Kabanata 2

1304 Words
"Ako'y humihingi ng patawad sa aking nagawa. Hindi ko sinasadya ang nangyari sa'yo. Ako'y sumusunod lamang sa alituntunin na nakasaad sa patakaran." Nakayukong sabi ng isang binata habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa kaliwang kamay ng babaeng nakahilata sa kama. Pinagmamasdan ko silang dalawa pero di ko maaninag ang kanilang mga mukha. Natatakpan ang mukha ng binata ng kanyang mga maliliit na buhok kasabay nito ang kanyang pagyuko at ang dalagang nakahiga naman ay natatakpan ng huli. "Sana ako'y iyong patawarin, pagsisisi ko'y labis-labis. 'Di ko intensyon na ika'y masaktan nang malubha." Nakayuko pa rin ito habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ng dalaga. Umupo ako rito sa upuan na gawa sa kahoy. 'Di ko alam kung ano itong mga nakikita ko baka isa lamang itong panaginip. Marahil. May narinig akong hikbi at nanggagaling ito sa binata. Lalapitan ko sana ito at bibigyan ng panyo nang may magbukas ng pinto. Biglang tinanggal ng binata ang dalawang kamay niya sa kamay ng babae at pinunasan ang kanyang mumunting luha. "Iho, maayos na ang pakiramdam niya. 'Wag ka ng mag-alala. Alam naman naming 'di mo sinasadya." Malumanay na sabi ng bagong dating na babae. Base sa aking nakikita, nasa late 40's ang babae. Siguro, anak niya ang nakahiga sa kama. Lumapit ito sa dalagang nakahiga at hinawakan ang mukha nito. Tumayo ang binata at pinaupo ang matandang babae sa upuan na gawa sa kahoy. "Tiya, humihingi po ako ng patawad sa nagawa ko sa inyong anak. 'Di ko ho sinasadya ang nangyari," nakayukong sabi ng binata. Ngumiti lang ang matandang babae sa kanya, "Huwag mo ng intindihin n'yon, iho." Nakaupo pa rin ako rito at pinagmamasdan sila. Ewan ko ba kung bakit malakas ang t***k ng puso ko at parang kilala ko ang mga ito. Tumayo ako at aalis na sana sa loob, nang mapatingin sa gawi ko ang binata. Nakatitig lamang ito sa akin na parang nakikita ako. Tumingin ako sa likuran ko at baka may tinitignan lamang ito roon, pero walang nakalagay na anumang bagay sa likod ko. Tinignan ko uli ito, at sa mga mata ko talaga s'ya nakatingin. Umatras ako habang nakatingin sa kanya nang bigla akong matumba, nawalan ako ng balanse. Bago ako mahulog sa sahig, bigla na lamang itong tumakbo papalapit sa akin pero huli na ang lahat dahil hinihigop na ko ng kadiliman. Bumagsak ako sa madamong lugar base sa nahahawakan ko. Nakapikit pa rin ako at hawak ang kabilang parte ng balakang ko. Tumayo ako habang nakahawak pa rin, masama yata ang bagsak ko. Nasaan na naman ako? Kanina nasa hospital ako at ngayon? Nilibot ko ng tingin ang paligid, puro mga puno lamang ang nakikita ko. Naglakad-lakad ako, ni-isang tao wala akong makita. Mukhang nasa ibang mundo ako. Alien. Baka totoo sila. Sa paglalakad ko, may nakapukaw sa akin. Ang library ng school. Ibigsabihin, nasa school ako! Ang naaalala ko nasa recollection kami, campfire, nasa puno ako habang nilalaro ang phone at nahuli ako ni Rico! Paanong nangyaring nandito ako sa school? Iniling ko ang ulo ko at kinukumbinsi na panaginip lamang ito. "Panaginip lang 'to, Nicca. Panaginip lang." Dinala ako ng mga paa ko sa silid namin at nakita ko si Rico na nakatayo sa harapan ng mga kaklase ko. "Hindi ba kayo nakikinig sa akin! President ako ng klaseng ito! P'wede bang makinig kayo! May announcement ako!" Sigaw nya sa mga ito. "Tsk. President ka lang, 'di ikaw iyong teacher namin at lalong 'di ikaw ang principal! Get lost, Rico!" Napatingin ako sa likod kung sa'n nanggagaling ang boses, laking gulat ko, sarili ko ang nakikita ko. Ito yata iyong pangyayari na una naming nakitang umiyak si Rico nang dahil sa akin. Walang nagawa si Rico at umalis ito sa harap namin. Biglang naglaho ang mga ito, at napalitan ng ibang senaryo. Biglang umingay ang paligid. Nagtumbahang mga silya at puro sulat ang white board. Nakita ko si Rico na nakaupo lamang sa kanyang silya at waring 'di naririnig ang mga ingay. Ito ang araw na nakuhaan kami ng id's. Araw na pinaluhod kami sa harap ni Rico. Araw na pinagalitan kami ng adviser namin. Araw na wala ng pake sa amin si Rico. Teka, patay na ba ako? Ito na ba iyong sinasabi nilang 5 seconds of your flashback? Mukhang totoo ang mga sinasabi nina Angie at Rhia. Ayoko pa mamatay. 'di totoo iyong sinabi ko kanina. Biglang uli sila nawala. Isang silid na walang laman na lamang ang natira. May naririnig akong boses, 'di ko alam kung sa'n 'to nagmumula. "Nicca. Nicca, gumising ka na! Nicca!" Rico. "Rico!" Biglang bangon ko. "A-aray!" Hawak ko sa noo ko. Ang sakit. Tumama ako sa matigas na bagay. Nakayuko ako habang hinihimas ang noo ko. "S-sorry, Nicca," may narinig akong boses. Kilala ko ang boses na 'yon. Dahan-dahan kong tumingala at nakita ko si Rico na nakahawak din sa kanyang noo. Mukhang noo niya nyong matigas na bagay kanina. Tinignan ko s'ya ng masama. Ang sakit, e. "Argh! 'di ka nag-iingat! Ang sakit!" Nakita ko sa kanyang mukha ang pagiging guilty. Kinokonsensya n'ya ba ako? Natatandaan ko, kung 'di dahil sa kanya wala dapat ako rito. Teka, sinumbong ba n'ya ako kay Sister? "'Di kita sinumbong," umiiling na sabi n'ya. "Sorry pala sa nangyari, kung 'di dahil sa akin wala ka dapat d'yan." Sabay yuko n'ya. Umiwas ako ng tingin, "Nasa safehouse ba tayo?" Pag-iiba ko ng usapan. "Wala na, Nicca. Dalawang linggo na ang nakakaraan ng madulas ka sa lambak," Dalawang linggo? Seryoso? "S-seryoso?" pandadalawang isip ko. "Oo, nag-aalala nga lahat sa'yo. Teka!" Biglang tayo niya at lumabas ng kwarto ko kung nasa'n kami ngayon. Teka, sa'n pupunta n'yon? Bigla rin nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang mga nurse. Mukhang nakalimutan niyang gising na ako at kailangan akong tignan. Ilang minuto rin bago natapos ang mga nurse. "Nakalimutan mo?" "S-sorry, natuwa lang ako na nagising ka na. 2 weeks kasi," sabay kamot n'ya sa ulo. "Sinabihan ko na rin parents mo at sila Angie na gising ka na. Sobra silang nag-aalala. Si Tita Guin 'di umalis sa tabi mo hangga't 'di ka nagigising. Umuwi lang ngayon para magluto ng makakain mo kung magigising ka na. Pero, gising ka na at tuwang-tuwa s'ya sa binalita ko." Masayang pahayag niya sa akin. Mommy talaga. "Si Tito Fin naman inasikaso ang business n'yo. Pero panay tawag sa akin para humingi ng updates sayo." Dugtong na sabi niya sa akin at tumango ako at humiga na lang uli. "Saka nga pala, Nicca, graduation pictorial na sa friday." Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Gradpic. "Anong araw ngayon?" Tanong ko rito. "Wednesday," Tumango ako rito. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito, bumungad sa amin si mommy na masayang-masaya. "Anak, jusko! Buti gising ka na. Nag-aalala kami lahat sa'yo." Sabay yakap sa akin ni mommy. "Papunta na rin ang daddy mo, 'di niya na tinapos iyong meeting nila. Ang mga aunti at pinsan mo ay pupunta bukas," "Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ni mommy sa'kin. "Okay lang po ako, 'my," ngiti ko rito. "Okay lang po si Nicca, Tita Guin. Chineck na po s'ya ng mga nurse at ni doc. Wala naman pong nakitang masama sa kanya," singit ni Rico. "Makakalabas na rin po si Nicca bukas, tita." Dugtong niya. "Buti naman. Salamat sa pagbabantay mo kay Nicca, Rico," sabi ni mommy sa huli. "At, ikaw naman Nicca, 'di ka kasi nag-iingat, buti na lang nandoon si Rico ng mahulog ka sa lambak. Anak naman ingatan mo sarili mo." Baling agad sa akin ni mommy. 'Di niya sinabi ang totoo kay mommy? Tumingin ako sa kanya at ngiti lang ang binigay niya sa akin. Mabait naman pala. Sermon na naman ang aabutin ko kay mommy. 'Di nga sinabi, ako naman ang lagot. Paano pa kay daddy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD