulin ko sana s'ya, nilamon na naman ako ng dilim.
"Nicca, wake up! Wake up!"
Kung may anong yumuyugyog sa aking katawan. At, pilit nila akong ginigising.
May naramdaman akong malamig na tumutulo sa aking buong katawan. At, sa pangalawang pagkakataon na may naramdaman akong malamig, ay s'yang balikwas ko.
"OMG! Nicca!" Niyakap nila ako.
"Akala namin kung ano na nangyari sa'yo! Kanina ka pa namin ginigising pero puro ungol lang naririnig namin." Umiiyak na sabi ni Rhia.
Ito ako basang-basa. Tumutulo pa sa damit at sa buhok ang mga butil ng tubig.
Tumayo ako at kinuha ang towel na nandito sa kwarto ko.
Narito sina Angie at Rhia para tapusin ang research namin para sa requirements.
"Si Rico?" Bulaslas ko sa kanila.
Naguguluhan man sila sa sinabi ko, "S-si Rico?"
Tumango ako kay Rhia habang nagpapalit sa damit.
"'Di namin alam? Siguro nasa kanila? Hatinggabi palang ngayon, e." Maarteng sabi ni Angie.
"Omg! Akala talaga namin binabangungot ka. Tatawagin na sana namin si Tita, e." Dugtong nito.
"Kailangan ko makita si Rico," pero pinigilan nila ako.
"Nicca, ano ba nangyayari sa'yo? Hatinggabi pa lang ngayon. Need natin tapusin itong research natin. Bukas mo na puntahan si Rico, makikita naman natin s'ya school." Sermon sa akin Rhia habang nakahawak sa magkabilang braso ko.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong nila.
Umiling ako. Lumakad sa sahig kung sa'n nakakalat ang mga laptop.
"Umpisahan na natin 'to,"
Inumaga na kami ng matapos namin ang research. Pinulido talaga namin ang paggawa para 'di na kami pabalikin ng prof namin.
Naglalakad kami sa malawak na field ng school habang tirik na tirik si haring araw.
Ngayon ang defense ng research namin, kaya kailangan namin maipasa ito kung hindi 'di kami gagraduate at 'yun ang ayaw namin mangyari.
"Nicca, hahanapin ba natin si Rico?" Nagtatanong na sabi ni Rhia habang hawak-hawak ang payong.
"'Di na. Makikita naman natin s'ya sa accreditation room."
Humarap sa amin si Angie habang nakataas ang kanang kilay nito.
"Teka lang ha! Teka, ba't mo nga ba hinahanap si Rico, Nicca? Last time, i know, makagalit kayo. I mean, ayaw mo sa kanya kahit friend ang mga parents n'yo." Nagtatakang sabi n'ya habang nakalagay ang kanang hintuturo n'ya sa kanyang sentido.
"Wala," sabi ko rito. Lalampasan ko na sana s'ya pero naharangan n'ya ulit ako.
"Anong wala? Hatinggabi tapos hahanapin mo si Rico? Kilala ka namin, Nicca. We're childhood friends." Nakatingin pa rin s'ya sa akin at naghihintay ng sagot. Gano'n din si Rhia.
"Sumagot ka na, Nicca Mae De Jesus! Bakit mo hinahanap si Rico?"
Grabe, parang may nagawa akong malaking kasalanan.
"Okay, fine!" Pagsuko ko rito.
Titig na titig sila sa akin kahit nandito kami sa ilalim ng initan.
"P'wede sumilong muna tayo, mainit kaya." Sabi ko sa mga 'to, 'di sila natinag.
"Dito na, Nicca. Kilala ka namin iibahin mo mamaya ang topic natin."
Kilala talaga nila ako.
Napakamot ako sa buhok ko, "May itatanong lang ako kay Rico. Tungkol sa angkan nila." Aalis na sana ako kasi sobrang pawis na ang likod ko. Amoy pawis na kami.
"Wait lang," nakaka-inis talaga minsan si Angie sa sobrang usisera.
"May itatanong lang? Baka iba na 'yan?"
Tinarayan ko s'ya at iniwan sila sa gitna ng field.
Narinig ko na lamang ang tawanan ng dalawa.
Kung 'di ko lang talaga kayo kaibigan.
Natapos ang defensed namin. Lahat kami pumasa. Lahat kami magmamartsa sa stage na suot ang itim na toga.
"Nicca," siko sa akin ni Angie. "Si Rico, oh!" Sabay tingin kay Rico na nasa kanan namin kasama ang matalik n'yang kaibigan na si Kian.
"Akala ko ba may itatanong ka sa angkan nila?" Sabat na tanong ni Rhia.
"Mamaya na lang," habang nakatingin ako sa mukha ni Rico.
Ang hindi maalis sa isipan ko, Sino ba si Rigo? Kaano-ano n'ya si Rico? Coincidence lang ba 'to, O, talagang magkahawig silang dalawa?
Naguguluhan na ako!