Anong ingay n'yon? 'Di ako makatulog. Inaantok pa ako.
Tumagilid ako ng higa at tinakpan ko ang kaliwang tenga ko. 'Di pa rin tumitigil ang ingay.
Pumupungas na bumangon ako habang kinukusot ang mga mata ko. Naalimpungatan ako. Sino bang istorbong n'yon at ayaw magpatulog?
Pagkadilat ko, s'yang pagtataka ko naman.
Nasaan na naman ako? Ang huli kong naaalala, nasa loob ako ng kwarto at nagpapahinga dahil sa sandamakmak na requirements sa school.
Natataranta akong tumayo at nilibot ng tingin ang paligid. Puro kalesa ang nakikita ko, mga taong naka baro't saya? Tama ba 'tong nakikita ko? Baro't saya? Baro't saya ang suot nila! May eksaktong tawag dito, Maria Clara dress and barong tagalog.
Kinusot ko ang mga mata ko, baka namamalikmata lang ako pero 'yun pa rin suot nila.
Tinignan ko ang p'westo ko kung sa'n ako nakahiga at sa ilalim ng street signage ako nakahiga.
Binasa ko ang pangalan ng street, Escolta. Sa'n ko nga ba narinig 'yon?
Sa may Binondo! Nasa binondo ako!
Bakit puro kalesa ang nandito at 'di mga kotse? Walang mga jeep? Ang mga kasuotan nila mukha noong kupong-kupong pa.
Halos mga kalalakihan ang mga nakikita ko rito, may iilang babae pero bilang lamang.
Naglakad-lakad ako sa kahabaan ng Escolta. Mga nagtataasang gusali ang nandito. Shops and boutiques selling. Tama nga 'yong prof namin sa social studies.
Napadaan ako sa isang boutiques. Kasuotan ang binebenta nila. May pumukaw sa atensyon ko at pumasok ako.
Isang Maria Clara dress na kulay rosas. Bago pa ako makalapit dito ay naunahan na ako.
"Magandang araw, Ginoong Javier. Kay ganda ng Sayang ito, nais ko ho bilhin," walang antubili n'yang sabi sa lalaking nakatayo rito. S'ya yata ang may-ari.
"Bagay talaga sa'yo ang ganitong klaseng kasuotan. Lalong lilitaw ang iyong kulay."
Kinuha ng lalaki ang saya at agad itong nilagay sa malaking kahon. Nagbayad ang babae at ngumiti rito.
Nang makaalis ang babae, s'yang pagsunod ko naman sa kanya.
Sinusundan ko lang s'ya hanggang tumigil s'ya sa isa sa mga foutain na nandito.
Tinignan ko ang paligid puro mga matataas na puno at dalawang fountain ang nandito. Isa sa kaliwa bahagi ng lugar na ito at rito sa kanan bahagi kung nasaan ako. Ang inaapakan ko naman ay mga d**o. Bermuda grass.
May nakita akong arko at lumapit dito. 'Di naman gaano malayo sa babaeng sinusundan ko. Ewan ko ba, bakit sinundan ko s'ya parang may kung anong magnet ang mga paa ko at sinundan s'ya.
"Plaza San Lorenzo Ruiz," basa ko sa arko.
Plaza San Lorenzo Ruiz? Sa'n naman n'yon? Baka malapit lang dito sa Binondo. Baka nga. Lumakad lang naman kami papunta rito.
May dumating na dalawang babae sa babaeng sinundo ko kanina. Agad na lumapit ako sa pwesto nila.
Sila 'yong nasa school, roon sa panaginip ko. Sila iyong tatlo na 'yon!
Lumapit ako sa kanila, gano'n pa rin blurred pa rin ang mukha nila sa akin. Parang natatakpan ng usok ang pagkakarehistro ng mukha nila 'pag tinitignan ko sila.
Kapag sa ibang tao naman ako tumitingin, 'di naman blurred. May koneksyon ba sila akin?
"Nabili mo na ba?" Tumango ang babaeng sinusundan ko.
Tinakpan nila ang kanilang mga bibig at kinilig? Ganito ba talaga ang mga babae rito? Sobrang mahinhin.
"Sa susunod na linggo na ang pista sa atin. Maraming mga kalalakihan ang pupunta at isa na si Rigo." Kinikilig na sabi ng isang babae na may sayang kulay bughaw.
Rigo? Artista ba 'yon dito?
"Lahat ng kababaihan na ka-lugar natin ay mga nakahanda na para sa darating na pista. Lahat mga nagagalak at pinaghahandaan, Marie." Sabi ng isang babae na may kulay luntian na saya.
Marie pala ang pangalan ng isa.
"Kaya dapat tayo'y maghanda rin. Isa ang mga pamilya natin na namumuno sa bayan ng San Bartolome. Lalo na ang pamilya mo, Dette." Saad ni Marie sa babaeng sinusundan ko. Dette pala ang kanyang ngalan.
"Kaya nga bumili na ako ng aking maisusuot sa pista. Isang beses lang mangyayari ang pista sa ating lugar," ngiting sabi nung Dette sa mga kaibigan n'ya habang nakatingin sa kahon na naglalaman ng kanyang saya.
"Kaya nga ang inipon ko rito sa maynila, binili ko nito." Nilabas n'ya ang kanyang saya na kulay rosas at pinakita sa mga kaibigan.
Namangha ang dalawa.
"Kay ganda ng inyong saya, waring sa'yo lamang titingin ang mga mata ni Rigo."
Ngumiti lang 'yung Dette.
"Sasabay kaya s'ya sa atin umuwi bukas ng umaga?"
Walang naka-imik at 'di alam kung ano isasagot nila.
Sino ba 'yong Rigo na 'yon? Gwapo ba 'yon? Artista at kilig-kilig sila? Kamukha ba n'ya si Donny Pangilinan? O, baka si Daniel Padilla para tilian s'ya ng ganyan.
"Kailangan na natin makauwi, at gayong magtatakip-silim na," suri ni Marie sa paligid.
Naglakad sila at nagpara ng isang kalesa. Sumakay ang tatlo at 'di ko na sila nasundan.
Nandito pa rin ako sa Plaza ng San Lorenzo Ruiz. Pumunta ako sa gawing kaliwa at tinignan ang naggagandahang mga bulaklak sa plaza'ng ito.
'Di ko alam pero may kumuha ng atensyon ko. Lately, nagiging tsimosa na ako dahil sa weird na panaginip na 'to.
Naglakad ako sa nagkukumpulang mga kalalakihan. Nakaupo sila sa isa sa mga fountain na nandito.
"Sa susunod na linggo na ang pista sa atin, makakaluwas na uli tayo sa bayan." Sabi ng lalaki na may bughaw na sumbrero.
Tatlong kalalakihan sila. Mga nakasuot na barong tagalog at ang dalawa ay may suot na sumbrero.
"Makikita na uli natin ang mga nagpalaki sa atin," wika ng isa na nakatabi ng naka-bughaw na sumbrebro.
"Tatlong araw na walang aral. Tatlong araw na igugugol natin ang ating mga sarili sa pista. Anong masaya roon, Andres at Faustino?" Nakayukong sabi ng naka-itim na sumbrero sa dalawang lalaking unang nagsalita.
Napakamot ang dalawa, "Hindi ba't maganda 'yon? Makikita natin ang ating mga magulang. 'Di 'yong puro aral tayo sa Maynila." Pangangatwiran ni Andres - s'yang sabi ng naka-bughaw na sumbrebro.
Tiningala ng naka-itim na sumbrebro ang dalawang kasama n'ya at laking gulat ko na s'ya 'yong lalaki sa hospital at sa paaralan doon sa panaginip ko.
Teka! Sila na naman ang mga nasa panaginip ko. Sobrang weird na nito.
"Ayos sa pakiramdam subalit kaakibat nito ay atin pagkaonting pagkatuto."
Hindi kumibo ang dalawa. Parang sumuko na sila sa pagkikipagtalo rito.
"Ika'y ba'y may iniiwasan sa ating bayan? O, baka naman ika'y nag-aalala dahil maraming makakasulyap sa iyong prinsesa, Rigo."
Rigo? S-s'ya 'yong pinag-uusapan nila Dette.
Sinulyapan ko s'ya. B-bakit gano'n nakikita ko ang mukha n'ya. Noong nakaraang panaginip 'di naman? B-bakit?
Umatras ako habang nakatingin pa rin sa kanila. 'Di ko inalis ang mga mata ko sa kanila. Gano'n pa rin nakikita ko talaga mga mukha nila. 'Di na blurred ang mga face nila.
Tumingin sa gawi ko ang nagngangalang Rigo. Gano'n pa rin ang tingin n'ya, kumakausap ang mga mata n'ya at waring may gustong sabihin sa akin.
Ngumiti s'ya sa akin at sa mga labi niya ay kusang gumalaw parang may gusto s'yang sabihin sa akin.
"Ilig-"
Nang may biglang bumangga sa akin. Isang kalesa.
Napabangon ako bigla. Napahawak ako sa aking dibdib. Hinahabol ang aking hininga.
Umalis ako sa kama at nakita kong mag-aalas-singko pa lang ng umaga.
Bumaba ako. Umupo sa sofa. Inalala ang panaginip. Nagiging weirdo na talaga ang panaginip ko. Paulit-ulit na sila ang nakikita ko.
Rigo? Dette? Sino ba talaga sila?
Iyong Rigo may gusto s'yang sabihin sa akin. May gusto s'yang may malaman ako.
"Ah!" Sabay gulo ng buhok ko. "Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Nababaliw na yata ako. Panaginip lang naman 'yon, Nicca." Paulit-ulit na sabi ko.
Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Pampakalma. Baka makatulong sa akin.
Naabutan ako ni mommy, "Oh, anak, ang aga mo yatang nagising?" Tumingin s'ya sa orasan at kumuha ng tasa, "alas-singko i-medya palang," nagtitimpla rin s'ya ng kape.
Sumipsip ako ng kape, "naalimpungatan lang ako 'my, hindi na ako dinalaw ng antok." Pagsisinungaling ko.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang panaginip ko. Sino kaya sila?
"Pupunta pala ang mga pinsan mo ngayon. Dadalawin ka."
Napatayo ako at tinignan si mommy na naglalakihang mata.
"Seryoso 'my?"
"Oo, anak, bakit?"
Yari ako. 'Di ko pa tapos ang mga requirements ko. Sa monday na ipapasa 'yon. Kung pupunta sila mamaya, dapat matapos ko na ang mga requirements ko.
"W-wala naman, 'my," tumayo ako habang inuubos ko ang kape. "Mommy, mauuna na ako. Tatapusin ko na mga requirements ko." Sabay takbo ko sa room ko.
Kapag nandito sila wala akong nagagawa kahit 'yong mga importanteng bagay. For sure, 'yong requirements ko, 'di ko matatapos. Gusto ko grumaduate!