"Kay ganda talaga niya."
"Mala-anghel ang kanyang mukha."
"Buti na lang 'di malubha ang kanyang pagbagsak."
Sari-saring mga bulong ang naririnig ko, 'di na nga bulong ang mga ito dahil sa sobrang lakas naman.
Nilibot ko ng tingin kung sino ang kanilang pinag-uusapan. Nakita ko ang isang babae na naglalakad sa malawak na daan, may kasama itong dalawa ring babae. Ang kanilang katawan ay balingkinita. Ang buhok ng nasa gitna ay hanggang beywang at ang dalawa naman ay may katamtamang haba ng buhok.
Tinitigan ko ng mabuti ang babaeng nasa gitna, parang nakita ko na s'ya noon.
Pilit na inaalala ko kung sa'n ko s'ya nakita habang nakatingin ako rito.
Aha! S'ya n'yong babae sa hospital. S'ya 'yong nasa panaginip ko. Kahit 'di ko maaninag ang kanyang mukha noong nasa hospital at ngayon, natatandaan ko naman ang hubog ng kanyang katawan at hugis ng kanyang mukha. Hanggang ngayo'y 'di ko pa rin maaninag ang kanyang mukha, natatakpan ang kanyang mukha ng kanyang bangs.
Dumaan ang tatlong babae sa mga babaeng nagbubulungan kanina. Kung bulong nga 'yon.
Nakatayo ako ngayon sa isang silid kung sa'n naroroon ang tatlong babae. 'Di ko alam kung bakit ko sila sinundan pero kusang lumakad ang mga paa ko.
Nasa isang paaralan pala ako. Weird nga lang dahil ang sinauna ng ekswelahan na 'to.
Gawa sa kahoy ang silid, ang mga upuan at lamesa ay pangdalawahang tao. Ang ambiance ng silid na ito ay nagpapakita ng kalumaan.
Biglang may pumasok na isang babae. Base sa nakikita ko nasa late 50's na ito. Ang kanyang tindig ay sopitiskada, pananamit n'yang bestida ay hanggang talampakan, may salamin s'ya sa mata na sobrang kapal at nakapusod ang kanyang buhok. Nagbibigay ang kanyang awra na masungit s'ya.
"Magandang araw, Ginang Marcos," sabay-sabay na bumati ang mga tao sa silid.
Teka, sila lang ba ang mga estudyante rito? Nasa dalawam'pu lamang sila ngayon at puro babae pa.
Narito ako sa pinakalikod at pinagmamasdan silang lahat.
Tuwid na tuwid ang pagkakaupo nila, parang may ruler ang kanilang mga likod.
Nag-umpisa na ang kanilang diskasyon, wala naman yata ako mapapala rito kaya ang lumabas ako ng silid nila.
Lumakad ako sa paaralang ito kahit 'di ko alam kung sa'n ako pupunta.
Tinatahak ng dalawa kong paa ang papuntang kanlurang bahagi ng paaralan.
May dalawang building ang school na 'to. Isa sa silangan at isa rito sa kanluran. Bawat building ay may tatlong palapag at apat na klassroom kada palapag. Weird. Bakit dalawang building lang? Konti lang ba talaga ang mga estudyante rito?
Lakad lang ako nang lakad ng may marinig akong nag-uusap. 'Di naman sa pagiging tsismosa. Lumapit ako sa dalawang lalaking nag-uusap sa 'di kalayuan sa'kin.
"Okay na pala s'ya?" Tanong ng isang lalaking 'di gaanong katangkaran.
"Ayos na s'ya," sagot ng isang lalaki.
Teka, parang natatandaan ko s'ya! Lumapit ako ng kaunti sa kanila para makita ng malapitan ang lalaking sumagot kanina.
Pero, 'di ko maaninag ang kanyang mukha, nagiging malabo ang kanyang rehistro sa akin.
S'yang-s'ya iyong nasa hospital. S'ya n'yong lalaking nakatitig sa akin. S'ya talaga 'yon.
Nagulat ako ng bumaling ang kanyang tingin sa akin. Parang nakikita na naman n'ya ako.
Bigla s'yang ngumiti. Sa akin ba s'ya nakatingin at nakangiti? Sa akin yata.
Tumayo s'ya at 'di pinansin ang lalaking kasama n'ya kanina, na waring may tinatanong ito rito. Lumakad s'ya papunta sa p'westo ko. Oo, sa p'westo ko.
Malapit na s'ya akin, nang may bigla akong narinig na malakas na ingay.
Bigla akong napabangon ng marinig ang ingay na 'yon.
"Gigisingin na dapat kita, Nicca. E, tinaas ko muna itong bintana mo rito para pumasok ang sinag ng araw,"
Nakatingin lang ako kay Mommy habang nakaharang ang kanang kamay ko sa mukha dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko. Pinatay ko na rin ang alarm clock ko gamit ang kaliwang kamay ko.
"Anak, bumaba ka na r'yan para makakain ka na. Papasok ka na mamaya, ilang linggo ka rin 'di nakapasok," isasarado na n'ya sana ang pinto nang may maalala s'ya.
"Oo nga pala, ngayon pala ang graduation pictorial n'yo. Kaya dapat talagang pumasok ka." Paalala sa akin ni mommy.
Gradpic. Friday nga pala ngayon.
Nakaupo pa rin ako at inaalala ang panaginip ko. Sila pa rin 'yong nasa panaginip ko. Weird. Hanggang ngayon 'di ko pa rin maaninag ang kanilang mga mukha.
Iniling ko na lang ang aking ulo at ginulo ang buhok ko. Panaginip lang 'yon, Nicca. Panaginip ulit 'yon. Pakukumbinsi ko sa aking sarili.
Nag-asikaso na ko at bumaba ng matapos.
Nadatnan ko si mommy na abala sa panonood.
"Oh, anak, kumain na tayo. Kanina ka pa kita hinihintay bumaba." Tumayo s'ya at pumunta sa kusina.
Hinayaan n'yang nakabukas ang tv. Ganoon naman lagi si mommy.
"Ang daddy mo pala maaga umalis, may meeting sila ngayon,"
Tumango ako rito. Naiintidihan ko naman si daddy. Trabaho n'yon.
Nang magising ako nang araw na 'yon, kinagabihan dumating din si daddy. Sermon ang naabutan ko sa kanya. Bakit daw ako naroon sa lambak na dis oras ng gabi? Bakit daw ang tanga ko, ang laki-laki ko na nahulog pa ako?
Natapos kami kumain, aalis na sana ako, "Nicca, may susundo pala sa'yo," pagkasabi ni mommy nu'n, biglang may bumisina.
"Nand'yan na yata s'ya," sabay kaming lumabas, bumungad sa amin si Rico.
"Iho," yumakap at humilik sa pisngi si Rico kay mommy. "Kumain ka na ba?"
Tumango ang huli, "Opo, tita. Alam mo naman po si mommy." Sabay ngiti nito.
Nandito lang ako sa gilid at tinitignan sila.
Gumawi ng tingin si mommy sa akin, "Oo nga pala! Hala, sige mga bata pumasok na kayo. Graduation pictorial n'yo pala ngayon." Sabay hila sa akin at pinasok sa passenger seat.
Malapit lang naman ang school namin ha?
Sumunod naman agad si Rico at sabay kami kumaway kay mommy.
Nasa kabilang street lang ang bahay nila Rico. Ang pamilyang Marcos-Olivarez. Matalik na magkaibigan ang pamilyang De Jesus at Marcos simula pa sa mga lolo't lola namin sa talampakan.
Kinain kami ng katahimikan habang papunta sa school. Feeling ko sobrang layo ng school namin.
"Sana 'di mo na ko sinundo. Okay naman na ako," pagbasag ko sa katahimikan.
Tumingin s'ya akin at binalik agad ang tingin sa daan.
"Okay lang. Saka nagrequest si tita na sunduin at ihatid kita baka mapahamak ka na naman daw."
Tinaasan ko s'ya ng kilay at inikutan ng mga mata. 'Di na ko bata. Saka, s'ya naman ang dahilan kung bakit naaksidente ako.
'Di pa n'ya naaayos ang pagkakaparada ng kotse, bumaba na ko. At, mabilis na lumakad papunta sa silid namin.
Hinihingal akong nakarating sa classroom. Pagkapasok ko lahat sila nakatingin sa'kin. Para silang nakakita ng multo. Sa gandang ko 'to?
Tinarayan ko sila at umupo sa p'westo ko.
"Nicca!" Ang tinis talaga ng boses ni Angie. Sumakit yata tenga ko.
"Ang ingay, Angie," sermon ko rito. Tumawa lang huli, "Pasensya ka na, namiss ka lang namin. Sobra kaming nag-alala sa'yo." Tumango naman si Rhia na nagsasabi na totoo ang sinasabi ni Angie.
"Namiss ko naman din kayo," pagkasabi ko nu'n sabay nagtatalon-talon ang dalawa.
"Ay! Oo nga pala, Nicca," umupo ang dalawa sa tabi ko. Sa pagkakasabi ni Angie parang may tsismis s'yang nakalap. "Sabay raw kayong pumasok ni Rico? Talaga ba?" Sabay sangga sa siko ko.
Sasagot na sana ako ng may naunang nagsalita sa akin.
"Nicca, iyong payong mo nahulog," sabay-sabay kaming tumingin sa lalaking kakapasok lamang. Si Rico.
"Ayiie! Sabay nga!" Kinikilig na sabi ng dalawa. Yuck. Kadiri.
Lahat ng mga classmate namin, sa amin na nakatingin akala mo nanonood ng teleserye.
"Anong titingin-tingin n'yo?" Malakas na sabi ko sa kanila. Tumayo ako at kinuha ang payong kay Rico. Pahamak talaga ang isang 'to.
Bumalik ako sa upuan at nanahimik. Pati ang dalawa tumahimik din. Alam nilang naiinis na ako.
Nag-umpisa ang klase namin ng tahimik at maayos. Lahat kami ay abala para sa mga requirements na ipapasa. May iilang prof na nagturo, pumunta lamang sa classroom para i-remind sa amin ang mga requirements.
Lahat kami nagkakahog para sa mga ito.
"Alas-tres na, guys. Graduation pictorial na natin. Pumunta na tayo sa accreditation room." Announcement ni Rico sa amin.
Wala kaming nagawa. Tinigil namin ang mga ginagawa at niligpit ang mga ito.
Kanya-kanya kaming pumunta sa accreditation room.
"Nicca," tumingin ako kay Rhia na ngayo'y nakatingin sa akin.
"May tsismis kaming narinig ni Angie habang nasa hospital ka," nagkatingin ang dalawa. "Kaibigan ka namin kaya sasabihin namin sayo," umiiling si Angie kay Rhia parang ayaw sabihin ng huli.
"Kailangan n'yang malaman,"
"'Di pa nga tayo sure, Rhia. Malay mo inaasar lang s'ya ni Kian." Kian. Pasaway sa klase.
"Pero, friend n'ya si Kian," palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
Friend ni Kian? E, ang friend lang ni Kian dito, si Rico? Si Rico ba pinag-uusapan nila?
"Teka lang, ano ba sasabihin n'yong dalawa? Naguguluhan na ako, e!" Huminto ako sa paglalakad at hinarap silang dalawa.
"EhkasiSiRichshsjfsjkskd." Mabilis na sabi ni Angie.
Ano raw? 'Di ko naintidihan.
"Teka, dahan-dahan lang, Angie. Ang bilis, e." Pag-uulit ko sa kanyang sinabi.
Bago pa n'ya ulit masabi may dalawang babaeng dumaan sa tabi namin.
"Okay na pala s'ya. Parang wala namang nangyari."
"Maganda pa rin. 'Di nga yata naaksidente, e."
"Swerte n'ya nuh? Buti na lang 'di malubha ang kanyang pagbagsak."
Pinandilatan ko sila ng mga mata at bigla sila kumaripas nang takbo. Pagtsismisan ba ako? Kasalanan ko bang maganda ako?
"Nicca, 'wag mo na silang pansinin." Hila sa akin ni Rhia. Alam n'yang papatulan ko 'yong dalawang babae na 'yon.
Nasa accreditation na kami at nag-uumpisa na ang gradpic.
Nandito kami sa labas habang tinatawag isa-isa ang mga pangalan namin para make-up-an.
Naalala ko ang nangyari kanina.
At, sumagi sa isip ko, ang panaginip ko. Gano'n na gano'n ang sinabi nila sa babae kanina. Parehas ng senaryo. Nasa gitna s'ya kasama ang dalawa babae at nasa gitna rin ako habang pinagbubulungan ng mga babaeng 'yon. Coincidence lang ba 'to? Bakit pakiramdam ko nangyari na 'to sa akin?
Weird.