"Sabi nila kapag malapit ka na raw mamatay makikita mo raw ang mga nangyari sayo noon at bumabalik ang mga alaala mo malungkot man o masaya." Mahabang paliwanag ni Angie sa kanila.
Nagkukwentuhan sila tungkol sa limang minuto pagbabalik tanaw o 5 seconds of flashback bago ka raw mamatay. Kamatayan. Tsk.
"Duh! Sino naman nagsabi sayo n'yan, Angie? Eh, 'di mo pa naman nasusubukan mamatay?" Sabat ko sa usapan nila.
Kung mamamatay ka, edi mamatay ka! 'di 'yong may pa-throwback pa silang nalalaman.
"Nabasa ko sa inter--"
"Internet? Nagpapaniwala ka sa internet," putol ko sa kanya.
"Maniniwala lang ako kapag nangyari na 'yon sa isa sa atin. Five seconds of flashback." Dugtong kong sabi at saka tumayo sa pagkakaupo sa mahabang putol na puno na narito.
"Teka, Nicca! May sasabihin sa atin si Sis--"
Tinaas ko ang kanang kamay ko kay Rhia. Hudyat na wala akong pakealam sa sasabihin n'ya.
Nakakainis! Bakit kasi may recollection pangnalalaman! Gagraduate na lang kami lahat-lahat may paganito pa iyong school namin. Kaartehan.
Kapag nga naman minamalas ka, makakasalubong ko pa itong si Rico.
"Nicca, sa'n ka pupunta? Mag-uumpisa na ang recollection ha?" Sabi niya sa akin ng makita niya akong paalis sa kumpulan ng mga kapwa naming estudyante. Hindi ko siya pinansin at dinaanan lamang.
Naaartehan talaga ako sa kanya sa pagiging goody-goody niya. Kung di lang matalik na magkaibigan ang mga magulang namin, nabatukan at nakarinig na s'ya sa akin na hindi maganda.
"D'yan lang," walang gana kong sabi sa kanya at nilampasan ito.
Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatingin din pala s'ya sa akin. Binalik ko ulit ang tingin ko sa harapan. Nagsasayang lang ako ng oras para sa kanya.
Pumanik ako sa safe house namin. Isang bahay na gawa sa kahoy. Iyong mga nakikita at napapanood niyo sa mga horror movie. Gano'n ang itsura nitong safe house namin. Creepy.
Umakyat ako sa pangalawang palapag kung sa'n ang kwarto namin nina Angie at Rhia. Nakakatakot nga ang hagdan dito kapag inaapakan mo ito nagkakaroon ng ibang tunog, iyong sound sa mga horror movies.
Kaibigan ko ang dalawang 'yon sina Angie at Rhia pero masyadong silang mabait para sa'kin. Pero, ito ako bulakbol pero may ibubuga sa klase.
Hinanap ko agad ang cellphone na tinago ko mula kay Sister para di niya makumpiska. Kinumpiska kasi ang lahat ng gagets namin nila Sister. Boring na nga rito sa lugar na'to. Wala pang gadget. Hays.
Pinower-on ko na ang tinago kong phone na may biglang nagbukas ng pinto.
Buti na lang naitago ko agad sa likuran ko. Buti na lang mabilis ang naging kilos ko.
Bumungad sa akin si Rico. Akala ko si Rico lang pero nang tuluyang bumukas ang pinto, nakita ko si Sister.
Pambihira. Lagot.
"Nicca Mae De Jesus." Tawag nito sa akin. Buong pangalan ko pa ang sinabi. 'Nimal na Rico 'to!
"Sister," tumayo ako habang inaayos sa likuran ko ang cellphone.
"Recollection na anumang minuto, binibining De Jesus. Kaya bumaba ka na." Mahinang sabi ni Sister sa akin habang tinuro ng kanyang kamay ang palabas sa silid namin.
De Jesus.
Pagkatalikod ni Sister, pinandilatan ko ng mata si Rico. Yari ka sa akin mamaya.
Binangga ko s'ya at sumabay sa paglalakad kay Sister.
Nang makarating kami sa campfire, nandoon na silang lahat at nakabilog na sila roon. Kami na lang pala ang hinihintay.
Gumitna ako kina Angie at Rhia. Ayoko tumabi kay Rico dahil sa kanya nandito ako. Dapat na sa kwarto ako at naglalaro gamit ang phone na tinago ko.
Nang matapos ang recollection, nagkanya-kanya na sila ng tayo para bumalik sa safe house.
Tumayo na rin ako pero ibang daan ang tinahak ko.
Hindi rin ako napansin nina Angie at Rhia na wala na ako sa likuran nila.
Sa paglalakad ko, nakarating ako sa pinakadulo ng lambak sa kakahanap ng signal. Maraming signage ang nakalagay rito pero hindi ko pinansin ang mga iyon.
Umupo ako rito na malapit sa lambak habang naglalaro sa phone na tinago ko. May harang naman na kahoy sa dulo ng lambak.
Dahil sa mabagal na signal, nilibot ko ng tingin ang buong paligid at may nakita akong isang puno na malapit sa lugar.
Umakyat ako rito habang nakataas ang phone para makahanap ng signal.
"Gumana ka naman, mananalo na 'ko," Piping-dalangin ko habang mahigpit na hawak ko sa aking phone.
Naiinis na ako sa phone na 'to. Bwisit kasi. Sa'ng lugar ba kami naroroon at walang signal dito.
Tumayo na ako sa isang sanga ng punong 'to habang nakataas ang dalawang kamay ko na nakahawak sa phone. Malapad naman ang sanga na ito kaya 'di ako mahuhulog.
"The enemy has been slain. Vic--"
"Nicca, anong ginagawa mo rito?"
Napaupo ako sa sanga habang nakahawak ang isang kamay ko sa dibdib ko. 'nimal, muntik na ako mahulog.
'Di pa ako nakakarecover ng magsalita uli s'ya.
"Bakit may cellphone kang dala? Diba kinumpiska ni Sister ang mga gadget natin?"
'nimal. Dobleng 'nimal. Nahulog ko iyong phone. Lagot.
Dinungaw ko siya sa baba at laking gulat kong si goody-goody pala ito. Kapag nga naman minamalas talaga. Malas ka talaga sa buhay ko Rico!
Tinignan ko s'ya ng masama. Pero, 'di sya natinag.
"Nicca, inuulit ko. Bakit may phone kang dala?" Bakas sa boses niya ang galit.
Ayan na ang monster voice n'ya. Akala naman n'ya matatakot nya ako. Nicca Mae De Jesus.
"Tinago ko," sabi ko rito habang pababa ako sa puno na 'to.
"Pinagba--"
Bago pa niya matapos ang sasabihin n'ya, bigla ako nahulog, namali ako ng pagbaba.
Akala ko babagsak ako sa mabatong lupa at sasakit ang katawan ko ng ilang araw pero hindi. Dalawang braso ang nakahawak sa katawan ko.
Binuksan ko nang dahan-dahan ang dalawang mata ko. Namilog ang mga mata ko ng makita kong ang dalawang bilugang mata ni Rico na nakatangin sa akin. Dali-dali akong bumaba kay Rico. Nadatnan ko siyang nakatulala sa akin.
Iniwanan ko s'ya at nauna ng naglakad. Bahala na kung isumbong n'ya ako kay Sister. Bahala s'ya sa buhay n'ya.
'Di pa ako nakakalayo ng madulas naman ako at gumulong-gulong ako pababa ng lambak.
'nimal, di nga ako nahulog sa puno. Nadulas at gumulong-gulong naman ako sa putik.
Sobrang sakit ng buong katawan ko, at huling kita ko lang ay si Rico na tumatakbo papalapit sa akin.